Mga Punong Barangay Upi |
Nuro, Upi (July 2).. Nitong araw ng Lunes ay
ginanap ang meeting ng Upi Association
of Barangay Chairman (ABC) sa Barangay Kabakaba at sa 23 punong barangay ay 17
ang nakadalo
Panauhin ang Department of Interior and Local
Officer na si Ms. Cecilia Pelobillo at Upi Commission on Election (COMELEC)
Flordelina Muñoz.
Naunang nagbigay ng
briefing si Muñoz sa
sa mga Punong Barangay ng Upi,
tungkol sa pangkalahatang o general voters registration sa Autonomous Region
in Muslim Mindanao (ARMM) nitong July 9
hanggang 18, dahil sa annulled na ang dating voters list sa rehiyon.
Labinglimang machine ang magagamit sa Upi at sampung araw lamang ang
registration .
Flordelina Munoz habang interview ni Alih Anso-DXUP Reporter |
Ang maglalabing walong taon bago ang halalan
sa May 2012 ay pwede ng magparehistro.
Ang
bawat machine ay may 170-200 na voters ang kayang tanggapin bawat araw.
Sa 23 barangay ng Upi ay tinatayang aabot sa 26 na libo
ang rehistradong botante, kaya
may mga clustered o pinagsamang
Barangay:
Ang mga Barangay na pinagisa ay ang Bayabas
at Ganasi, Bantek at Rifao, Kabakaba at Kiga, Bungcog at Tinungkaan, Kibleg at Kibucay, Kinitaan at Renti, Mirab
at Sefegefen.
Ang tig-isa
na Barangay ay Barangay Nuro,
Blensong, Borongotan, Nangi, Darugao, Rempes at Bugabungan.
SA HAPON AY NAINTERVIEW NG DXUP TELERADYO SI
FLOR MUNOZ ANG RECORDED INTERVIEW: (play
the COMELEC FLOR MUNOZ-JULY 2,
2012/BANTAY BAYAN/AUDIO FILE)
Pinaaalalahanan din ni Muñoz ang lahat na
simula nitong July 1 hanggang 31 ay gun ban,
ibig sabihin ay wala ng pwedeng magdala ng baril kahit lisinsiyado, maliban lamang kong may permiso ang COMELEC.
Sa break ng
nasabing meeting ng mga punong Barangay ay nainterview natin ang ABC
president na Si Charlie Olvido, ang
tinig ni Hon Olvido.
Note: Ang Balita na ito ay na-ipost na sa
blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated July 2, 2012) at dahil nagsara na ang
Multiply, ay minabuti ng Admin. na ipost
muli sa bago nating blog: http://dxupteleradyo.blogspot.com/..(from
admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento