Martes, Agosto 13, 2013

Pagkontrol sa Pag-gamit ng Plastic Bags

 (August 14, 2013-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)

karamihan sa tinatapon na basura sa KM 30 ay mula sa plastic
na material, na hindi nabubulok kahit sa matagal na panahon,
na hindi naman pwedeng sunugin dahil sa wawasakin ang
ozone layer
Host/ Lucy: “Bilang magulang may maitutulong ba tayo sa pangangalaga ng ating kapaligiran,  halimbawa konting ulan lang ay baha na kaagad?”

(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya”.)

Host/ Lucy: “Magandang umaga sa iyo Kaka Alih, gusto ko itong topic na inihanda mo ngayong umaga na: pangagngala n gating kapaligiran, itong makapagpasa tayo ng batas sa pagkontrol ng pag-gamit ng plastic bags, tulad ng mga batas na naipasa ng ibang LGU, halimbawa ay sa Bayan ng Makilala, North Cotabato.

Kaka Alih:  I like yung sinabi mo sa Makilala North Cotabato, ako din medyo nabigla ng bumili ako sa isang tindahan, ayaw nilang ilagay sa plastic bags.. pag usapan natin yan, but begfore anythingGood morning Lucy, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Anything else allow me to say Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam, and like goodmorning to all listeners especially to members of the Sangguniang Bayan ng Upi at ng mga 23 barangay ng Upi, kasama na rin ang South Upi LGU.

Ang Upi ay may batas na sa pangangalaga ng basura-   o ORDINANCE NO. 003 Series of 2007 “A COMPREHENSIVE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ORDINANCE  OF THE MUNICIPALITY OF UPI AS AMENDED.

Ang inaasahan naman ng mga environmentalist (mga taong mgay pagmamahal at pangangalaga sa kalaikasan)  ay maipasa ng ang batas naman sa nagbabawal sa paggamit ng plastic bags sa mga dry goods, pagkontrol ng paggamit nito sa mga wet goods at ang paggamit ng styrofoam na lubhang nakakapinsala sa kalikasan.

Bakit Kagawad, my friend kailangan ang ganitong batas? Ito ang batas na makakasuporta sa solid waste management. Papaano kasi, gng mga plastic bags ay isang sanhi ng pagbara sa mga kanal at estero na karaniwang dahilan ng pagbaha lalo na sa panahon ng bagyo.

Gusto mo bang magaya natin ang Metro Manila at ibang parte ng bansa o ng mundo, na binabaha na?
Heto mga balita, hinggil sa plastic, please listen.

"Plastik ang siyang itinuturo ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) na siyang pinakamatinding sanhi ng mga pagbaha sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Ayon kay LLDA General Manager Rodrigo Cabrera, base sa kanilang pag-aaral ay lumalabas na ang mga plastik ang sanhi ng mga matinding pagbaha dahil sa pagbabara ng mga estero, kanal at Ilog.

Nabatid na karamihan sa mga ilog, estero at kanal sa silangang bahagi ng kamaynilaan gaya ng Marikina, Pasig, Mandaluyong, San Juan at Quezon City ay patungo sa lawa ng Laguna.

Kaugnay nito ay umapela ang ang pamunuan ng LLDA sa lahat ng mga local government units (LGUs) na ipagbawal o itapon sa tamang basurahan ang mga plastic upang hindi bumara sa estero.

Ayon pa kay Cabrera, sakaling makiisa ang mga LGUs ay unti-unting maiiwasan na ang matitinding pagbaha na dulot ng pagtapon ng plastik.

Magdadaos rin ang ahensya ng mga seminar workshop sa iba’t-ibang siyudad at munisipalidad kasama ang environment and natural resources officers sa darating na  Mayo 25 kung saan ilalahad dito ang perhuwisyong dulot sa paggamit ng plastic bag na karaniwang ginagamit bilang lalagyanan ng mga pinamili mula sa mga palengke o mga groserya.

“Noong nakalipas na bagyong Ondoy, ang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig probinsiya ay dulot ng mga basurang nagsipagbara sa mga estero, kung saan, ang mga basurang nagsipagbara sa mga  kanal at estero ay 90 porsiyeno na pawang mga plastic bag.” Ani Cabrera.

Kasabay nito ay iminumungkahi ng LLDA ang paggamit ng biodegradable bags na mabibili sa mga iba’t-ibang tindahan na kung saan ang mga ito ay nalulusaw at hindi tulad ng plastic na hindi natutunaw sa mahabang panahon.

Heto pa ang ibang balita na nakuha natin sa ibang website at marahil napanood mo o narinig na balita sa radio:

LUCY: (BALITA INTONATION) “Sa survey na isinagawa ng Ecowaste Coalition at iba pang environmental group noong 2010, nasa 76.9% ng basura sa Manila Bay ay gawa sa plastik.

Sa kasalukuyan ay mayroong walong syudad sa buong Metro manila ang nagpapatupad ng plastic ban. Ito ay ang mga siyudad ng Muntinlupa, Marikina, Pasig, Las Pinas, Pateros, Pasay, Makati at Mandaluyong.”

KAKA ALIH: o narinig mo, ang balita? Heto pa ang isa na balita, pakibasa muli Lucy.

LUCY: “UMAPELA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng mga barangay council na magpasa ng batas para sa mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng plastic bags at styrofoam.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kapag ang mga plastic ay bumara sa daluyan ng tubig tulad ng kanal at estero ay magreresulta sa mga pagbaha sa Metro Manila.

Kalimitan na gumagamit ng mga styro at plastic products ang mga food chain at ang mga pribadong establisimiyento.

Nakatakda ring pulungin ni Tolentino ang mga Metro Manila mayors para isulong ang naturang hakbang upang matapos na ang matagal nang problema ng Kamaynilaan sa baha.”

Hay salamat naman dahil nabasa ko nitong umaga ang balita na:

Upang hindi kani-kanya ang mga Local Go­vernment Units (LGUs) sa kanilang kampanya laban sa paggamit ng plastic, gagawa ng batas ang Kongreso upang maipatupad ito sa buong bansa.

Sa House Bill 106 na inakda ni Cavite Rep. Lani Mercardo-Revilla, panahon na para magkaroon ng plastic ban sa buong bansa upang mapangalagaan ang kapaligiran na sinisira ng mga produktong ito.

Sinabi ng lady solon na napadali ang buhay ng mga tao dahil sa plastic subalit nakita umano ang epekto nito sa kapaligiran kung saan naging sanhi ito ng pagbara ng mga ilog, kanal, estero at iba pa.

Hindi lamang, aniya, sa Metro Manila nagkakaroon ng problema dahil sa walang pakundangang paggamit ng plastic pro­ducts mula sa bag, plato, kutsara, tinidor, baso, Styrofoam containers at iba pa.

Nais ni Revilla na pabigatin ang parusa sa mga lalabag kapag naging batas ang kanyang panukala partikular na sa multa.

Mga kapatid, na nagmamahal sa kalikasan, huwag na tayong maghintay na tayo naman ang bahain, di pa nagbaha ay gumawa na tayo ng programa o batas na maiwasan ang mga problema sa ibang bayan. Hikayatin na tin ang ating mga konsehal na inihalal na magpasa ng batas tungkol sa pagkontrol ng pag-gamit ng plastic.

Ito ang inyong kapatid na Iranun na Bangsamoro, at inyong segment writer sa Gabay at Talakayang Pampamilya.. Kaka Ali, Wassallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Host/ Lucy: Maraming salamat Kaka, sa napakagandang  kaalaman na  yan, na iyong ibinahagi, kaya  mga giliw naming tagapakinig, abangan bukas ang segment ni ni Kaka Ali na Gabay at Talakayang Pampamilya, dahil tiyak marami kayong mapupulot na aral at impormasyon.


(PLAY EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento