(August 28, 2013-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa
programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang
Pampamilya”. Host –Lucy Duce)
(Gabay at Talakayang
Pampamilya - INTRO)
LUCY:
Good morning o magandang umaga Kaka Alih.
Kaka Alih:
Good morning Lucy, magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu
alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nananampalataya sa
katuruan ng Islam.
Ang pagkawasak ng
ating mga kagubatan sa bansa ay sadyang
nakakaalarma na lalo na sa ating mga environmentalist o mga taong may pagmamasakit sa kalikasan.
Kaya naman ang ating pamahalaan
ay sarit sari ang mga programa papaano pangalagaan ang mga yaman ng ating
punong kagubatan, lalo na ang mga punong kahoy. May mga programa sa TV, radio
ang iba naman ay direkta ng naglalagay ng mga karatula sa mga lugar na BAWAL
ANG PAGPUTOL NG PUNO, subalit mayroon pa rin na ipinagkikibit balikat lamang,
no pansin sila.
“Kaka Alih di ba mayroon tayong mga “forest guard” na
nagbabantay n gating mga kagubatan, nasaan pa sila?” tanong ng isang guro na
kakuwentuhan ko sa sasakyan.
“Sa plaza, naghihintay ng end of the month” (LAUGHING) ang naisip kong isagot, kasi
noong regular pa akong bumababa sa Cotabato City, doon ko madalas nakikita ang mga empleyado ng
goberno natin, na taga-bantay ng kabundukan.
In fairness naman may
sagot ditto ang mga kaibigan: “Kaka,
kaya andon kami, magrereport kami sa office, kasi pinanarereport kami monthly,
syempre maaga pa kaya, doon muna kami.”
Sabagay ito scenario noon, pero ngayon iba, na, saan sila, sa
canteen na naghihintay ng oras, professional baga. Ok silent na ako diyan .. (LAUGHING)
Marahil di ko na kailangan ipalaala sa ating mga kapatid na
nakikinig, kung gaano kaimportante ang puno sa ating
buhay, at kahit maliliit pa tayo ay halos maisaulo na natin ang kapakinabangang
nakukuha mula sapunong kahoy, dahil palaging tinatanong ni Sir at Maam.
mga punong Mangga, Narra, Talisay at Rambutan |
Ang mga punong kahoy ay isang halimbawa ng renewable resource
na, kung ating pagtutuunan ng pansin, ay maaaring makapigil sa maraming
kalamidad na pwede nating mabawasan ang epekto sa ating kapaligiran.
Ang punong kahoy ay sumisipsip ng tubig sa pamamagitan ng mga
ugat nito at naghahatid sa ating ng masarap na hangin na idinudulot ng mula dahon
at lilim nito, halos wala na tayong maihihiling pa sa biyayang ito ng Poong
Lumikha.
Alam na alam natin na ang pagkawala nila bunga ng mga punong
ito ay magdudulot ng ilang risks o kapahamakan ng ating kapaligiran.
Huwag mong sabihin kaibigan na nakakalimutan mo ang naging
bunga ng bagyo at pagbaha sa mga lugar gaya ng Quezon, Aurora, Albay, Cagayan
de Oro at kalakhang Maynila noong nanalasa ang deadliest cyclones na tumama sa
bansa. Hindi natin pwedeng malimot ang mga pangalang Rosing, Reming, Ondoy,
Pepeng, at Sendong na kumitil sa buhay ng marami nating kababayan na may
pagitan lamang na dalawa at tatlong taon ang pananalasa ng bawat isa. Subalit,
madalas nalilimutan natin ang katotohanang ang ating bansa ay nasa ring of fire
at typhoon belt sa Karagatang Pasipiko, na dinaraanan ng anim hanggang pitong
(6-7) tropical cylone landfalls kada taon. Ibig sabihin, sa alpabetong
pagpapangalan natin na umaabot pa hanggang letrang U (Uring), 6-7 dito ang
naka-klasipika bilang tropical cyclone na umaabot sa lupa.
Bunga niyon, ang kahalagahan ng mga puno sa ating kabundukan
ay walang kasingtumbas, lalo na sa panahon ng kalamidad. Ang pagproprotekta ng
mga puno lalo na yaong may malalaking ugat ay may mataas na kapasidad na
sumipsip ng tubig at pigilan ang pagbagsak ng lupa sa mataaas na lugar ay
responsibilidad ng lahat. Ang ating kagustuhan na i-develop ang mga mapupunong
lugar ay nararapat na may katumbas na kapalit, gaya ng muling pagtatanim at
pagsasalba ng ilan pang mga punong pwede pang sumasailalim sa proseso ng
earth-balling. Sa ating pag-unlad bunga ng ating mga development projects,
mahalaga ding isipin ang bilang ng taon na nakatayo ang mga puno. Mapapalitan o
matutumbasan ba natin ito kapalit ng pangakong kaunlaran? Ano naman kaya ang
epekto nito sa mga tao sa paligid? Lalong higit ng mga inosenteng walang
kaalam-alam na kalbo na pala ang kabundukan at ang mga trosong pinaanod sa
tubig ang siyang tumambad at kumitil sa buhay ng kanyang mga kapamilya.
Sa patuloy na pananalasa ng mga natural na kalamidad, ang
natitira nating pag-asa katulad ng mga puno ay nararapat na mahigpit na
ipagbawal. Matagal na silang nagbigay ng babala at paulit-ulit pa. Ang umaapaw
na pera ay walang panangga sa oras na gumanti ang kapaligiran sa ating paglalapastangan
sa kanila.
Muli, paulit-ulit naman nating alam ang mga ito. Parang
sirang plaka na lang ang paulit-ulit na pagbibigay ng babala laban sa parating
na kalamidad. Subalit hindi nagsasawa ang babala ng kapaligiran hanggang may
mga ilan pa ring ganid na sinusuway ito. Ilang buhay pa ba ang kailangang
mawala bago natin maisip ang bahagi ng mga puno sa ating buhay? Ilang bagyo pa?
Sana may oras pa.
Kaya naman nabuhay muli
ang pamahalaan sa paghikayat sa
pakikiisa ng mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa
pamamagitan ng mga programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno ito ang
panawagan ng gobyerno.
Ikaw Lucy, kaya mo bang
magtanim ng punong kahoy para sa
susunod nating salinglahi?
LUCY: Of course naman Kaka, katunayan nga minsan
na akong nakiisa sa pagtatanim ng mga puno diyan sa Romagonrong falls, na
kong saan watershed area ng Upi, dahil
diyan natin kinukuha ngayon ang tubiog
na dumadaloy sa ating mga gripo sa
ngayon.
ALIH: Ako din Lucy, ilan beses na akong nakasama sa tree planting, dito sa highway,
Romagonrong falls, at sa aming bakuran
marami din akong tanim na mga puno, puno na napapakinabangan na sa
ngayon, dahil namumunga ng mga prutas.
Ang pakiusap lang sana natin, huwag ng sirain
ng mga kababayan natin ang
mga puno na kusa ng tumutubo sa
ating mga kapaligiran, kong sakaling di
maiiwasan ang pagputol, dahil
kinakilangan, palitan natin sa pagtatanim muli ng iba pang punong kahoy.
Maraming salamat sa inyong pakikinig, heto po ang inyong
Kaka Alih, na nagsasabing, ang punong itinanim ay buhay ng tao ang
kakambal. Sukran at maraming salamat.
LUCY: Maraming salamat Kaka Ali, Mga kapatid, Magtanim ng
puno, para sa kaligtasan ng ating pamilya.
(PLAY
EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento