Pagtatanim
at Pangangalaga ng Gulay at Prutas-
Multi-cropping, Niyog, saging, kamote, talong, kamatis,.. |
(August 28,
2013-Miyerules-Ang script na itoay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang
regular host ay si Ms. Lucy Duce)
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY:
Magandang umaga Good morning Kaka, ano ang inyong ibabahagi saamin at sa ating
madlang nakikinig at nanonood ngayong umaga.
ALIH: Good
morning din Lucy,sa mga kapatid na magasaka, magandang umaga, at para sa mga Kapatid
na nanampalataya sa Islam asssallamu
alaikum warahmatulahi wabarakatuh.
Ang tanong mo kanina ay“ano ang aking
ibabahagi sa ating madlang nakikinig
ngayong umaga? My response is Simple lang naman,
Tulad ng naipangako natin sa kanila, hindi natin babaguhin ng bigla-bigla ang mga nakaugalian
na pagtatanim at pangangalaga, kundi dadagdagan lang natin ang kanilang mga kaalaman.
Ang ibabahagi ko ngayon sa ating madlang
nakikinig ay ang pagtatanim at pangangalaga ng gulay at prutas.
Alam natin lahat na ang mga kapatid na
magsasaka, ay sanay na ngmagtanim ng mga gulay at prutas? Pero alam na ba
ninyong na-research ko?
Ikaw Lucy, alam mo na ba itong mga
nahalungkat (explore) ko sa internet ?
LUCY: Di pa Kaka Alih.
ALIH: Kitam, oh
di makinig at take note, para magets mo, baka pakinabangan mo, ..(LAUGHING).
Alam mo kaibigan/kapatid, ano
mang gulay o prutas , na maging dahon, bunga o laman ay ginugulay natin at ito
ay proven na maganda sa ating kalusugan.
Naalaala ninyo ang sabi ni Doc
Willie Ong? Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw.
Kaya naman napili ibabahagi itong mahalagang usapin ang pagtatanim at pangangalaga ng gulay at prutas.
Sa pangkalahatan, mataba ang lupa
dito sa atin sa Upi, kaya asahan mo halos
lahat ng mga itinatanim natin ay nabubuhay, lumalago at naaani ang mga
bunga, dahon at ugat. Subalit Kapatid,
hindi ito nangangahulugan na hahayaan na lang tumubo at lumaki ang mga halaman, na ang rason mo ay : “ ah tumutubo naman ay di nay an alagaan.
Dapat may plano ka rin naman
at may sistema ang pagtatanim, pangangalaga at pagmi-mintina ng mga
halamang-gulay at prutas, na ating mga tinanim.
Kong magtatanim ka ng gulay o
prutas, ano mang klase ito, first of all, kailangang piliin mo din ang mga
buto, o binhi, o punla/seedlings o dili kaya yang tinatawag nila na planting
materials, na may quality ika nga. Kong sa tao pa, pili ka rin ng magandang
lahi, kong babae ba sexy..guwapa..never maind that is not our topic…(LAUGHING).
Ang payo po ng inyong Kaka Alih,
of natutunan natin sa mga bihasa o expert sa pagatanim ng mga gulay at prutas ,
dapat ang mga ito ay galing sa
pinakamagandang ani o best crop of the season na pinatuyo at itinabi kong sa
gulay.
Kong wala dahil di pa kayo
marunong, simple lang sulosyon diyan, kapag walang naitabing binhi, kailangang bumili
sa mga tindahan, at sigorado pa itong hybrid o good quality. Ngayon, kuripot
este matipid ka, dahil ugaling Ilocano (LAUGHING)
maari ring manghingi lamang ng punla sa kamag-anak o kumpare, komng sakaling
may sobra naman silang binhi.
Pero bago ka manghingi este
bumili kailangang may takdang lupang pagtataniman.
Ok next page na tayo (LAUGHING)
DITO NA tayo sa plotting. Ano ang
plotting?
Ang plotting ay ang paghahanda ng
lupang pagtatamnan.Ibig sabihin, itatakda, susukatin at lilinisin ang lupang
napili.
Maglalagay tayo ng mga pananda, o
mga marka, kong saan tataniman natin, atsaka bubungkalin at paluluwagin ang
lupa.
Aalisannatin ng mga basura, na maaring makasagabal, tulad
ng mga bubog o mga nabasag na botelya,
damo at ugat . Kong minsan ,ang
plot ay siya na rin mismong seedbed.
Depende ito sa halaman na itatanim natin.
May mga halamang hiwalay ang
lupang pinagpapatubuan o nursery ng binhi, doon sa mismong pagtataniman at
pagpapalaguan ng halaman. Palalakihin muna ang seedlings o saplings , saka
ililipat o ita-transfer sa kanilang designated plots.
Next page, Dito naman tayo sa
lupang mismong pagtatanimam.
Kailangan, masa-masa o moist ang
lupa pag nagtatanim. Hindi pwede kung masyadong itong tuyo at ganoon din naman
kung sobrang basa. Kailangan ay kainaman lamang ang buhaghag o looseness at ang
humidity ng lupa para makahinga at makakapit ang punla.
Just in case, ang lupa’y
tuyung-tuyo, kailangan munang diligan
ng tubig bago magtanim. Pag
basang-basa naman, kailangan munang pababain ang tubig, dahil kung hindi,
alinman sa malulunod o maaanod ang binhi.
Bawat punla o binhi ay may
kanya-kanyang lalim ng hukay pag itinatanim.
Mayroong pananim na isa’t
kalahating pulgada lang ang kailangan.
Mayroon namang binhing anim na
pulgada ang dapat na lalim.
May kanya-kanya silang
pangangailangan para mapatubo at mapasuloy.
Pag masyadong mababaw ang
pagkatanim, baka ang mga punla ay tukain lang ng mga dumaraang ibon at manok.
Pag masyado namang malalim, baka
isang buwan na ay di pa nasisilayan ang mga suloy nila.
Kailangang may sapat na pagitan
ang mga tanim.
Kailangan ding may sapat na
pagitan o distansya sa isa’t isa ang mga halaman pag nagtatanim. Kung hindi,
maggigitgitan o magka-crowd sila at mag-aagawan sa tubig at sa sustansya o
nutrients ng lupa. Pag nagkaganoon,
mababansot ang marami sa mga tubo at hindi sila lalaki at bubunga ng maayos. Kaya importante ang spacing at distancing sa
pagtatanim.
Oy reminder, Pag naitanim na nga
pala ang binhi, dinidiligan ng bahagya ang
paligid ng lupang pinagtamnan.
May mga halamang minsan lang kung
itanim pero maraming taon bubunga at mapapakinabangan. Perennials ang tawag sa
kanila. Ang mga halimbawa nito ay ang niyog, papaya, kalamansi at paminta.
Mayroon namang kailangang itanim
kada taon pag season ng taniman o planting.Seasonals naman ang tawag dito.Ang
karaniwang mga halimbawa nito ay ang ilang varieties ng luya, luyang-dilaw,
kamote at kamoteng-kahoy. Ganoon din ang okra at talong.
May mga gulay na kapwa perennial
at seasonal gaya ng kamatis at sili. May variety silang pwedeng minsan lang
itanim, at, meron din namang itinatanim tuwing panahon ng taniman.
May mga tanim na gulay na maraming taon kung
bumunga.
Dapat ring tandaan ang regular na
pagdidilig ng mga halaman. Ang dalas ng pagdidilig at ang dami ng tubig na
pandilig ay depende sa tanim. Kaya ditto nararapat na isaalan g alang o isama
sa plano kong saaan kayo kukuha ng tubig na pandilig.
May mga halamang-gulay na
kailangang diligan araw-araw. Mayroon din namang makalawahan lang. Mayroong
halamang dalawang beses lang sa isang linggo kung diligin at nabubuhay na ng
ayos. Mayroon ding isang beses isang linggo lang ang kailangan. Karamihan sa
mga ito ay iyong mga tubers o di kaya naman ay bulbous plants. Pag tag-ulan,
hindi na gaanong alalahanin pa ang pagdidilig. Ang ulan na ang bahala sa mga
pananim. Ang kailangan lang pag ganitong panahon, tiyaking hindi malulunod ang
mga halaman sa tubig.
Isa sa iportante na huwag
kalimutan, pag tumubo na ang mga tanim, ay ang paggagamas o weeding out ng mga
damo sa paligid ng halaman.
Mahalaga ang gawaing ito sapagkat
kung hindi hahawanin o gagamasin ang mga damo, matatalo nila ang mga tanim
ninyong gulay.
Always remember, na mas malakas ang survival instinct, o likas na
damo na maadaling mabuhay kaysa tanim na pinakikinabangan, kaysa sa mga halamang tanim lamang.
Pero dito sa bayan ng Upi, ang
mga taga Upi ay alam na ito, na damo ang isa sa kalaban ng tanim.
May dagdag akong kaalaman, Ayon
sa researched ni kaka Alih, kung ang iyong halamanan ng gulay ay 50 kwadrado
metro (5 x 10 metro) lamang, maari na ang isang oras lang sa isang araw na
paggagamas. At of course pag malapad ang area ng taniman, dagdag oras din ang
kailangang ilaan sa paggagamas.
Ang paglalagay ng insecticides,
pesticides at pataba sa mga pananim ay di rin dapat kalimutan. Lahat ng
halaman, dinadayo at dinudumog ng mga insekto at peste.Ang mga insekto, ang
karaniwang inaatake ay ang dahon, tangkay at mismong bunga ng mga halaman.Ang
mga peste naman, karaniwang nginangatngat ang mismong binhi o di kaya naman ay
ang ugat at base ng puno.
Ang pangkaraniwang alituntunin,
pag insekto ang sinusugpo, insecticide ang gagamitin.Ngunit hanggat maari huwafg
gumamit ng pesticide, unless malala na ito. Kapag peste na e h di , pesticide, siyempre. Karamihan sa
mga peste ay fungi, galing mismo sa punla o sa lupang pinagtataniman.
Kailangang sugpuin ang mga
insekto sa pananim.
Ang bawat halaman, may kanya-kanyang
ina-attract na insekto at may kanya-kanya ring peste. Kung kaya, kanya-kanya
rin o specific ang pagsugpo sa mga ito. Hindi maaring iisang gamot o spray lang
ang gamitin para sa lahat ng tanim. Sa mga lugar na matatagal nang nagtatanim
gaya roon sa baryo namin, kabisado na ng farmers ang mga insektisidyo at
pestisidyong angkop sa bawat halaman. Kung hindi naman, maari mo itong malaman
sa packet of seedlings na nabibili – nakalagay roon sa balutan ng binhi kung
paano pamamahalaan ang mga kaaway ng pananim.
Pinagaganda ng mga bulate ang
istruktura ng lupa
Ang paglalagay naman ng pataba sa
lupa, sintanda na rin siguro ng agrikultura. Alam ng mga magsasaka iyon.
Kailangang pana-panahon, ibalik sa lupa ang nutrients na kinukuha ng mga
halaman para iyon ay patuloy pang mapakinabangan. Dalawang klaseng pataba ang
mayroon: iyong organic o compost material at iyong nabibiling abono o
commercial fertilizer. Doon sa nabibili,
may nakasulat ring instruction kung kailan, ilang beses at paano lang dapat
lagyan ng pataba ang lupang pinagtamnan.
Mas mabuti kung organic ang gagamitin sapagkat ang mga iyon ay
patabang galing din sa kalikasan at mas kakaunti ang harmful chemicals na
nakasama. Ang mga halimbawa nila ay mga tirang gulay at dahong pinatuyo at
inihalo sa lupa, dumi o ipot ng hayop na pinatuyo at gayundin, ang lupang
tinahanan ng mga bulate o compost soil.
Ngunit, ang mga magsasakang gagamit ng patabang organic ay dapat ding
may sapat na kaalaman o know-how kung paano iyon ihanda at gamitin ng tama.
Halimbawa, ang ipot ng manok, kung hindi napatuyo at na-proseso ng tama ay
maaring makasira sa lupa at halaman dahil sa init na nanggagaling dito.
Gayundin, dapat tandaang mas
effective ang organic farming kapag ang magkakatabing taniman o sakahan ay
pare-parehong gumagamit ng ganitong paraan. Dahil kung hindi, talo ang organic
farming practitioner na gumagawa nito ng siya lamang o in isolation. Lilipat sa
kanyang taniman ang mga insektong
nasugpo nga niya sa sariling
bukirin ngunit aktibo naman sa kalapit
na farm.
Marami-rami ang kailangang gawin
at pagdaanan para itanim, alagaan at palakihin ng tama ang mga halamang-gulay.
Hindi pwedeng laru-laro lang ang gawaing ito o gagawin lang kung kailan maisipan
o maibigan ng isang tao. Pag naumpisahan na, kailangang tuluy-tuloy ang
pagtatanim at hindi dapat pabayaan ang mga halaman. Ang kapalit ng pagtitiyaga
at pagsisikap na bungkalin ang lupa at palaguin ang mga tanim ay ang katiyakang
sa bandang dulo, ang nagtanim ay mayroong malulusog na bunga at ugat na
aanihin.
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
LUCY:
Iyan si Kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na
ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka sa ngayon..
(PLAY EXTRO)
./.
TumugonBurahin