Lunes, Hunyo 10, 2013

General Voters Registration sa Upi - Maayos .

Balita ni Lucy Duce
Registration sa Nuro, Upi


Nuro, Upi, Maguindanao (July 12, 2012)…. Maayos at mapayapa ang tatlong araw ng General Registration of Voters sa Bayan ng Upi Maguindanao, na nagsimula nitong Lunes July 9 at magtatapos sa July 18.

Araw ng Sabado ng Hapon July 7,2012 nang dumating ang may 28, Election Officer at Assistant Election  Officers mula Northern Samar kasama ang  mga Voters Registrations Machine, kaagad sumailaim sa Briefing ang mga nasabing election Officers at umaga ng Linggo July 8 maaga pa ay naidispatch sa kani-kanilang assigned Barangay. 

Iksaktong alas otso ng umaga July 9 nag bukas  ang mga designated Registration centers at nagsara ganap na alas singko ng hapon.

Mayor Ramon habang rumirehistro sa may gymansium
para sa presinto ng Nuro, Upi, Maguindanao
Ang dating rehistradong botante ng 23 barangay ng Upi ay umaabot ng 26,000 at ang Barangay  Nuro ang  may pinakamaraming botante na mahigit sa 3,600 at ang voters registration  machine (VRM)  na naipadala ay  15 lamang, kaya ang ibang Barangay ay pinag-isa o pina-clustered  .

Ang mga Barangay na pinagisa ay ang Bayabas at Ganasi, Bantek at Rifao, Kabakaba at Kiga, Bungcog at Tinungkaan,  Kibleg at Kibucay, Kinitaan at Renti, Mirab at Sefegefen.

Ang tig-isa  na  Barangay ay Barangay Nuro, Blensong, Borongotan, Nangi, Darugao, Rempes at Bugabungan.

Sa Barangay Nuro, ang may pinakamaraming Registrants na nakapagtala ang Comelec ng 240 Registrants sa unang araw,  na tumaas ng 274 sa pangalawang araw,  nalagpasan nito ang pagtataya o estimates ng COMELEC national office na   170 hanggang 200 na  registrants lamang  ang kayang ma-accomodate ng bawat  machine.

Naging mabilis din pag-encode sa mga botante sa ibang Barangay at sa tala ng Upi Mucipal Police Station sa pangalawang araw ng Rehistrasyon ay mas lalo pang nadagdagan ang nagparehistro sa bawat barangay.


Sa pangalawang araw ng rehistration ay nakapagtala ang  Barangay Mirab na umabot sa 271 registrants,  Nangi 243, Blensong 281, Borongotan 186, Bugabungan 184, Darugao 249, Renti 173, Bungcog 292, Kibleg 229, Kinitaan 198, Bayabas 205, Bantek 232, Rempes 204 at Kabakaba 231.

At sa pangatlong araw July 11, ang Barangay Nuro-344, Mirab-246, Darugao-221, Nangi-241, Blensong-215, Bugabungan-197, Borongotan-203, Renti-104, Kinitaan-184, Bayabas-158, Rempes-280, Kaba-kaba-156, Kibleg-230, Bungcog-325 at Bantek-210 na registrants.

Sa buong bayan ng Upi  ay naging maayos angregistration at walang naiulat na mga di nakanais-nais dahil   ng  pinagsanib na pwersa na Philippine National Police at Philippine Army.

Ito ay dahil sa maayos at masigasig na pamumuno ng Upi Comelec Election Officer 3, Flordelina Muñoz sa pakikipagtulungan ng Lokal na pamahalaan ng Upi sa pamumuno ni Upi Mayor Ramon A. Piang Sr.kasama ang Upi Municipal Police Station Chief of Police Police Inspector Reynaldo Gabudao,  6th Infantry,  Alpha company ng Philippine Army sa pamumuno ng Commanding Officer 1Lt. Mark Lester Resurrection, at mga barangay opisyal.


Note: Ang Balita na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated July 12, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti ng Admin. na  ipost muli sa bago nating  blog: http://dxupteleradyo.blogspot.com/..(from admin: Alih Anso)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento