Linggo, Hunyo 2, 2013

Theft and Robbery

Theft and  Robbery

 (July 24,  2012 -Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”.  Host:  Noralyn Bilual)

Host/Noralyn:     Kapag nadinig natin ang katagang pagnanakaw, isa lang pumapasok sa isip natin —  ang pagkuha ng gamit ng iba na walang paalam. Alam ba ninyo na sa batas, may dalawang klase nang pagnanakaw ito ang tinatawag na, theft and robbery.

Para lalo pa ninyong maintintihan makinig kay Kaka Ali, dahil usaping pagnanakaw ang tatalakayin sa ating segment na Talakayang Pampamilya .

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya.)

Host/Noralyn Magandang umaga, Kaka Ali. Ano ang pagkakaiba ng robbery at theft? Hindi ba pawang pagnanakaw din yan?

Kaka Ali:   Magandang umaga Noralyn.  Assallamu alaikum WW.   Alam mo kaibigan,  tama si  Noralyn sa sinabi niya na:  “kapag nadinig natin ang katagang pagnanakaw, isa lang pumapasok sa isip natin ito ay ang pagkuha ng gamit ng iba na walang paalam o kaya ay puwershang pagkuha ng ibang gamit . Tulad ng sinabi niya na  may dalawang klase nang pagnanakaw ito ang tinatawag na  “robbery at theft”.

Host/Noralyn:     Ang Tanong ko Kaka ay   Kailan mo masasabi na  robbery ang kaso?

Kaka Alih: kapatid na Noralyn,  Matatawag na robbery ang kaso kapag ang taong gusto mapasa-kanya (intent to gain) ang bagay na pagmamay-ari ng iba ay kinuha ito (taking of personal property) sa pamamagitan dahas (violence) o pananakot (intimidation) o pwersa sa isang bagay (force upon things).

At ito  ang pakatandaan mo Kaibigan, na  mataas ang parusa ng kasong robbery kung ito ay may kasamang pagpatay (homicide), pananakit (physical injuries), at panggagahasa (rape).

Tinatawag din na robbery  ang kaso kapag  ang pagpasok sa isang bahay o establisimento sa   pamamagitaan ng pagdaan sa butas o bintana, bukod sa pintuan (through an opening not intended for entrance or egress);   pagsira ng dingding, bubong, sahig o pintuan; paggamit ng false key, picklocks o kahalintulad na gamit  at pag-gamit ng gawa-gawang pangalan o pagkukunwaring otoridad.

Pagnanakaw o robbery ring maituturing ang pagnanakaw sa pamamagitan ng pagsira ng nakakandadong aparador   o baul  o ano mang lalagyan na nakasara o nakakandado.

Host/Noralyn:     Kaka Alih, ang pagkuha ng Mrs sa bulsa o pitaka ni Mr na hindi pinapaalam, anong tawag doon nakaso? (LAUGHING)

Kaka Alih: Ang tawag doon ay “dala adat nin” (LAUGHING)  Yes, walang respeto.. sa kanya naman yun bakit kailangan pang kunin na di nagpapaalam sa Mr… Sabagay may mga Mister na talagang makunat.. o talangang itinatago  yun dahil pinaglalaanan.. (LAUGHING)

Host/Noralyn:     Ano naman ang tinatawag na   kasong theft ?

Kaka Alih: Ito ay ang pagkuha ng gamit ng iba o “taking of personal property” Pagkuha ng gamit  na may “intent to gain”.  Pagkuha ng   walang paalam sa may-ari o without the owner’s consent; ano mang pagkuha ng gamit ng iba na  hindi gumagamit ng dahas o pananakot ay tinatawag na theft. .

Sa madaling paliwanag pare ko, sa robbery,  ang magnanakaw ay gumamit ng dahas, pananakot o pwersa sa isang bagay, samantalang ang kasong theft ay simpleng pagkuha ng bagay na walang paalam sa may-ari na may “intent to gain” o pagnanais na mapasakanya katulad ng pagkuha mo sa pera sa bulsa ng mister mo, o pagsungkit ng butong ng kapit-bahay habang wala sila.. (LAUGHING)

Alam mo ba Noralyn,  na ayon sa pagtatanong ko sa mga estudyante o law student ayon daw sa libro,  na theft din maituturing ang hindi pagsauli ng mga bagay na napulot sa tunay nitong may-ari nito?

Ayon sa ating batas, sa article 719 ng ating Civil Code, nakasaad doon na   sinuman na makapulot ng isang bagay maliban sa hidden  hidden treasure  ay inaatasang isuko ito sa kinuukulan, but siguraduhin lang ang taong bibigyan mo ay hindi niya aariin.

Ang tamang proseso dito ay   ipalalathala  sa publiko sa pamamagitan ng media o paglagay ng patalastas sa mga mataong lugar.

Sa mga Masjid at simbahan usually may mga lost & found  na lalagyan. At dito Sa DXUP FM bagsakan ito ng lost & found item..kaya naman si Nancy ang assigned sa Lost and found, kong mayroon  kayong hinahanap  na nawawala subukan ninyong makipag-ugnayan sa kanya, baka andito sa karton-karton na bagay na dinala dito, 8 years ago na ang iba dito.

Alam mo Norlayn, ayon sa batas, Kung wala pa ring umangkin  sa loob ng  anim na buwan,  ang standard o  sinasabi  ng batas ang paghihintay, at kong wala ng kumuha may karapatan na ang nakakita o  ibibigay na ito sa nakakita.

Ngayon hindi mo  ito sinunod at nakita ng may-ari sa kustodiya mo ang bagay na nawala, maari kang kasuhan ng theft.

Alam mo ba Noraalyn,  na pagnanakaw na Theft din na maituturing ang pagpasok sa bakuran ng ibang tao para kumuha ng prutas o kahit pagkuha ng siling labuyo? .

Host/Noralyn:     Ha? Ganoon ba Kaka Alih?

Kaka Alih:  Yes!..Kapag nahuli ka ng may-ari at hindi ka patatawarin tiyak may kaso ka, at kapag nalaman ni Lucy an g ating police reporter patay kang bata, headline ka sa police updates. (LAUGHING)

Review sa mga tinuran natin, especially na late tuners (LAUGHING).   Ang pagnanakaw ay pagkuha ng mga bagay na  hindi mo pag-aari ng walang pag-sang ayon  ay nagmamayari. Ang tawag na nagnakaw ay magnanakaw. Kuha mo? (LAUGHING)

Kapag tinatwag tayong “Magnanakaw Ka!” Ito ay hindi tinatanggap ng sinuman na may matinong pag-iisip, dahil hindi maganda, sa paningin, pandinig ng tao, lalo sa sa Poong Maykapal. Pag ito ay ginamit mong pangtawag sa iyong kaibigan, asahan mong mag-aaway kayo (LAUGHING)  Yes kahit totoo na nagnakaw, lalo na sigoro kong hindi totoo.  (LAUGHING).

Subalit ang pangnanakaw ay hindi lamang mga bagay   kundi pati ang oras ay hindi mo pinagsilbihan sa iyong trabo ay pagnanakaw rin.

Payo ng isang retiradong empleyado:  “Kung nais mong magtagumpay sa buhay, maging tapat ka sa iyong trabaho.”

Alam ba ninyo sa mga   pag-aaral (researched)  na 40% ng mga manggagawa ay nagnanakaw sa kanilang trabaho at 20% ay nangangatwirang tama lang ito?

Narito ang ilan sa   kanilang mga baluktot na katwiran:  

·         “Ginagawa rin ng iba ito, e ‘di gawin ko rin.”

·         “Mayaman ang kumpanya, hindi ito mapapansin.”

·          “Maliit na bagay lang ito, hindi mahahalata.”

·         “Maliit magpasuweldo ang kumpanya, may utang sila sa akin, kinukuha ko lang ang para sa akin.”

·         “Dapat lang na gawin ko ito para sa akin, nagtatrabaho ako pero hindi tinataasan ng suweldo.”

Huwag mong aksayahin ang oras mo sa trabaho sa paggawa ng ibang bagay pagkat iyan ay isang uri ng pagnanakaw. Ninanakawan mo ang iyong kumpanya ng oras. Huwag kang maging isang masamang tao na madaya kung magtrabaho at walang kabuluhan ang kanyang mga ginagawa. Isapuso at isabuhay ang prinsipyong ito:

“Ang gawang mabuti ay may biyayang taglay” (Biblia sa Akalat na Kawikaan 11:18).

Alam ba ninyo na ang   lahat ng relihiyon ay nagpapayo sa sangkatauhan na maging mabuti at huwag gumawa ng masama.  .

Ang Islam ay nag-uutos sa atin na huwag tayong magnakaw at gayun din nagbigay ito ng pamamaraan upang ang pagnanakaw ay hindi gawin ng isang tao.

Lahat ng mga pangunahing relihiyon ay nagtuturo na ang pagnanakaw ay isang masamang gawain.

Ang sinumang napatunayan na nagnakaw ay may  kaparusahan sa pamamagitan ng pagputol ng kamay ng taong nagnakaw, ito ay base sa Qur’an:

“Ang magnanakaw na lalaki at babae, putulin ang kanilang kamay bilang kabayaran sa kanilang ginawa, at ito ay huwarang parusa mula kay Allah, at si Allah ang Makapangyarihan ang Maawain.” (Qur’an 5:38)

Tinanong natin sa ating mga Aleem (maalam) ano ang “wisdom” ng ganito:

“Ang kabutihang dulot nito ay upang ang mga tao ay magkaroon ng matinding pangingilag sa kasalanang ito. Ngunit gayun pa man ay kapag napatunayang ang pagnanakaw ay nagawa ng tao dahil sa masidhing pangangailangan, halimbawa ay nakapagnakaw siya ng sapat na tinapay upang mapawi ang gutom niya, ayon sa tradisyon ng Propeta Muhammad (SAW) ang tao na ito ay maaring palagpasin sa pagkakataong yaon. Ngunit kung ang pagnanakaw ay dahil sa kasakiman sa bagay at pagmamalabis, parurusahan ito sa harap ng tao upang ito ay hindi na pamarisan.”

Ito ang inyong Kaka Ali, na naghihikayat sa inyong lahat na alamin at paniwalaan natin an gating relihiyong kinaaniban..na tayo ay mag-pakatotoo.. hanggang sa muli.. sukran (maraming salamat) .

Wassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatuh.

Noralyn: Maraming salamat Kaka, mga giliw naming nakikinig bukas muling abangan an gating segment writer at producer ng Gabay at Talakayang Pampamilya, na si Kaka Alih, at sinisigorado na certified na maaaliw kayo at makakakuha ng information.


(PLAY EXTRO: Gabay at Talakayang Pampamilya)

Note: ang article na ito ay naipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY COM (dated Hulyo 30, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bagong  blog: DXUP Teleradyo..(.from admin: Alih Anso)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento