Martes, Hunyo 4, 2013

UAS Magtatanim ng Makapuno Variety ng Niyog

Balita ni Alih S. Anso...
Engr Sukarno B. Datukan-UAS-PTIA Administrator



June 12, 2012 (Nuro, Upi)…Magtatanim ng makapuno ang Upi Agricultural School (UAS) ng dalawang ektaryang niyog  na   Makapuno.  Ito  ang isa sa mga nabuong plano ng pagbisita ni Carlos Carpio ang  deputy  Administrator ng Philippine Coconut Authority sa taniman ng niyog sa pinaka unang agricultural school ng bansa.

Ang makapunong niyog na itatanim ay 100% na mamumunga ng makapuno taliwas ito  sa mga traditional na tanim na isa o  dalawa lamang  sa isang bulig ang makapuno dito.

Ang 100% na makapuno na embryo culture technology ay bunga ng pananaliksik ni  Dr. Emerita V. de

Guzman ng  UP Los Baños  noong  1960 at naidevelop naman ng  Philippine  Coconut Authority-Albay Research Center (PCAARC).

Ang halaga ng makapuno ay sampung beses na mahal kaysa karaniwang niyog.  Sa ngayon ay napakalaki ng pangangailangan ng bansa Pilipinas at ibang  bansa dahil isa ito sa panhalo sa laman ng ice  cream ang   pastries industries .  Ang Jollibee Food Corporation ang nakadagdag sa pangangangailangan ng ibang bansa  ng maramihang supply ng makapuno.
UAS-PTIA coconut nursery

Masarap ang macapuno. Gamit itong sangkap sa fruit salad, halo-halo at iba pang masarap na pagkain. Ang Macapuno ng Pilipinas ay ine-export sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Ayon kay Engr Sukarno   Datukan Administrator ng UAS ay sa August 19, ang ceremonial na  pagtatanim sa dalawang ektaryang taniman ng makapuno.  (Alih  S. Anso)


Note: ang article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated Hunyo 12, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bago nating  blog: DXUP Teleradyo..(from admin: Alih Anso)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento