(Agosto 6,
2013-Martes-Ang script na ito ay
sinulat ni Alih S. Anso para sa
Usapang Agrikultura, isa sa segment o
Luya |
bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang Host ay si Ms. Lucy Duce)
LUCY: Paano ba magluto
ng pinakamasarap na Paksiw? Depende
sa kanyang timpla ng mga
pinaghalo-halong mga sangkap. Mga tamang
pamamaraan at mga tamang sangkap, para makapagluto ka ng napakasarap na
paksiw. Anong mga sangkap yun? Alamin natin yan kay
Kaka Alih sa ating segment na:
(PLAY-INTRO-USAPANG
AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga
Kaka Alih. Kumusta ang iyong malamig na umaga?
Puno ng Luya |
ALIH:
Hahahaha.. (LAUGHING).. Good morning din Lucy, magandang umaga, sa mga kapatid na magsasaka, sa mga
mag-uuma, su manga tali-awid, at sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang
mga kapatid na Muslim, asssallamu
alaikum warahamatulahi wabarakatuh.
LUCY: Anong mga sangkap o mga lamas para maging
masarap ang aking lulutuin, halimbawa ay ang madaling lutuin na ulam, ang paksiw na galunggong?
ALIH: Ano ‘ika
mo Lucy, anong mga sangkap?
Way mga lusod ko sa tiyan,
ipagidza na kaped ku aniya si Lucy ngin kun a manga paninu endu pegkapiya I
nanam su pangilutun tanu? (Opo, mga kapatid tinatanong ni Lucy, anong mga
sangakap para maging masarap ang lulutuin natin)
Marami ang sangkap ng mga
lulutuing ulam, para maging masarap ito,
kaya naman ang mga tagaluto, sa pamilya ay hindi nawawalan ng sibuyas, luya, Ajos
o bawang, paminta , asin, mantika, toyo,
vinegar, sili at iba pa. Bawat pamilya ay palaging may nakaimbak na sangkap o
lamas sa kusina.
Sabagay ang lahat ng nabanggit
natin ay pwedeng mabili sa palengke, subalit ang iba dito ay hindi na
kailangan bilhin pa, dahil madali lang naman itanim. Halibawa Luya, sili,
paminta…kaya unahin na natin talakayin itong luya, ang luya ay di lang sangkap
sa paksiw, kundi marami pang kapakipakinabang na mapaggagamitan.
Yes may friend, kilalang sangkap
at pampalasa ang luya o ginger sa ilang pagkaing Pinoy gaya ng paksiw, tinola at maraming pang klaseng lutuin.
Ang luya ay kilala ng Iranun na
luya irisen.
Kilala rin ang luya sa pampakondisyon
ng lalamunan kaya naman ang mga singer ay ngumunguya nito o kaya naman ay
lumalagok ng salabat, na isang inuming gawa rin sa luya.
Ang salabat ay pinakuluang luya
at tubig, maaari itong lagyan ng asukal ngunit mas mainam kung wala.
Ang luya ay isang perennial
plant, na kilala sa naipoprodyus niyang “white at yellowish-greenish flowers.”
Kilala rin ang luya sa itsura nito na walang definite na hugis o “twisting
rhizoid.”
Ayon sa mga ulat,
nag-originated ang luya sa China ngunit matatagpuan din ito sa iba pang parte
ng mundo tulad sa India at mga bansa South West Asia, West Africa at sa
Caribbean.
Mayroong matapang na aroma o
amoy ang luya. Kilala rin ito sa kanyang maanghang na lasa. Ito ang
nagpapatunay na nagtataglay ang luya ng tatlong porsiyento ng (3%) natural
essential oils.
Marami ring mabuting dulot sa
kalusugan ang pagkonsumo ng luya.
Narito ang ilan:
1. Ang luya ay may “carminative
properties” (anti spasmic) na nakapagpapakalma ng kumukulo o upset na tiyan.
2. Ang pagngata ng luya ay
nakatutulong na ma-stimulate ang paglabas ng mucus o sipon at nakatutulong na
mabawasan ang pagkahol kapag may ubo dahil ito ay nakapagpapaginhawa ng
nangangating lalamunan.
3. Nagtataglay ng anti viral,
anti toxic at anti fungal properties ang luya. Nakapagpapagaling ito ng common
cold o sipon.
4. Ang luya ay nagsisilbing
antihistamine at nakatutulong sa paggamot ng allergies.
5. Ayon sa mga pag-aaral
lumalabas na ang luya ay nakababawas ng cholesterol levels at nakatutulong na
makaiwas sa pagbubuo ng blood clots.
6. Nagtataglay ang luya ng
special enzymes na responsable sa pagpaparami o pagpapalabas sa protina ng
ating mga kinakaing pagkain na nakapagpapabuti sa digestion at makaiwas sa
cramps.
Nabatid na ang ancient Greeks
ay kumakain ng luya pagkatapos ng heavy meal para ma-ease ang proseso ng
digestion.
Mga sakit na nagagamot ng Luya
o luya Irisen.
Migraine
Ang pagkonsumo ng luya ay
makatutulong para maibsan ang tila walang katapusang sakit ng ulo. Ito ay
mabisa sa pagharang sa prostaglandins na nagdudulot ng kirot at pamamaga sa
blood vessels na makapipigil sa sakit ng ulo.
Lagnat
at sipon
Ang luya ay matagal nang
ginagamit sa maraming bansa upan malunasan ang lagnat at sipon. Bukod dito,
dahil nalilinis din ng digestive tract ang luya, maaari rin itong gamitin sa
paggamot ng food poisoning o pagkalason sa pagkain.
Menstrual
cramp
Sa Chinese medicine, ang luya
ay ginagamit para maibsan ang menstrual cramp. Ang desired effect ay natatamo
kapag ang luya ay hinaluan ng brown sugar.
Morning
sickness
Parusa sa kababaihan ang
morning sickness. Ang masamang pakiramdam at pagsusuka sa umaga ay nakakasira
sa buong araw. Sa susunod na makaranas ng morning sickness, huwag nang uminom
ng vitamin B6. Ipinakikita ng ilang pag-aaral na ang luya ay kasing bisa ng
vitamin B6 sa paglunas sa morning sickness.
Pananakit
at pamamaga
Sa halip na uminom ng
painkillers, uminom lamang ng luya upang maibsan ang pananakit ng katawan.
Ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang luya ay may malakas na anti-inflammatory
properties at nagsisilbing natural alternative sa pain killing drugs.
Heartburn
Marami ang hindi nakakaalam na
ang luya at mabisang natural remedy para sa heartburn. Gamitin ito na parang
tsaa upang mabawasan ang at maibsan ang pamamaga sa iyong dibdib at ang kirot
na dulot nito.
Motion sickness
Ang motion sickness at naursea
ay pahirap sa mahabang biyahe. Ngunit mayroon kang mabisang lunas. Sa susunod
makaranas ng morning sickness, gamitin ang luya upang tuluyan na itong mawala.
Diabetic
Nephropathy
Ang luya ay mabisang panlaban
sa kidney damage bungang diabetes. Sa isinagawang experiment sa diabetic lab
rats, ang mga dagang binigyan ng luya ay mas nakaiiwas sa pagkakaroon ng
diabetic nephropathy.
Ovarian
cancer
Sa pag-aaral na isinagawa sa
University of Michigan Comprehensive Cancer Center, nadiskubreng ang pulbos ng luya ay mabisang pumapatay sa
ovarian cancer cells. Nangangahulugan na ang luya ay maaaring epektibo sa
paggamot ng mga pangunahing sakit gaya ng ovarian cancer.
Colon
cancer
Ang luya ay nakatutulong din
para maiwasan ang colon cancer. Ito ay naidokumento sa University of Minnesota,
na nakatuklas na kayang pigilin ng luya ang paglago ng colorectal cancer cells.
Mga Native na Luya
1. Maputi na Luya o white ginger — small, very fibrous but most
pungent of all kinds
2. Dilaw na Luya o yellow
ginger — like the white in kind except that it is orange in color, but the part
above is dark green.
3. Jamaica “Oya” — pale and
moderate in size. Dried “Oya” is leather-colored and aromatic, used in the
manufacture of soft drinks.
4. Hawaiian — bigger, stouter crops and
yellowish brown flesh, sometimes pinkish not so pungent but liked by
foreigners. This kind yields about 20-30 tons per hectare. It is good for
making into powdered or dried ginger.
Sa pagtatanim naman ng luya ay
simple lang din naman, kaya kaibigan na di nakapagtanim don’t worry, kahit
sa paso nga pwede mong itanim ang luya.
Yes ang mga pinagtirhan ninyo diyan yung malilit na piraso, pwede mong subukan
ibaon o itanim sa paso o plastic bag.
Ang luya ay mainam sa
mabuhangin o mabuhaghag na lupa, kailangan lamang na ibaon na may lalim na 30
cm o isang piye, na medyo masa-masa subalit hindi naiibak ang tubig kong
umuulan. Tumutubo rin ang luya sa may lilim na lugar o silong ng mga punong
kahoy. Lalong mainam kong nasisilungan
na higit kumulang na 25%.
Sa malaparan na pagtatanim.
Araruhin ang bukid at alisin ang mga damo, isang linggo bago magtanim.
Kong gusto mo ng dalawang hilera o row, maggawa ng plot na may
lapad na dalawang metro, na may taas na mga 30 cm o isang piye, depende ito sa
gusto ng magtatanim.
Itanim ang bagong harvest luya,
na may 20 grams, ang isang hectarya ay kinakailangan nito ang 800 seedlings.
Bago itanim hugasan ng mabuti, sa umaagos na
tubig, at para maiwasan ang sakit, maaring ibabad sa tubig ng 10-15 minuto na
may gamut subalit sa nakaugalian natin ay hindi ginagawa ito.
Itanim ang luya, sa ginawang
plot, ng may lalim na 5 cm o dalawang
pulgada, na pagitan n a 25 cm 10
pulgada, maaring katumbas ito ng isang tapak ng paa.
Kong ang tataniman ay may lilim
ng niyugan, o mga punong kahoy, itanim ito na may pagitan na 20-25 cm na may
layo na 45 cm halos kalahating metro.
Katulad sa mga ibang tanim, ang
luya ay nangangailangan din ng abono, kong mabuhangin o sandy na lupa, maglagay
ng 400 kg na complete fertilizer (14-14-14)
sa bawat hektarya, 300 kg lamang sa clay sand na lupa. Minumungkahi
natin na maiging gumamit ng organic fertilizer.
Pagkatapos magtanim, takpan o
lagyan ang beds ng dahon ng ipil=ipil o madre cacao, dayami o palapa ng niyog
para maiwasan ang pagkatuyo ng lupa mapantiling mamasa-masa ang taniman. At magagawa pa itong organic na abono kong
mabubulok na.
Sa susunod na pangalawang buwan, at ika-apat
na buwan, mag-abono muli ng 400 kg n g complete fertilizer sa bawat ektarya.
Alisin ang mga damo na tumutubo
para na maagaw ang nutrihinu ng lupa.
Kong may sakit ang tanim pwede
ring spray han sa anong klaseng chemical kumunsulta sa technician o sa
nagpapabili na agricultural supply.
Pagkalipas ng walang (8) buwan ay nagiging
dilaw ang mga dahon ng luya, at magsisimula na itong malanta, at ito na ang
panahon na pwede ng anihin.
Anihin lamang ang luya na
gulang na. Sa pagaani, hukayin sa tulong ng panghukay, bago bunutin ang
tanim, medyo ipagpag para maalis ang
nakadilkit na lupa, at ipatong sa lupa. Putulin o Alisin ang puno o katawan
nito, ingatan lamang na huwag masugatan ang buto o laman.
Paghiwahiwalayin ayun sa klase
at laki, at ilagay lalagyan na sako o bukag
basket, ingatan na masugatan.
Para sa karagdagang kaalaman makipag-unayan
sa opisina ng DA,.
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
LUCY: Iyan si Kaka Alih bukas
abangan sa ganito ding oras ang mga
kapakipakinabang na ibabahagi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong
kaalaman sa pagsasaka..
(PLAY EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento