Nuro, Upi
(May 20)
..Nagbigay ng update tungkol sa 10 point agreement ng GPH-MILF nitong araw ng
Linggo ang Moro Islamic Liberation Front
(MILF) sa mga miyembro ng Alyansa ng Kabataang Mindanao Para sa Kapayapaan (AKMK) sa isinagawang forum na kabahagi ng limang araw na 7th Mindanao Summer Youth
Peace Camp sa Upi Agricultural School.
Ipinaliwanag ni Samin Unti, kumatawan kay
MILF Peace panel Chairman Mohagher Iqbal, ang nilalaman ng nilagdaang 10-point
agreement sa pagitan ng Government of the Philippines at Moro Islamic
Liberation Front (GPH-MILF) sa ginanap na 27th Exploratory Talks sa Kuala
Lumpur, Malaysia nitong Abril 24, 2012.
Samin Unti, kumatawan kay MILF Peace panel Chairman Mohagher Iqbal, |
Sa open forum ay tinanong ng mga kabataang Indigenous People (IP's), si Unti kung kasama ba sa usapin ang mga adhikain ng mga katutubong Mamayan o IPs ng
Mindanao.
Paliwanag ni Unti, “Kasama sa
usaping ito ang lahat mga kapatid na Indigenous People, katunayan ay miyembro
ng panel si Datu Antonio Kinoc, isang Blaan at
isa pang consultant si Timuay
Melanio Ulama, mula sa tribung Teduray”.
Samantala, sa panig naman ng government panel
ay miyembro si Mayor Timuay Ramon A. Piang Sr, ng Upi, Maguindanao mula sa
Tribung Teduray.(HSG DXUP-Teleradyo)
Note: ang
article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated May 20, 2012)
at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bago
nating blog: DXUP Teleradyo..(from
admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento