landslide |
(May 23,
2012-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay
–buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host
–Nancy Lawan)
NANCY: “Kaibigan, napansin mo sa ating bayan, particular sa Barangay Nuro, palagi na tyong binabaha, kahit kongting ulan lamang? Ang sabi nila dahil daw
sa nasira na ang ating kakahuyan o mga punong kahoy, dahil silted na o mababaw na ang mga ilog.. at diyan sa umagang ito ng
Miyerkules ang tatakayin ni Kaka Ali ay
Pangangalaga sa Kalikasan ay Pagyamanin.
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NANCY: Magandang umaga Kaka Alih.
KAKA ALIH : Magandang umaga din Nancy,
Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. ang kapayapaan nawa ay sasaatin…
Napansin
mo ba Kapatid na Nancy, na nitong mga huling ilang taon na lumipas ay
kaliwa't kanan na ang ginagawang impormasyon o
advocasiya tungkol sa pag-init ng
mundo.
Bagamat iba't ibang istilo o paraan ngunit
iisang layunin, ito'y upang maintindihan o mamulat ang mamamayan sa
katotohanang unti-unti nang nanganganib ang kalikasan maging ang sangkatauhan.
Ang ating goberno pati na na ang mga
“environmentalist groups” ay sadyang
pinaglalaanan ng panahon, pinopondohan ng pera, at di-matawarang serbisyo upang
maging matagumpay ang lahat. Subalit, ang tanong natin ay naging matagumpay nga ba? Tumigil na kaya ang
iilan sa walang pakundangang pang-aabuso sa likas na yaman?
NANCY: Marami pa ang hindi nakikinig sa
panawagan, Kaka Alih
KAKA ALIH: O baka naman wala ng pandinig..
dahil never mind..(LAUGHING)
Alam mo
Kapatid na Nancy, napakasarap daw namnamin ang tagumpay, lalo na kung
ang dulot nito'y para sa ikabubuti ng lahat. Subalit gusto ko
lang ipaalala sa mga kapatid na nagsisikap na ipaunawa sa madla, tulad
ni Nancy, tulad natin membro ng media na: bago mo makamit ito, kailangan
mo munang makipaglaban, at sa iyong
pakikipaglaban, kailangan mo ng mga sandata upang di matinag o masaling man
lang ng mga kalaban.
Anong mga sandata ang kailangan? Lakas,
estratehiya, prinsipyo, gawa...yan ang iyong mga kailangan.
Kung wala kang lakas, hindi mo magagawa ang
mga estratehiyang naaayon sa 'yong prinsipyo. Kung wala kang estratehiya, gawin
mo man ang naaayon sa iyong prinsipyo nang buong lakas ay kulang pa rin. Kung
ang prinsipyo mo'y kayang tinagin, ano pa ang halaga ng mga gawaing iyong
nasimulan na sadyang pinaglaanan ng
estratehiya't lakas? Kung wala ka namang balak gawin ang tungkol sa bagay na sa
tingin mo'y nakabubuti para sa nakararami, anong prinsipyo meron ka na
kailangang paglaanan ng lakas at estratehiya?
Kinakailangan ang pagkakaisa para sa pangangalaga ng
kalikasan. Kailangan natin Kapatid ang prinsipyo, lakas, estratehiya, at
tunay na serbisyo. Kailangan nbatin dito
ang tunay na layunin, sa isip sa
salita at sa gawa.
NANCY: Tama KA diyan Kaka Alih!
KAKA ALIH: alm mo
Kapatid na Nancy, kahit sino ay
kayang gawing makiisa, lalo na kung tutulungan ng mga taong higit na may
alam. Subalit, may mga katanungan sa
atin na gusto ko ding itanong sa kapatid na
nakikinig, sa iyo, ang tanong
ay: nasubukan mo na ba ang sarili mo sa sitwasyong
kinasasangkutan ng iilan nating mahihirap na kababayang kabilang sa mga taong
sumisira sa kalikasan?
Naranasan mo bang pumunta sa paaralan nang
walang agahan at tanghalian...na swerte na lang na mapunan ang sikmurang
kumakalam kahit katiting na pagkain sa panahon ng hapunan?
Naranasan mo bang makiusap sa kapatid na
nagkandahirap pumutol ng puno sa kagubatan nang sa gayon ay magkaroon ng perang pambili ng pantawid-gutom?
Kapatid palaging alalahanin na ang tao ay bahagi ng kalikasan.
Kung ang kalikasan ay gugustuhin nating pangalagaan, isama na rin nating isalba
ang ating mga kababayang nakakagawa ng pagsira sa ating kalikasan dala ng
kahirapan.
Huwag maging sakim sa pera't kaalaman,
di natin ibahagi an gating
mga oras, bakit di natin gastusin ang ilang barya na ipinagkaloob
sa ating Poong Lumikha.
Aanhin pa ang mga yaman na ito kung ang mundo'y maglalaho, di ba ang
lahat ay mapupunta sa kawalan.
Lahat tayo ay nawalan.
Kapatid, subukan nating suportahan ang kamapaniya n gating
local na pamahalaan ng Upi sa pangangalaga
sa ating kalikasan.
Alamin
at ipatupad ang batas tungkol sa pangangalaga sa basura o ORDINANCE NO. 003 Series of 2007 “A
COMPREHENSIVE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ORDINANCE OF THE MUNICIPALITY OF UPI AS AMENDED”.
Nasabi
sa nasabing batas na bawal na ang
pagsusunog ng basura, bawal na pagtatapon
ng basura kong saan-saan,
kinailangan na apaghihiwalay sa nabubulok at hindi nabubulok.
Para sa mga magulang at mga guro, gawin
nating halimbawa o modelo ang ating sarili, sa pagsunod sa isinasaad ng batas na
ito.
Pansamantala, hanggang dito na lang muna
sa umagang ito ang pagtalakay, sa
susunod na Miyerkules, muli tayong
tatalakay sa pangangalaga sa ating kalikasan na
unti-unti ng nasisira, dahil sa kapabayaan ng tao.
Sukran Wassallamu Alaikum warahamatullahi
wabarakatuh.
NANCY: Maraming salamat Kaka, mga kapatid ituro,
ipakita din natin sa ating mga anak,
kong papaano ang pangangalaga sa ating kalikasan, kayo rin
baka bukas ay kayo naman ang
maging biktima ng galit ng kalikasan..
(PLAY-EXTRO- GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
Note: ang
article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated May 23, 2012)
at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bago
nating blog: DXUP Teleradyo..(from
admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento