Lunes, Hunyo 10, 2013

Upi COMELEC Officer, Pinaliwanag sa mga Punong Barangay ang ARMM General Voters Registration


Alih S. Anso
COMELEC officer Flordelina Munoz habang ininterview
ng DXUP Radio. 



Nuro, Upi (July 2).. Nitong araw ng Lunes ay ginanap ang  meeting ng Upi Association of Barangay Chairman (ABC) sa Barangay Kabakaba at sa 23 punong barangay  ay  17 ang nakadalo.

Panauhin ang Department of Interior and Local Officer na si Ms. Cecilia Pelobillo at Upi Commission on Election  (COMELEC)   Flordelina Muñoz.

Naunang nagbigay  ng  briefing  si  Muñoz sa  sa mga Punong Barangay ng  Upi, tungkol sa pangkalahatang o general voters registration sa Autonomous Region in  Muslim Mindanao (ARMM) nitong July 9 hanggang 18, dahil sa annulled na ang dating voters list sa  rehiyon.

Ang mga punong barangay habang nagbibigay
ng briefing si COMELEC Officer Munoz
Labinglimang machine ang magagamit  sa Upi at sampung araw lamang ang registration .

Ang maglalabing walong taon bago ang halalan sa May 2012 ay pwede ng magparehistro.

 Ang bawat machine ay may 170-200 na voters ang kayang tanggapin bawat araw.

Sa 23 barangay ng    Upi ay tinatayang aabot  sa 26 na libo  ang  rehistradong botante, kaya may mga clustered o  pinagsamang Barangay:

Ang mga Barangay na pinagisa ay ang Bayabas at Ganasi, Bantek at Rifao, Kabakaba at Kiga, Bungcog at Tinungkaan,  Kibleg at Kibucay, Kinitaan at Renti, Mirab at Sefegefen.

Ang tig-isa  na  Barangay ay Barangay Nuro, Blensong, Borongotan, Nangi, Darugao, Rempes at Bugabungan.

SA HAPON AY NAINTERVIEW NG DXUP TELERADYO SI FLOR MUNOZ  ANG RECORDED INTERVIEW: (play the  COMELEC FLOR MUNOZ-JULY 2, 2012/BANTAY BAYAN/AUDIO FILE)

Pinaaalalahanan din ni Muñoz ang lahat na simula nitong  July 1 hanggang 31 ay gun ban, ibig sabihin  ay wala ng pwedeng  magdala ng baril kahit lisinsiyado,  maliban lamang kong may permiso ang COMELEC.

Sa break ng  nasabing meeting ng mga punong Barangay ay nainterview natin ang ABC president na Si  Charlie Olvido, ang tinig ni Hon Olvido.


Note: Ang balitang  ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated July 2, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti ng Admin. na  ipost muli sa bago nating  blog: http://dxupteleradyo.blogspot.com/..(from admin: Alih Anso)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento