(August
29, 2013, - Script na sinulat ni Alih
Anso para sa programang “Buhay –buhay ”
(8:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Ms Lucy
Duce)
(PLAY INTRO-Gabay at Talakayang Pampamilya)
LUCY: Magandang umaga Kaka Alih.
Kaka
Alih: Magandang
umaga din Lucy, Assallamu Alalikum warahamatulahiwabarakatuh.
Pagbibigayan o Give and
take, ito ang mahalaga bahagi na dapat gampanan ng mag-asawa. Ito din ang tatalakayin ni Kaka
Alih, ngayong umaga.
LUCY: Kaka matanong ko lang, papaano ba ang magbibigayan
ng mag-asawa?
Kaka
Alih: Good question, kaya dapat good answer din ang
maisasagot natin, kaya listen carefully, I will do my very best to answer your
question my partner. But reminders o paalaala sa lahat ng nakikinig at nanonood
an gating mga ibabahagi ay kinakailangan ang patnubay ng mga magulang, dahil
maaring may masisilan, bahagi na hindi masyado mauunawaan ng mga menor de edad,
kaya kailangan ditto ang parental guidance.. (PLAY LAUGHING).
Ang pagbibigayan o give
and take ng mag-asawa na sinasabi ko ay
ihalimbawa ko ng ganito, kong mabubusog ka, kailangan mabusog din si Mrs… (PLAY LAUGHING). Don’t laugh Lucy, ipapaliwanag ko, at sa libu-libong madlang
people na nakikinig at nanonood , sa mga sandaling ito.
“Hindi ganoon,….
ganito, ang dapat.” (PLAY LAUGHING) Ang
favorite line ni Mrs. At ni Mr? (PLAY
LAUGHING) Pare , Mare makinig ka bago ka tumawa diyan, serious tayo sa
usapan na ito..
First of all, take
note, sa mag-asawa, kailangan daw ng 90% na pagbibigay at sampung porsento
lamang ng pagtanggap. Oo nga naman,
lalong mainam kong ikaw ang nagbibigay kaysa ikaw ang nanghihingi.
Alam mo Lucy, may nabasa
ako na aklat, nakasulat sa God’s Little
Devotional Book for Couples, na nakasaad
na mayroong sampung (10) katanungan na maari nating itanong sa ating sarili, para malaman natin kung isinasagawa nga natin
ang pagbibigayan sa ating pagsasama bilang mag-aasawa.
LUCY:
Gusto ko yan Kaka, gusto kong ituro sa aking mga anak at mga apo.
KAKA
ALIH: You want to be a great lover ha my friend? (PLAY LAUGHING)
and because of that, heto na ibahahagi ko na sa iyo, ang sampung katanungan na maaaring makapabigay ng guide para maging
maligaya, at hindi basta ligaya kundi ligayang
walang kapares? (PLAY
LAUGHING) What I mean ay, ang
hangad natin ay magkaroon ng
katuturan ang pagsasama ninyong mag-asawa:
1. Handa ka bang ibigay ang katahimikan kung kailangan ng inyong
asawa ng maikling panahon ng katahimikan
sa bahay? Kaya Mrs. Kapag humihingi ng ceasefire si Mr ,
dapat tigil ka na sa pag-sisigaw. PLAY
LAUGHING)
2. Handa ka bang tanggapin kung pagsabihan ka ng inyong asawa lalo na kung ito’y para sa ating
ikabubuti? Yes, naman matuto din tayo
minsan, na makinig, hindi lang tayo ang palaging nagsasalita, kong baga sa valleyball, hayaan mong ang partner mo naman ang magserve
ng bola…Kapatid, Matuto din tayong makinig, hindi lang tayo ang palagi anbg nagasalita.
3. Handa bang ibigay sa
iyong asawa ang buong pagtitiwala? Huwag
masyadong seloso my friend. Give him or her a space, hayaan naman siya minsan
na makapamuhay binata? At makapamuhay
dalaga kong minsan. (PLAY LAUGHING) What I mean magtiwala tayo sa ating Mrs o Mr. Alam mo?
sa Islam pinapayagan ang selos, ngunit yaong selos na hindi mo papayagan na
maagaw ni Satanas saiyo ang iyong asawa.
4. Handa ka ang tumanggap ng karagdagang gawain kapag nakikita
nating pagod na ang iyong asawa? Minsan pare pagsilbihan mo din ang iyong Misses.. papahingahin din natin siya…minsan ikaw
naman ang maglaba, minsan ikaw naman ang magluto.. minsan ikaw naman ang
magtrabaho, mrs.. (PLAY LAUGHING)..
ang sabi nga nila ang buhay parang gulong kong minsan nasa ibaba kong minsan nasa itaas. (PLAY
LAUGHING)
5. Handa ka bang magbigay ng salitang makapagpapalakas o
makapagpapaginhawa ng loob ng inyong asawa? Naulit mo naba ang sinabi mo noon
na nanliligaw ka pa sa kanya: “mahal kita.. Iniibig kita…(PLAY LAUGHING) yes, Matuto
din tayong pasalamatan at purihin ang maliliit niyaNG accomplishment..huwag
palaging pinupuna ay yaong kapalpakan niya.
6. Handa ka bang magbigay ng panahon sa iyong kabiyak, iyong bang kayo lang dalawa at
walang istorbo? Yes, give time naman sa iyong Misses. Pare, maaga kayong
matulog para makarami.. (PLAY LAUGHING) estee… hindi…ang ibig kong sabihin ay ipasyal mo din minsan kahit diyan lang sa
inyong farm.
7. Handa ka bang magbigay sa iyong asawa ng magagalang na salita tulad ng
“please” at “thank you” my darling? Tayan, .. pwede ba na .. siyempre may
paglalambing…
8. Handa ka bang tanggapin na itigil ang argumento at
magpalamig muna ng ulo kapag kumukulo na ang damdamin ng bawat isa? Pare, Umatras kong malakas ang kalaban, hindi
karuwagan ang pansamantala pag-urong.. ay hindi pala giyera ito.. ang ibig kong
sabihin.. dumistansiya muna habang galit pa ang isa… maniwala ka pare, mamimiss
ka rin? (PLAY LAUGHING)
9. Handa ka bang magbigay ng salitang pagpupuri sa ating asawa?
Yes … recognized the accomplishment ng inyong asawa.. kahit maliit lang iyan..
halimbawa nakapagluto siya ng ulam na paborito mo , magsabi ka naman “hmmm heto
ang masarap na ulam”. Next na halimbawa,
kong naligo at mabango na ang inyong asawa, magsabi ka naman ng “Wow”..
(PLAY LAUGHING) never mind ang susunod
na sasabihin mo.. cut na …(PLAY
LAUGHING)
10. Handa ka bang tumanggap ng kapintasan mula sa iyong asawa?
Lalo ito ay para sa ating
ikabubuti? Pag sinabi ng asawa mo na
“hindi ka marunong..” eh tanggapin mo ba?, eh sa talagang hindi ka marunong
tumanggap, papaano .. never mind.. (PLAY LAUGHING) Basta ang iportante kong mag-criticize tayo
ay constructive ika nga..
Kuwento ng isang
kaibigang Pastor.
“May isang lalaking
kararating lamang sa langit at halos wala siyang katigil-tigil sa pagsasabi daw
kay San Pedro ng kaniyang pasasalamat dahil napunta siya sa napakagandang
lugar. Nakiusap siya kay San Pedro kung maari niyang masilip ang impiyerno.
Pumayag naman si San Pedro. Sa impiyerno, nakita niya ang isang mesa na ang
haba ay kung hanggan saan matatanaw ng iyong mga mata. Punong-puno ng iba’t
ibang uri ng masasarap na pagkain ito. Pero lahat ng nakapaligid sa mesa ay
gutom na gutom at mga payat. Nagtanong ang lalaki kay San Pedro, “Bakit hindi
sila kumakain?” Sumagot si San Pedro, “Kinakailangan silang kumuha ng pagkain
sa pamamagitan lamang ng paggamit ng tinidor na may apat na piye ang haba.
Biruin ninyo? napakahaba ng tinidor at walang makagawa na kumuha ng pagkain
mula sa mesa para subuan ang kaniyang sarili. Kaya’t unti-unti silang
namamatay.”
Nang bumalik na sila sa
langit, nakita nang lalaki ang isang mesa na parehong-pareho ng nakita niya sa
impiyerno! Iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ang nakalapag din dito. Pero
ang mga taong nakapaligid sa mesang ito ay malulusog at masasaya. Nagsalita ang
lalaki, “Ah, siguro ay mas maiikli ang kanilang tinidor dito sa langit kaya’t
nakakain nilang mabuti ang mga nakahapag sa mesa.” “Hindi, pareho din ang sukat
ng tinidor dito,” ang sagot ni San Pedro. Nagtatakang nagtanong ang lalaki
“Kung gayon, bakit ang mga tao sa impyerno ay namamatay sa gutom habang ang mga
tao dito sa langit ay malulusog at masasaya? Sumagot si San Pedro “ Dito sa
langit, nagsusubuan at nagbibigayan ang bawat isa.”
Konting aral sa ating
maikling kuwento, miinsan, nainggit tayo sa samahan ng ibang mag-aasawa na puno
ng ligaya at lambingan. Naisip natin na wala silang problema. Sa totoo lang,
ang bawat pagsasama ay may kani-kaniyang problemang hinaharap. Ang lahat ng
mag-aasawa ay may dinaraanang panahon na hindi pagkakasunduan. Pero, naniniwala
akong nasa atin pa rin ang solusyon. Kung nais nating maging malusog at
maligaya ang ating pagsasama, kung nais natin na maging langit ang ating
tahanan, magbigayan tayo n gating asawa.
O kayo kapatid bakit
dininyo subukan na mag-asawa?.. subukan na ninyo.. mamayang
gabi.. ehe este ngayon na.. heto ang inyong kapatid na si Kaka Alih hanggang sa susunod na episode ng
inyong Gabay at Talakayang Pampamilya …
sukran wasssalam.
LUCY:
Thanks to our tatay
dito sa DXUP, si Kaka Ali, muling
abangan ang kanyang assign segment na Gabay at Talakayang Pampamilya at
tinitiyak ko na maaaliw kayo at makakapulot ng mga aral.
(PLAY
EXTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento