Mag-agahan
Para sa Ating Kalusugan
(August 23, 2013-Biyernes-
Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00
A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Ms Lucy Duce)
(Play-
Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Pamilyang sabay sabay mag-almusal |
LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, ano naman ang ibabahagi natin
sa ating madlang nakikinig ngayong umaga?
KAKA
ALIH: Maraming salamat Lucy, well prepared tayo sa topics na
ibabahagi natin ngayon umaga, pero bago yun ay hayaan mong magpugay tayo sa
madlang nakikinig at nanonood, ng magandang umaga at asssallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga
kapatid na nanampalataya sa Islam.
Matanong kita Lucy, anong oras ka nag-aagahan
o nag-aalmusal? Ano ang ina-agahan?
LUCY: ako Kaka, madalas kape at pandesal, ang kanin mga alas nuwebe na ng umaga, after our program.
KAKA
ALIH: Thank you Lucy, then for me, I take my breakfast after our
Balita, but during Sundays, after I offer my Subuh or morning prayer inum na
ako ng kape, habang nagluluto ang mga bata, then pagkaluto, mainit pa kain na
ako, ang ibang member of the family tulog pa.
Ayon sa napag-alaman ko,
kailangan natin na mag-agahan, kong kaya pa complete diet..
Alam mo Lucy ang pag-aalmusal o agahan ang pinakamahalagang
pagkain sa buong araw. Ito ang isa mga
itinuturo di Doc Willie Ong. Bakit?
Ito kasi ang nagbibigay sa atin
ng lakas at enerhiya upang matugunan ang mga hamon at pagsubok na haharapin
natin sa buong araw.
But iba nating mga kapatid ay
di nakakalimutan na nilang mag-almusal. Dahil
marahil sa kakulangan ng oras at panahon dala ng modernong pamumuhay, madalas
ay nakaliligtaan na natin ang mag-almusal.
Maaga pa ay computer na ang inaatupag, papaano kasi kailangan niyang
sagutin ang comments o mag-like sa facebook. (PLAY LAUGHING)
LUCY: Ang iba diyan ang madalas ay kung ano na lang ang madampot
sa hapag-kainan.
KAKA
ALIH: Tama ka diyan Lucy, kahit anong nakalagay na pagkain sa sa
mesa, ay siya ng nilalantakan, lalo na yaong mga
batang kailangang pumasok sa eskuwela, na ang nanay ay di nakagising, o kong
nakagising di pa nakapagluto, dahil may ginagawa pang iba, kasama si tatay.. (PLAY LAUGHING)
Mayroon din diyan na mga
magulang na naghahabol ng oras upang
hindi mahuli sa trabaho, kaya kahit ano na lang kinakain, kong minsan kape lang
at isang pandesal. At karamihan sa nag—opisina o negosyante ay sa restaurant o
karenderya na lamang kumakain.
Sabi ng kaibigang Doktor, ito ay nakaaalarma kung umaalis sila ng bahay na kape
lamang ang laman ng tiyan! Kung ipapagtuloy ang ganitong kagawian, magdudulot
ito ng hindi mabuti sa ating kalusugan.
LUCY: Ano ba ang tamang
almusal Kaka?
KAKA
ALIH: Almusal? Dika na nasanay sa ating mga Pilipino, kanin sa umaga, kanin-kanin. Sabagay mabuti Naman
ang kanin ngunit hindi dapat labis ang pagkain nito. Mainam ito sa almusal
dahil nasusunog natin ang calories nito sa buong araw.
But siguraduhin na balanse ang
almusal. Ang carbohydrates na nakukuha sa kanin at tinapay;
ay may dagdag na protina na mula sa isda
at karne, tulad ng tinapa at langgonisa; bitamina, mineral at fiber mula sa
prutas at gulay.
At sa mga mahilig uminom ng
kape reminder lang po. Huwag ding lalampas ng isang tasa ang pag-inom ng kape,
at kung maaari ay mag-tsaa na lang upang hindi nerbyusin. Para sa mga bata,
gatas o juice ang pinakamainam.
Nanay o ate.. Huwag ulit-ulitin ang hinahandang almusal
upang hindi magsawa ang pamilya. Kung maaari ay magplano ng menu, na para sa dalawang linggo upang matugunan ang
tamang panlasa at nutrisyon na kakailanganin.
Subukan din ang mga tradisyonal
na almusal na kinagisnan ng ating mga lolo at lola. Na may gulay, tinapa na
karne, sinugba na isda, ano pa.. Mahaba ang kanilang buhay dahil tama sa
nutrisyon ang kanilang kinakain.
Ang mga nangauna sa atin ay bihira
silang kumain ng pagkain na galing sa lata at bote na karaniwan ay sinangkapan
ng mga kemikal at preserbatibo.
Kumain tayo na parang mga
magsasaka, kung saan pawang mga sariwang sangkap at tradisyonal na pagluluto
lamang ang ginagamit at ginagawa.
Sa paraang ito, hindi lamang
tayo makatitipid, magkakaroon din tayo ng kakaibang lakas ng katawan at
makatutulong pa tayo sa ating kalikasan.
LUCY: Ano ba ang almusal
ng mga magsasaka Kaka?
KAKA
ALIH: Niluluto ng mga magsasaka ang kanilang almusal sa kanilang
tahanan. At di lang yun Lucy, sila pa ang nagtanim ng kanilang niluluto, kaya nakakasigorado
silang walang chemical ang gulay na ianaagahan nila. Esperience ko noong
nagsasaka pa ako, kasama si aman ay alas-tres pa lang ng bukang liwayway ay bitbit ko na ang aking baon sa bukid, kong minsan naman inihahatid ni
ina.
Ang mga mag-sasaka ay karaniwan
kinakain ang baon o hatid ng misis sa sandaling sumikat na ang araw at nagsimula
nang maging mainit at maalinsangan ang panahon.
Madalas ang bida sa kanilang
baon ay ang sinangag na bahaw sa konting mantika at bawang na bahagyang inasinan;
piniritong binating itlog na may bawang, sibuyas, kamatis na malaki ang
pagkakahiwa na sinahugan ng burong mustasa; ensaladang na may sangkap na
tinadtad na sibuyas, kamatis at bawang na hinaluan ang pinasingawang talbos ng
kamote o sariwang pako; tinapang isda, pritong longganisa, tapang usa o baka;
at huwag kalimutan ang atsarang papaya na makakatulong na pampaalis ng sawa.
Subukan din itong ginagawa namin,
ang pinagtirhan na sinugba na isda, o ib pang pagkain, kahit kanin, ay ibinabalot
sa dahon ng saging. Mahigpit ang pagkakabalot
nito at ilagay sa apoy, ang malamig na, balik ang init. Ang dahilan kung bakit
sinasalab sa apoy ang dahon ng saging ay upang maging malambot at makintab ito.
Pinapatay din ng init ng apoy ang mga bakterya kaya makakasiguro ka na ang
pagkain ay hindi mapapanis.
Ito ang inyong Kaka Alih,
Sukran Wassalam.
(PLAY-
Gabay at Talakayang Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento