Balita ni Alih S. Anso
LGU Upi Officials & PCA representatives visited the area located in UAS-PTIA. |
June 12, 2012 (Nuro, Upi)…Dahil sa magandang
pagpapaliwanag ng mga kinatawan ng
Philippine Coconut Authority (PCA) sa mga Official ng Upi sa pangunguna ni
Mayor Ramon Piang, ang LGU Upi ay
magtatalaga ng focal person para tutukan ang pagtatanim ng niyog sa Upi.
Alih Anso habang kinukunan ng larawan ang niyog na dwarf |
Agad namang
tinanggap ng PCA ang itatalaga ng
LGU Upi.
Pinahayag naman ni Carlos Carpio ang deputy
Administrator ng Philippine Coconut Authority na pormal nilang mamamahagi
ng coconut seedling sa mga katutubong Teduray nitong August 19 sa
anibersaryo ng Upi Agricultural School.
Ang mga variety ng niyog na itatanim ay
Aromatic Green
Dwarf (AROD),
Tacunan Green Dwarf (TACD) at iba
pang variety na namumunga pagsapit ng tatlo o apat na taon.
Ang niyog ay karaniwang ginagawang
copra, subalit nitong mga huli
panahon ay maraming nadiskubre na
pakinabang ng produkto ng niyog.
Engr Sukarno b. Datukan, UAS-PTIA Administrator |
Ayon sa PCA website
http://www.pca.da.gov.ph/: “Ang Industriya ng Niyog sa Pilipinas ay isa sa
pangunahin at mahalagang "agri-based industries" na tumutulong sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
Ang niyog ay ang siyang pangunahing
"agricultural crop" ng higit kumulang na 69 na lalawigan sa bansa .
Ito din ay isa sa panguna- hing "foreign exchange earners." Sa huling
limang taon (2005-2010), ito ay nakapagtala ng mahigit kumulang isang bilyong
dolyar na kita para sa bansa.
Mahigit kumkulang na 3.5 milyong magsasaka at
24 milyong mga Pilipino ang umaasa sa industrya ng Niyog.”
Una ng naulat
na ang Pangulong Benigno Aquino
III na
muling pasisiglahin ang industriya ng Niyog sa buko juice, at
gawing pangunahing inumin dahil ito
ay napatunayan na makakapagbigay
sigla o lakas sa katawan ng tao.
Ayon sa ating Pangulo, dalawang kompanya sa
Estados Unidos ay nagbabalak na mamuhunan sa buko juice para matugunan ang pandaigdigang supply o
pangangailangan nito. Maging ang ating Pangulo ay nananabik sa magiging bunga
ng programa na magdudulot ng magandang pag-unlad sa ibat-ibang panig ng
pilipinas.
Ang pag-inom buko juice ay mabilis na
lumalaganap sa Estados Unidos dahil ito ay masustansiyang inumin na hindi
nakakasira ng kalikasan at magiging isang bagong likas na inumin ng mga
manglalaro sa Estados Unidos at makakapag-bigay ng milyon dolyar na kita sa
industriya ng niyog. (Alih S. Anso)
Note: ang
article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated Hunyo 12,
2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bago
nating blog: DXUP Teleradyo..(from
admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento