ibat ibang panindang prutas at gulay |
LUCY: Marami ang nagpapatayo ng mga sari-sari store,
subalit madalas ay unti-unting nagsasara, bakit? Pakinggan natin ang ibabahagi
ni Kaka Alih sa ating segment, baka makatulong na hindi kayo magsasara ng
inyong sari-sari store..
(PLAY
INTRO-SIMPLENG KABUHAYAN)
LUCY: Magandang umaga, Kaka Ali.
KAKA
ALIH: Magandang
umaga naman Lucy at Assallamu Alaikum
Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga
kapatid na nanampalataya sa Islam.
LUCY: Matanong kita, may idea ka ba kong bakit sa
dami ng mga maliliit na tindahan, na tinatawag natin na sari-sari store ay hindi
nagtatagumpay.?
KAKA
ALIH: Maraming salamat Lucy, I hope I can reach
your expectation at ang kanilang expectation sa akin.. Insha Allah, I
will…
Ganito
ko sasagutin ang magandang tanong na yan.
Sari-sari
store o iyong maliliit na tindahan na ibat-iba ang paninda ay tinatawag sa
English na variety, because lots of varieties goods ay ipinagbibili dito.
Ang
tanong bakit marami ang pinatayo na sarisari store, but a month o couple of
month ay wala tindahan na lang wala ng paninda. (LAUGHING)
Unang
dapat gawin sa pagpapatayo ng sarisari store saan man ipapatayo, ( usually
pinapatayo ito sa harapan ng bahay o sulambi na walay o annex ng bahay natin,
diba?) Ang unang gagawin “conduct survey”. Anong isusurvey? Sino ang buyer
mo? Ano ang kailangan ng mga buyer mo?
Ang volume o dami na kailangan nila?
Sa
buyer, kong tindahan ay sa barangay ninyo,
of course ang mga kapitbahay, but, my friend di mo ba alam na may 2 o 3 ng nauna sa iyo na
tindahan?
Sa
item o goods na ititinda mo, ano ba ang binibili ng mga prospect na customers mo? Gaano karami ito, baka sa isang tindahan
lamang ay sobra sobra na ang supplies. Saan ka kukuha ng iyong supplies? I mean
regular na supply.
Kong
magpapabili ka, maaring hindi mo na kailangan ang mga estante, mga maraming
garapon o aparador, ano ang wala sa
existing ng tindahan, mayroon ba silang
sinugbang saging na saba? Kong wala dito
mo simulan, maari mong dagdagan ng juice, pineapple, kalamansi juice.
Dahan
mong pag-aralan ang mga bagay bagay na hinahanap ng iyong mga nagging
customers.. dito kailangan mo ang ma-PR (public relation) marunong kang
makipagkaibigan, hindi palaaway..hindi manlilibak sa kapuwa tao…
Matuto
kang magsimula sa maliit, hanggang sa unti unti ay lumalaki.
Sa
sari sari ay mga problema, una na dito ang pautang, kaya dapat marunong kang
maningil, na hindi ikagagalit ng iyong pinautang, baka dahil sa pagpautang mo
sa kanila maging mitsa ng inyong pag-aaway.
Reminder
kapatid, Hindi dahil may pera o capital
ka magpapatayo ka ng tindahan. Bakit alam mo na ba ang pasikot-sikot sa hanap-buhay na ito, ika eh knowledge is power.. (LAUGHING)
Hindi
dahil, nakabili ang kumare mo ng karaoke ay gagawa ka rin tindahan para makabili
ka rin karaoke.
Hindi
dahil hindi ka pinautang ng kumare mo sa tindahan niya ay magpapatayo ka din ng tindahan, para sa makupentisya lang siya, dahil gusto mong bumawi,
masama po yun.. matakot ka sa galit ng
Allah.
Sukran, ito po ang inyong Kapatid na Bangsa Mo
ro ..
Kaka Alih .. Wassallam.
LUCY: Maraming Salamat Kaka Alih, sa kumpletong
rekado na yan, na pangangalaga sa ating kaliksan, mga kapatid
bukas muling abangan si Kaka Ali sa ating segment na simpleng kabuhayan, at tinitiyak ko sa inyo na maeenjoy kayo, at maraming mapupulot na
aral..
(PLAY-EXTRO-
SIMPLENG KABUHAYAN)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento