Larawan ng ibat-ibang tribu at Relihiyon. |
(Agosto 15, 2013-Thursday- Script na
sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa
segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Ms Lucy Duce)
Host/LUCY: Madalas tayo ay
nalilito sa pagkakaiba ng Tribu sa Relihiyon?
Kong minsan ang tribu ay siyang relihiyon, at kong minsan naman ang
relihiyon ang siya din ang tribu. Ang
alibi o rason ng iba, ang mahalaga ay
nagkakaintindihan, you can communicate ok na iyon, tama ba? Ano man ang inyong sagot , samahan ninyo kami ni Kaka Ali
sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya, dahil lilinawagin
sa atin ang kaibhan ng tribu sa relihiyon.
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)
Host/LUCY: Magandang umaga Kaka Alih.
Kaka Alih: Maraming salamat Lucy, Magandang umaga din at asssallamu
alaikum warhamatullahi wabartakatuh.
Ang binuksan ni Lucy, na
katanungan sa inyo ganito, “kong minsan tayo ay nalilito sa pagkakaiba ng Tribu sa Relihiyon? Kong minsan ang tribu ay siyang relihiyon, at
kong minsan naman ang relihiyon ang siya din ang tribu. Ang alibi ng iba, ang mahalaga ay
nagkakaintindihan, you can communicate ok na iyon, tama ba? na ang tribu ay ito
din ang inyong relihiyon?
Magandang katanungan dahil magpahanggang
sa ngayon ay hindi pa rin lubos na naintindihan ng nakkakarami, kasamaa na dito
ang nasa education sector. Ganito
ko Kapatid na nakikinig at nanonood, sasagutin
ang medyo malalim na tanong, medyo balik eskuwela muna tayo, Word meaning ika nga, ok lang ba sa
inyo? (LAUGHING)
Ayon sa
dictionary na kahulugan ng Tribu ay “A family, race, or series of
generations, descending from the same progenitor, and kept distinct, as in the
case of the twelve tribes of Israel, descended from the twelve sons of Jacob”.
Ang halimbawa ng mga tribu kong dito sa
bayan ng Upi ay T’duray, Lambangian,
Manubo-Dulangan, Maguindanaon, Iranun, Meranaw, Ilocano, Ilonggo, Tagalog, Tau
Sug, Pampangueno, at marami pang iba.
Ano naman ang meaning ng religión? “a
specific fundamental set of beliefs and practices generally agreed upon by a
number of persons or sects”.
Ang nasabing diksyunaryo ay nagbibigay din
ng mga sumusunod na kahulugan sa term na “relihiyon”- which means “paniniwala sa Diyos o mga diyus-diyosan upang sambahin, kadalasang ipinapakita
sa asal at ritwal; anumang sistematikong paniniwala, pagsamba, at iba pa”.
Ang halimbawa ng mga relihiyon ay: Islam, at Kristiyanismo. In which ang
Kristiyanismo ay nahahati ng mga ibat-ibang denomination tulad
ng Romano Katoliko, Episcopal, Evangelical, Iglesia ni Kristo, Seventh Day
Adventist, Jehovah Witnesses, one of the
latest na nabuo na denomination ay itong dito sa Upi ang Association of Teduray Bible Churches,
Inc. ATBCI, , at marami pang ibang
Christian denomination.
Pag sinasabi natin na Christian at Muslim
ang tinutukoy natin dito ay ang mga paniniwala o relihiyon. Samantala pag sinabi
natin na Teduray, Maguindanao, Iranun, Ilonggo, Ilocano at iba pang tribu ang tinutukoy dito ay ang tribu.
Ito ang tandaan mo kaibigan, anumang
tribu ka nabibilang ay hindi ka automatikong magiging Muslim
o Kristiyano. Ito ay nakadepende sa paniniwalaan mong relihiyon. Kong naniniwala ka sa Islam, ikaw ay isang Muslim, kong Kristiyanismo naman
ay isa kang Kristiyano.
Tama po ba Father Jun Imperial? Magandang
umaga sa aking kamag-anak na si Father Jun.
LUCY: Agree ako
diyan, Kaka, hindi dahil Ilongga ako ay Katoliko na ako, o Kristiyano na ako,
Kristiyano ako dahil naniniwala ako kay Kristo, na siya ang Diyos na Totoo.
KAKA ALIH: Tamaa ka
diyan kay Lucy, minsan may nagtanong na
guro, kong anong tamang term na itatawag nila sa
Maguindanaon na estudyante na magiging outstanding. Tatawagin ba na Muslim, Moro o Bangsamoro. Maguindanawon
na nga eh, but for long discussion We arrived to conclusión na ang term na
gagamitin ay Moro.
Bakit Moro?
Moro, ito ang naging tawag ng mga
mananakop na Espaniol sa kanilang mga naging kalaban dito sa Pilipinas, na sa
ngayon ay dinugtungan ng Bangsa, na ang ibig sabihin ay angkan. Kaya ang buong
kahulugan ng Bangsa+Moro ay angkan ng mga Moro.
“Papaano Kaka Alih kong ang isang Teduray
ay tinanggap ang relihiyong Islam, siya ay
naging Muslim, saan natin siya ibibilang sa ating Tri-people concept sa Upi?”
tanong kay Kaka Alih.
Ang tanong mo kaibigan ay tanong ko rin, o
magtatanong din ako: “.. kong isang Ilocano, tinanggap naman ang relihiyong
Islam, saan siya mabibilang? Sa Muslim dahil Muslim naa siya, sa Christian
dahil ang “Christian” natin ay tinutukoy ay yaong mga mula sa Luzon at Visayas.
Sadyang nakakalito ang ating terms na
ginagamit kaya panahon na upang ituwid ang dapat itama. Kong relihiyon ang
tinutukoy ay Muslim o Christian. Kong tribu ang tinutukoy natin ay
gamitin natin ang Teduray, Iranun, Maguindanaon, Ilocano, Ilonggo o
anuman ang kanyang tribu.
Sa ating bayan ng Upi, may grupo tayong
tinatawag na Muslim, Teduray at Christian, ang katanungan ko dyan: “ano ang
grouping na iyan? By Tribe ba? by religion ba? By nationality ba?”
May sulat din si kapatid na Zamin sa atin,
noong November 22, 2006, na ganito din ang issue.
“….Nalilito ako dyan, kong ano ba
talaga ang gruping na iyan, at naitatanong ko-bakit?
Kasi ang term na Muslim, ayon na rin sa inyong mga programa:
Muslim- ay yaong nanamplataya sa
Islam-tama po ba Kaka Ali? Mamaaring siya ay Teduray, Ilonggo, Meranaw, Iranon,
Ilocano, dahil ang term na Muslim ay may religious inclination hindi ito
nabibilang sa tribo. Ang ibig sabihin ng Muslim, ay nanamplataya- ang kanyang
agama o religion ay Islam.
Christian- ay yaong nanampalataya sa
agamang Christianismo. Siya ay maaring Ilonggo, Teduray, Iranon, Meranaw,
Ilocano o iba pang tribo. Maaring iba pang nationality siya nabibilang, dahil
ang pagka-Christiano ng isang tao ay dahil sa pananampalataya hindi dahil sa
kanyang tribong kinabibilangan.
Ang term na Teduray ay tinutukoy ay ang
tribung Teduray, katulad sa tribung Iranon, Maguindanaon, Meranaw, Manubo,
Subanen, Ilonggo, Ilocano o iba pang tribu.
Ang tanong ko Kaka Ali, ano ba ang basehan
ninyo o natin na hinati-hati natin ang ating mamayan na may grupo ng Muslim,
Christian at Teduray? Tama ba ang terms na iyan?
Ang sunod kong tanong, Papaano kong ang
aking kapatid na Teduray ay tinanggap ang agama (religion) na Islam, hindi ba
nararapat na siya ay Muslim na rin? Katulad din siya sa pananamplataya sa
Iranon na Muslim, Meranaw na Muslim, o Ilonggo na Muslim. Siya ba ay Muslim o
Teduray na tatawagin? Di ba Muslim na rin siya? Di ba dapat tawagin na siyang
Muslim na Teduray, katulad ng nauna nating binanggit?.
Ang Teduray na tinanggap ang Christianity,
di ba nararapat na tawagin na siyang Christian? Tulad din siya sa Ilonggong
Christiano, Iranon, Tagalog, Ilocano na Christiano? Di ba Teduray siyang
Christiano?
Yes tama ka Kapatid. Ang Katotohanan ay
kong Agama (religion) o pananamplataya ang pag-uusapan sa Upi, may mga mamayan
tayong nanampalataya sa Christianity sila iyong Christiano.
Nandiyan ang Agama o religión na
Islam at sila naman iyong mga sumusunod dito ay sila ang tinatawag na Muslim.
Kong tribu naman ang basehan, hindi na
maitatuwa na nakakarami ang bilang ang mga kapatid na Teduray, Maguindanaon,
Ilonggo, Ilocano, Iranun, Meranaw at marami pang ibang tribu dito sa Upi na
dito na tuluyan o pansamantalang naninirahan.
Ito po ang inyong Kapatid na si
Kaka Ali na naghihikayat sa ating lahat na kilalanin at alamin
natin ang pananampalataya ng bawat kapatid o kaibigan. Bukas…mas
lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa
DXUP FM.. Sukran and
Wassallam.
Host/LUCY: Maraming salamat Kaka Alih
sa paliwanag mo sa amin, ako naliwanagan, na ang relihiyon o agama ay ang
paniniwala ng tao, at ang tribu naman ay ang angkan o pamilya na kinabibilangan
natin. Ang pagkakaintindi ko doon sa paliwanag ni Kaka Alih, halimbawa ako, si
Lucy, si Lucy ay nabibilang sa tribung Ilonggo, ang relihiyon na kinaaniban ko
o pinaniniwalaan ay relihiyong Katoliko o Kristiyanismo.
(PLAY-EXTRO-GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento