Pre school ng Nuro Central Elementary School |
Ang
Kahalagahan ng Edukasyon sa Pag-unlad ng Bansa?
(June
25, 2012 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay”
(8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pamapamilya”. Host
–Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Ang edukasyon ay sadyang
napakahalga sa tao, kaya naman ang lahat ay nagsisikap na pag-aralin ang
kanilang mga anak, para hindi lumaking mangmang at salat sa karunungan. Samahan ninyo kami ni Kaka Alih sa segment:
(Play- Intro- Gabay at Talakayang
Pampamilya)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih.
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at
assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya
sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim.
Host/Noralyn: Matanong kita Kaka
Alih, gaano ba kahalaga ang edukasyon
sa atin ang edukasyon?
Bago
kita sagutin ng tuluyan Kapatid, ang
tanong ano ang ibig sabihin ng
edukasyon?
Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan
ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi
masyadong nadadama ngunit higit na malalim, ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting
paghusga at karunungan.
Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon
ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.
Ang
ibig sabihin ito Noralyn ay hindi
lamang dapat mong malaman ang
isang bagay kundi dapat mo rin pag-aralan ang kahalagahan nito, at papaano gagamitin. Ang kong
sakalaing may sapat ka ng kaalaman dito
ay kinakailangan naman ang pag-sasanay sa sarili, na gamitin ito.
May nagtanong din sa akin na estudyante, assignment yata niya,
“Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
Ang naging tugon sa kanya ay, “…mahalaga ang edukasyon pagkat ito ang
magsisilbing gabay sa lahat, lalo na sa
mga kabataan na tulad mo. Mahalaga ito
dahil ang isang taong may talino, matutupad ang mga pangarap saan man siya
magpunta. Ito ay isang kayaman na kailan man ay hindi
mananakaw. Ito ang kayamanan na kapag ipinamigay mo ay hindi nababawasan, kundi lalo pang
nadagdagan.”
Ikaw Noralyn, may maisasagot ka sa ganoon tanong na: “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”
Host/Noralyn:
Mahalaga ang edukasyon, kapag may
taglay ang isang tao sya ay nagkakaroon ng higit na kapakinabangan hindi
sa kanyang sarili, kundi sa pamilya at
lipunan, samantala ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng
suliranin hindi lang sa kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.
Kaka Alih: Sadyang hindi matatawaran ang
kahalagahan ng edukasyon Noralayn sa
ating mga tao. Ang salat sa edukasyon ay tatanda siyang
mangmang o kulang sa kaalaman, ang taong kulang sa kaalaman ay kukunti ang
maiaaabag o maitutulong sa ating pag-unlad.
Sino
na ang gagagawa ng mga tulay,
kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa mga paaralan kong walang nakatapos na mga guro? Sino abng gagamot sa sakitin kong walang mga doctor?
Kaya nararapat lamang na mag-aral tayo, pag-aralin aang ating mga anak. May sinabi ang Propeta
Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin ang karunungan mula sa duyan hanggan sa
libingan).
Ito po
ang inyong Kapatid - Kaka Alih, Kapatid, bukas…mas lalo nating paiigtingin
ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay
at Talakayang Pamapamilya, Sukran and
Wassallam.
Host/Noralyn:
Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral na ibinahagi mo
ngayong umaga, mga kapatid sadyang ang edukasyon ay mahalaga sa tao, ang
taong kulang sa edukasyon ay salat sa karunungan at yaman.
Muling
abangan ang segment na Gabay at Talakayang Pampamilya, dahil
tiyak marami pa kayong mapupulot na aral at impormasyon, lalo na sa ating nakaka
na kapatid si Kaka Alih..
(PLAY-EXTRO- GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
Note: ang
article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated Hunyo 25,
2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bago
nating blog: DXUP Teleradyo..(from
admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento