Linggo, Hunyo 2, 2013

Epekto sa Pamilya ng Maraming Anak



(Agosto 6, 2012-Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Bilual)

NORALYN:  “Ano ba ang epekto ng maraming anak sa PAMILYA?  Iyan ang aming katanungan ni Kaka Alih, na dapat ninyong  sagutin at kanya rin sasagutin para sa ating segment na  “Gabay at Talakayang Pampamilya”.

( INTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya )

NORALYN:  Fiyo Gifuwon (Magandang Umaga)  Kaka Alih,

Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, Assallamu alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh. 

NORALYN:  Matanong  nga pala kita  ilan ba ang anak ninyo ng Mrs mo?

KAKA ALIH: Ako? Sa isang ina, ……ay apat lang  naman Nor, (LAUGHING).. Tatlong babae at isang lalaki lang naman.

NORALYN:  Bakit ilan pala ang nanay ng mga bata? (LAUGHING)

Kaka Alih: Isa lang,… subalit bilang Muslim pwede akong makapag-asawa ng apat.

NORALYN:  Hahaha .. (LAUGHING)  ok serious na tayo Kaka Ali, Ano nga ba ang epekto sa pamilyang Pilipino ng maraming anak?

Kaka Alih:“ Dalawa lang epekto niyan, negative at positive… ok Nancy sagutin natin ang tanong mo na  Ano nga ba ang epekto sa apmilyang Pilipino ng maraming anak?  At of course sasagutin ko ng with comparison … ibibigay ko ang positive at negative effect sa pamilyang Pilipino.

Unang epekto, positive daw? Heto my friend, kong kakandidato ka  sa barangay election.. maraming boboto sa iyo,  dahil marami kang anak…subalit may negative effect naman ito, ano yun?  Pare….sigorado kong bata pa ay lusyang na si Mrs.  (PLAY LAUGHING).. akala ko gusto mong ng bata? (PLAY LAUGHING)..

Heto pa ang isang positive/negative na epekto ng maraming anak, kong marami kang anak.. marami kang mauutusan.(PLAY LAUGHING)... but may negative din ito my friend, ang hirap lang nito marami ka ring pakakainin…(PLAY LAUGHING).. baka wala ka ng makain kong hindi ka masipag magtrabaho sa bukid, dahil masipag ka lang kay Mrs.. (PLAY LAUGHING).

 Yes pagkain ang problem sa maraming membro ng pamilya at pag kulang ang pagkain.. tiyak malnourished ang ating anak.

Alam mo ang ibig sabihin ng malnourished Noralyn?

NORALYN:  simple lang abng sagot diyan Kaka, kulang sa nutrition  o kulang sa pagkain,  kaya payat ang bata.

Kaka Alih:“ Agre ako Nor, ang  Sabi naman ng kumpare ko: “Kaka Alih, maganda ang maraming anak, provided, kong kaya mo silang palakihin..kong  kaya mo silang papag-aralin, kong kaya mo silang  pakainin at damitan.. ang hirap lang niyan umaayaw na si Mrs.. ay kinukulit mo pa rin. .. di lang makatanggi sa pangangalabit mo dahil… nakikiliti din  (PLAY LAUGHING) este hindi dahal mahal ka din niya…”

Sabi ng isang nanay: “Kaka Ali, Bibihira ang nagiging maganda ang epekto ng maraming anak,  dahil ang naobserb ko, karamihan  sa maraming anak na kamagnak ko ay naghihirap ang pamilya at bibihira ang nakakatapos sa kanilang mga anak.” Ipagpatuloy natin ang kuwento ang sabi ng asawa, ni pare.  “…    kong ako lang ang tatanungin Kaka , kong ako lang masusunod.. kong kaya ko lang sanang pigilin.. ang pang-gigil (PLAY LAUGHING) kay Mrs.. every 2 to 3 years bago masundan si Bunso.. kasi ako sa totoo lang pangarap ko ding makapagtapos at di magutom ang aking pamilya, hindi ko kasi alam papaano pipigilin ang pagbubuntis ni Mrs.. na hindi naming ititigil ung ganoon.. (ang alin?) basta ung umiikot ang iyong mata sa sarap.. (PLAY LAUGHING)

May kasagutan din akong nabasa  sa facebook: “…na Sabi nila mas masaya daw pag marami ang anak o malaking pamilya. Oo, kung ang pamilya ay nakaka-angat sa buhay at maibibigay lahat ng pangangailangan ng mga anak at ng buong pamilya. Pero sa mga hirap sa buhay, mahalaga ang pagkakaroon ng maliit na pamilya. Isa o dalawang anak ay tama na.”

Agree ako sa idea nay an, talagang  maraming pangangailangan ang bawat anak,  tulad halimbawa  ng magandang edukasyon,  sapat na pagkain, maayos na kagamitan at marami pang iba.

Pag-aasikaso, pagmamahal at panahon ng magulang ay importante din sa pamilya.

Kung hirap sa buhay, natural lamang na maghihirap ang magulang sa  magtrabaho at kumita ng pera lalo pa kung maraming anak ang dapat sustentuhan.

NORALYN: Tama  ka Kaka Alih,  kung isa o dalawa lamang ang anak, kahit papaano ay masusustentuhan sila ng sapat.

KAKA ALIH: Agree din ako diyan Nor, kaya mga   pare ko.. mga mare ko.. makinig… para di na tayo. Magtatalo dito sa radio, heto ang gawin ninyo… pumunta kayo sa pinaka malapit na health center at bisitahin ang inyong rural health midwife at ikunsulta ang inyong problema.. kong taga   Nuro po kayo, pumunta ka sa health center.. andiyan lang sa tabi ng highway kalapit ng ating barangay hall.. kong mahiya ka… hanapin si Maam Jackie Gamit at ibulong ang iyong problema.. sure ako.. matutulungan ka pare ko… (PLAY LAUGHING)

Bweno hanggang dito na lang muna ang tsismis,  dahil pupunta pa ako sa health center..     bukas muli kaming aabangan kasama si  Noralyn ... This is your    segment writer and producer.. at your service ….   Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

NORALYN:  Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang talakayan ngayong umaga, mga kapatid na nakikinig bukas muli  kamaing samahan sa ating programang Gabay at Tlakayang Pampamilya at sinisigorado  ko  inyo, muli  kayong hahandog ni  Kaka Alih ng nakaka-aliw at informative na usapin…

(EXTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya)
Note: ang article na ito ay naipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY COM (dated August 6, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa ibang blog..(.from: Alih Anso)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento