(June
29, 2013-Sabado-Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang
regular host ay si Ms. Nancy Lawan)
NANCY: Since
noong June 26 ay medyo medyo may konting
pagbabago sa ating segment na Agri update,
dahil bago ang segment reporter, si
Kaka Ali, ang ating Patrol 1,
papaano kasi pansamantala siyang humahalili sa regular na assigned patrol
reporter na si Patrol
9 Noralyn, dahil nasa field at ginagampanan ang assignment naman ni Lucy, dahil
di pa kaya ni kasamang Lucy ang kanyang kalusugan, di pa kayang maglakad, buweno heto na ang ating segment na…
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
NANCY: Magandang
umaga Good morning Kaka, ano ang inyong ibabahagi sa ating madlang nakikinig
ngayong umaga ng Sabado, market day,
araw ng palengke?
ALIH: Good
morning din Nancy, at sa mga kapatid na magasaka, magandang umaga, lalo na
yaong mga magsasaka diyan sa Bgy Mirab, sa mga patid na nanampalataya sa Islam
at mga kapatid na Muslim, asssallamu
alaikum warahamatulahi wabarakatuh. Malapit na ang fasting o puwasa, papasok
ang Ramadan sa July 8 or 9.
NANCY: Ay tama pala Kaka Alih, malapit na ang Ramadan
at muli naman kayong magpuwasa, advance happy Ramadan.
ALIH: Ang
tanong mo kanina ay “ano ang aking
ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Sabado? Ok
simple lang naman, hindi muna natin babaguhin ng bigla ang nakaugalian
natin, kundi dadagdagan lang natin ang kanilang kaalaman. Ang ibabahagi ko
ngayon sa ating madlang nakikinig ay ang Pagtatanim at Pangangalaga ng Gulay.
May kasabihan akong
naririnig na ganito: “Hindi nagugutom ang masipag.”
NANCY: Tama!
ALIH: Ang ibig sabihin
nito Nancy ay: “…ang
masisipag na tao na bagama’t maliit lamang ang kita o income ay nagawa pa ring
umunlad dahil sa angking sipag at tiyaga.”
May kasabihan din mga ang Iranun: “Sadtak-sadtak
embaluy a kaludan” (patak-patak ay magiging karagatan)… (LAUGHING)
Kapatid hindi
imposibleng maging maunlad ang inyong kalagayan kong ikaw maniniwala at gagawin
ang pinaninwalaan mo.
Kumain ng maraming
gulay, prutas at lamang-ugat.
Ayon sa mga pagsusuri,
kakaunting prutas at gulay ang’kinakain ng mga Pilipino. Ito’y sa kabila ng
pagiging mayaman nito sa bitamina at mineral, gayundin sa fiber na makatutulong
sa maayos na pagdumi.
Ugaliin ang pagkain ng
madadahong gulay, prutas at lamang-ugat para makaiwas sa sakit tulad ng micro nutrient
deficiencies, kanser, diabetes, at sakit sa puso.
• Kumain ng dalawa
hanggang tatlong servings ng madahon at madilaw na gulay araw-araw.
• Kumain ng dalawang
servings ng prutas arawaraw lalo na ng prutas na mayaman sa vitamin C.
• Kumain ng lamang-ugat
ng mahigit tatlong beses sa isang linggo.
Kung kumbisido ka sa mga
sinabi ko kapatid, magsimula tayo, sa maliit na plano o
project.
Kung malapad ang iyong bakuran ang ibig kong sabihin, may
bakuran ka na abot ng ¼ ektarya, (50 meter x 50meter) at kapag andiyan ka sa
bukid baka mahigit pa, ay maaari kang
magtanim ng mga gulay, prutas at iba pang halaman na maaaring pagkakitaan
katulad ng talong, okra, mani, mais, papaya,
kamoteng kahoy.
Hindi kailangan ang
maraming katulong, sapat na ang ilang miyembro ng pamilya upang mag-alaga sa
mga pananim.
Magandang itanim ang
papaya lalo na kung malaki ang lote, marami kasi ito kung mamunga at higit sa
lahat, hindi maselan at pagkaraan ng walong buwan ay namumunga na.
Madaling ding ibenta ang
mga papaya lalo na kung maganda ang uri at malalaki ang mga ito.
ANG PAPAYA
Bakit papaya? Ang Papaya
ay puno ng Vitamin A at C. Isang hiwa ng hinog na papaya ay katumbas sa 7 ½
pirasong latundan (40 gramo bawat isa) katulong ng buong pamilya laban sa
sipon.
REMINDERS: Habang
pinahihinog huwag itago sa loob ng refrigerator. Mag-iiba ang lasa nito. (Source:
Nutrition Center of the Philippines)
NANCY: Kaka Alih bakit ka magtatanim ng papaya?
ALIH: Dahil, Ayon sa
pananaliksik sa laboratoryo (hindi pa sa tao), ang dagta ng dahon ng papaya ay
nagpapabagal sa pagdami ng 10 uri ng cancer cells sa cervix, atay, baga,
pancreas at dibdib. Ang hinog na bunga naman nito ay nakakapagpalakas ng
resistensya. Dagdag pa rito ang enzyme na papain na may mahalagang papel na
ginagampanan upang ang coating ng mga cancer cell ay masira at maging mabisa
ang pagke-chemotherapy.
Ang papaya (Carica
papaya ) ay kinakaing tila milong prutas na itinatanim sa kabuuan ng mga
maiinit at di may kainitang lagay ng panahong mga bansa sa kabuuan ng mundo.
Ang makatas nitong kalamnan ay maaring ginintuang dilaw o kaya’y pula kapag
hinog na bagay na bagay sa paggawa ng mga ensalada, pati na sa mga “pies “at
“confectious”. Ang hilaw na papaya ay maaring durugin o kaya’y iluto na tila
kalabasa na karaniwang isinasangkap o ginagawang panrekado sa mga karaniwan at
batid na ng lahat na mga lutuing Asyano. Ang iba pang nakakatas
at nakukuha sa papaya ay ginagamit sa pagpu pruseso ng mga pharmaceutical pati
na mga cosmetic industries. Halimbawa na lamang ay sa Pilipinas, ito ay nakilala
bilang mahalagang sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, lotion at iba pang
produktong kosmetiko.
Dagdagan pa natin bakti
papaya Bakit mahalaga ang papaya?
• Ang papaya ay saganang
pinagmumulan ng bitamina gayundin ng mineral at hibla.
• Ang papaya rin ay ang
saganang pinanggagalingan ng papain, na ginagamit sa paggawa ng beer,
pagpapalambot ng karne, produksiyon ng mga
produktong parmasyutikal at iba pang kosmetikong produkto.
• Ang papaya ay ang pang
anim na pinakamahalagang prutas sa Pilipinas at itinatanim ng karamihan sa mga
maliliit na magsasaka.
• Nagluluwas ang
Pilipinas ng papaya sa mga bansang
matatagpuan sa Asya, Australia, Gitnang Silangan
at Estados Unidos.
Magtatanim na ako ng
papaya wala akong maitanim, Papaano
pipili ng seedling ng papaya na itatanim?
Madaling lang anong
papaya ang gusto mo o gusto ng target customer mo. Kong hindi mo alam pumunta
sa palengke at magtanong tanong, sa on demand na papaya.
Kapag nakapagdesisyon ka
na, bumili ng hinog na papaya na gusto mo. Hatiin sa gitna, ang nasa baba ang
kunin na buto, bakit ang nasa taas ay lalaki at babae ay ang babae..
Paalaala may pamahiin
daw tayo: Mahigpit din na ipinagbabawal ng mga matatanda na magtanim ng papaya
sa harap ng inyong bintana dahil sa ito ay maghahatid ng kamalasan.
Syempre naman, di
naharangan ang inyong bintana, di mo makikita ang mga dumaraan na magagandang
chicks na patungo ng UAS (LAUGHING)
Maaari ring magtanim ng
iba pang klase ng mga gulay sa gilid ng pinagtaniman ng papaya tulad ng ube at
gabi.
Ang pechay ay isa ring
magandang uri ng pananim. Ang isang maliit na tali nito ay nagkakahalaga ng
P10.00. Maaaring gawing katulong ang dalawang kasama sa bahay sa pagtatanim at
pagdidilig.
Maganda ring pananim ang
sampaguita. Mahal ang isang tabo ng sampaguita at talagang mabili ito. Kung may
sandaang puno ng sampaguita, napakaraming tabo na ng bulaklak ang mapipitas.
Mainam itong itanim
sapagkat tulad ng papaya, hindi rin ito maselan at hindi nangangailangan ng
malaking oras sa pagtatanim. Didiligan lang ito tuwing umaga at hapon,
pagkatapos ng limang buwan, makikita na ang napakaraming bulaklak nito.
Maaari ring magtanim ng
cassava (kamoteng kahoy), hindi rin maselan ang halamang ito. Pagkatapos mo
itong itanim, hindi na kailangang bantayan, hintayin na lang ang paglaki at
pagkatapos ng ilang buwan, maaari na itong bungkalin at ibenta sa palengke.
Puwede itong ibenta nang
hilaw at puwede ring lutuin muna—gawing puto at suman bago ilako o dalhin sa
palengke.
Isang kapaki-pakinabang
na paraan ang pagtatanim sa bakuran para labanan ang kawalan ng trabaho at ang
maliit na kita sa pagtatrabaho.
Ang mga super gulay
ANG KANGKONG – super
gulay
Ang kangkong ay
nangunguna sa taglay na Vitamin
A. Ang isang tasang
kangkong na luto ay katumbas
ng apat na pirasong
mangga.
Ang kangkong ay tulong
sa kalusugan lalo na sa pagpapakinis ng kutis.Nagpapalinaw at nagpapasigla rin
ito ng mga mata.
• Madaling magpatubo ng
kangkong sa bakuran.
• Itanim ang kangkong sa
lupa, sa putikan o sa tubig.
• Maaring gamitin ang buto,
tangkay o ugat nito.
• Kapag tangkay ang
itatanim, siguruhing 30 cm ang haba ng bawat tangkay at magkakalayo sila ng 50
cm.
• Anihin pagkalipas ng
30 araw.
Heto pa ang isang super
gulay,
ANG SALUYOT
Ang saluyot ay nagbibigay
ng mahalagang Vitamin A at calcium. Isang tasang saluyot na luto ay katumbas ng
lima at kalahating upo na luto.
Ang pagkain ng saluyot
ay nagpapalusog ng buto, ngipin at mga kuko ng mag-anak. Ito ay mainam na
alalay sa mga lumalaking mga bata.
Saluyot sa hardi
Kapag tag ulan, magtanim
ng buto ng saluyot sa inyuong bakuran.Tiyaking magkalayo ito ng 4-5 cm.
Maaring itanim ang
saluyot sa kahit anong uri ng lupa pero
mas lumalago ito kung
may pataba na animal o green
manure.
ANG AMPALAYA
Ang dahon ng ampalaya ay
punong puno ng Vitamin A at iron. Kalahating tasang dahon ng ampalaya (luto) ay
katumbas ng 36 at kalahating lutong repolyo.
Ang ampalaya ay may
taglay na mahalagang sustansya sa pagpapakinis ng balat at pagpapalinaw ng
mata.
Ang ampalaya ay
pampalakas din ng resistensya laban sa sakit
at tiyak na panlaban sa
anemia.
MAGTANIM NG AMPALAYA
Madaling magpatubo ng
ampalaya sa buong taon.
Magtanim ng dalawa
hanggang tatlong halaman.
Ito’y magulang na sa
loob ng 90 to 120 araw at patuloy na mamumunga sa susunod na dalawang buwan.
Samatala, ang mag-anak ay makakaani ng masarap na talbos at bunga ng ampalaya.
ANG MALUNGGAY
Ang malunggay ay
nangunguna sa Vitamin A at calcium.
Kalahating tasa ng dahon
ng malunggay (luto) ay katumbas sa apat at kalahating tasang lutong cauliflower.
Ang malunggay at pampalusog
ng katawan lalo na ng mga ngipin at buto.
ANG PAGTANIM NG
MALUNGGAY
• Itanim ang buto ng may
5 metro ang layo sa isa’t isa.
• Pwede ring itanim ang
magulang na sanga (isang
metro ang haba).
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
NANCY: Iyan
si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na
ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagksasaka..
(PLAY
EXTRO)