Martes, Agosto 20, 2013

Konting Ulan lang Baha, Bakit?

Hon Datu Tocao "Hadji Ahmad" Mastura, interviewed by
 Lenyrose B. Sunio, Alih S. Anso of DXUP FM about the
flood in Pulangi river (Rio Grande De Mindanao)
June 21, 2011 at the Delta Bridge, between Sultan Kudarat
and Cotabato City.
(August 20, 2013-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Ms Lucy Duce)

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, ano ang ibabahagi natin sa ating madlang nakikinig ngayong umaga? 

KAKA ALIH: Maraming salamat Lucy, well prepared tayo sa topics na ibabahagi natin ngayon umaga, pero bago yun ay hayaan mong magpugay tayo sa madlang nakikinig at nanonood, ng magandang umaga   at asssallamu  alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam.

Ayon sa balita sa radio at TV, napakarami ng  buhay na ang nasawi dahil sa sunod-sunod na pag baha sa ating bansa. Wala naming bagyo, kundi ulan lang binabaha na ang mga bayan at lungsod. 

LUCY: Bakit Kaka?

KAKA ALIH: Bakit? Iyan ang pag-uusapan natin Kapatid na Lucy, sisikapin natin na masagot ang tanong, na, konting ulan lang naman, nagbaha na, bakit?

Ang pagbaha sa siyudad ay isang seryoso at tumitinding hamon sa kaunlaran ng mga bansa sa Silangang Asia kabilang na ang Pilipinas.  Ang pambansang pamahalaan o national government ay binigyang diin ang agarang pangangailangan na makapaglatag ng flood risk management na regular na pagpaplano ng mga lungsod at munisipalidad, na di man maiwasan ang pagbaha ay medyo ma-minimized ang damages.

Ito ang binigyan-diin ng World Bank sa inilathalang librong “Cities and Flooding: A Guide to Integrated Urban Flood Risk Management for the 21st Century,” na naglalatag ng mga nararapat gawin para maibsan o maiwasan ang malaking epekto ng pagbaha.

Alam natin na ang sunod-sunod na pagbaha ay patuloy na banta sa buhay at kalusugan ng ating mga anak at  sumisira sa ating ekonomiya, lalo sa agrikultura, kaya’t lalong naghihirap ang ating mga mamamayan.

Dapat magkaisa at tumulong ang bawat Pilipino sa paglutas sa problema sa baha, lalo’t sinasabing mas malalaking baha ang darating sa bansa bunga ng climate change.
Taken during the flood in Pulangi river
(Rio Grande De Mindanao)
June 21, 2011 at the Delta Bridge
Ang gobyerno at mga milyon-milyong mamayang Pilipino kasama na ang mga Bangsamoro ay nararapat ng  magkaisa upang maiwasan ang mga delubyong bagyop na naghatid ng baha na ikinasawi naman ng marami nating kababayan.

 Kaya nararapat na ang bawat mamamayan ay dapat mapangalaga at mapagkalinga sa kapaligiran at sa kalikasan. Kong kayo ay nakasakay sa eroplano, makikita mo ang mga kabundukan ay panot na panot na, unti-unti ng nawawala ang mga punong kahoy.

Ang masakit nito, kahit ang mga puno na sadyang itinanim, sa mga lungsod o poblaacion ay  walang awa at kapararakang pinuputol natin.    Sa Kalakhang Maynila ay  marami ng puno ang pinutol, kaya   marami pa ang bilang ng mga poste ng kuryente kaysa mga puno sa ating kalunsuran, kaya’t ang nalalanghap at nadarama natin ay maruming hangin at nakapapasong init.

Ang gahamang pagputol ng mga puno at pagkalbo sa kabundukan ay maraming beses nang naging sanhi ng kamatayan ng ating mga kababayan. Maalaala ninyo ang   nangyari sa Ormoc, Leyte, kung saan, dahil sa walang pakundangang pagputol ng mga puno at patuloy na pag-ulan ay nilamon ng rumaragasang agos ng tubig at putik, mula sa kabundukan, ang isang bayan, na ikinamatay ng libu-libong mamamayan.

May naibalita  rin na   maraming pamilya ang namatay dahil sa pagguho ng lupang kinatatayuan ng kanilang tahanan. Tulad na naibalit na nangyari natrahedya sa Cherry Hills, Antipolo City,(Agosto 2, 1999, 8 :00 pm,  Barangay San Luis, Antipolo- 59 namatay, 32 nasugatan),  kung hindi umano  pinagpupuputol ang mga puno doon  at kung hindi pinatag at pinahina ang bundok sa paligid marahil hindi mangyayari ang pag-guho ng lupa.

Sa mga lungsod o poblacion  ay walang mga ilog na mapasyalan o mapaglanguyan. Ang ilog Matuber na paboritong paliguan ng mga kabataan noon ng taga NCES, nasaan na? silted na, sabagay, may nagsasabi nakabuti daw dahil malapit na ang quary han. (PLAY LAUGHING)

Ang mga ilog ay ginawa natin itong tapunan ng basura o ginawang  basurahan. 

  Ang tubig nito’y lason, hindi lang sa tao, subali’t sa mga isdang dito’y dating naninirahan.

Ang mga estero natin ay patay na rin, nagging  itim ang tubig at barado ng mga basura at putik. Dahil dito, sa kaunting ulan ay binabaha ang ating paligid. Maging ang ating karagatan ay marurumi at hindi mapaglanguyan. Ang mga lumulutang dito’y mga basura, dumi ng tao, langis at plastik.

Nasaan ang ating pagmamahal sa ating salin lahi?

Kong hindi ito mapipigil baka ilang taon na lang ay wala nang malalabi sa ating kapaligiran.

Ang ating kabundukan at parang ay matutuyot at magiging disyerto ng ating kapabayaan sa kalikasan.

Wala ng mga punong paglalaruan ang ating mga anak. Wala ng sariwang hangin na malalanghap.

Wala ng malinis na tubig na iinumin.

Wala ng huni ng ibon na pakikinggan. Wala ng isdang matitikman. Wala ng ilog at dagat na lalanguyan. Papasuin at tutuyuin sila ng matinding init na sanhi ng ating paghalay sa kalikasan.

Mahal ba natin ang ating mga anak? Matanong kita Lucy, mahal mo ba ang iyon mga anak at apo?

LUCY: of course naman Kaka, kahit lamok di ko pinapayagan na makagat sila.

KAKA ALIH: O kita na ninyo? Walang magulang na hindi niya mamahalin ang anak, pero kong minsan, ang ginagawa natin ay hindi nakakabuti sa kanila, kundi ito ay nakakasama na pala sa kanila.

Kong gayon na mahal natin ang mga salin lahi, ang mga mga anak o apo eh   kumilos na  tayo at buhayin ang ating kapaligiran at kalikasan.

Magtanim tayo ng mga puno. Ngayon Na! at hindi na dapat ipabukas pa, baka huli na ang lahat, kong hindi natin sisimulan.

Taniman natin ang lahat ng maaaring taniman. Itanim natin ang kahit anong puno upang tayo’y may lilim na masilungan. Ang lahat ng lugar ay gawin nating luntian.

Gawin nating hardin ang ating kalunsuran at gubat ang ating mga kabundukan. Mga gubat na walang ahas at buwaya na sisira sa kalikasan.

Mag-iwan tayo ng alaala sa ating mga minamahal na mga anak at apo.

Ang punong ating itinanim ang pinakamagandang alaala na ating maiiwan..

Subukan mo itong bagong style, na nabasa ko, gawing mong regaluhan   ng puno ang ating mga kumapare o kaibigan sa kanilang kaarawan at sabihin ito’y alagaan bilang tanda ng ating pagkukumpare o pagkakaibigan.

Magtanim tayo ng puno ng pagkakaibigan, tulad ng pagtatanim natin ng tree of peace sa Maharlika Plaza, kaya lang daw sayang kay isang puno lang.

Instead na in grave ang dalawang puso bilang tanda ng pagmamahalan sa punong kahoy, bakit hindi na kayo magtanim ng puno, at ito na ang gawin ninyong tanikala ng inyong pagmamahalan , magsumpaan kayo na alagaan ang punong yaon, at kong ito ay malalanta ay para na ring nalanta ang inyong pag-iibigan (PLAY LAUGHING)
at Notre Dame ave, Cotabato City Jun 21, 2011

Ulitin ko lang kapatid, Linisin natin ang ating mga ilog at karagatan. Huwag natin itong gawing basurahan, palikuran at tapunan ng mga maruruming bagay.

Pangalagaan at kalingain natin ang ating kapaligiran at kalikasan para sa ating kinabukasan.

Magtanim tayo ng mga puno nang kahit paano’y may maiwan tayong LEGACY O kabutihan sa ating mga anak at bayan.

Ang taong hindi nakapagtanim ng puno kahit minsan ay walang lilim na iiwan sa kabataan at bayan.

Hinihikayat rin natin ang mga mambabatas (barangay hanggang senado) na magpasa ng batas nab ago maka-graduate ay makapagtanim ng isang dosenang  punong kahoy.

Hinihikayat rin natin ang mga mambabatas na magpasa ng batas na bago maka-kuha ng business permit lalo sa malalaking negosyo  ay makapagtanim muna ng isang dosena-dosenang  punong kahoy, at bago maka-renew ay mapatunayan niya nabuhay ang mga itinanim na puno.

Hinihikayat rin natin ang mga mambabatas na magpasa ng batas na bago maka-kuha ng visa ng passport para magtrabaho sa ibang bansa  ay makapagtanim ng isang dosenang  punong kahoy.

Ito ang inyong Kaka Alih, Sukran Wassalam.

(PLAY- Gabay at Talakayang Pampamilya)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento