PAPAANO
LUMAKAS AT MAGKAROON NG RESISTANSIYA ANG ATING KATAWAN?
(August
29, 2013-Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay
–buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “GABAY PANGKALUSUGAN”. Host-Ms. Lucy Duce)
(PLAY INTRO- GABAY PANGKALUSUGAN)
LUCY:
Magandang umaga Kaka.
KAKA
ALIH: Magandang umaga din Lucy,
Assallamu alaikum warahmatullahi
wabarakatuh.. good morning to all listeners, and even yaong hindi
nakikinig sa kanilang mga sariling radio, dahil sa kapit-bahay lang nakiki-share. (PLAY LAUGHING).
Sigoro Lucy, everybody will
agree with me na lahat naman tayo ay gustong magkaroon ng dagdag lakas at
energy para sa ating mga Gawain… o diba????.
LUCY:
Ako Kaka Alih, agree na agree na tinuran
mo, I want myself healthy ang vigorous…(PLAY LAUGHING).
KAKA
ALIH: As expected, tulad
ng inaasahan ko, sasabihin mo yan, dahil ako din, I want to maintan my strength
and stamina..
(PLAY LAUGHING).
Ok dahil nag-kasundo tayo Lucy
na dapat malakas at may resistansiya ang ating katawan, magkunsulta tayo sa
kaibigan nating Doctor, si Doc Willie
Ong.. Heto ang maga tips o payo ni Doc at of course dinagdagan ko na rin ng mga
rekadus, at papaano makakuha ng lakas at resistansiya ang ating mortal na
katawan.
Sigoro ay sasang-ayon ka sa
amin kaibigan na lahat tayo ay gustong
magkaroon ng dagdag lakas at energy para sa ating mga gawain. Lalo na yaong mga
kumpare ko diyan, na nagrereklamo na ang mga Mrs dahil kulang na daw sa
resistansiya.. (PLAY
LAUGHING).
Ang ating katawan ay parang makina rin, kailangan din nito ang pahinga,
pagkaing balance (balance diet) at of course regular exercise.
ibat-ibang gulay at ulam na dapat na kainin para maging malusog at malakas ang resistansiya ang katawan. |
Kong sa makina kailangan din
niya ang fuel o gasoline, ganon din ang tao. Kaya sabi ni Doc Willie:
·
Kumain
ng almusal na may protina at carbohydrates. Ang carbohydrates ay
ang tinapay, asukal, kanin, at gulay. Hindi ito sapat para mapalakas ka.
Kailangan may protina rin tulad ng gatas, tapa, bangus at scrambled eggs.
Dahil dito, hindi magandang almusal ang donut, muffin, chocolate cake o
ensaymada lamang.
·
Kumain
ng katamtamang tanghalian. Ang almusal ay napakahalaga. Pero
pagdating sa tanghalian ay huwag din sobra ang kainin dahil baka antukin ka.
Kung napadami ang kain, maglakad-lakad muna.
·
Mag-ehersisyo
ng bahagya. Ang paglalakad ng mabilis ay magandang
ehersisyo. Pampagising ito dahil gaganda ang daloy ng dugo sa iyong utak.
Ugaliing mag-ehersisyo.
·
Paisa-isa
lang ang trabaho. Huwag gumawa ng 3 bagay na sabay-sabay.
Mauubusan ka ng lakas at pasensiya. Planuhin ang araw mo.
·
Pumili ng positibong kaibigan. May mga taong
maganda ang personalidad at nagbibigay sa atin ng energy. Umiwas sa mga taong
depressed, galit sa mundo at mga laging problemado.
·
Subukang isara ang TV at buksan ang libro. May
mga pagkakataon na ang telebisyon ay nagpapatamad sa atin. Kung gustong maglibang,
magbasa ng libro. Mas nagbibigay ng energy ang pagbabasa ng libro dahil
gumagana ang ating imahinasyon.
·
Pakinggan
ang iyong katawan. Napakahalagang payo po ito. May mga cycle (o
circadian rhythms) ang ating katawan. May oras na malakas tayo at may oras na
mahina tayo. Minsan ay masayahin tayo at minsan ay malungkot naman. Normal lang
ito. Kung pagod ka ay magpahinga na. Huwag nang pilitin ang katawan.
·
Uminom
ng multivitamins. Para sa taong nagdidiyeta o hindi kumpleto ang
pagkain, makatutulong ang pag-inom ng vitamins. Minsan ay kulang tayo sa
prutas at gulay. Mapupunuan ng multivitamins ang kakulangan ng diyeta natin.
Ngunit huwag umasang lalakas agad sa pag-inom nito.
·
Ihinto
ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Panandalian lang ang sarap na
dinudulot ng paninigarilyo. Sa bandang huli ay talo ka pa rin dahil masisira
ang iyong baga. Kapag nangyari ito, mahihirapan kang kumuha ng oxygen sa
katawan. Ang alak naman ay nakababawas din ng energy. May hang-over ka pa.
·
Magsabi ng “Hindi.” Ang mga Pinoy ay nahihiyang
tumanggi sa kaibigan. Dahil dito, madalas tayong inaabuso. Kahit hindi na kaya
ng ating oras, pondo at katawan ay papayag pa rin tayo sa pinapakiusap sa atin.
Mali po ito. Mapupuno ka lang ng gawain at masisira lang ang iyong trabaho.
Kapag busy ka, magsabi ng “Hindi po kaya. Sorry po.”
·
Mag-isip
ng positibo. Always
think positive, in other words dapat magkaroon
ng confidence at layunin sa buhay. Dahil kapag negative ka, stress ang abutin
mo niyan.
·
Magpapayat
kung mataba-magpareduce. Kapag overweight ka, lagi kang gutom o
inaantok. Kumain lang ng sapat. Umiwas sa mga matatabang pagkain at junk foods.
Mag-ehersisyo para pumayat. Kapag payat ka na, mas may energy ka na!
·
Magpataba
kung payat. Kung kulang ka naman sa timbang, baka kailangan mong kumain
ng pagkaing may protina, tulad ng nilagang baka, adobong baboy at sabaw ng
manok. Pampalakas ito at pampataba rin.
·
Matulog
ng 7-8 oras. Masama ang kulang sa tulog pero masama rin ang
sobra sa tulog. Ayon sa pagsusuri, ang 7-8 oras ay sapat na. Kung 5 oras lang
ang tulog mo, siguradong pagod at aantukin ka sa umaga. Kung 10 oras naman ang
tulog mo, tatamarin ka rin sa umaga. Depende sa edad ang tamang haba ng tulog.
Ang mga bata ay puwedeng matulog ng 9 na oras pero ang may edad ay sapat na sa
7 oras ng tulog.
·
Mag-siyesta
at magpahinga. Kahit 15 minutos lang ng pahinga ay puwede na.
·
Magbakasyon. Wow,
ito talaga ang pampalakas. Kong kaya ng budget mo subukang pumunta sa Boracay o
sa beach, diyan lang sa lebak o Kalamansig at isama mo ssi Kaka Alih, para masaya.
(PLAY LAUGHING).
LUCY: Ang hirap lang niyan Kaka hindi lahat ay may panahon para magbakasyon.
At hindi lahat ay may budget, para pumunta sa mga beach.
KAKA
ALIH: Eh kong ganoon eh doon lang kayo magbakasyon sa inyong
Farm.. ang ibig nating sabihin ay makapagpahinga kayo.
·
Mag-paaraw
sa umaga. Ang morning sun ay nagbibigay ng lakas sa katawan.
Kailangan natin ng araw para makagawa ng vitamin D. Ngunit huwag din
magpapaaraw ng mula 10 a.m. to 4 p.m. Masama kasi ang ultraviolet rays na dala
ng matinding sikat ng araw.
·
Lagyan
ng kulay ang iyong paligid. Pintahan ang iyong bahay. Bumili ng
makukulay na dekorasyon sa bahay. Ayon sa pagsusuri, ang pula ay nagbibigay ng
panandaliang energy. Ang green naman ay maaliwalas sa mata at maganda sa
pag-focus sa trabaho.
·
Makinig
ng musika. Sa mga Nanamplataya sa Islam, sa magbasa o makinig ng Quran.
In general, Makinig ng paborito mong musika na nagbibigay sa iyo ng
sigla. Huwag puro sad songs at baka malungkot ka lang. Piliin ang musika na
nagpapasigla sa iyo.
·
Uminom
ng 8-12 basong tubig. Kapag kulang ka sa tubig, manghihina ka rin.
·
Huwag
gumamit ng energy tablets at droga (amphetamines, shabu,
ecstasy). Umiwas din sa energy drinks at sobrang kape. Masama ito sa katagalan.
·
Kung
laging pagod, alamin ang dahilan. Minsan ang pagkapagod ay
senyales ng pagkakaroon ng sipon, trangkaso o ibang sakit. Magpatingin sa
doktor.
·
Magdasal
at humingi ng lakas sa ating tagapaglikha. Magbasa rin ng Bibliya
at mga librong nagbibigay ng inspirasyon. Sa mga Muslim try to read your Quran,
kahit yaong translation lang, but I recommend makabasa kayo ng Arabic letter o
batang. Sa Muslim perform your 5 times Salah. Salah o sambayang is the best
exercise.
Ito po ang inyong Kaka Alih,
regular na ninyong makakasama sa segment na Gabay Pangkalusugan.
LUCY: Yan po si Kaka alih, iba na talaga ang may kaibigan na
Doc, para kang malalaman sa usaping pangkalusugan.
(PLAY EXTRO- GABAY
PANGKALUSUGAN)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento