Upi,
Maguindanao (June 7)…Naiturnover ngayong
Huwebes ng bansang Japan sa pamunuan ng
Moro Islamic Liberation Front, ang
Bangsamoro Leadership and Management Institute (BLMI) training center na
huhubog at magpapaunlad sa galing ng
mamamayan ng Mindanao.
Ang programa ay sinimulan ganap na alas dos ng hapon na ginanap sa bagong tapos na gusali na nagkakahalaga ng mahigit apat na milyon piso na handog ng Japan.
Sinimulan ang programa sa pagputol ng
ribbon at sinundan ng pagbubukas sa marker ng Ambasador ng Japan sa Pilipinas, na si His Excellency Toshinao
Urabe na ginabayan ng Executive Director ng
Bangsamoro Leadership and Management Institute (BLMI) na si Dr. Tomanda
Antok.
Ang BLMI ay katulad din ng Bangsamoro
Development Agency (BDA), na bunga ng pag-uusap ng Government of the
Philippines (GPH) at ng Moro Islamic
Liberation Front (MILF).
Ang
BLMI ay nabuo noong ika-14 na Explolatory talks Nobyembre 2007, sa Kuala Lumpur, Malaysia,
na ang chairman ng government panel
ay si dating Secretary Rodolfo
Garcia.
Matatandaan na nagbigay din ng suporta ang
goberno ng Pilipinas para sa gastusin sa pagpapalakad sa nasabing training
center ng BLMI.
Sa panahon ni Garcia ay naghandog ng isang
milyon piso ang goberno ng
Pilipinas at dinagdagan ng limang milyon
nitong panahon ni Marivic Leonin ang kasalukuyang GPH chief
negotiator.
Mohagher Iqbal MILF peace panel chairman |
Ang Asia Foundation, the Development Academy of
the Philippines, the Asia Institute of Management, at ang Non-Violent Peaceforce ay nag-ambag din ng tulong
sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ibat-
training ng kagalingan at pagpapatibay
sa Bangsammro at sa iba pang
katutubo ng Mindanao.
Ang
bagong tapos na gusali ay
nagkakahalga ng mahigit apat na milyon piso ba pinatayo sa kalahating ektaryang lupa malapit sa dating provincial
capitol ng Maguindanao, na nasa
national road, sa Crossing
Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Samantala sa acceptance message ni Mohagher Iqbal, ang chief negotiator ng
MILF, kanyang tinanggap ng buong puso
ang handog ng Japan, at nangako na gagamitin ang training center para sa
pagpapaunlad ng kagalingan Bangsamoro at ng mga mamamayan na nasasakupan nito.
Marami pa ang kulang sa training center tulad ng kalsada, bakod, mga facilidad ng
center at mga working staff nito ay
pawang volunteer.
Dumalo ang GPH Peace Panel Chairman na si
Dean Marvic Leonen, ang kasalukuyang
Malaysian facilitator, na si His Excellency Dato’ Tengku AB’ Ghafar bin
Tengku Mohamed, ang mga membro ng International Contact Group (ICG),
membro ng International Monitoring Team (IMT) ang representante ng alkalde ng bayan ng
Sultan Kudarat, mga non-government organization at mga membro ng media.
Dumalo din
ang lahat ng membro ng MILF at GPH
peace panel at nagkaroon ng exchange of gift bago nagtapos ang programa.
Sa interview ng mga media
kay Marivic Leonin kanyang sinabi na “soon” o sa madaling panahon muling babalik sa Kuala Lumpur ang
magkabilang panel para sa pagpapatuloy ng peace talk para sa kalutusan ng problema ng Bangsamoro. (alih s. anso)
Note: ang
article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated Hunyo 7,
2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bago
nating blog: DXUP Teleradyo..(from
admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento