Martes, Agosto 6, 2013

Pinakamasustansyang Prutas- Abokado

Pinakamasustansyang Prutas- Abokado
Abokado (avocado) fruits 

(Agosto 7,  2013-Miyerkules-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes - Sabado) , ang   Host ay si Ms. Lucy Duce)

LUCY:  Kaibigan  ang payo ni   Doctor Willie Ong:  “para maging malusog, kumain ng 2 tasang prutas at 2 tasang gulay bawat araw.” Kaya   sa araw na ito  ay prutas pa rin   ang tatalakayin ni Kaka Alih at subalit  hindi basta-basta na prutas, ang pinaka masustansyang  prutas…anong prutas ito? malalaman natin yan sa kabuuan ng ating segment na:

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga   Kaka Alih. Kumusta ang iyong malamig na umaga?

ALIH: Hahahaha..   (LAUGHING).. Good morning din   Lucy, magandang umaga, sa lahat specially    sa mga kapatid na magsasaka,  sa mga mag-uuma, su manga tali-awid, at sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh. Happy Ramadan sa Lahat. Maaring ito na ang huling araw ng Ramadan, o end of Ramadan, dahil ngayon ay ika 29 na ng Ramadan.

LUCY: Ako naman bilang kapatid na nabibilang sa Kristiyanismo ay buong nakikiisa sa mga Kapatid na Muslim,  o sa mga Nanampalataya sa Islam,  ang aking pagbati ng mula sa puso ng "happy Ramadan Kaka at sa lahat ng mga kapatid na Muslim". 

ALIH: Maraming salamat Kapatid na Lucy sa iyong pakikiisa at naway pagpalain ka Nawa ng Allah, May Allah show us the Right path..   

Kahapon an gang tinalakay natin ay ang prutas na nagpasikat  sa Pilipinas ang pinaka matamis na prutas ang mangga.  Tulad ng tinuran ng kasamgn Lucy na isa sa pinaka masustansiyang prutas ang tatalakayin natin,  pero alam mo na ba ito kaibigan?

Isa sa pinaka-masustansiyang prutas sa ating bansa  ay ang abokado. Ang scientific name nito ay Persea Americana, in English Avocado.

Ang abokado  ay nagtataglay ng good cholesterol.  Mayaman  ang abokado sa calcium na kailangan para maging malusog at matibay ang mga buto at kasukasuan.  Mayaman din ang abokado sa Vitamin A.

Hindi lang pagkain ang abokado. Pangunahin din itong herbal medicine. Ang nilagang dahon ng abokado ay mabisang gamot sa mga may rayuma. Ang pinakuluang balat ng abokado ay nagpapasigla sa daloy ng regla ng babae.

Ang diarhea at constipation ay madali ring napapawi ng abokadong inilaga para inumin ng may nagrerebeldeng tiyan. Gaya ng kaymito, bayabas at iba pang mapapaklang prutas, mabisang panlinis ng sikmura ang abokado.

Opo kaibigan ang dahon ng abokado ay gamot sa taong nagtatae at gamot din sa namamagang gilagid. Nag-aalis ng nerbiyos, sakit ng tiyan, lalamunan, rayuma at sakit sa balat.  Ganito ang Paraan:

Maglaga ng sariwang dahon (o tuyo) gawing tsaa. Uminom palagi hanggang sa mawala ang nararamdamang sakit.

Kong sakit ng   ngipin ay ganito naman ang paraan: Humiwa ng maliit na piraso ng buto at ipasak sa butas ng ngipin, tatlong (3) beses maghapon.

Ang bunga ng abokado ay ginagawa ring cosmetics, shampoo, lubricating cream at jell. Dahil sa taglay nitong Vitamin A ito ay pampalinis ng balat. Napatunayan na ang magulang na dahon ng abokado ay nagpapakinis ng kutis ng babae kaya ito ay importante sa mga mahilig maging flawless.

Paborito ng babies ang avocado. Ang malambot, makremang texture nito ang dahilan kay madali silang pakainin nito. Nakatutulong sa kanilang mabilis na paglaki ang taglay nitong ‘high fat’. Taglay ng kalahating piraso ng avocado ang 114 calories at 4.5 g fibre, vitamin E at folate.

Ang mga prutas na puwedeng makataba ay ang abokado (322 calories bawat piraso), ubas (106 calories bawat tasa), mangga (107 calories bawat pisngi) at prunes (100 calories bawat 5 piraso). Bilang paghahambing, ang isang tasang kanin ay may 200 calories lamang. Kaya ano ang mas pipiliin mo, isang mangga o isang tasang kanin?

Sa pagtatanim ng abokado ay simple lang naman, lalo kong ito pang pmilya lang ika nga,  or tawag nila na for family used only.

Ganito kapatid, sa susunod na nakabili ka ng abokado, natikman na masarap, matamis, mapulot (yun ang paboritong abokado) in short ito na sa palagay mo ang magandang paramihin  ang lahi, itabi  mo ang buto, bawat isang prutas isa lang ang buto.  Kong hinog nay an, malalaman ang hinog dahil malambot na, gamitan ng knife, biyakin sa gitna, sigoraduhing di masugatan ang buto, kainin ang laman na matamis, masarap lalo na kong may halong asukal at gatas.. hmmm lami gid pru……(LAUGHING).. Paalaala lang po, huwag kainin ang buto, bukod sa mapait ito, baka ka malason…(LAUGHING).

Hugasan ang buto, at huwag tanggalin ang cover nito na dark brown. Pagkatapos kuha ka ng apat na toothpick, itusok sa apat na tagiliran nito, huwag ibaon ng sagad,  siguraduhing di lang matatanggal.

Ipatong ang buto na may tusok na toothpick sa baso na may tubig, na katamataman lamang siguradhing nakalubog sa tubig ang kalahati  ng buto, para doon lalabas ang mga ugat. Palitan ang tubig kada dalawang araw, para di contaminate ng mga bacteria ang buto, siguraduhing palaging basa ang mga umusbong na ugat.

Maghintay ng 2-3 ng linggo magsisimula ng mabitak ang nasa bandang taas at 3-4 linggo naman, may uusbong na ring mga ugat.

Susulpot na ang stem o puno na maliit, magkakaroon na ito ng dahon. Handan a itong itanim sa lupa, kong saan mo itatanim, alisin ang mga toothpick bago itanim, usually sa plastic bag or plastic na paso, diligan ng regular, 2-4 na buwan mayroon na kayong puno ng abokado sa loob ng bahay…este sa bakuran.

Sa paglilipatan o tataniman mo, ang gusto ng abokado ay medyo may lilim ayaw niya ng expose na expose sa araw.

Ayaw din ng abokado ang mabasang lupa, o matubig na lugar, mainam siya sa well-drained na lupa.

Ang abokado ay hindi pinahihinog sa puno, kundi kong sapat na ang edad  ng bunga, ay pipitasin   ito at 3-8 araw ay hinog na ito, ang hinog  ay malambot.

Sa planting materials na itatanim,  kong ayaw mo na makaexperience sa pagpapatubo, bumili ka na lamang,  dahil mura lang naman, 30-100 pesos ang isang planting materials, depende sa size nito.

Para sa karagdagang kaalaman makipag-unayan sa opisina ng Department of Agriculture (DA) o ng Upi Business Development Center (BDC,) magkatabi lang po yan, nasa annex ng Sanggunian Bayan building.

Ang inyong kapatid si Kaka Alih …..Sukran wassallam..

LUCY: Iyan si Kaka Alih  bukas abangan sa ganito ding oras   ang mga kapakipakinabang na ibabahagi sa inyo tungkol sa mga kaalaman sa pagsasaka.

(PLAY EXTRO)    



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento