Miyerkules, Agosto 28, 2013

SARISARI O VARIETY STORE

SARISARI O VARIETY STORE

(August 29, 2012-Huwebes… Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “SIMPLENG KABUHAYAN”. Host –Ms Lucy Duce)

 (PLAY INTRO-SIMPLENG KABUHAYAN)

LUCY:  Good morning Kaka Alih.  

Kaka Alih:  Good morning Lucy, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam.

LUCY:  Anong simpleng kabuhayan ang maibabahagi mo sa amin ngayon umaga?  

Kaka Alih:  Simple lang naman, Lucy, Variety store na lalong kilala sa tawag na sari-sari store.

Ang sarisari which in  English ay we call it, variety store.  Ang mga Sarisari store na ito ay karaniwang nakikita sa mga Barangay, madalas sa kanto ng mga daanan, o dili kaya ay   nasa mataong mga lugar.

Ang variety o sarisari store na  ito  ay nagtitinda  ng  ibat-ibang goods o paninda, mula sa unang pangangailangan sa kusina,  sa bahay, personal na gamit, ang madalas daw napkin ng babae. Bakit? (PLAY LAUGHING)
typical sari sari store...
http://www.holidayphilippinesblog.com/filipino-culture-food/
sarisari-store-filipinoretail/

LUCY:  Bakit Kaka may nagnanapkin  ba na lalaki?  (PLAY LAUGHING)

KAKA ALIH: Anong malay mo, kaya sinisigoro ko lang na pambabae yang napkin. (PLAY LAUGHING)  

Anyway tuloy tayo sa usapin na sari-sari iwan natin ang napkin. Basta tinatawag na sari-sari, maraming klase ang paninda, anything in this world, mayroon .. ang pinaka-latest daw ay ang load…sa celpon. (PLAY LAUGHING)  at marami pang iba. Kong  ano  ang hinahanap ng kanilang  customers  ay siya   ipinagbibili ng mga sari-sari store na ito. Madalas ang mga pagkain nakalagay sa garapon, subalit dahil medyo may kamahalan ang garapon sa ngayon, nakasabit na lamang dahil nakasupot naman ito sa plastic, pati cooking oil na dati nakagay sa botelya ay nakasupot na rin ng plastic.

Marami na sa Pilipino ang umunlad dahil sa sari-sari store, dahi sa magandang pamamalakad,  subalit marami din ang sumubok, na pawang failure naman,  na sa loob ng isa, dalawang buwan ay dahan dahan nauubos ang paninda hanggang sa magsasara na, therefore bagsak ang negosyo. (PLAY LAUGHING)  Bakit Kaya? Iyan ang aalamin natin, Kuya, Ate..

Ang sari sari  store ang karaniwan ay ang pinagsisilbihan ay ang mga mamayan sa barangay,  kaya naman ang paninda ay yaong  mga pangangailangan ng karaniwang pamilyang Pilipino.

Ang sarisari store na  ito  ang gumaganap na retailers o tindahang nagtitingi.

Ang Sari-sari Store ay kabilang sa small and medium enterprise na siyang pinagkukunan ng bansa ng kabuhayan ng mahihirap na mamamayan.  Kahit saang sulok ng bansa ay makakakita ka ng maliliit na tindahan maging iyan man ay tindahan ng bagoong, suka, bawang o paminta.

Reminders my friend, Huwag padalos dalos, na dahil nakakita ka lang ng nakabili ng karaoke na may sari-sari store na magpapatayo ka na rin. Ano mang negosyo ay kailangan ang plano, at kailangan malaman ang mga pros-and-con. Ano ang mga posibleng hadlang. Ano ang tama at  mali.

Sa pag-gawa ng  plano ay mahalaga dahil ang sa plano ay malalaman mo ang kikitain ng iyong negosyo sa hinaharap.

Malalaman mo sa plano kung anong parte ng iyong negosyo ang pwedeng pagbutihin.

Pinapakita ng isang plano kung magkano ang kikitain at gagastusin ng iyong maliit na negosyo.

Pagkatandaan lamang na pag gumagawa ka ng  plano, gawin itong simple, madaling gamitin at madaling abutin.

Piliin ang pinakaakmang panahon para sa plano maaring itong hatiin  sa lingguhan o buwanan.

Gawin ang mga ito bago kinakailangan gamitin. Huwag hintayin na matapos ang isang plano bago simulan ang susunod at paikutin ang iyong mga plano.

Maghanap ng impormasyon, magresearch  iwasan ang manghula lang. Halimbawa saan mo kukunin ang iyong supply o ititinda, papaano makakarating sa inyong tindahan?

Walang balakid sa pagsisimula ng isang sarisari store dahil sa kahit ang isandaang piso ay makapagsisimula ka ng isang negosyo. Simulan mo sa mga paninda na kailangan ng pamilya, para kahit walang bibili ay di masasayang, dahil kayo ang gagamit. Ilista ang hinahanap ng inyong mga customers, at iyon ang priority ninyong ikumpra o bilhin.

Maghanap ng suki na tindahan, makipagkaibigan dito, o ipaalam sa may-ari o manager na kayo ay nagsisimula pa lamang sa inyong sari-sari store.

Ang payo ng Kapatid na Meranaw, kong mamimili ka ng paninda, huwag ubusin ang capital, kalahati lamang, reserved ang kalahati sa capital.. dahil hindi mo pa alam ang mga item na kailangan ng inyong customers… ang mga Chinese traders “daw” magtitiwala sa inyo kapag napansin na palaki ng palaki ang nabibili ninyo sa bawat kumpra ninyo, hindi yaong paliit ng paliit, ibig sabihin palugi ang negosyo.

Sa hirap ng buhay ngayon, kung saan marami ang nawalan ng trabaho, mainam na malalaman natin papaano magpalago ng isang sari-sari store. Huwag mag-pautang, that is the general principle, but wala pang negosyo na walang pautang, kinakilangan maunawaan ng husto ng inyong customers kong bakit di kayo nagpapautang, dahil maliit lang ang capital? Huwag sabihin na wala akong tiwala sa inyo, kasi kilala na kita na hindi marunong magbayad.. (PLAY LAUGHING

Magsasara na po ako ng tindahan este hanggang ditto na lang muna,   heto po  ang inyong  Kaka Alih, na nagsasabing, ang taong nagsisikap ay may magandang naghihintay na kinabukasan  Sukran at maraming salamat, wasallamu alaikum warahamatullahi wabarakatuh.


(PLAY EXTRO-SIMPLENG KABUHAYAN)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento