(August 12 2013, Lunes-
Script na sinulat ni Alih Anso para sa
programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Simpleng kabuhayan”.
Host – Ms. Lucy Duce)
Barbero-paggugupit ng buhok madaling pagkakitaan |
LUCY: Maraming hanapbuhay sa ngayon na pwede mong
pagkakitaan, kailangan lamang pagsisikap na matutunan mo, dahil diyan makinig
sa ibabahagi ni Kaka Alih ngayon umaga baka makatulong sa iyo…
(PLAY INTRO-SIMPLENG KABUHAYAN)
LUCY: Magandang umaga, Kaka Ali.
KAKA
ALIH: Magandang
umaga naman Lucy at Assallamu Alaikum
Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga
kapatid na nanampalataya sa Islam.
LUCY: Kaka Alih, ano ba yong sinasabi mo sa akin,
kanina na mga madaling pagkakitaan na
kabuhayan?
KAKA
ALIH: Maraming salamat Lucy, I hope I can reach
your expectation at ang kanilang expectation sa akin.. Insha Allah, I
will…
Ganito
ko sasagutin ang magandang tanong na yan.
Una
dapat ay “jack of all trade and then master of one” hindi master of none ha? (LAUGHING) Ang ibig sabihin nito Lucy
ay marami kang alam.
LUCY:
Halimbawa Kaka?
KAKA ALIH: Marunong
ka mag-drive .. ng sasakyan, sa panahon
ngayon marami ang nangangailangan ng driver, may mga balo nga diyan na
nangangailang ng driver…(LAUGHING)
Karpentero-marami ang nangangailangan ngayon |
Heto
pa ang simpleng kabuhayan, paglilinis ng kuko, kuko ng tao! (LAUGHING).. Ang ibig kong sabihin ay marunong kang
mag-manicure,o pedicure..
May
kuwento pala ako Lucy, na isang kaibigan, noong panahon na may barko pa na
Donya Marilyn na nagbibiyahe ng Polloc to Manila (hindi Cotabato Manila) palagi
siyang sumasakay ng barko, (nalaman ko ito kasi, regular akong sumasalubong sa
barko galling ng Maynila, kasi dumaraan ito sa Estacia at ang mga tripulante
kasama ang kapitan ay bumibili ng mga bulad, at binibili naman naming ito)..
Balik tayo sa kuwento, nagtaka ako sa
kaibigan na ito, anong business, bakit balik-balik lang siya, papunta ang barko
Manila, sakay siya, balik Mindanao ang barko, sakay din siya. Hayun manicurista
pala siya, for 3 days na biyahe, whole day siyang walang pahinga, sa
pagmamanicure, ang dami daw customers (syempre walang magawa ang pasahero for 3
days).
May
isa pa na nakilala, nagging besgt ko rin,
barbero naman, kahit saan siya pumupunta dala-dala ang gunting, suklay
at towel, dahil nakilala na siya, kahit naglalakad lang sa aming lugar, may magtawag sa kanya na “Toks,
bakante ka pagupit ako mamaya”..
Manicurista-paglilinis ng kuko ng tao |
May
nakasama (nagging best friend ko rin) din akong estudyante noon, marunong
siyang manahi, tuwing wala siyang allowance, punta siya sa mga kaibigan naming
na tailoring at dahil alam nilang magaling manahi, inaalok na agad nila ito, na
kong may bakante maraming nakabinbin na patahi nila.
Dito
na man sa Upi, may kaibigan ako na palagi na akong tinatanong kong may ipagawa
ako, paputol na puno, palinis na bakuran..
Ang
higit sa lahat na kailangan ngayon ditto sa Upi.. in demand ay carpenter..
kulang tayo ng karpentero sa Upi.. mason mahirap hanapin yan..
Ang
lahat ng binanggit natin ay medaling matutunan, basta gusto mo, ang un among
gawin ay makipag-kaibigan sa ganitong mga tao, makisama sa kanila, at tiyak ko
matutunan mo ang kanilang mga angkin talent.
Sukran, ito po ang inyong Kapatid na Bangsa Moro ..
Kaka Alih .. Wassallam
LUCY: Maraming Salamat Kaka Alih, sa kumpletong
rekado na yan, na pangangalaga sa ating kaliksan, mga kapatid
bukas muling abangan si Kaka Ali sa ating segment na simpleng kabuhayan, at tinitiyak ko sa inyo na maeenjoy kayo, at maraming mapupulot na
aral..
(PLAY-EXTRO-
SIMPLENG KABUHAYAN)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento