Miyerkules, Agosto 21, 2013

Kadyos


(August 22, 2013-Huwebes-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce.)
                                   
(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)
http://www.stuartxchange.com/Kadios.jpg
LUCY:   Magandang umaga Kaka Alih, kumusta naman ang iyong umaga? At ano naman tanim ang ibabahagi mo sa amin ngayong umaga? 
ALIH:   Hahahaha.. Lucy, ano  nga ba..   eh di gulay pa rin  tayo, at steady pa rin pa rin tayo sa   mga gulay na pampapalakas!!! (LAUGHING)
Natalakay na natin ang gulay ng Bisaya, ang malunggay, this morning  ito namang sinasabi ni Ina na kamo a Ilonggo, ang ibig sabihin ay gulay ng Ilonggo.

LUCY:   Anong gulay yan Kaka Alih, na tinawag ng nanay mo na gulay naming mga Iloggo, kahit ako Ilongga di ko pa alam yan, na may gulay pala kaming mga Ilonggo. (LAUGHING)
ALIH:  Hahaha..favorite menu sa Iloilo…ang  KBL…  Bakit nabansagan ni Ina na kamo a Ilonggo, ito kasing ibabahagi ko na gulay ay madalas doon nakikita sa mga settlers na Ilonggo, madalas na itinatanim sa boundary ng kanilang mga tanim na upland rice, tulad ng sinabi membro ito ng. K stands for Kadyos B stands for Baboy at L stand fort Langka.. (LAUGHING)

LUCY:   Hahaha.. admitted Kaka, kadyos is one of t he favorite lutuin ng mga Ilonggo.  (LAUGHING)

ALIH:  Ang kadyos in  Ingles ay Pigeon pea, red gram o kaya Congo peas.  Ang kadyos  ay isang uri ng gulay.  Ang Kadyos sa Tagalog,  ay kilala na rin sa tawag na kagyos, kagyas, kaldis sa Ilocano, kalios, kardis, kidis at tabios.

Ang uri na matatagpuan sa Pilipinas ay maliit na maitim na buto. Kung minsan ay tinatawag ito sa salitang Ingles na black-eyed peas.

Ang tanim na ito ay mula sa Malaya. Ang tanim na ito hay masanga, mabalahibo, at tuwid, at umaabot ng 1 - 2 metro ang taas. Ang buto nito at ang talbos ay ginugulay. subalit sa Aklan ang buto lang ang kinakain, madalas may halong baboy at langka. Ang dinurog na buto nito ay ginagamit sa namamagang parti ng katawan.

Paborito ito ng  mga Ilonggo ang  kadyos. Nguda o bata pa ang bunga pwede ng gulayin, kong tigulang na, ang buto katulad din sa monggo.
Ang kadyos ay mainam sa lupa na tulad sa Upi.

Ang tanim na kadyos ay malakas ang resistansiya, tag-tuyot, kaya niya ang anim (6) na hindi maulanan, ngunit nabubuhay din sa tag-ulan.

Gusto nito ang direktang tinatamaan ng sinag ng araw, subalit pwede rin  sa may lilim ng mga puno, lalo na kong bago lang itong lumalaki.

Ang dahon at murang bunga ay pwedeng pitasin. A ng dahon ay magandang pakain sa hayop, tulad ng kambing at murang bunga ay magandang  gulayin, ganoon din hinog na  buto nito, ay gulay at pagkain narin.
Ang tanim na kadyos pag maganda ang pangangalaga ay pwedeng mabuhay ng limang taon. Ang punong kadyos ay shrubs, kaya pwedeng panggatong ang puno o mga sanga nito.

Panglaban din sa erosion ng lupa o erosion control, kaya magandang itanim sa mga bagilid o slopes na lupa. Gawin masinsin, o medyo magkakalapid ang pagtatanim.

Sintangkad ng tao ang puno ng kadyos.

Sa pagtatanim ay buto ang itatanim na may pagitan na isang metro  at ibaon sa lupa na mga isang pulgada. Mga 20 kgs na buto ang kailangan sa isang hektarya.

65-80 araw ay magsisimula ng mamulaklak ang kadyos.

Sa pagluluto naman ng kadyos, abangan na lamang sa mga segment sa buhay buhay.. tiyak na mapapalaway kayo, na sa mga ibabahagi ni Jeanetha sa buhay buhay ay 8:00-9:00 ng umaga.

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si Kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..


(PLAY EXTRO)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento