Linggo, Agosto 11, 2013

Tungkulin at Responsibilidad ng Mga Magulang sa Kanilang mga Supling


(August 12, 2013-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)
Ang sama-samang pamilya na masaya at masigla, ay siyang huwaran

Host/ Lucy: “Kaibigan bilang magulang ginagampanan mo ba ang iyong  responsibilibad sa inyong mga supling?”

(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya”.)

Host/ Lucy: “Magandang umaga sa iyo Kaka Alih, gusto ko itong topic na inihanda mo ngayong umaga na: ” Tungkulin at Responsibilidad ng Mga Magulang sa Kanilang mga Supling.” 

Kaka Alih:  Good morning Lucy, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam.

Maraming salamat Lucy at sa title pa lamang ay nakuha ko na ang attention, mo, iba na kasi ang responsible na magulang tulad ni Lucy, alerto kaagad, responsible parenthood ika nga ating tatalakayin.

Ang presentasyon kong ito ay address ko sa mga anak, nakikinig at of course bilang  pagkilala naman sa mga magulang lalo na ang ina.
Bilang magulang resposiblidad niya na ibigay ang:

1.     Pagkalinga at pagmamahal-  Ang mga ina ay hindi umiidlip ng malalim o "tulog manok lang"  upang sa oras na ikaw ay umubo manlang  ay makabangon sya upang ikaw ay  asikasuhin.  Ni lamok ay hindi ka nila pinadadapuan. Walang kapantay talaga ang pagkalinga at pagmamahal ng isang ina. Kahit may edad ka na, dahil nanliligaw ka na, bilang isang ina, aasikasuhin at aasikasuhin ka niya hangga't kaya nila, pati sa paglalaba.

2.     Pagdisiplina- Hindi natin sinasabi na kailangan mamalo tayo n gating anak, para madisiplina o sumunod ang bata.  Maaari namang disiplinahin ng mga magulang ang kanilang mga anak nang hindi kailangang sila ay saktan o parusahan.

Sa ngayon ay may nakasalang sa  Kamara ang House Bill 4455 o Positive Discipline in Lieu of Corporal Punishment of Children Act of 2011 sa pangatlo at huling pagbasa. Sa ilalim nito, ipinagbabawal ang pananakit sa mga bata, at nakasaad din ang mga pamamaraan upang madisiplina ang mga bata nang hindi sila pinagbubuhatan ng kamay.

3.     Paghubog sa kabuuang pag-unlad (edukasyon) . Responsibilidad nating mga magulang na mapag-aral at mapagtapos an gating mga anak sa pag-aaral. Kinakailangan din natin ang alalay sa kanila, halimbawa sa homework, sa mga meeting ng mga magulang sa paaralan, kinakailangan dumalo ka doon na magulang.

4.     Pagbigay ng mga pangunahing pangangailangang pinansyal gaya ng pagkain, damit, bahay atbp.

5.     Pagturo ng mabuting asal at pakikipagkapwa-tao. Ipakita mo ang magandang halimbawa, pagiging magalang, pagsasabi ng magandang umaga, pagbibigay respeto sa iyong kasambahay, lalo na kay Mr.. kahit galit ka, huwag mong sigawan sa harap ng mga bata.. pasok kayo sa kuwarto …

6.     Pagturo ng pagmamahal at katapatan  sa bayan.  Halimbawa ang tapat ninyong kalsada na may sira, bakit di mo subukan ibalik ang mga bato  para din a lumaki ang sira.

7.     Pagturo sa wasto at masinop na paggamit ng pera.  Papaano maglaba, magligpit ng kanilang higaan, ipakita mo sa kanila papaano ito ginagawa.

8.     Pagturo/paghubog sa mga ispiritwal  na pangangailangan.  Sa Muslim, magsambayang ka na tatay at nanay.. ikaw Nanay na Muslim, takpan mo ang iyong aurat (kahubaran).. sa Kristiyanismo naman, ituro sa mga anak mo papaano manalangin, bago matulog, kumain, o kaya isama sa pagsisimba Linggo-linggo.

Sa susunod naman na ibabahagi natin ay ang Mga Karapatan ng Bata
Ito ang inyong kapatid na Iranun na Bangsamoro, at inyong segment writer sa Gabay at Talakayang Pampamilya.. Kaka Ali, Wassallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Host/ Lucy: Maraming salamat Kaka, sa napakagandang  kaalaman na  yan, na iyong ibinahagi, kaya  mga giliw naming tagapakinig, abangan bukas ang segment ni ni Kaka Ali na Gabay at Talakayang Pampamilya, dahil tiyak marami kayong mapupulot na aral at impormasyon.


(PLAY EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento