Miyerkules, Hunyo 5, 2013

Brigada Eskuwela

(May 16, 2012-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Nenita Minted)

NENITA:      Brigada Eskuwela na naman.. kaya ito ang pag-uusapan natin,   kaya  samahan mo kami  kaibigan  sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya, dito ay makakasama  natin si Kapatid na Alih.

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NENITA: Magandang umaga Kaka Alih,

KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Nenita,   assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.

Muli naman magsasagawa ang mga paaralan  ng Brigada  Eskuwela nitong Mayo at dito  sa Nuro  Central Elementary School ang nakuha natin na schedule ay May 21-25.

Ano ang sinabing  Brigada Eskuwela?

Ang brigade Eskwela ay isang boluntaryong gawain na nilalahukan ng mga guro, magulang, mga mag-aaral, mga mamamayan at mga organisasyong pang-sibiko na siyang tutulong sa pagpapanatili ng kalinisan, pagpapaganda at pagsasaayos ng mga bakod ng paaralan.

Layunin ng programang ito na pasimulan ang buong-taong pagtutulungan upang maging maayos at maaliwalas ang mga pampublikong paaralan para naman magingganado at maginhawa ang mga bata sa kanilang pag-aaral.

Ayon kay principal Abel Ersando principal ng NCES,   malaki ang maitutulong ng ganitong gawain sa kanila bago magsimula ang araw ng pasukan, para pagpasok ng mga bata ay deretso na silang aral, hindi na  sila magtrabaho para maglinis sa paligid ng  paaralan.

“Ang brigada Eskwela is intended to prepare the school sa nalalapit na pasukan. Imbes ang mga pupils ang maglilinis sa pasukan, ngayon parents na lamang para ang mga pupils makapag-aral agad,” ayon kay Ersando

Ayon  pa rin  kay Ersando, ang lahat ng mga magulang ay dapat lumahok dahil magbibigay sila ng certificate, at kinakailangan ito sa pag-enroll ng  mga anak  nila.

Kahapon ay nag-meeting  ang mga guro kasama si Hon Kagawad Andress,  ang Philippine Army at Pulis, para sa sama-samang paglulunsad sa Lunes nitong programang Brigada Eskuwela, sa bayan ng Upi. 

Alam mo Nenita matataandaa ko pa noong ako  ay  nag-aaral  pa, kami ang naglilinis.

NENITA: Ganoon din  ako Kaka, ang matandaan ko bago inilunsad ng DepEd ang Brigada Eskwela ang mga mag-aaral ang siyang naglilinis ng kanilang paaralan dahilan upang maantala ang pagsisimula ng unang araw ng kanilang klase.

KAKA ALIH: Tama ka diyan Kapatid na Nits, Sa ibang    paaralan nga kadalasan lumilipas pa ang isang linggo bago ang pormal ng pagsisimula ng klase dahil sa paglilinis ng kanilang mga paaralan.

Sabin g isang parents, “Maganda ang   layunin nito na pasimulan ang buong-taon ang pagtutulungan upang maging maayos at maaliwalas ang mga pampublikong paaralan para naman maging ganado at maginhawa ang mga bata sa kanilang pag-aaral.”

Dahil salat sa badyet ang DepEd ay kailangan talaga ang pakikisangkot ng mga mag-aaral, guro at magulang, mga kawani ng barangay at pamahalaang lokal, mga grupong sibiko at iba pa para linisin at kumpunihin ang mga paaralan.

Sa mga  magulang guro at mag-aaral, na  konting paalaala lamang po tayo:

Alam natin na may  nakagawian tayong mga Pinoy, ang  pagsusunog sa mga nalaglag na tuyong dahon, mga pinutol na damo, mga winalis na papel at iba pa.

Alalahanin natin na ang pagsisiga ay lumilikha ng usok, uling at abo na nakapagpapasama sa kalidad ng hangin na ating nilalanghap. Ikinakalat nito ang mga pinong dumi at lasong kemikal na maaaring maging sanhi ng pananakit ng ulo, pagka-irita ng mga mata, balat at lalamunan, paninikip ng diddib, pagsumpong ng hika at maging sakit na kanser.

Imbes na magsiga na lalo lamang pinapainit ang kapaligiran ay maaaring sinupin at gawing kompos ang mga panapong nabubulok na kinalaunan ay magagamit na pataba sa halamanan ng paaralan.

Sa listahan ng gagawin ng mga Brigada Eskwela ay maisaayos rin sana ang pampaaralang Materials Recovery Facility (MRF) upang makatulong sa wastong pagpapairal sa pagbubukod at paggamit muli ng mga panapon.

Pangalawa na  paalaala natin ay ang pagtanggal ng mga lumang pintura sa mga dingding, bintana, pinto, kisame at pader at ang muling pagpipinta ng mga ito.

Ang pagbakbak o pagliha ng mga pinturang may tingga (lead) ay peligroso para sa mga gumagawa nito at sa mga batang malalantad sa mga alikabok at tapyas na kontaminado ng tingga.

Ang pagkakalantad sa tingga kahit na sa mababang antas lang ay maaaring humantong sa ”neurological damage” na kung minsan ay hindi na malulunasan pa.

Ayon sa mga eksperto, ang pagkakalantad sa tingga ay maaaring magdulot ng pagkabalam sa pag-unlad na pisikal at pangkaisipan, mababang IQ, maiksing attention span, at problema sa pag-uugali ng mga bata.

Kung nasa mabuti pang kondisyon ang mga lumang pinta na posibleng may tingga ay mas mabuti pa na huwag itong galawin upang hindi na kumalat pa ang lasong kemikal.

Kung nais namang pintahan ang mga silid aralan at iba pang bahagi ng paaralan ay pumili ng pinturang wala o mababa ang tingga. Mabuting bigyang diin rin ito sa mga kaibigan ng paaralan na nagbabalak magkaloob ng pintura sa Brigada Eskwela.

Sa pagsusuring isinagawa ng EcoWaste Coalition, Global Alliance for Incinerator Alternatives at ng International POPs Elimination Network sa mga pinturang mabibili sa merkado ay nakitang higit na mas mababa ang antas ng tingga sa mga pinturang ”water-based.”

Sa mga kalahok sa Brigada Eskwela nitong 2012, Congratulation in advance,  mabuhay  kayo…maraming salamat  sa inyo at nawa’y maging kabahagi kayo sa pagsusulong ng malinis, malusog at ligtas na mga paaralan, pampubliko man o pribado, na karapatan ng bawat batang Pilipino at Bangsamoro.

Ito  ang inyong magulang na naghihikayat   sa lahat sama-sama tayo sa Lunes para sa Brigada Eskuwela.

Sukran  wassallamu alaikum warahmatulahi  wabarakatu.

NENITA: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, 

(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)


Note: ang article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated May 16, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bago nating  blog: DXUP Teleradyo..(from admin: Alih Anso)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento