Linggo, Nobyembre 24, 2013

UPO-part 2

(September 25  2013-Lunes - Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce.       
         
(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

Upo, which in Iranun is "labu"
LUCY:   Magandang umaga Kaka Alih, kumusta na  ang iyong umaga at ano ang ibabahagi mo ngayong umaga?  

ALIH:   Hahahaha.. Lucy, ano pa nga ba..   eh di gulay pa rin  tayo, este its fine, nag-gugulay na rin ako (PLAY LAUGHING) but kaibigan please huwag mata-matain ang gulay, ano mang ay pampapalakas dahil ay maraming sustansiya!!!

LUCY:   at huwag kalimutan ang payo ni Doc Willie na kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw kong gusto mong humaba ang iyong buhay.

ALIH:  Tama!  But before anything  else Lucy eh, allow me to greet everybody,     with sweet “Good morning, ladies and gentlemen” in Filipino ay… magandang umaga mga kababayan ko… Sa mga kapatid na Muslim,  my greetings ng: asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.

Buweno tulad ng nasabi natin, pampalakas at pampalusog na gulay ang ibabahagi ko ngayong umaga, …tantaraan!!!!  ang Upo.

Ang  scientific name ng upo ay Lagenaria siceraria at sa  Ingles called is as  calabash or other called it white squash (putting kalabasa). Ang tawag dito ng Iranun at Teduray ay labu…

Ang Upo  ay isang uri ng halamang baging o gumagapang na may mga mahahaba at mapuputing bunga na kahugis ng batuta. Ang kinakain o ginugulay ay ang bata pang bunga.

LUCY:   Masarap lutuin yan lalo kong  ihahalo sa native na manok.
 
KAKA ALIH:  Lucy wag mo naman akong paglawayin, maaga pa, saka na lang nating pag-usapan ang paano lutuin ito, paglabas ko, pwqede mo ng ikuwento ang pagluluto,…LAUGHING)

Ang gulay na ito ay mayaman sa carbohydrates. Ang buto nito ay maaaring mapagkunan ng langis na panggamit sa buhok.

Napakadaling patubuin ang Upo, may dalawang uri, ito ay  ang Indian club Shape at Round form.

Sa pagpili ng lupang pagtataniman, ang upo ay nangangailangan ng lupang mabuhaghag at mayaman sa organiko.  Iwasang magtanim sa mga lugar na may mataas na acidity, alkalinity o salinity. Malaki ang epekto ng hindi magandang lupa sa produksyon ng babaeng bulaklak ng tanim.

Maaaring itanim ang upo sa anumang uri ng klima. Gayunpaman, ang malakas na pag-ulan ay hindi makabubuti sa tanim. Ang temperaturang kailangan ng upo ay 300 hanggang 350C. Kapag ang temperatura ay masyadong mataas, mas maraming bulaklak na lalaki ang mabubuo na nagdudulot ng mababang ani at kita. Para sa mas masaganang ani, magtanim sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre o mula Mayo hanggang Hulyo.

Linisin, araruhin at suyurin nang dalawang beses ang lupang tatamnan. Gumawa ng tudling na may layong 3 metro at butas ng mga tudling na may layong 1 metro.

Ang upo ay maaaring itanim nang direktang buto (direct seeded) o punla (transplanted). Ang distansya ng pagtatanim ay 3 metro x 10 metro. Sa panahon ng tag-ulan, itanim ito sa bandang ibabaw ng tudling at sa bandang ibaba naman ng tudling sa panahon ng tag-araw. Maglagay ng dalawang buto sa bawat butas. Bunutin ang mga payat na punla 7 araw pagkatapos umusbong. Magtira lamang ng isang tanim sa bawat butas.

Magdamo 14 na araw pagkatapos magtanim at magsablay o araruhin palabas ng puno isang buwan pagkatanim kapag hindi naalip-ipan.

Maglagay ng abono o dumi ng hayop upang mapakinabangan ng mga pananim ang mga sustansiya mula sa dumi ng hayop. Makakatulong ang pagpapatubig dito.

Maaari nang anihin ang bunga 50 hanggang 60 araw pagkatanim. Mainam na gumamit ng kutsilyo sa pamimitas ng bunga upang mahiwa ang tangkay 5 sentimetro mula sa dulo ng bunga.

Sa pagluluto ng Upo ay abangan  sa buhay-buhay  doon tayo magluluto.

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahagi na tiyak naming na pakikinabangan nating lahat.


(PLAY EXTRO)

Larawan ng Magandang Ehemplong Pamilya


(November 25, 2012, Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –LUCY DUCE)

Larawan ng masayang pamilya 
LUCY:  Gabay KALUSUGAN  at Talakayang Pampamilya, ang tatalakayin ni Kaka Alih, ay larawan ng magandang ehemplong pamilya na mainam na tularan, kapatid maya apamilya ka na ba?

 (PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

LUCY:  Magandang umaga Kaka Alih,

Kaka Alih:  Magandang umaga namanLucy, Assallamu alaikum WW…

Sisimulan ko ang presentasyon na ito sa tanong na, kaibigan  ano ang kahulugan ng pamilya para sa iyo? 
Bakit ko ito naitanong sa inyo? Kasi po may ilang taong naniniwalang ang isang pamilya’y tulad ng isang magandang kahong puno ng mga bagay na gusto nila. Andiyan daw ang mga laman na  tulad ng pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon ng kasama (companionship) at iba pang magagandang bagay. Ito katulad sa isang kahong mabubuksan  na pwedeng buksan kailang mo gusto.

 Ang iba naman ay  naihahantulad  sa isang walang lamang kahon ang pamilya.  Nagiging maganda at makabuluhan lamang ito  depende  sa kung ano ang ilalagay mo.  Kong gusto mong may laman dapat  sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuha kang anuman mula rito.  

 Halimbawa kung nais mo ay  pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim o magpunla  muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa ating mga anak.  

 Sabagay aminin natin na pwede kang makakita  ng  maraming matatag na pamilya, sa lugar natin na Upi o sa buong mundo man.  Maaaring mayaman o mahirap sila.  Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, ng kanilang pamilya, andiyan ang pamilya ay may isang ina, ama, at mga anak, o kaya ay isang ina na may isa o higit pang anak, o dili kaya naman ay mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo. Minsan ay mayroon ding  mag-asawang walang anak. 

 Alam mo Lucy, di lang natin minsang sinabi sa ating mga program na ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng maunald na bansa.     

Ngang kapatid, kung gusto mong lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak mo, mahalagang magkaroon ka ng matatatag na pamilya.

LUCY:  Kaka Alih, matanong ko   kayo,  mayroon bang katangian na kailangan para pagbuo ng matatag na pamilya?
Nagmamahalan na magkakamag-anak

 KAKA ALIH: Of course mayron Lucy,  ika nga tulad ng halimbawa natin, para mapuno ang “kahon”, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya:   una dapat may pananagutan (commitment ) si nanay at si tatay; dapat  nagpapakita ng pagpapahalaga sa bawaty isa; may magandan silang komunikasyon, hindi nagbabangayan, dapat may dialogue;  maglaan din sapat na   panahong nagkakasama-sama kayo ng inyong pamily, ito ang tinatawag na family bonding; nararapat lamang sumusunod kayo sa inyong  mga paniniwalang ispiritwal o relihiyong kinaaniban at at bigyan  pagpapahalaga ang bawat isa;

Makatutulong din tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa,  sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang pangkat, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. 

Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya.  Halimbawa ay   sa papaano maging tapat sa inyong pamilya.  Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling nila. Tuparin din ang mga pangako sa  miyembro ng pamilya. Halimbawa kong umaalis kayo ay para makaalis kailangan mangako sa anak na bibilhan ng ganito, dapat matupad.

Sa usaping  sekswal, dapat maging tapat din tayo sa kapareha. Kong din a kaya dapat aminin.. (LAUGHING)  Dapat kayo ay   maaasahan, tumawag sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi. Yes call or text  at magsabing I love u kung naglakbay ka sa malayo. O di ba sweet? ..(LAUGHING).   Itong akin ay thru experienced,  pwede ninyong gawin o subukan itong ginawa ko na, halimbawa ay  gumawa  ng mga alaalang pampamilya,  like magtago ng family album na may mga retrato at magkuwento kayo what is behind this picture,   o di kaya koy may facebbok account kayo ay pwede mong ipost sa facebook.

Just in case, kong minsan di maiiwasan naman , o may problema family problem. Kapag may problema, tumawag kahit sa sinong membro ng pamilya na alam mo na may responsibilidad, sa isang kamag-anak, kaibigan   para matulungan kayong harapin ito.

Huwag kalimutan bigyan ng halaga ang bawat membro ng pamilya. Palpak man o achievement be positive ka ditto. Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ’y mahal ninyo. Magsabi ng anumang positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw. Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, lalo na kay nanay . ..(LAUGHING)   Hanapin ang mabuti sa bawat miyembro ng pamilya at sabihin ito sa kanila, para ma-motivate o maipagtuloy o gayahin ng iba ang magandang ginagawa.

Heto pa ang magandang ehemplo, kayo tatay, kuya,  tulungan si nanay sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba, paghuhugas ng pinggan, atbp.

Ang isang epektibo na paraan para mahubog ang anak,  isama sa trabaho ang inyong mga anak para makita nila kung ano ang ginagawa ninyo.

Magtrabaho bilang isang pamilya sa isang proyektong pang-eskwela o pangkomunidad, gaya ng pamumulot ng basura.

Kahit isang beses isang araw, kumaing magkakasalo bilang isang pamilya.

Dumalo sa miting ng mga magulang, sa isang pangyayaring pang-isport o pang-eskuwela, at sa mga seremonyang kumikilala ng tagumpay ng isang miyembro ng pamilya.

 At pinaka finally huwag kalimutan imulat ang inyong mga anak sa paniniwala sa Diyos, anoman relihiyong kayong naniniwala, dapat mong ipakita na magulang ang tamang paniniwala. Kong Islam  ang relihiyon mo dapat nagsasalah ang bawat membro ng pamilya, kong Kristiyano naman nagsisimba kayo sa mga araw na itinakda ng inyong simbahan.

Ito po ang inyong Kaka Alih.. Sukran.. Wassallam.

LUCY:  Maraming salamat Kaka, sa napakagandang  kaalaman na  yan, na iyong ibinahagi, sa kaya  mga giliw naming tagapakinig, abangan  bukas , ang iba pang segment na ibabahagi ni Kaka Ali sa Gabay kalusugan  at Talakayang Pampamilya, dahil tiyak marami pa kayong mapupulot na aral at impormasyon.

(PLAY-EXTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)



Miyerkules, Nobyembre 20, 2013

Bakit Ang Mga Magulang ay Ayaw ng Maagang Pag-asawa ng Kanilang Anak?-2

(September 21, 2013 Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –LUCY DUCE)
KALILANG PAMILYA GUYO AT CAMIR

Host/LUCY:   “Kadalasan sa   mga magulang, ay ayaw nilang magasawa ng bata pa  na ang kanilang mga anak.    Bakit nga ba ang mga magulang   ayaw na mag-asawa  ng maaga ang kanilang anak?  Ikaw Kapatid may sagot ka diyan? Si    Kaka Ali sigorado kong may sagot diyan, kaya samahan ninyo kami sa ating segment Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya, susunod na:

 (INTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)

Host/LUCY:   Good morning Kaka. Bilang magulang matanong kita, Pabor ka ba  sa maagang pag-aasawa?

Kaka Ali:  “Ako? Pabor sa maagang pag-aasawa? Kong ako ang ikakasal,  yes na yes…  .(LAUGHING).. pero kong ang anak ko, NO!  .(LAUGHING)..

Host/LUCY:   Ano? Kaka pabor ka? Pero anak mo ayaw mo…ang labo yata mo yata Kaka Alih? .(LAUGHING)..

Kaka Alih: Take easy Lucy, Mamaya sasagutin kita   kong bakit,  but again sa muli, my greeting of peace sa lahat.

Alam mo Lucy, generally speaking, ang mga magulang na tulad mo, tulad ko, hanggat maari,  ayaw natin ang ating   mga anak ay mag-asawa ng maaga.

Host/LUCY:   Bakit nga ba Kaka, paki-explain!   

Kaka Ali: Ok I will explain… “Wala  na akong mauutusan” …(LAUGHING)  heto ang sagot ng isang magulang na hindi pinapag-aral ang anak.

Pero heto ang sagot ng  isang Nanay na nainterview ko: “Payag akong makapag-asawa ang mga anak ko, provide    makatapos na sila sa pag-aaral”.

Host/LUCY:   Tama! Aral mo bago makapagpamilya.. Dahil bilang mga magulang alam nila ang hirap at sakripisyo ng pagpapamilya at pagkakaroon ng mga anak.

KAKA ALIH:  Alam nila o sadyang naranasan nila   ang bunga ng maagang pag-aasawa.  Ikaw kaibigan pabor ka ba  sa maagang pag-aasawa  ng inyong mga anak?

Balikan ko lang ang tanong ni Lucy, ang tanong  ay kong pabor ba daw akong mag-asawa ng maaga. Ang sagot ko ay pabor ako…. kong ako ang ikakasal. .(LAUGHING)..Ang problema, pwede pa ba akong bumalik sa pagkabata?

Ang sarap yata  noon .(LAUGHING)..bakit ayaw mo ba ng masarap? Halos lahat gusto ng masarap pero ako ay naniniwala na walang gusto ng hirap, alam ko din na ang gusto natin ay pawang ligaya at sarap. .(LAUGHING)..

Alam mo Lucy,, ang ating mga kabataan sa ngayon ay iilan lamang  ang  nakakaalam sa tunay na  layunin kong bakit tayo  nag-aasawa.

Mga anak makinig kayo, ang sabi ni Father: “…ang pag-aasawa ay sagrado, hindi bahay-bahayan.”

Karamihan sa mga murang edad tulad ko noon, (limampung taon na ang nakakaaraan,)  .(LAUGHING).. ay sex lamang ang unang hangad kong bakit nag-asawa , hindi ang pagpapamilya. .(LAUGHING)..

No joke Lucy, karamihan sa mga kabataan ay mahina ang “resistansya” sa paglaban sa udyok ng tawag ng kalikasan o yaong tinatawag nilang “sex”. Ang iniisip nila ay ang dulot na sandaling ligaya, Hindi pa halos  malirip sa murang isipan  ang maaring idudulot ng maagang pag-aasawa o bata pa ay nag-kakapamilya na.

Host/LUCY:   Bakit Kaka Ali ano ba ang negatibong epekto ng maaga o bata pa ay nagka-asawa na?

Kaka Alih:  Negatibo? Akala ko ang gusto mong malaman ay ang positive effect. .(LAUGHING)..

Noon kasi may mga magulang na maaga nilang pag-aasawahin ang anak, para daw may apo na sila .(LAUGHING)..sabi nila: “Anak mag-asawa kana..bago man ako bawian ng buhay, makita ko man lang ang aking apo  , kaya anak mag-asawa ka na anak.” .(LAUGHING)..

Buweno heto  ang research ni Kaka Ali,  sa bunga o epekto  ng maaagang pag-aasawa o bata pa ay nagkakapamilya  na.

Una, pag bata pa ang babae ay nag-asawa na at natural magbubuntis at pag nagbuntis, siyempre manganganak, dahil ditto maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya, at maari niya itong ikamatay, o di man ikamatay ay manghihina na ang kanyang katawan, na sanhi na madali siyang kapitan ng sakit.

Pangalawa na nalaman ko, pag bata pa pareho ang mag-asawa, madalas ang kanilang pag-aaway at pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa, akala kasi ni babae at ni lalaki  ay bahay-bahayan lang. 

Ting /Adi !!may kasabihan tayo na ang pag-aasawa ay hindi kanin na isusubo na pag ikaw ay napaso ay pwede mong iluwa. .(LAUGHING)..

Heto pa ang negatibong epekto ng maagang pag-aasawa. Magiging kawawa ang mga magulang, ng mga anak na maagang nag-aasawa,  dahil natural na sa kanila pa rin pipisan o makikitira ang mag-asawa dahil kapuwa, walang pang hanap-buhay.
Kaya naman Ting, Bai, Awi, Adi, Inday, Dong, maawa ka kay nanay at tatay, magtapos ka muna ng pag-aaral bago mag-asawa.

Kung mag-kakaanak agad, (Ay ano?.. di lang masisira ang figure oy) Hirap ang daranasin.mo Day!  Ikaw na ang mag-lalaba, ikaw na ang magluluto, ikaw na ang maghahanap ng inyong kabuhayan, lahat-lahat kayo na dahil isang pamilya na kayo at  hindi lang kayo  ang mahihirapan kundi pati mga anak ninyo, wala silang kakainin. Papaano sila mag-aaral?. Hindi maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay.

Sabagay Lucy, sa kabilang banda, may maganda rin namang bunga ang maagang pag-aasawa,  dahil parang makakasabayan lang nila ang paglaki ng kanilang anak, para ka na rin may kapatid, na bunso .(LAUGHING)..

Bweno hanggang dito na lamang ang  talakayan at mag-aasawa na ako .. .(LAUGHING)..ano ba ito, nagkamali-mali na tayo.. mga kapatid bago natin wakasan ang segment na ito ay   mag-iiwan muna ako ng mensahe sa mga magulang na tulad ko:

“Mga kapatid na magulang huwag pabayaan ang inyong mga anak, ilayo sila sa tukso, sa tawag ng laman, gabayan sila ng tamang landas, ituro sa kanila ang tamang sex education, iparamdam sa kanila ang tunay na pagmamahal ng magulang. Bigyan ng inyong panahon ang inyong mga anak, hindi yaong pawang trabaho lamang.”

Sukran o maraming salamat, kapatid sa konting oras na ibinahagi mo sa pakikinig sa ating programang buhay-buhay,  wasallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

Host/LUCY:   Maraming  salamat Kaka , sa very informative at nakakaaliw na presentation, Kapatid abangan ang susunod na segment, n gating responsible parenthood. 

(PLAY-EXTRO)

Martes, Nobyembre 19, 2013

Magtanim ng Punong Kahoy-3


(November 20, 2013-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –LUCY DUCE)

Sana makagawa ng programa ang local na pamahalaan na magtanim
 ng mangrove trees sa mga baybayin ng dagat para sa susunod
na salin lahi natin..
LUCY DUCE:   Ang pagkawasak ng ating  mga kagubatan   ay sadyang nakakaalarma,    lalo na sa ating mga environmentalist o  mga taong may pagmamalasakit sa kalikasan. Ikaw Kaibigan hindi ka ba naalarma?  

At heto sa muling pagbabalik ni Kaka Alih  sa ating segment na Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya,  ay muli tayong gagabayan para sa ating kinabukasan.  

( INTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)

LUCY DUCE:   Good morning o magandang umaga Kaka Alih.  

Kaka Alih:  Good morning Lucy, magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nananampalataya sa katuruan ng  Islam.

Tama ka Lucy, sa tinuran mo na ang pagkawasak ng ating  mga kagubatan sa bansa ay sadyang nakakaalarma na lalo na sa ating mga environmentalist o  mga taong may pagmamalasakit sa kalikasan.

WFP-UN embarks on restoring Liguasan marsh's ecosystem


Alam mo kapatid maraming paraan papaano mapangalagaan ang mundong ito, subalit ang pagtatanim ng punongkahoy ang pinakamura at pinakamadaling paraan ng pagtulong upang mapangalagaan ang kalikasan.

Dati rati ang ating mga kabundukan   ay luntian,  dahil hitik pa sa mga punong kahoy, subalit ano ngayon?  Kalbo na,  yes    unti-unti nang nakakalbo, at ngayon ay marami na ang tuluyang nakalbo.

Ano?  Gusto mo  ng ebedindisya? Ang maipapakita natin na  ebidensya ay ang labis na pagbaha tuwing umuulan.  Ito ay dahil o bunsod ng kawalan ng punong kahoy na  sumisipsip sa mga tubig-ulan at pumipigil sa pagbaba nito sa kapatagan.

Sabagay di natin sinasabi na walang ginagawa ang ating  pamahalaan.  In fairness,  ang ating pamahalaan ay nasa proseso ngayon ng pagpapatupad ng pangangalaga sa kalikasan.

Naging mandato noong nakaraang taon ng Pangulong Aquino ang pagtatanim ng isang bilyong punongkahoy hanggang sa taong 2016.

Sa ngayon, lahat ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng opisina ng DENR sa kanilang lugar ay nakikiisa sa programang ito ng pamahalaan.

Ang tanong nga lamang hindi  kaya ningas kugon  lamang ito? Gaano ba ka-effective ang sustainability ng programang ito?

May  naibalita na sa  rehiyon ng Ilocos, lugar ng dating pangulong Marcos at Ramos,  may mahigit dalawang milyong punongkahoy na ang naitatanim sa limang libong ektarya ng kabunbukan simula ng pagpapalabas ng kautusan sa pangangalaga ng kalikasan. Kumusta na  kaya ngayon, may nabuhay ba? Dahil dito sa  ating di man lang yata nangangalahati ang nabubuhay sa tinatanim natin, dahil sa kakulangan ng kaalaman sa kahalagaan  ng mga punong ito.

“Paano kasi  Kaka, pang-facebook lang ang pagtatanim”. (LAUGHING)  sabi ng isang retiradong guro, na may facebook account din, at friend din natin. (LAUGHING) 

Buweno iwanan natin ang facebook, bact ot our topics, balikan natin ang Ilocos, ayon sa balita, bawat mamamayan sa Ilocos ay nakiisa sa pagtatanim, maging sila man ay nasa pampubliko o pampribadong sektor sa gobyerno. Nakiisa din ang mga nasa sektor ng relihiyon, mga pamantasan at kolehiyo, mga grupo ng kabataan, pangangalakal, military, sa sektor ng medisina at panggagamot at maging sa elementarya at hayskul.

Mga kapatid for your information, nagtatanim din kami ditto sa Upi, kaya lang bawat official at empleyado, isang puno lang ang itinaatanim, at wala pang kasiguruhan kong mabubuhay. (LAUGHING) 

Nagtatanim kami ditto sa Upi ng Ufi tree…Sabagay Dito sa atin pwede nating isama sa listahan na itatanim natin ang punong pili.

Ano ang punong pili?

Ang punong pili  ay likas na tumutubo sa Sorsogon, at itinatampok  sa kanilang pista.    Tinatawag rin nila itong   “The Majestic Tree", bakit?  dahil sa iba't ibang gamit ng bawat bahagi nito tulad ng ugat, katawan ng puno, sanga, dahon, dagta at bunga sa industriyal, komersyal at nutrisyunal na aspeto.

Subalit ang punong ito ay hindi nagging tanyag dahil sa katawan nito, nakilala ang puno ng pili dahil sa   bunga. Malimit ito ang hinahanap ng mga ibayong dagat  na gumagawa ng mga matatamis na pagkain,  dahil may  mataas na kalidad kaysa almonds o macadamia nuts.

Nag-research pa ko sa internet tungkol sa punong kahoy na ito.Ito ang naexplore ko na nakapost sa Diaryong  Tagalog na sinulat ni Mary Jane Olvina-Balaguer:

“Itinuturing na ang Punongkahoy ng Buhay ang Puno ng Niyog dahilan sa lahat ng bahagi nito ay napapakinabangan. Sa Kabikulan may isa pang itinuturing na Punongkahoy ng Buhay at ito ay ang Pili Nut Tree.
Matagal ang buhay ng punongkahoy ng Pili at sinasabing inaabot ng 100 years ito, ang shade rin ay nagagamit bilang landscaping feature at ang bunga ay ginagawang alahas.

Nailuluwas na rin sa ibayong dagat ang bunga nito at nakarating na sa mga bansang United States, France, Germany, Japan at China.

Halos mas masarap pa sa lasa ng macadamina at iba pang uri ng mani na ginagamit na panghalo sa chocolates ang Pili Nut gayun din ang oil nito na isang main ingredient sa mga spa sa Europa.”

Balikan natin ang pagtatanim ng mga puno, kahalagahan ng puno sa ating paligid. 

Ayon sa ulat, sa mga pag-aaral na isinasagawa ng mga espesyalista sa University of the Philippines’ National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS), “…maaari   maulit sa ilang siyudad ng bansa ang nangyaring kalamidad sa Cagayan De Oro at Iligan City dala ng bagyong Sendong. Ang mga siyudad ng Laoag, Vigan, Alaminos, Cotabato City, General Santos City, Davao City at iba  pa  ay pwedeng mangyari ang pagbaha…”  at di  na  mangyayari, kundi nangyari na. Hanggang ngayon ay andiyan pa ang epekto ni Pablo, na mahigit ng 700 ang naitalang nasawi, ang sisnisi ngayon ay ang pagsira sa ating kalikasan.

Kaya naman nabuhay muli   ang pamahalaan sa paghikayat sa pakikiisa ng mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno ito ang panawagan ng gobyerno.

Ikaw Lucy, kaya mo bang  magtanim  ng punong kahoy para sa susunod nating  salinglahi?

LUCY DUCE:   Of course naman Kaka, katunayan nga di lang ako minsan na   nakiisa sa pagtatanim ng mga puno dito sa Upi.

ALIH: Ako din  Lucy, ilan beses na akong  nakasama sa tree planting, dito sa highway, Romagonrong  falls na kong  saan watershed area ng Upi, dahil diyan natin kinukuha  ngayon ang tubig na  dumadaloy sa ating mga gripo sa ngayon.
At of course sa aming bakuran,  marami din  akong  tanim na mga puno, puno na  napapakinabangan  na  sa ngayon, dahil namumunga ng mga  prutas.

LUCY: Anong mga puno Kaka Alih?

KAKA ALIH: Ibat-ibang mga puno, may puno ng kamatis.. (LAUGHING)  No Joke Lucy, may mga tanim tayo sa bakuran, na punong kahoy, may punong mangga may mangga pa ako na bigay ni Batchang Chinese manggo, punong Durian, na ngayon ay namumunga na naman, Alhamdulillah, punong rambutan, tambis, makopa, niyog,  at itong latest nagtanim ako ng dragon fruits..  mayroon pa akong tanim na mga damo . vetiver grass (http://www.chaipat.or.th/chaipat_old/vetiver/vetiver_e.html)

Ok balikan natin ang mga tinanim natin nsa Romagonrong, sa highway at iba pang lugar  ditto sa Upi.  Ang pakiusap lang sana natin, huwag  ng  sirain ng  mga kababayan natin  ang  mga puno na  kusa ng tumutubo sa ating  mga kapaligiran, kong sakaling di maiiwasan ang  pagputol, dahil kinakilangan, palitan natin sa pagtatanim muli ng iba pang punong kahoy.

Maraming salamat sa inyong pakikinig, heto po  ang inyong  Kaka Alih, na nagsasabing, ang punong itinanim ay buhay ng tao ang kakambal. Sukran at maraming salamat.

LUCY DUCE:   Maraming  salamat Kaka Ali, Mga kapatid, Magtanim ng puno, para sa kaligtasan  ng  ating pamilya.


   (PLAY EXTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya) 
Magtanim ng Punong Kahoy-3
(November 20, 2013-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –LUCY DUCE)
LUCY DUCE:   Ang pagkawasak ng ating  mga kagubatan   ay sadyang nakakaalarma,    lalo na sa ating mga environmentalist o  mga taong may pagmamalasakit sa kalikasan. Ikaw Kaibigan hindi ka ba naalarma?  
At heto sa muling pagbabalik ni Kaka Alih  sa ating segment na Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya,  ay muli tayong gagabayan para sa ating kinabukasan.  
( INTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
LUCY DUCE:   Good morning o magandang umaga Kaka Alih.    
Kaka Alih:  Good morning Lucy, magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nananampalataya sa katuruan ng  Islam.
Tama ka Lucy, sa tinuran mo na ang pagkawasak ng ating  mga kagubatan sa bansa ay sadyang nakakaalarma na lalo na sa ating mga environmentalist o  mga taong may pagmamalasakit sa kalikasan.
At ito ang din marahil ang nagtulak sa ating goberno upang magsagawa ng    kampanya na magtanim tayo ng mga punong kahoy, na ang layunin ay  para sa   kaligtasan ng mudong ito, na unti unti ng winawasak ng tao.
Alam mo kapatid maraming paraan papaano mapangalagaan ang mundng ito, subalit ang pagtatanim ng punongkahoy ang pinakamura at pinakamadaling paraan ng pagtulong upang mapangalagaan ang kalikasan.
Dati rati ang ating mga kabundukan   ay luntian,  dahil hitik pa sa mga punong kahoy, subalit ano ngayon?  Kalbo na,  yes    unti-unti nang nakakalbo, at ngayon ay marami na ang tuluyang nakalbo.
Ano?  Gusto mo  ng ebedindisya? Ang maipapakita natin na  ebidensya ay ang labis na pagbaha tuwing umuulan.  Ito ay dahil o bunsod ng kawalan ng punong kahoy na  sumisipsip sa mga tubig-ulan at pumipigil sa pagbaba nito sa kapatagan.
Sabagay di natin sinasabi na walang ginagawa ang ating  pamahalaan.  In fairness,  ang ating pamahalaan ay nasa proseso ngayon ng pagpapatupad ng pangangalaga sa kalikasan.
Naging mandato noong nakaraang taon ng Pangulong Aquino ang pagtatanim ng isang bilyong punongkahoy hanggang sa taong 2016.
Sa ngayon, lahat ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng opisina ng DENR sa kanilang lugar ay nakikiisa sa programang ito ng pamahalaan.
Ang tanong nga lamang hindi  kaya ningas kugon  lamang ito? Gaano ba ka-effective ang sustainability ng programang ito?
May  naibalita na sa  rehiyon ng Ilocos, lugar ng dating pangulong Marcos at Ramos,  may mahigit dalawang milyong punongkahoy na ang naitatanim sa limang libong ektarya ng kabunbukan simula ng pagpapalabas ng kautusan sa pangangalaga ng kalikasan. Kumusta na  kaya ngayon, may nabuhay ba? Dahil dito sa  ating di man lang yata nangangalahati ang nabubuhay sa tinatanim natin, dahil sa kakulangan ng kaalaman sa kahalagaan  ng mga punong ito.
“Paano kasi  Kaka, pang-facebook lang ang pagtatanim”. (LAUGHING)  sabi ng isang retiradong guro, na may facebook account din, at friend din natin. (LAUGHING) 
Buweno iwanan natin ang facebook, bact ot our topics, balikan natin ang Ilocos, ayon sa balita, bawat mamamayan sa Ilocos ay nakiisa sa pagtatanim, maging sila man ay nasa pampubliko o pampribadong sektor sa gobyerno. Nakiisa din ang mga nasa sektor ng relihiyon, mga pamantasan at kolehiyo, mga grupo ng kabataan, pangangalakal, military, sa sektor ng medisina at panggagamot at maging sa elementarya at hayskul.
Mga kapatid for your information, nagtatanim din kami ditto sa Upi, kaya lang bawat official at empleyado, isang puno lang ang itinaatanim, at wala pang kasiguruhan kong mabubuhay. (LAUGHING) 
Nagtatanim kami ditto sa Upi ng Ufi tree…Sabagay Dito sa atin pwede nating isama sa listahan na itatanim natin ang punong pili.
Ano ang punong pili?
Ang punong pili  ay likas na tumutubo sa Sorsogon, at itinatampok  sa kanilang pista.    Tinatawag rin nila itong   “The Majestic Tree", bakit?  dahil sa iba't ibang gamit ng bawat bahagi nito tulad ng ugat, katawan ng puno, sanga, dahon, dagta at bunga sa industriyal, komersyal at nutrisyunal na aspeto.
Subalit ang punong ito ay hindi nagging tanyag dahil sa katawan nito, nakilala ang puno ng pili dahil sa   bunga. Malimit ito ang hinahanap ng mga ibayong dagat  na gumagawa ng mga matatamis na pagkain,  dahil may  mataas na kalidad kaysa almonds o macadamia nuts.
Nag-research pa ko sa internet tungkol sa punong kahoy na ito.Ito ang naexplore ko na nakapost sa Diaryong  Tagalog na sinulat ni Mary Jane Olvina-Balaguer:
“Itinuturing na ang Punongkahoy ng Buhay ang Puno ng Niyog dahilan sa lahat ng bahagi nito ay napapakinabangan. Sa Kabikulan may isa pang itinuturing na Punongkahoy ng Buhay at ito ay ang Pili Nut Tree.
Matagal ang buhay ng punongkahoy ng Pili at sinasabing inaabot ng 100 years ito, ang shade rin ay nagagamit bilang landscaping feature at ang bunga ay ginagawang alahas.
Nailuluwas na rin sa ibayong dagat ang bunga nito at nakarating na sa mga bansang United States, France, Germany, Japan at China.
Halos mas masarap pa sa lasa ng macadamina at iba pang uri ng mani na ginagamit na panghalo sa chocolates ang Pili Nut gayun din ang oil nito na isang main ingredient sa mga spa sa Europa.”
Ayon sa ulat, sa mga pag-aaral na isinasagawa ng mga espesyalista sa University of the Philippines’ National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS), “…maaari   maulit sa ilang siyudad ng bansa ang nangyaring kalamidad sa Cagayan De Oro at Iligan City dala ng bagyong Sendong. Ang mga siyudad ng Laoag, Vigan, Alaminos, Cotabato City, General Santos City, Davao City at iba  pa  ay pwedeng mangyari ang pagbaha…”  at di  na  mangyayari, kundi nangyari na. Hanggang ngayon ay andiyan pa ang epekto ni Pablo, na mahigit ng 700 ang naitalang nasawi, ang sisnisi ngayon ay ang pagsira sa ating kalikasan.
Kaya naman nabuhay muli   ang pamahalaan sa paghikayat sa pakikiisa ng mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno ito ang panawagan ng gobyerno.
Ikaw Lucy, kaya mo bang  magtanim  ng punong kahoy para sa susunod nating  salinglahi?
LUCY DUCE:   Of course naman Kaka, katunayan nga di lang ako minsan na   nakiisa sa pagtatanim ng mga puno dito sa Upi.
ALIH: Ako din  Lucy, ilan beses na akong  nakasama sa tree planting, dito sa highway, Romagonrong  falls na kong  saan watershed area ng Upi, dahil diyan natin kinukuha  ngayon ang tubig na  dumadaloy sa ating mga gripo sa ngayon.
At of course sa aming bakuran,  marami din  akong  tanim na mga puno, puno na  napapakinabangan  na  sa ngayon, dahil namumunga ng mga  prutas.
LUCY: Anong mga puno Kaka Alih?
KAKA ALIH: Ibat-ibang mga puno, may puno ng kamatis.. (LAUGHING)  No Joke Lucy, may mga tanim tayo sa bakuran, na punong kahoy, may punong mangga may mangga pa ako na bigay ni Batchang Chinese manggo, punong Durian, na ngayon ay namumunga na naman, Alhamdulillah, punong rambutan, tambis, makopa, niyog,  at itong latest nagtanim ako ng dragon fruits..  mayroon pa akong tanim na mga damo . vetiver grass (http://www.chaipat.or.th/chaipat_old/vetiver/vetiver_e.html)
Ok balikan natin ang mga tinanim natin nsa Romagonrong, sa highway at iba pang lugar  ditto sa Upi.  Ang pakiusap lang sana natin, huwag  ng  sirain ng  mga kababayan natin  ang  mga puno na  kusa ng tumutubo sa ating  mga kapaligiran, kong sakaling di maiiwasan ang  pagputol, dahil kinakilangan, palitan natin sa pagtatanim muli ng iba pang punong kahoy.
Maraming salamat sa inyong pakikinig, heto po  ang inyong  Kaka Alih, na nagsasabing, ang punong itinanim ay buhay ng tao ang kakambal. Sukran at maraming salamat.
LUCY DUCE:   Maraming  salamat Kaka Ali, Mga kapatid, Magtanim ng puno, para sa kaligtasan  ng  ating pamilya.

   (PLAY EXTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya) 

Huwebes, Nobyembre 14, 2013

Mga Tips Sa Paghinga at May Sakit Sa Baga

Dr. WILLIE ONG
(http://4.bp.blogspot.com/-)

(November 14,  2013-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host Lucy Duce)

( INTRO - Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya )

LUCY:  : Magandang Umaga,  Kaka Alih,

Kaka Alih: Magandang umaga din Lucy , Assallamu alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh. 

Mapalad  pa rin tayo dahil may kaibigang  doctor, na tulad ni Doc Willie Ong,  na  hindi ipinakakait ang kanyang kaalaman sa medisina, hindi lamang sinasabi kundi isinusulat pa rin  at naipopost pa sa mga blog at social media tulad ng facebook.

Heto sinadya na nating halawin mula sa article ni  Dr. Willie T. Ong ( na published sa Pilipino Star Ngayon at nakalink sa FB.
Ayon sa sulat ni Doc Wilie:

Mapalad kaming makausap si Dr. Raymund Fernandez, isang magaling na pulmonologist (espesyalista sa baga). Ayon kay Dr. Fernandez, heto ang mga bagay na magpapalakas sa ating baga:

1. Itigil na ang paninigarilyo. Ito ang numero unong sanhi ng pagkasira ng baga.

2. Umiwas sa usok ng sigarilyo. Kapag ang kasama mo sa bahay ay naninigarilyo, makukuha mo rin ang masamang epekto nito.

3. Umiwas sa mga usok ng sasakyan at huwag din magsiga sa bakuran.

4. Kung ika’y nag-mo-motorsiklo, magsuot ng helmet at face mask para hindi ubuhin.

5. Mag-ingat sa peligro sa trabaho. Halimbawa, kung ang trabaho mo a bilang mananahi, welder o pintor, mag-ingat sa balahibo ng mga damit, usok ng welding at amoy ng pintura. Magsuot ng Personal Protective Equipment tulad ng face mask, goggles o helmet.

6. Kung ika’y may allergy, umiwas sa pagkaing naka-a-allergy sa iyo.
7. Siguraduhing malinis ang iyong kuwarto (walang alikabok at carpet) at malinis ang daloy ng hangin.

8. Palakasin ang iyong masel sa dibdib. Mag-ehersisyo gamit ang 1 o 2 kilong dumbbell sa bawat kamay. Palakasin ang masel sa leeg, balikat at dibdib para mas makahigop ng hangin.

9. Huwag umasa sa mga supplements para sa baga. Hindi pa ito napatunayan na epektibo.

10. Kumain ng masustansya tulad ng mga prutas, gulay at isda. Matulog din ng sapat.

Para sa mga may karamdaman sa baga tulad ng emphysema, COPD at tuberculosis, may paraan para makahinga ng mas maluwag:

1. Matulog ng may 2 o 3 unan. Kapag ang likod mo ay nakalapat sa kama, nababatak ang iyong baga at mas hindi ka makakakuha ng hangin.

2. Habang ika’y nakaupo, subukan ang puwestong nakayuko at nakatungo. Kumuha ng isang silya o mesa sa harap mo at ipatong ang iyong braso at ulo dito. Sa ganitong paraan, mas makahihigop ka ng maraming hangin.

3. Huminga na gamit ang masel ng tiyan. Paghigop ng hangin, subukang palakihin ang tiyan at hindi ang dibdib. Mas malakas ang paghatak ng oxygen gamit ang masel ng tiyan (ang diaphragm).

4. Magbakasyon sa lugar na mahangin. Pumunta sa tabing dagat o lugar na maraming puno. At siyempre, kumonsulta sa iyong doktor.

May bunos pa tayo ditto na food supplement na posibleng available at all times, dahil andiyan sa ating kusina o bahay, ito ay compliments pa rin ni Doc Willie Ong:

Para sa  Mataas ang cholesterol
Bawang  – Ang bulb ng bawang ay puwedeng ka­ining hilaw o gawing tableta. May nagsasabi na ang garlic ay bahagyang nagpapababa ng cholesterol at ng presyon ng dugo. Ang problema lang sa bawang ay ang amoy nito. Mas epektibo ang bawang kapag ito’y hilaw ngunit nakakairita naman sa sikmura.

Para sa Nahihilo at nasusuka
Luya – Ang gingerols sa luya ang sanhi ng lakas nito bilang gamot. Ang luya na ginawang salabat ay epektibo para sa nagsusuka at nahihilo. Makatutulong din ito sa sakit ng tiyan. Bukod dito, ang luya ay panlaban din sa mga mikrobyo.

Bweno hanggang dito na lang muna dahil pupunta pa ako sa health center..       ... This is your    segment writer and producer.. at your service ….   Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

(EXTRO - Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
LUCY:  Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang talakayan ngayong umaga, mga kapatid na nakikinig,   hanggang sa muli,    samahan kami sa ating programang Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya at sinisigorado  ko  inyo, muli  kayong hahandogan  ni  Kaka Alih ng nakaka-aliw at informative na usapin…