Huwebes, Agosto 22, 2013

Gulay Mula sa Sariling Hardin ay Mas Masarap Kaysa Binili sa Merkado

Gulay Mula sa Sariling Hardin ay Mas Masarap Kaysa Binili sa Merkado

 (August 23, 2013-Biyernes-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce.)


 (PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY:   Magandang umaga Kaka Alih, kumusta naman ang iyong umaga? At ano naman tanim ang ibabahagi mo sa amin ngayong umaga? 

ALIH:   Gulay na mula sa sariling hardin mas masarap kaysa ano mang mabili na gulay palengke..  Agree ka dito Lucy?

Siling labuyo
LUCY:   Agree Kaka, but I may request na pwede mong ipaliwanag sa amin, bakit?

ALIH:  Of course that is my  part, this morning, but before anything else, magpupugay muna ako sa madlang nakikinig at nanunood ng magandang umaga at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam.

Marahil Lucy walang kokontra sa sinabi natin,  na  lahat ng nagtatanim ng sarili nilang gulay ay sasang-ayon na mas masarap na di hamak ang mga ito,  , kaysa sa kahit na ano mang gulay na  puwede nilang mabili  sa palengke.

LUCY:   Ganito na lang Kaka ang deal, ang  di sasangayon o may suggestion magtext sila sa atin, right now, our key words is “Bayan” at mga numero na pwede nilang magamit ay ang dalawang mobile number natin:09392558633 at 09276724037.

 ALIH:  Deal! (PLAY LAUGHING) Kong ganoon ay dapat lahat tayo ay dapat may sariling hardin o garden, para makapagtanim ng   sariling mga gulay.

 Ok tuloy ko Lucy, kayo naman pare, tuloy lang ninyo ang pag-inom ng kape, at huwag ka ng magtext kapatid, dahil sinisiguro ko sa iyo, sa sasang-ayon ka sa akin.

Kong gulay na binili sa palengke, lahat ito ay dumaan sa kamay ng mga negosyante o mangangalakal. At ang mga mangangalakal na ito ay pumipili ng ibat-iba klase gulay o prutas na tumatagal sa biyahe, at dahil dito posibleng magkakapareho ang itsura at nahihinog ng sabay-sabay.

Ngunit, ang nagtatanim ng sarili nilang gulay ay nakakapili ng ibat-ibang klase sa pamamagitan lamang ng lasa o sarap at kasariwaan, na gusto nila.

Halimbawa nito Lucy, ay ako.  Yes, tulad ko,  kong kamatis ang pag-uusapan,  ang gusto ko na kamatis ay manibalang at hindi malalaki.  Sa Talong naman  gang gusto ko yang bubot pa, o bata pa, sabagay kahit sa tao gusto ko bata pa.

(PLAY LAUGHING).

Heto pa ang pinaka-rason kong bakit kailangan may sarili tayong gulayan o hardin sa ating mga bakuran.

 Maraming gulay, kasama na na dito ang sweetcorn at mga beans, ay nagtataglay ng asukal na nagbibigay linamnam sa pambihirang lasa nito. Subalit sa sandaling pinitas na ang mga ito, ang asukal o tamis nito ay nagsisimula nang maging starch o harina  at ang lasa ay nawawala na o tumatabang.

Ito ang dahilan kasamang Lucy, mga giliw kong magsasaka, o kumara, kumpare , kung bakit ang palengke ay hindi makakompetensiya sa tamis at lasa ang gulay na   pinitas mula sa inyong tanim,  na isang minuto pa lamang pinitas bago lutuin. 

Isa pang dahilan, ang pagpapalago ng sarili mong gulay ay ang pagiging praktikal dahil na rin sa sobrang mahal ng bilihin sa ngayon.  Nakakasigorado ka ba ang binili mong petsay ay hindi inisprihan ng chemical?

At kung maisipan mong magdagdag ng dahon ng sibuyas sa iyong salad, uutos ka pa ba ba ng anak mo, na papasok pa sa paaralan,  para bumili sa palengke? Hindi na,  dahil  andiyan lamang  sa inyong bakuran ang kailangan mo, at presko pa.

At kung isasa-alang-alang mo rin ang ka-kontentuhan na mararanasan mo, ang kapaki-pakinabang na ehersisyo sa araw-araw na ginagamit mo sa pag-gagarden.  At makakain o magugulay mo pa kong ano ang gusto mong gulay.

 Believe me my friend, masarap ang lasa ng gulay kapag ikaw ang nag-tanim at nagluto, bakit ko ito nasasabi, based in  my personal experience.

Madali lang naman ang pagtatanim ng mga gulay, konting kaalaman lamang at konting tiyaga. Pero kong likas kang tamad, wala na akong magagawa, surrender na ako, wala pa kasi maibento ang gamot sa katamaran. (PLAY LAUGHING).

Ang kailangan mo kaibigan ay lupa na pagtataniman, dahil halos lahat ng tanim ay sa lupa tumutubo. Ang lupa ay ang pinakapangunahin sa mga gamit na kailangan natin sa paghahardin.  Kaya nararapat na ihanda ang lupa na pagtataniman  ng tama at magkakaroon  malaking tsansa ka na makapag-patubo ng magagandang uri at dami ng gulay.

Ang pinakamagandang lupa o location ay yong mataba o fertile at malayang nakakadaloy ang tubig, ngunit nakakapag-iwan ng basa o moist.  Ang ibig kong sabihin pare ay  nakakapagta-ipon ng sapat na tubig para sa mabilis na paglago ng inyong halaman, but sigoraduhin mo na hindi naman ito magiging sanhi ng pagbabara o di pagdaloy ng tubig pag umuulan.  Proper drainage is necessary.

Ang mga gardener ganito ang kanilang ginagawa. Para mapalambot ang makapal at tuyong lupa,   bungkalin ito at haluan na maraming nabulok na bagay, basura, tuyong dahon, animal manure, at iba pa.

Dito sa ating bayan, especially sa Nuro, may mabibilhan tayo ng  mga organic compost o yaong mga nabulok na bagay. Sa MRF center sa may motorpool ay pwede kayong makipag-unayan.  Sa opisina ni Ate Glo Sentillo, ang ESWM,  try to contact,  makakabili kayo sa halagang   more or less isang sako ay  P100.

 Ang sabi nga pala sa akin ni Ate Glo Malbaran, yung organic o nabubulok na material na inihanda nila ay    conditioner,  para sa garden na gulay at bulaklak ang itatanim, tulad sa buhok ha, may hair conditioner din.. (PLAY LAUGHING).

LUCY: Bakit kailangan ang mga garden soil na ganito Kaka Alih?

KAKA: Bakit kailangan ang mga garden soil na ganito, Lucy? Ang mga ito kasi ang magpapalambot sa lupa at makakahikayat ng bulate na lalong makakatulong sa pagkondisyon ng lupa. 

Heto pa ang minsan ginagawa ko.  Ang buhangin at graba ay mahalaga rin para mapa-buti ng husto ang malayang daloy at ang texture o timpla ng lupa.

At para mapabuti ang texture ng lupa, ang organic na sangkap ay nagbibigay ng nutrisyon sa pagkain ang mga halaman. Ang nabubulok ng ipa ng palay o cob ng mais ay mainam rin na panghalo. Marami nang nabibilihan nito sa ngayon.

Sa karamihan, ang mga gulay ay madaling makaagapay o maka-adopt sa klaseng lupa, ngunit ang acidity at alkalinity ng lupa ay mahalaga. Sa pangkalahatan, ang gulay ay gusto ang katamtaman pH na 7. Para maintindihan ang pH ng pure water o tawag natin na mineral water ay almost pH7. Ang 0-6 ay acidic at ang lagpas naman ng 7 ay alkaline water na.

Ngunit may ibang gulay na mas pumapabor sa medyo mataas na kaunti ang alkalinity ng lupa.

Siling labuyo at Sakurab (dahong sibuyas)
Para malaman ang pH ng lupa, bumili ng soil testing kit sa garden center o maghahalaman. Napakadali lang nitong nitong gamitin. Kong gusto mong madagadagan ang kaalaman dito you may contact guro ng  UAS-PTIA o kahit mga student na 3rd or 4th year, tiyak naturuan na sila ng pag-gamit nito. But in our place Upi, di na kailangan ang test na test na yan, just plant ng gulay tutubo na yan.. (PLAY LAUGHING).

Kong sakaling malaman mo na acidic ang lupa na pagtataniman mo, don’t be stress. Ang acidic na lupa ay maaaring gawing katamtaman sa pamamagitan ng pagdadagdag ng lime o durog na limestone or dolomitic limestone, don’t worry sa mga materials na ito, available sa mga agricultural store.

Ang alkaline na lupa naman ay maaaring gawing katamtaman sa palagiang pagdadagdag ng compost at manure.  O di ba madali lang.

Ang mataas na alkaline sa lupa ay ang pinakamahirap na ayusin o itama.  Kung ganito ang klase ng lupa nyo, ay makabubuti na sa container na lang kayo magtanim o kahon na yari sa kahoy.

May nabasa ako kahapon, na hindi paso na nakapatong lupa kundi nakasabit sa dingding, doon nakatanim ang  itinanim na petsay, kamatis, ampalaya..ang tawag nila ditto ay hanging  o vertical gardening.

Yes sa mga taga Nuro, na kulang ang area ng mapagtataniman ninyo ng inyong mga gulay, yaong mga hindi naman kalakihan ang puno, tulad ng petsay, alugbati, ampalaya, linggay, pwede ninyong subukan itong vertical o nakasabit na mga supot o sako. Ang ginawa nila ay tinahi ang plastic na may pormang malalaking bulsa, na sa bawat hilira ay   apat  at apat na patong, sinlaki ng din mga plastic bag na ginagamit sa planting materials.
hanging or vertical  gardening

Sa mga lugar na mabato, o nakasemento,   at hindi maganda ang lupa  pwede pa rin mag tanim ng maramihan: gumamit ng mga sako  ng palay,   NFA sacks. Lagyan ng mataba  o magandang lupa at doon po ninyo itusok yung mga tanim ninyo, maaring bawang bulbs  or luya (ginger) na may isang dangkal ang pagitan.  
Dito na ninyo magagamit ang mga lupa kanina na nabanggit natin, na mabibili sa MRF natin, o kaya kayo na mismo ang nag -gawa na mga   organic materials.

Sa pagluluto naman, abangan na lamang sa mga segment sa buhay buhay.. tiyak na mapapalaway kayo, na sa mga ibabahagi ni Jeanetha, sa programang buhay buhay mamayang ika  8:00-9:00 ng umaga.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pakikiisa sa amin yours truly,  Kaka Alih   wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh..

(PLAY EXTRO- USAPING AGRIKULTURA)


LUCY: Iyan si Kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento