Miyerkules, Agosto 28, 2013

SARISARI O VARIETY STORE

SARISARI O VARIETY STORE

(August 29, 2012-Huwebes… Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “SIMPLENG KABUHAYAN”. Host –Ms Lucy Duce)

 (PLAY INTRO-SIMPLENG KABUHAYAN)

LUCY:  Good morning Kaka Alih.  

Kaka Alih:  Good morning Lucy, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam.

LUCY:  Anong simpleng kabuhayan ang maibabahagi mo sa amin ngayon umaga?  

Kaka Alih:  Simple lang naman, Lucy, Variety store na lalong kilala sa tawag na sari-sari store.

Ang sarisari which in  English ay we call it, variety store.  Ang mga Sarisari store na ito ay karaniwang nakikita sa mga Barangay, madalas sa kanto ng mga daanan, o dili kaya ay   nasa mataong mga lugar.

Ang variety o sarisari store na  ito  ay nagtitinda  ng  ibat-ibang goods o paninda, mula sa unang pangangailangan sa kusina,  sa bahay, personal na gamit, ang madalas daw napkin ng babae. Bakit? (PLAY LAUGHING)
typical sari sari store...
http://www.holidayphilippinesblog.com/filipino-culture-food/
sarisari-store-filipinoretail/

LUCY:  Bakit Kaka may nagnanapkin  ba na lalaki?  (PLAY LAUGHING)

KAKA ALIH: Anong malay mo, kaya sinisigoro ko lang na pambabae yang napkin. (PLAY LAUGHING)  

Anyway tuloy tayo sa usapin na sari-sari iwan natin ang napkin. Basta tinatawag na sari-sari, maraming klase ang paninda, anything in this world, mayroon .. ang pinaka-latest daw ay ang load…sa celpon. (PLAY LAUGHING)  at marami pang iba. Kong  ano  ang hinahanap ng kanilang  customers  ay siya   ipinagbibili ng mga sari-sari store na ito. Madalas ang mga pagkain nakalagay sa garapon, subalit dahil medyo may kamahalan ang garapon sa ngayon, nakasabit na lamang dahil nakasupot naman ito sa plastic, pati cooking oil na dati nakagay sa botelya ay nakasupot na rin ng plastic.

Marami na sa Pilipino ang umunlad dahil sa sari-sari store, dahi sa magandang pamamalakad,  subalit marami din ang sumubok, na pawang failure naman,  na sa loob ng isa, dalawang buwan ay dahan dahan nauubos ang paninda hanggang sa magsasara na, therefore bagsak ang negosyo. (PLAY LAUGHING)  Bakit Kaya? Iyan ang aalamin natin, Kuya, Ate..

Ang sari sari  store ang karaniwan ay ang pinagsisilbihan ay ang mga mamayan sa barangay,  kaya naman ang paninda ay yaong  mga pangangailangan ng karaniwang pamilyang Pilipino.

Ang sarisari store na  ito  ang gumaganap na retailers o tindahang nagtitingi.

Ang Sari-sari Store ay kabilang sa small and medium enterprise na siyang pinagkukunan ng bansa ng kabuhayan ng mahihirap na mamamayan.  Kahit saang sulok ng bansa ay makakakita ka ng maliliit na tindahan maging iyan man ay tindahan ng bagoong, suka, bawang o paminta.

Reminders my friend, Huwag padalos dalos, na dahil nakakita ka lang ng nakabili ng karaoke na may sari-sari store na magpapatayo ka na rin. Ano mang negosyo ay kailangan ang plano, at kailangan malaman ang mga pros-and-con. Ano ang mga posibleng hadlang. Ano ang tama at  mali.

Sa pag-gawa ng  plano ay mahalaga dahil ang sa plano ay malalaman mo ang kikitain ng iyong negosyo sa hinaharap.

Malalaman mo sa plano kung anong parte ng iyong negosyo ang pwedeng pagbutihin.

Pinapakita ng isang plano kung magkano ang kikitain at gagastusin ng iyong maliit na negosyo.

Pagkatandaan lamang na pag gumagawa ka ng  plano, gawin itong simple, madaling gamitin at madaling abutin.

Piliin ang pinakaakmang panahon para sa plano maaring itong hatiin  sa lingguhan o buwanan.

Gawin ang mga ito bago kinakailangan gamitin. Huwag hintayin na matapos ang isang plano bago simulan ang susunod at paikutin ang iyong mga plano.

Maghanap ng impormasyon, magresearch  iwasan ang manghula lang. Halimbawa saan mo kukunin ang iyong supply o ititinda, papaano makakarating sa inyong tindahan?

Walang balakid sa pagsisimula ng isang sarisari store dahil sa kahit ang isandaang piso ay makapagsisimula ka ng isang negosyo. Simulan mo sa mga paninda na kailangan ng pamilya, para kahit walang bibili ay di masasayang, dahil kayo ang gagamit. Ilista ang hinahanap ng inyong mga customers, at iyon ang priority ninyong ikumpra o bilhin.

Maghanap ng suki na tindahan, makipagkaibigan dito, o ipaalam sa may-ari o manager na kayo ay nagsisimula pa lamang sa inyong sari-sari store.

Ang payo ng Kapatid na Meranaw, kong mamimili ka ng paninda, huwag ubusin ang capital, kalahati lamang, reserved ang kalahati sa capital.. dahil hindi mo pa alam ang mga item na kailangan ng inyong customers… ang mga Chinese traders “daw” magtitiwala sa inyo kapag napansin na palaki ng palaki ang nabibili ninyo sa bawat kumpra ninyo, hindi yaong paliit ng paliit, ibig sabihin palugi ang negosyo.

Sa hirap ng buhay ngayon, kung saan marami ang nawalan ng trabaho, mainam na malalaman natin papaano magpalago ng isang sari-sari store. Huwag mag-pautang, that is the general principle, but wala pang negosyo na walang pautang, kinakilangan maunawaan ng husto ng inyong customers kong bakit di kayo nagpapautang, dahil maliit lang ang capital? Huwag sabihin na wala akong tiwala sa inyo, kasi kilala na kita na hindi marunong magbayad.. (PLAY LAUGHING

Magsasara na po ako ng tindahan este hanggang ditto na lang muna,   heto po  ang inyong  Kaka Alih, na nagsasabing, ang taong nagsisikap ay may magandang naghihintay na kinabukasan  Sukran at maraming salamat, wasallamu alaikum warahamatullahi wabarakatuh.


(PLAY EXTRO-SIMPLENG KABUHAYAN)

PAPAANO LUMAKAS AT MAGKAROON NG RESISTANSIYA ANG ATING KATAWAN?

PAPAANO LUMAKAS AT MAGKAROON NG RESISTANSIYA ANG ATING KATAWAN?

(August 29, 2013-Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “GABAY PANGKALUSUGAN”. Host-Ms.  Lucy Duce)

 (PLAY INTRO- GABAY PANGKALUSUGAN)

LUCY: Magandang umaga Kaka.

KAKA ALIH:  Magandang umaga din Lucy, Assallamu alaikum warahmatullahi  wabarakatuh.. good morning to all listeners, and even yaong hindi nakikinig sa kanilang mga sariling radio, dahil sa kapit-bahay lang nakiki-share(PLAY LAUGHING). 

Sigoro Lucy, everybody will agree with me na lahat naman tayo ay gustong magkaroon ng dagdag lakas at energy para sa ating mga Gawain… o diba????.

LUCY:  Ako Kaka Alih, agree na agree na tinuran mo, I want myself healthy ang vigorous…(PLAY LAUGHING). 

KAKA ALIH:  As expected, tulad ng inaasahan ko, sasabihin mo yan, dahil ako din, I want to maintan my strength and stamina.. (PLAY LAUGHING). 

Ok dahil nag-kasundo tayo Lucy na dapat malakas at may resistansiya ang ating katawan, magkunsulta tayo sa kaibigan nating  Doctor, si Doc Willie Ong.. Heto ang maga tips o payo ni Doc at of course dinagdagan ko na rin ng mga rekadus, at papaano makakuha   ng lakas at resistansiya ang ating mortal na katawan.  

Sigoro ay sasang-ayon ka sa amin kaibigan na lahat  tayo ay gustong magkaroon ng dagdag lakas at energy para sa ating mga gawain. Lalo na yaong mga kumpare ko diyan, na nagrereklamo na ang mga Mrs dahil kulang na daw sa resistansiya.. (PLAY LAUGHING).  Ang ating katawan ay parang makina rin, kailangan din nito ang pahinga,  pagkaing balance (balance diet) at of course regular exercise.
ibat-ibang gulay at ulam na dapat na kainin
para maging malusog at malakas ang
resistansiya ang katawan.

Kong sa makina kailangan din niya ang fuel o gasoline, ganon din ang tao. Kaya sabi ni Doc Willie:
·        Kumain ng almusal na may protina at carbo­hydrates. Ang carbohydrates ay ang tinapay, asukal, kanin, at gulay. Hindi ito sapat para mapalakas ka. Ka­ilangan may protina rin tulad ng gatas, tapa, bangus at scrambled eggs. Dahil dito, hindi magandang almusal ang donut, muffin, chocolate cake o ensaymada lamang.
·        Kumain ng katamtamang tanghalian. Ang almusal ay napakahalaga. Pero pagdating sa tanghalian ay huwag din sobra ang kainin dahil baka antukin ka. Kung napadami ang kain, maglakad-lakad muna.
·        Mag-ehersisyo ng bahagya. Ang paglalakad ng mabilis ay magandang ehersisyo. Pampagising ito dahil gaganda ang daloy ng dugo sa iyong utak. Ugaliing mag-ehersisyo.
·        Paisa-isa lang ang trabaho. Huwag gumawa ng 3 bagay na sabay-sabay. Mauubusan ka ng lakas at pa­sensiya. Planuhin ang araw mo.
·        Pumili ng positibong kaibigan. May mga taong maganda ang personalidad at nagbibigay sa atin ng energy­. Umiwas sa mga taong depressed, galit sa mundo at mga laging problemado.
·        Subukang isara ang TV at buksan ang libro. May mga pagkakataon na ang telebisyon ay nagpapatamad sa atin. Kung gustong maglibang, magbasa ng libro. Mas nagbibigay ng energy ang pagbabasa ng libro dahil gumagana ang ating imahinasyon.
·        Pakinggan ang iyong katawan. Napakahalagang payo po ito. May mga cycle (o circadian rhythms) ang ating katawan. May oras na malakas tayo at may oras na mahina tayo. Minsan ay masayahin tayo at minsan ay malungkot naman. Normal lang ito. Kung pagod ka ay magpahinga na. Huwag nang pilitin ang katawan.
·        Uminom ng multivitamins. Para sa taong nagdidiyeta o hindi kumpleto ang pagkain, makatu­tulong ang pag-inom ng vitamins. Minsan ay kulang tayo sa prutas at gulay. Mapupunuan ng multi­vitamins ang kakulangan ng diyeta natin. Ngunit huwag umasang la­lakas agad sa pag-inom nito.
·        Ihinto ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Panandalian lang ang sarap na dinudulot ng paninigarilyo. Sa bandang huli ay talo ka pa rin dahil masisira ang iyong baga. Kapag nangyari ito, mahihirapan kang kumuha ng oxygen­ sa katawan. Ang alak naman ay nakababawas din ng energy. May hang-over ka pa.
·        Magsabi ng “Hindi.” Ang mga Pinoy ay nahihiyang tumanggi sa kaibigan. Dahil dito, madalas tayong inaabuso. Kahit hindi na kaya ng ating oras, pondo at katawan ay papayag pa rin tayo sa pinapakiusap sa atin. Mali po ito. Mapupuno ka lang ng gawain at masisira lang ang iyong trabaho. Kapag busy ka, magsabi ng “Hindi po kaya. Sorry po.”
·        Mag-isip ng  positibo. Always think positive, in other words dapat  magkaroon ng confidence at layunin sa buhay. Dahil kapag negative ka, stress ang abutin mo niyan.
·        Magpapayat kung mataba-magpareduce. Kapag overweight ka, lagi kang gutom o inaantok. Kumain lang ng sapat. Umiwas sa mga matatabang pagkain at junk foods. Mag-ehersisyo para pumayat. Kapag payat ka na, mas may energy ka na!
·        Magpataba kung payat. Kung kulang ka naman sa timbang, baka kailangan mong kumain ng pagkaing may protina, tulad ng nilagang baka, adobong baboy at sabaw ng manok. Pampalakas ito at pampataba rin.
·        Matulog ng 7-8 oras. Masama ang kulang sa tulog pero masama rin ang sobra sa tulog. Ayon sa pagsusuri, ang 7-8 oras ay sapat na. Kung 5 oras lang ang tulog mo, siguradong pagod at aantukin ka sa umaga. Kung 10 oras naman ang tulog mo, tatamarin ka rin sa umaga. Depende sa edad ang tamang haba ng tulog. Ang mga bata ay puwedeng matulog ng 9 na oras pero ang may edad ay sapat na sa 7 oras ng tulog.
·        Mag-siyesta at magpahinga. Kahit 15 minutos lang ng pahinga ay puwede na.
·        Magbakasyon. Wow, ito talaga ang pampalakas. Kong kaya ng budget mo subukang pumunta sa Boracay o sa beach, diyan lang sa lebak o Kalamansig at isama mo ssi Kaka Alih, para masaya. (PLAY LAUGHING).

LUCY: Ang hirap lang niyan Kaka  hindi lahat ay may panahon para magbakasyon. At hindi lahat ay may budget, para pumunta sa mga beach.

KAKA ALIH: Eh kong ganoon eh doon lang kayo magbakasyon sa inyong Farm.. ang ibig nating sabihin ay makapagpahinga kayo.
·        Mag-paaraw sa umaga. Ang morning sun ay nagbi­bigay ng lakas sa katawan. Kailangan natin ng araw para makagawa ng vitamin D. Ngunit huwag din magpapaaraw ng mula 10 a.m. to 4 p.m. Masama kasi ang ultraviolet rays na dala ng matinding sikat ng araw.
·        Lagyan ng kulay ang iyong paligid. Pintahan ang iyong bahay. Bumili ng makukulay na dekorasyon sa bahay. Ayon sa pagsusuri, ang pula ay nagbibigay ng panandaliang energy. Ang green naman ay maaliwalas sa mata at maganda sa pag-focus sa trabaho.
·        Makinig ng musika. Sa mga Nanamplataya sa Islam, sa magbasa o makinig  ng Quran.   In general, Makinig ng paborito mong musika na nagbibigay sa iyo ng sigla. Huwag puro sad songs at baka malungkot ka lang. Piliin ang musika na nagpapasigla sa iyo.
·        Uminom ng 8-12 basong tubig. Kapag kulang ka sa tubig, manghihina ka rin.
·        Huwag gumamit ng energy tablets at droga (amphe­tamines, shabu, ecstasy). Umiwas din sa energy drinks at sobrang kape. Masama ito sa katagalan.
·        Kung laging pagod, alamin ang dahilan. Minsan ang pagkapagod ay senyales ng pagkakaroon ng sipon, trangkaso o ibang sakit. Magpatingin sa doktor.
·        Magdasal at humingi ng lakas sa ating tagapaglikha. Magbasa rin ng Bibliya at mga librong nagbibigay ng inspirasyon. Sa mga Muslim try to read your Quran, kahit yaong translation lang, but I recommend makabasa kayo ng Arabic letter o batang. Sa Muslim perform your 5 times Salah. Salah o sambayang is the best exercise.

Ito po ang inyong Kaka Alih, regular na ninyong makakasama sa segment na Gabay Pangkalusugan.

LUCY: Yan po si Kaka alih, iba na talaga ang may kaibigan na Doc, para kang malalaman sa usaping pangkalusugan.


(PLAY EXTRO-  GABAY PANGKALUSUGAN)

Pagbibigayan o Give and Take Dapat sa Mag-partner

Pagbibigayan o Give and Take Dapat sa  Mag-partner
"Sori honey di na mauulit, I love u"

(August 29, 2013,  - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Ms Lucy Duce)

 (PLAY INTRO-Gabay at Talakayang Pampamilya)

LUCY:     Magandang umaga Kaka Alih.

Kaka Alih:  Magandang umaga din Lucy, Assallamu Alalikum warahamatulahiwabarakatuh.

Pagbibigayan o Give and take, ito ang mahalaga bahagi na dapat gampanan ng   mag-asawa. Ito din ang tatalakayin ni Kaka Alih, ngayong umaga.

LUCY:     Kaka matanong ko lang, papaano ba ang magbibigayan ng mag-asawa?

Kaka Alih: Good question, kaya dapat good answer din ang maisasagot natin, kaya listen carefully, I will do my very best to answer your question my partner. But reminders o paalaala sa lahat ng nakikinig at nanonood an gating mga ibabahagi ay kinakailangan ang patnubay ng mga magulang, dahil maaring may masisilan, bahagi na hindi masyado mauunawaan ng mga menor de edad, kaya kailangan ditto ang parental guidance.. (PLAY LAUGHING).

Ang pagbibigayan o give and take ng mag-asawa  na sinasabi ko ay ihalimbawa ko ng ganito, kong mabubusog ka, kailangan mabusog din si Mrs… (PLAY LAUGHING). Don’t laugh Lucy,  ipapaliwanag ko, at sa libu-libong madlang people na nakikinig at nanonood , sa mga sandaling ito.

“Hindi ganoon,…. ganito, ang dapat.” (PLAY LAUGHING) Ang favorite line ni Mrs. At  ni Mr?  (PLAY LAUGHING) Pare , Mare makinig ka bago ka tumawa diyan, serious tayo sa usapan na ito..

First of all, take note, sa mag-asawa, kailangan daw ng 90% na pagbibigay at sampung porsento lamang ng  pagtanggap. Oo nga naman, lalong mainam kong ikaw ang nagbibigay kaysa ikaw ang nanghihingi.

Alam mo Lucy, may nabasa ako na aklat, nakasulat sa  God’s Little Devotional Book for Couples, na  nakasaad na mayroong sampung (10) katanungan na maari nating itanong sa ating sarili,  para malaman natin kung isinasagawa nga natin ang pagbibigayan sa ating pagsasama bilang mag-aasawa.

LUCY: Gusto ko yan Kaka, gusto kong ituro sa aking mga anak at mga apo.

KAKA ALIH: You want to be   a great lover ha my friend? (PLAY LAUGHING) and because of that, heto na ibahahagi ko na sa iyo, ang sampung katanungan  na maaaring makapabigay ng guide para maging maligaya, at hindi basta ligaya kundi  ligayang walang kapares? (PLAY LAUGHING)  What I mean  ay,  ang   hangad natin ay magkaroon  ng katuturan ang pagsasama ninyong mag-asawa:  

1. Handa ka bang  ibigay ang katahimikan kung kailangan ng inyong  asawa ng maikling panahon ng katahimikan sa bahay?   Kaya Mrs. Kapag humihingi  ng ceasefire si  Mr  , dapat tigil ka na sa pag-sisigaw. PLAY LAUGHING) 

2. Handa ka bang  tanggapin kung pagsabihan ka ng inyong  asawa lalo na kung ito’y para sa ating ikabubuti? Yes, naman  matuto din tayo minsan,  na makinig,  hindi lang tayo ang palaging  nagsasalita,  kong baga sa valleyball,  hayaan mong ang partner mo naman ang magserve ng bola…Kapatid, Matuto din tayong makinig, hindi lang tayo ang palagi anbg nagasalita.

3. Handa bang ibigay sa iyong asawa ang buong pagtitiwala?  Huwag masyadong seloso my friend. Give him or her a space, hayaan naman siya minsan na makapamuhay binata?  At makapamuhay dalaga kong minsan. (PLAY LAUGHING)  What I  mean magtiwala tayo sa ating Mrs o Mr. Alam mo? sa Islam pinapayagan ang selos, ngunit yaong selos na hindi mo papayagan na maagaw ni Satanas saiyo ang iyong asawa.

4. Handa ka ang  tumanggap ng karagdagang gawain kapag nakikita nating pagod na ang iyong asawa? Minsan pare pagsilbihan mo  din ang iyong  Misses.. papahingahin din natin siya…minsan ikaw  naman ang maglaba, minsan ikaw   naman ang magluto.. minsan ikaw naman ang magtrabaho, mrs.. (PLAY LAUGHING).. ang sabi nga nila ang buhay parang gulong kong minsan nasa  ibaba kong minsan nasa itaas.   (PLAY LAUGHING) 

5. Handa ka bang  magbigay ng salitang makapagpapalakas o makapagpapaginhawa ng loob ng inyong asawa? Naulit mo naba ang sinabi mo noon na nanliligaw ka pa sa kanya: “mahal kita.. Iniibig kita…(PLAY LAUGHING)  yes, Matuto din tayong pasalamatan at purihin ang maliliit niyaNG accomplishment..huwag palaging pinupuna ay yaong kapalpakan niya.

6. Handa ka bang  magbigay ng panahon sa iyong  kabiyak, iyong bang kayo lang  dalawa  at walang istorbo? Yes, give time naman sa iyong Misses. Pare, maaga kayong matulog para makarami.. (PLAY LAUGHING)  estee… hindi…ang ibig kong sabihin ay  ipasyal mo din minsan kahit diyan lang sa inyong farm. 

7. Handa ka bang  magbigay sa iyong  asawa ng magagalang na salita tulad ng “please” at “thank you” my darling?    Tayan, .. pwede ba na .. siyempre may paglalambing…
8. Handa ka bang  tanggapin na itigil ang argumento at magpalamig muna ng ulo kapag kumukulo na ang damdamin ng bawat isa?  Pare, Umatras kong malakas ang kalaban, hindi karuwagan ang pansamantala pag-urong.. ay hindi pala giyera ito.. ang ibig kong sabihin.. dumistansiya muna habang galit pa ang isa… maniwala ka pare, mamimiss ka rin? (PLAY LAUGHING)

9. Handa  ka bang  magbigay ng salitang pagpupuri sa ating asawa? Yes … recognized the accomplishment ng inyong asawa.. kahit maliit lang iyan.. halimbawa nakapagluto siya ng ulam na paborito mo , magsabi ka naman “hmmm heto ang masarap na ulam”. Next na halimbawa,  kong naligo at mabango na ang inyong asawa, magsabi ka naman ng “Wow”.. (PLAY LAUGHING)  never mind ang susunod na sasabihin mo.. cut na …(PLAY LAUGHING)
 
10. Handa ka bang  tumanggap ng kapintasan mula sa iyong asawa? Lalo ito ay  para sa ating ikabubuti?  Pag sinabi ng asawa mo na “hindi ka marunong..” eh tanggapin mo ba?, eh sa talagang hindi ka marunong tumanggap, papaano .. never mind.. (PLAY LAUGHING)   Basta ang iportante kong mag-criticize tayo ay constructive ika nga..
Kuwento ng isang kaibigang Pastor.

“May isang lalaking kararating lamang sa langit at halos wala siyang katigil-tigil sa pagsasabi daw kay San Pedro ng kaniyang pasasalamat dahil napunta siya sa napakagandang lugar. Nakiusap siya kay San Pedro kung maari niyang masilip ang impiyerno. Pumayag naman si San Pedro. Sa impiyerno, nakita niya ang isang mesa na ang haba ay kung hanggan saan matatanaw ng iyong mga mata. Punong-puno ng iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ito. Pero lahat ng nakapaligid sa mesa ay gutom na gutom at mga payat. Nagtanong ang lalaki kay San Pedro, “Bakit hindi sila kumakain?” Sumagot si San Pedro, “Kinakailangan silang kumuha ng pagkain sa pamamagitan lamang ng paggamit ng tinidor na may apat na piye ang haba. Biruin ninyo? napakahaba ng tinidor at walang makagawa na kumuha ng pagkain mula sa mesa para subuan ang kaniyang sarili. Kaya’t unti-unti silang namamatay.”

Nang bumalik na sila sa langit, nakita nang lalaki ang isang mesa na parehong-pareho ng nakita niya sa impiyerno! Iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ang nakalapag din dito. Pero ang mga taong nakapaligid sa mesang ito ay malulusog at masasaya. Nagsalita ang lalaki, “Ah, siguro ay mas maiikli ang kanilang tinidor dito sa langit kaya’t nakakain nilang mabuti ang mga nakahapag sa mesa.” “Hindi, pareho din ang sukat ng tinidor dito,” ang sagot ni San Pedro. Nagtatakang nagtanong ang lalaki “Kung gayon, bakit ang mga tao sa impyerno ay namamatay sa gutom habang ang mga tao dito sa langit ay malulusog at masasaya? Sumagot si San Pedro “ Dito sa langit, nagsusubuan at nagbibigayan ang bawat isa.”

Konting aral sa ating maikling kuwento, miinsan, nainggit tayo sa samahan ng ibang mag-aasawa na puno ng ligaya at lambingan. Naisip natin na wala silang problema. Sa totoo lang, ang bawat pagsasama ay may kani-kaniyang problemang hinaharap. Ang lahat ng mag-aasawa ay may dinaraanang panahon na hindi pagkakasunduan. Pero, naniniwala akong nasa atin pa rin ang solusyon. Kung nais nating maging malusog at maligaya ang ating pagsasama, kung nais natin na maging langit ang ating tahanan, magbigayan tayo n gating asawa.

O kayo kapatid bakit dininyo subukan  na  mag-asawa?.. subukan na ninyo.. mamayang gabi.. ehe este ngayon na.. heto ang inyong kapatid na si  Kaka Alih hanggang sa susunod na episode ng inyong Gabay at Talakayang Pampamilya …  sukran wasssalam.

LUCY: Thanks to  our   tatay dito  sa DXUP, si Kaka Ali, muling abangan ang kanyang assign segment na Gabay at Talakayang Pampamilya at tinitiyak ko na maaaliw kayo at makakapulot ng mga  aral.


(PLAY EXTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya)

Bawal Magputol ng Punong Kahoy

(August 28, 2013-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)

(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)

LUCY:  Good morning o magandang umaga Kaka Alih. 
   
Kaka Alih:  Good morning Lucy, magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nananampalataya sa katuruan ng  Islam.

Ang  pagkawasak ng ating  mga kagubatan sa bansa ay sadyang nakakaalarma na lalo na sa ating mga environmentalist o  mga taong may pagmamasakit sa kalikasan.

Kaya naman  ang ating pamahalaan ay sarit sari ang mga programa papaano pangalagaan ang mga yaman ng ating punong kagubatan, lalo na ang mga punong kahoy. May mga programa sa TV, radio ang iba naman ay direkta ng naglalagay ng mga karatula sa mga lugar na BAWAL ANG PAGPUTOL NG PUNO, subalit mayroon pa rin na ipinagkikibit balikat lamang, no pansin sila.

“Kaka Alih di ba mayroon tayong mga “forest guard” na nagbabantay n gating mga kagubatan, nasaan pa sila?” tanong ng isang guro na kakuwentuhan ko sa sasakyan.

“Sa plaza, naghihintay ng end of the month” (LAUGHING) ang naisip kong isagot, kasi noong regular pa akong bumababa sa Cotabato City,  doon ko madalas nakikita ang mga empleyado ng goberno natin, na taga-bantay ng kabundukan. 

In  fairness naman may sagot ditto ang  mga kaibigan: “Kaka, kaya andon kami, magrereport kami sa office, kasi pinanarereport kami monthly, syempre maaga pa kaya, doon muna kami.”

Sabagay ito scenario noon, pero ngayon iba, na, saan sila, sa canteen na naghihintay ng oras, professional baga. Ok silent na ako diyan .. (LAUGHING)

Marahil di ko na kailangan ipalaala sa ating mga kapatid na nakikinig,   kung gaano kaimportante ang puno sa ating buhay, at kahit maliliit pa tayo ay halos maisaulo na natin ang kapakinabangang nakukuha mula sapunong kahoy, dahil palaging tinatanong ni Sir at Maam.
mga punong Mangga, Narra, Talisay at Rambutan 

Ang mga punong kahoy ay isang halimbawa ng renewable resource na, kung ating pagtutuunan ng pansin, ay maaaring makapigil sa maraming kalamidad na pwede nating mabawasan ang epekto sa ating kapaligiran.

Ang punong kahoy ay sumisipsip ng tubig sa pamamagitan ng mga ugat nito at naghahatid sa ating ng  masarap na hangin na idinudulot ng mula dahon at lilim nito, halos wala na tayong maihihiling pa sa biyayang ito ng Poong Lumikha.

Alam na alam natin na ang pagkawala nila bunga ng mga punong ito ay magdudulot ng ilang risks o kapahamakan ng ating   kapaligiran.

Huwag mong sabihin kaibigan na nakakalimutan mo ang naging bunga ng bagyo at pagbaha sa mga lugar gaya ng Quezon, Aurora, Albay, Cagayan de Oro at kalakhang Maynila noong nanalasa ang deadliest cyclones na tumama sa bansa. Hindi natin pwedeng malimot ang mga pangalang Rosing, Reming, Ondoy, Pepeng, at Sendong na kumitil sa buhay ng marami nating kababayan na may pagitan lamang na dalawa at tatlong taon ang pananalasa ng bawat isa. Subalit, madalas nalilimutan natin ang katotohanang ang ating bansa ay nasa ring of fire at typhoon belt sa Karagatang Pasipiko, na dinaraanan ng anim hanggang pitong (6-7) tropical cylone landfalls kada taon. Ibig sabihin, sa alpabetong pagpapangalan natin na umaabot pa hanggang letrang U (Uring), 6-7 dito ang naka-klasipika bilang tropical cyclone na umaabot sa lupa.

Bunga niyon, ang kahalagahan ng mga puno sa ating kabundukan ay walang kasingtumbas, lalo na sa panahon ng kalamidad. Ang pagproprotekta ng mga puno lalo na yaong may malalaking ugat ay may mataas na kapasidad na sumipsip ng tubig at pigilan ang pagbagsak ng lupa sa mataaas na lugar ay responsibilidad ng lahat. Ang ating kagustuhan na i-develop ang mga mapupunong lugar ay nararapat na may katumbas na kapalit, gaya ng muling pagtatanim at pagsasalba ng ilan pang mga punong pwede pang sumasailalim sa proseso ng earth-balling. Sa ating pag-unlad bunga ng ating mga development projects, mahalaga ding isipin ang bilang ng taon na nakatayo ang mga puno. Mapapalitan o matutumbasan ba natin ito kapalit ng pangakong kaunlaran? Ano naman kaya ang epekto nito sa mga tao sa paligid? Lalong higit ng mga inosenteng walang kaalam-alam na kalbo na pala ang kabundukan at ang mga trosong pinaanod sa tubig ang siyang tumambad at kumitil sa buhay ng kanyang mga kapamilya.

Sa patuloy na pananalasa ng mga natural na kalamidad, ang natitira nating pag-asa katulad ng mga puno ay nararapat na mahigpit na ipagbawal. Matagal na silang nagbigay ng babala at paulit-ulit pa. Ang umaapaw na pera ay walang panangga sa oras na gumanti ang kapaligiran sa ating paglalapastangan sa kanila.

Muli, paulit-ulit naman nating alam ang mga ito. Parang sirang plaka na lang ang paulit-ulit na pagbibigay ng babala laban sa parating na kalamidad. Subalit hindi nagsasawa ang babala ng kapaligiran hanggang may mga ilan pa ring ganid na sinusuway ito. Ilang buhay pa ba ang kailangang mawala bago natin maisip ang bahagi ng mga puno sa ating buhay? Ilang bagyo pa? Sana may oras pa.

Kaya naman nabuhay muli   ang pamahalaan sa paghikayat sa pakikiisa ng mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno ito ang panawagan ng gobyerno.

Ikaw Lucy, kaya mo bang  magtanim  ng punong kahoy para sa susunod nating  salinglahi?

LUCY: Of course naman Kaka, katunayan nga minsan na akong nakiisa sa pagtatanim ng mga puno diyan sa Romagonrong falls, na kong  saan watershed area ng Upi, dahil diyan natin kinukuha  ngayon ang tubiog na  dumadaloy sa ating mga gripo sa ngayon.

ALIH: Ako din  Lucy, ilan beses na akong  nakasama sa tree planting, dito sa highway, Romagonrong  falls, at sa aming bakuran marami din  akong  tanim na mga puno, puno na  napapakinabangan  na  sa ngayon, dahil namumunga ng mga  prutas.
Ang pakiusap lang sana natin, huwag  ng  sirain ng  mga kababayan natin  ang  mga puno na  kusa ng tumutubo sa ating  mga kapaligiran, kong sakaling di maiiwasan ang  pagputol, dahil kinakilangan, palitan natin sa pagtatanim muli ng iba pang punong kahoy.
Maraming salamat sa inyong pakikinig, heto po  ang inyong  Kaka Alih, na nagsasabing, ang punong itinanim ay buhay ng tao ang kakambal. Sukran at maraming salamat.

LUCY: Maraming  salamat Kaka Ali, Mga kapatid, Magtanim ng puno, para sa kaligtasan  ng  ating pamilya.

   (PLAY EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)


Martes, Agosto 27, 2013

Pagtatanim at Pangangalaga ng Gulay at Prutas

Pagtatanim at Pangangalaga ng Gulay at Prutas-
Multi-cropping, Niyog, saging,  kamote,
talong, kamatis,..

(August 28, 2013-Miyerules-Ang script na itoay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang regular host ay si Ms. Lucy Duce)

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga Good morning Kaka, ano ang inyong ibabahagi saamin at sa ating madlang nakikinig at nanonood ngayong umaga.

ALIH: Good morning din Lucy,sa mga kapatid na magasaka, magandang umaga, at para sa mga Kapatid na nanampalataya sa Islam  asssallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh.

Ang tanong mo kanina ayano ang aking  ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga? My response is Simple lang naman,

Tulad ng naipangako natin sa kanila, hindi  natin babaguhin ng bigla-bigla ang mga nakaugalian na pagtatanim at pangangalaga, kundi dadagdagan lang natin ang kanilang mga kaalaman.

Ang ibabahagi ko ngayon sa ating madlang nakikinig ay ang pagtatanim at pangangalaga ng gulay at prutas.

Alam natin lahat na ang mga kapatid na magsasaka, ay sanay na ngmagtanim ng mga gulay at prutas? Pero alam na ba ninyong na-research ko?

Ikaw Lucy, alam mo na ba itong mga nahalungkat (explore) ko sa internet ?

LUCY:  Di pa Kaka Alih.

ALIH: Kitam, oh di makinig at take note, para magets mo, baka pakinabangan mo, ..(LAUGHING).

Alam mo kaibigan/kapatid, ano mang gulay o prutas , na maging dahon, bunga o laman ay ginugulay natin at ito ay proven na maganda sa ating kalusugan.

Naalaala ninyo ang sabi ni Doc Willie Ong? Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw.

Kaya naman napili  ibabahagi itong  mahalagang usapin ang  pagtatanim at pangangalaga ng gulay at prutas.

Sa pangkalahatan, mataba ang lupa dito sa atin sa Upi, kaya asahan mo halos  lahat ng mga itinatanim natin ay nabubuhay, lumalago at naaani ang mga bunga, dahon at ugat.  Subalit Kapatid, hindi ito nangangahulugan na hahayaan na lang tumubo at lumaki   ang mga halaman, na ang  rason mo ay : “ ah   tumutubo naman ay di nay an alagaan.

Dapat may plano ka  rin naman   at may sistema ang pagtatanim, pangangalaga at pagmi-mintina ng mga halamang-gulay at prutas, na ating mga tinanim.

Kong magtatanim ka ng gulay o prutas, ano mang klase ito, first of all, kailangang piliin mo din ang mga buto, o binhi, o punla/seedlings o dili kaya yang tinatawag nila na planting materials, na may quality ika nga. Kong sa tao pa, pili ka rin ng magandang lahi, kong babae ba sexy..guwapa..never maind that is not our topic…(LAUGHING).

Ang payo po ng inyong Kaka Alih, of natutunan natin sa mga bihasa o expert sa pagatanim ng mga gulay at prutas , dapat ang mga ito  ay galing sa pinakamagandang ani o best crop of the season na pinatuyo at itinabi kong sa gulay. 

Kong wala dahil di pa kayo marunong, simple lang sulosyon diyan, kapag walang naitabing binhi, kailangang bumili sa mga tindahan, at sigorado pa itong hybrid o good quality. Ngayon, kuripot este matipid ka, dahil ugaling Ilocano (LAUGHING) maari ring manghingi lamang ng punla sa kamag-anak o kumpare, komng sakaling may sobra naman silang binhi.

Pero bago ka manghingi este bumili kailangang may takdang lupang pagtataniman.  

Ok next page na tayo (LAUGHING) DITO NA tayo sa  plotting. Ano ang plotting?

Ang plotting ay ang paghahanda ng lupang pagtatamnan.Ibig sabihin, itatakda, susukatin at lilinisin ang lupang napili.

Maglalagay tayo ng mga pananda, o mga marka, kong saan tataniman natin, atsaka bubungkalin at paluluwagin ang lupa.

Aalisannatin  ng mga basura, na maaring makasagabal, tulad ng mga bubog o mga nabasag na botelya,   damo at ugat . Kong minsan  ,ang plot ay siya na rin mismong seedbed.    Depende ito sa halaman na itatanim natin.

May mga halamang hiwalay ang lupang pinagpapatubuan o nursery ng binhi, doon sa mismong pagtataniman at pagpapalaguan ng halaman. Palalakihin muna ang seedlings o saplings , saka ililipat o ita-transfer sa kanilang designated plots.

Next page, Dito naman tayo sa lupang   mismong pagtatanimam.

Kailangan, masa-masa o moist ang lupa pag nagtatanim. Hindi pwede kung masyadong itong tuyo at ganoon din naman kung sobrang basa. Kailangan ay kainaman lamang ang buhaghag o looseness at ang humidity ng lupa para makahinga at makakapit ang punla.

Just in case, ang lupa’y tuyung-tuyo, kailangan munang diligan   ng tubig  bago magtanim. Pag basang-basa naman, kailangan munang pababain ang tubig, dahil kung hindi, alinman sa malulunod o maaanod ang binhi.

Bawat punla o binhi ay may kanya-kanyang lalim ng hukay pag itinatanim.
Mayroong pananim na isa’t kalahating pulgada lang ang kailangan.
Mayroon namang binhing anim na pulgada ang dapat na lalim.

May kanya-kanya silang pangangailangan para mapatubo at mapasuloy.

Pag masyadong mababaw ang pagkatanim, baka ang mga punla ay tukain lang ng mga dumaraang ibon at manok.

Pag masyado namang malalim, baka isang buwan na ay di pa nasisilayan ang mga suloy nila.

Kailangang may sapat na pagitan ang mga tanim.

Kailangan ding may sapat na pagitan o distansya sa isa’t isa ang mga halaman pag nagtatanim. Kung hindi, maggigitgitan o magka-crowd sila at mag-aagawan sa tubig at sa sustansya o nutrients ng lupa.  Pag nagkaganoon, mababansot ang marami sa mga tubo at hindi sila lalaki at bubunga ng maayos. Kaya importante ang spacing at distancing sa pagtatanim. 

Oy reminder, Pag naitanim na nga pala ang binhi, dinidiligan ng bahagya ang  paligid ng lupang pinagtamnan.

May mga halamang minsan lang kung itanim pero maraming taon bubunga at mapapakinabangan. Perennials ang tawag sa kanila. Ang mga halimbawa nito ay ang niyog, papaya, kalamansi at paminta.

Mayroon namang kailangang itanim kada taon pag season ng taniman o planting.Seasonals naman ang tawag dito.Ang karaniwang mga halimbawa nito ay ang ilang varieties ng luya, luyang-dilaw, kamote at kamoteng-kahoy. Ganoon din ang okra at talong.

May mga gulay na kapwa perennial at seasonal gaya ng kamatis at sili. May variety silang pwedeng minsan lang itanim, at, meron din namang itinatanim tuwing panahon ng taniman.

 May mga tanim na gulay na maraming taon kung bumunga.

Dapat ring tandaan ang regular na pagdidilig ng mga halaman. Ang dalas ng pagdidilig at ang dami ng tubig na pandilig ay depende sa tanim. Kaya ditto nararapat na isaalan g alang o isama sa plano kong saaan kayo kukuha ng tubig na pandilig. 

May mga halamang-gulay na kailangang diligan araw-araw. Mayroon din namang makalawahan lang. Mayroong halamang dalawang beses lang sa isang linggo kung diligin at nabubuhay na ng ayos. Mayroon ding isang beses isang linggo lang ang kailangan. Karamihan sa mga ito ay iyong mga tubers o di kaya naman ay bulbous plants. Pag tag-ulan, hindi na gaanong alalahanin pa ang pagdidilig. Ang ulan na ang bahala sa mga pananim. Ang kailangan lang pag ganitong panahon, tiyaking hindi malulunod ang mga halaman sa tubig.

Isa sa iportante na huwag kalimutan, pag tumubo na ang mga tanim, ay ang paggagamas o weeding out ng mga damo sa paligid ng halaman.

Mahalaga ang gawaing ito sapagkat kung hindi hahawanin o gagamasin ang mga damo, matatalo nila ang mga tanim ninyong gulay.

Always remember, na  mas malakas ang survival instinct, o likas na damo na maadaling mabuhay kaysa tanim na pinakikinabangan,    kaysa sa mga halamang tanim lamang.

Pero dito sa bayan ng Upi, ang mga taga Upi ay alam na ito, na damo ang isa sa kalaban ng tanim.

May dagdag akong kaalaman, Ayon sa researched ni kaka Alih, kung ang iyong halamanan ng gulay ay 50 kwadrado metro (5 x 10 metro) lamang, maari na ang isang oras lang sa isang araw na paggagamas. At of course pag malapad ang area ng taniman, dagdag  oras din ang   kailangang ilaan sa paggagamas.

Ang paglalagay ng insecticides, pesticides at pataba sa mga pananim ay di rin dapat kalimutan. Lahat ng halaman, dinadayo at dinudumog ng mga insekto at peste.Ang mga insekto, ang karaniwang inaatake ay ang dahon, tangkay at mismong bunga ng mga halaman.Ang mga peste naman, karaniwang nginangatngat ang mismong binhi o di kaya naman ay ang ugat at base ng puno.

Ang pangkaraniwang alituntunin, pag insekto ang sinusugpo, insecticide ang gagamitin.Ngunit hanggat maari huwafg gumamit ng pesticide, unless malala na ito. Kapag peste na  e h di , pesticide, siyempre. Karamihan sa mga peste ay fungi, galing mismo sa punla o sa lupang pinagtataniman.

Kailangang sugpuin ang mga insekto sa pananim.

Ang bawat halaman, may kanya-kanyang ina-attract na insekto at may kanya-kanya ring peste. Kung kaya, kanya-kanya rin o specific ang pagsugpo sa mga ito. Hindi maaring iisang gamot o spray lang ang gamitin para sa lahat ng tanim. Sa mga lugar na matatagal nang nagtatanim gaya roon sa baryo namin, kabisado na ng farmers ang mga insektisidyo at pestisidyong angkop sa bawat halaman. Kung hindi naman, maari mo itong malaman sa packet of seedlings na nabibili – nakalagay roon sa balutan ng binhi kung paano pamamahalaan ang mga kaaway ng pananim.

Pinagaganda ng mga bulate ang istruktura ng lupa

Ang paglalagay naman ng pataba sa lupa, sintanda na rin siguro ng agrikultura. Alam ng mga magsasaka iyon. Kailangang pana-panahon, ibalik sa lupa ang nutrients na kinukuha ng mga halaman para iyon ay patuloy pang mapakinabangan. Dalawang klaseng pataba ang mayroon: iyong organic o compost material at iyong nabibiling abono o commercial fertilizer.  Doon sa nabibili, may nakasulat ring instruction kung kailan, ilang beses at paano lang dapat lagyan ng pataba ang lupang pinagtamnan.

Mas mabuti kung organic  ang gagamitin sapagkat ang mga iyon ay patabang galing din sa kalikasan at mas kakaunti ang harmful chemicals na nakasama. Ang mga halimbawa nila ay mga tirang gulay at dahong pinatuyo at inihalo sa lupa, dumi o ipot ng hayop na pinatuyo at gayundin, ang lupang tinahanan ng mga bulate o compost soil.   Ngunit, ang mga magsasakang gagamit ng patabang organic ay dapat ding may sapat na kaalaman o know-how kung paano iyon ihanda at gamitin ng tama. Halimbawa, ang ipot ng manok, kung hindi napatuyo at na-proseso ng tama ay maaring makasira sa lupa at halaman dahil sa init na nanggagaling dito.

Gayundin, dapat tandaang mas effective ang organic farming kapag ang magkakatabing taniman o sakahan ay pare-parehong gumagamit ng ganitong paraan. Dahil kung hindi, talo ang organic farming practitioner na gumagawa nito ng siya lamang o in isolation. Lilipat sa kanyang taniman  ang mga insektong nasugpo nga niya  sa sariling bukirin  ngunit aktibo naman sa kalapit na farm.

Marami-rami ang kailangang gawin at pagdaanan para itanim, alagaan at palakihin ng tama ang mga halamang-gulay. Hindi pwedeng laru-laro lang ang gawaing ito o gagawin lang kung kailan maisipan o maibigan ng isang tao. Pag naumpisahan na, kailangang tuluy-tuloy ang pagtatanim at hindi dapat pabayaan ang mga halaman. Ang kapalit ng pagtitiyaga at pagsisikap na bungkalin ang lupa at palaguin ang mga tanim ay ang katiyakang sa bandang dulo, ang nagtanim ay mayroong malulusog na bunga at ugat na aanihin.

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si Kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka sa ngayon..


(PLAY EXTRO)