ibat-ibang variety ng Mangga |
(Agosto
6, 2013-Martes-Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) ,
ang Host ay si Ms. Lucy Duce)
LUCY: Kaibigan
ang payo ni Doctor Willie ONG; “
para maging malusog, kumain ng 2 tasang prutas at 2 tasang gulay bawat araw.”
Kaya sa araw na ito
ay prutas pa rin ang tatalakayin ni Kaka Alih at subalit hindi basta-basta na prutas, ang pambansang prutas…anong prutas ito? malalaman
natin yan sa kabuuan ng ating segment na:
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga
Kaka Alih. Kumusta ang iyong malamig na umaga?
ALIH:
Hahahaha.. (LAUGHING).. Good morning
din Lucy, magandang umaga, sa mga kapatid na magsasaka, sa mga
mag-uuma, su manga tali-awid, at sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang
mga kapatid na Muslim, asssallamu
alaikum warahamatulahi wabarakatuh. Happy Ramadan sa Lahat. Isang araw o
dalawang araw na lang ang nalalabi ay buka na, o end of Ramadan, dahil ngayon
ay ika 28 na ng Ramadan.
LUCY: Ako din Kaka Alih ay nakikiisa sa mga Kapatid na
Muslim, sa mga Nanamplataya sa
Islam, ang aking pagbati ng "happy Ramadan Kaka at sa lahat ng mga
kapatid na Muslim".
ALIH:
Maraming salamat Kapatid na Lucy. Ok oncentrate na tayo sa usapin sa umagang
ito. Ang sabi mo kanina ay pambansang prutas ng Pinas, yes alam mo ba?
Ang mangga na tinatawag sa English na mango, an gating
pambansang prutas. But not only as kinakain ito dahil matamis kundi herbal medicine din ang mangga.
Opo kapatid herbal medicine din
ang manga, ito ay gamot sa pasumpong-sumpong na rayuma at pananakit ng
kasukasuan. Maaari ring ihalo sa pampaligo ng bagong panganak. Papaano? Ganito
ang paraan: (a) Pakuluan ang balat ng
punong mangga (1 tasa kapag tinadtad) sa kalahating tabong tubig. Gamiting
mainit na pomento sa nananakit na kasukasuan o rayuma. (b) Ang mga dahon at balat ng puno ay
pakuluan at ihalo sa pampaligo ng bagong panganak.
Ang manga bata pa o nguda pa ya
kinakain na ang bunga o ang manga na hilaw pa, pero mas masarap kong hinog na ito.. But ang
mga nagbubuntis ito ang madalas paglihian. (LAUGHING)..Nakakain ka na ban g
pinudsan o burong manga? Ako, Gusto ko ang burong mangga.. sana mamaya ang
ibahagi ni Jenaetha binurong mangga.
Ang mangga ay tinuturing
na pambansang prutas ng Pilipinas at tinatawag rin itong "apple of the
tropics". Ang mangga ay kilala sa buong mundo at ito ang madalas inaangkat
ng ibang bansa sa mga bansang tropical, tulad ng Pilipinas.
Sa talaan ng Guinness
Book of World Record noong 1995, sinasabing sa Pilipinas makikita ang puno na
namumunga ng pinakamatamis na mangga sa buong mundo, matatagpuan ito sa
lalawigan ng Zambales.
Ok
pag-uusapan naman natin ang Mga Uri at Katangian ng
manga:
1.
Carabao …Magaspang,
malaki ang puno, mababaw at maliliit ang gisok sa balat. Ang bunga ay tumitimbang ng humigit kumulang
sa 240 gramo, apat o limang piraso nito ay isang kilo na, at di gaanong
mabunot, may manipis at dilaw na balat,
malambot, at madaling matunaw ang laman.
Di ba Lucy ito ang
tinatawag ng wala masyadong kaalaman sa mangga na “Mangga Manila”?
LUCY: Tama, kaka, ako din ang tawag ko diyan kong magbili ako
mangga Manila.
KAKA: Hahaha,, di nay an
mangga Manila, mangga Upi nay an!!! (LAUGHING)..
2. Pico ….Mababa ang puno kumpara sa Carabao at masinsin ang buong
kasangahan. Ang bunga ay may katamtamang
laki, parihaba, may luntiangkulay ang
balat at madilaw dilaw ang laman.
3. Katchanita (Indian
Mango) ..Ito ay kinakain habang hilaw pa.
Of course marami pang
uri o variety ng mangga, but di na natin isasama, tulad ng mangga tidtu o
native, mangga wayani.. mangga dudul, apple mango, mangga karabaw dahil
malalaki talaga..(LAUGHING)
Saan makakuha ng
seedlings? Bumili na lang, mura lang naman ang mga matataas na kalibreng mangga
o high variety na ito, it will cost you only 25-100 pesos depende sa size ng
planting materials. Sa Meguyaya festival tiyak marami tayong supply.
Mga
Paraan ng Pag-aalaga s
1.
Paghahanda ng Lupa -Panglikod bahay: Humukay ng
butas na may lalim at luwang na kasya ang pananim na may kasamang lupa.
2.
Pangmalawakang pagtatanim: Araruhin ang lupa ng
maraming ulit hanggang sa tamang pino.
Pagtatanim
Putulin ang kalahati ng
mga dahon ng manggang itatanim. Alising
dahan-dahan ang pinagpunlaan ng mangga bago itanim. Pikpikin ang lupa sa palibot ng halaman at diligin.
Ang agwat ng bawat tanim ay 14
x 14 metro kuwadrado. Magtanim sa unang mga linggo ng tag-ulan.
Pagpapatubig
Patubigan ng madalas lalo na sa
tagaraw. Ang mga namumungang puno ay nangangailangan
ng 135 litrong tubig (50-60 balde). Patubigan kada linggo mula sa pagsibol ng bulaklak hanggang sa isang buwan
bago mag-ani.
Pag-aabono
Para sa hindi pa namumunga o isang (1) taong edad
na puno: Lagyan ng 200-300 gramo ang
bawat puno ng 14-14-14 abono, dalawang beses
isang taon. Para sa punong mahigit ng isang taon- paghaluin ang 300-400 gramo ng 14-14- 14
at 200-300 gramo ng urea sa bawat puno; hatiin
ang paglalagay sa bawat puno. Ang unang kalahati ay ilagay sa unang linggo
ng tag-ulan at bago matapos ang
tag-ulan ilagay naman ‘yong natirang
abono.
Para
sa Namumungang Puno
Lagyan ng ½ kilo hanggang 2 ½ ng 14-14-14 ang bawat puno ng mangga.
Pagpapabulaklak
1. Pagpapausok …Pausukan ang punong mangga at siguraduhing dadaan ang usok sa mga sanga at
dahon. Magpausok sa loob ng ilang araw.
Kung may mga usbong na bulaklak
pagkaraan ng 2 linggo tigilan na ng pagpapausok. Ulitin
pagkaraan nang dalawang buwan.
2.
Paggamit ng kemikal ….Bombahin ng “potassium nitrate” ang mga
magugulang na dulo ng sanga. Ang timpla ay 10 gramo bawat isang malaking lata
ng tubig (25 litro ang ilalaman). Ang pangalan ng kemikal na maaaring
gamitin ay ang mga sumusunod: Agriblum, Redbloom, Mengovit,Mangobloom,
Miracleblum o Flower set.
Pagpuputol
o Pagpupungos ng mga Sanga
Alisin ang mga tuyo at hindi na
kanaisnais na mga sanga.
Pagsugpo/Pagpigil
sa mga pesteng Kulisap at Sakit
1. “Mango Hoppers”
Pinsala sa halaman: Pagkalanta
at pagkamatay ng mga bagong usbong na dahon at sanga, bulaklak at mga bagong usbong
na bunga. Nagkakaroon pa rin ng puting amag sa mga bunga dahil sa laway ng
“hoppers”.
Pagpigil:
Bombahin ng carbaryl, carbonato at malathion sa tamang paraan at dami mula sa
pamumulaklak hanggang sa paglaki ng bunga.
2. “Mango Twig Borer”
Pinsala: Pagbibiyak-biyak at pagkalanta
ng mangga.
Pagpigil: Putulin ang mga
sangang may “Borer” at sunugin.
3. “Fruitflies (Langaw ng
prutas) Pinsala: Ang mga itlog ng kulisap na nasa balat ng bunga ay magiging
dahilan ng pagkabulok at pagkakaroon ng uod na siyang uubos sa laman.
4. “Fruit Pulp Weevil &
Borer”
Pinsala sa Halaman: Pumapasok
ang
hayop (fruit fly) sa mga mangga
na nagiging sanhi ng pagkabulok nito.
Pagpigil: Pagsunog ng mga damo,
sanga, dahong laglag sa palIbot upang ang mga weevil na nakatira sa lupa ay mamamatay
at pagsupot-supot ng mga prutas mula 40-50 araw sa pagsibol ng bunga.
Mga Sakit
1. “Anthracnose”
Mga
Palatandaan ng Sakit: Mga butas sa mga magugulang na dahon, maiitim
at malalalim na mantsa sa bunga na sanhi ng pagkabulok.
Pagkontrol
sa sakit: Bombahin ng alinman sa mga sumusunod: Benomyl, Captan,
Maneb, Manoozeb, Thiabensole at Zineb. Gamitin lang ang tamang timpla mula sa
pagsibol ng bulaklak hanggang sa paglaki ng bunga. Itubog ang mga hinog na
bunga sa mainit na tubig (135oF) sa loob ng sampung minuto.
2.
“Scab”
Mga
Palatandaan: Kulay abuhing kape at mantas sa bunga. Ito ay
pumuputok at nagiging magaspang.
Pagkontrol
sa Sakit: Tulad ng pagkontrol sa “Anthracnose”.
3.
“Stem-end rot”
Palatandaan:
Kulay
lila hanggang kulay kapeng animo ay sugat sa dulo ng bunga. Ito ay umiitim
pagkaraan ng ilang oras.
Pagkontrol
sa sakit: Itubog ang mga bunga sa 600-1000 “parts per million” (ppm)
Benomyl na may 0.05% Tween 40 at mainit na tubig sa loob ng 10 minuto.
Pag-aani
Anihin ang mga bunga kapag ang mga
pisngi ay namumurok na at ang kulay ng tangkay ay naging luntian. Anihin sa
pagitan ng ika 9:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon. Gumamit ng mahabang
kawayan na may salalak o sambutan. Ilagay ang mga bunga sa basket na sinapinan
ng plastik, papel o dahon ng saging.
Para sa karagdagang kaalaman makipag-unayan
sa opisina ng DA,
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
LUCY: Iyan si Kaka Alih
bukas abangan sa ganito ding oras
ang mga kapakipakinabang na ibabahagi sa inyo tungkol sa makabago at
epektibong kaalaman sa pagsasaka..
(PLAY EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento