Linggo, Hunyo 2, 2013

Kalikasan ay Pagyamanin

Kalikasan ay Pagyamanin

(July 25, 2012-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Rose Langcuas during the tree planting in national highway

Host/Noralyn: Bantay Kalikasan tayo, at nasa  segment na gabay at talakayang pampamilya tayo  ngayon at of course muli nating makakasama ang ating  segment writer at presenter na si Kaka Alih.

(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)

Host/Noralyn:  “Good morning Kaka Alih.”   

Kaka Alih:  Good morning Noralyn, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam.

“Pangalagaaan  ang kalikasan, para sa kinabukasan ng susunod nasalin-lahi” ito ang  isinusulong  ng mga taong may pagmamamalasakit sa ating  unti-unti ng naagnas/nasisirang na kalikasan.

Kung kalikasan lamang ang pag-uusapan tiyak hindi tayo mahuhuli na taga Pinas,  kumpara sa ibang bansa, bakit?  Sapagkat marami tayong mga maipag-mamalaking mga magagandang tanawin, marami tayong tinaguriang national park,  andiyan ang underground river ng Puerto Princesa, Palawan, na isa 7 wonders of the world.

Dito sa bayan Upi, mayroon din tayong magagandang tanawin at kapaligiran, andiyan ang Tudok mamot at childrens park,  na kalagay na sa mapa ng  Autonomous Region in Muslim  Mindanao. Ang kinakailangan lamang pagyamanin ang mga lugar na ito.

NORALYN: Ang tanong  ko lamang Kaka    ay... "papaano pagyayamanin o pangangalagaan ang mga magagandang tanawin na ito?"

KAKA ALIH: Magandang tanong yan kapatid na Noralyn,  naalaala ko tuloy ang text (sms)  sa ating programa noon, ganito ang nakasulat: “Kaka Alih, sang-ayon sa sinasabi ninyo sa radio na  Pangalagaan natin ito at pagyamanin.” 

Ang sagot ko noon sa kanya: “Tama ka may friend, dahil ang iba walang pakialam!”   

At maidagdag ko na rin hindi  basta walang  pakiaalam kundi sinisira pa  likaas yaman ng ating   kalikasan!. Gusto mo ng proof? Halimbawa nito  sa ating kagubatan, pumuputol sila ng sangkatutak na kahoy na di naman pinapalitan, at sa ating yamang tubig naman, halimbawa na lamang ng ilog natin sa Matuber, di  ngayon ilog namatatawag kundi creek na  lamang.  .

 NORALYN: Tama ka diyan Kaka Alih, dati rati napakalalim at napakalinaw daw ang tubig ng ilog na ito,  pero ngayon? Wala na , matatawag pa bang may pangangalagaa sa  kalikasan ito Kaka Ali?

KAKA ALIH:  May payo  pala si Maam, dating Maestra, ngayon ay retirado na, ang sabi eh: “Kaka Alih maari naman natin pangalagaan ang ating kalikasan kahit sa simpleng paraan lamang.” 

NORALYN:  Papaano daw Kaka?,

KAKA ALIH: “Itapon ang basura sa tamang basurahan at kung puputol na puno ay agad palitan, sa pagtatanim ng isa  pang  puno.” Dagdag ni  maam.

Don’t worry kaibigan mayroon naman tayong makakatuwang o partner na ahensiya.

NORALYN: Anong ahensiya ng goberno Kaka?

KAKA ALIH: Ito   ang   Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isang ahensya ng pamahalaan na itinalaga upang pangalagaan ang ating kalikasan. Ang   hangad lang sana natin  tumupad naman sa tungkulin ang “forest guard” o mga ahente ng goberno, ng buong puso at walang pag-iimbot, hindi yaong sial mismo ang pasimuno sa pagpapaabili sa mga seedlings.

Alam ba ninyo nA ang kalikasan ang pangunahing pinagkukunan ng ating mga pangangailangan?

Saan tayo kumukuha ng pagpapatayo ng  ating mga tahanan?

Di  ba sa kabundukan, sa mga puno natin kinukuha ang  iba nating pangangailan.

 At  di  lang tao ang nangangailangan ng tubig at mga puno, pati hayop at sa iba pang nilalang ng Diyos, tiyak mamatay sila, kasama tayong tao  dahil kailangan ng ating katawan ang tubig. Hindi   tayo    mabubuhay ng walang tubig.

Nilikha ng Diyos ang tubig para sa tao at kanyang mga nilikha.  Ngunit ang masaklap nito ay walang nakakaalam kung saan nang-gagaling ang tubig.  Ang alam natin  ito’y paikot-ikot lang sa mundong ito.  Ito’y pumapatak na ulan sa lupa, pagkatapos ay muling nagbabalik sa kalawakan sa paghigop ng init ng araw at sa pamamagitan ng mga halaman.

Kaya nararapat lamang na ito'y ating suklian.Hindi ba’t kaysarap manirahan sa isang kapaligirang mayroong kalikasan?  Kong oo ang sagot mo,  ay dapat ay  kilos na!  ako mismo, ikaw mismo! may magagawa......Yes may magagawa tayo kapag tulong tulong, kapag sama-sama.

Sa   bayan ng Upi ay mapalad tayo,  dahil mayroon tayong mapagkunan ng tubig, ang Romagonrong Falls, at sa kasalukuyan ay may proyekto ang bayan natin na pinadadaloy o pinaagas mula Romagonrong hanggang dito sa Barangay Nuro, upang sa gayon may mainom tayong mga tao of course kasama na diyan ang mga hayop.

Kaya katungkulan ng bawat mamayan ang pagpapabuti at pangangalaga ng ating “water system” na itinayo o binuo natin, upang matustusan ang dumaraming mamamayan at ang kanilang pangangailangan sa tubig na inumin.

NORALYN:  Kaka Alih, paki replay, Bakit kailangan pangalagaan ang tubig?

KAKA ALIH: Noralyn, kailangan ang tubig Dahil sadyang  mahalaga ang tubig sa kalinisan ng kapaligiran, sa kalusugan ng mga mamamayan at kaligtasan ng bayan.

Ganoon din sa pagpatay ng sunog.  Paano kung walang dumadaloy na tubig  sa gripo o di sapat na tubig?  Di lang libo kundi milyon-milyong piso ari-arian ang magiging abo.  Bukod pa ang buhay ng tao.

Kaya alagaan natin ang pinanggalingan ng ating tubig. Ang isa sa nagpapanatili sa tubig sa ating kabundukan ay ang mga punong kayong, lalo na yaong malalaking punong kahoy.

Kaya naman ang ating LGU Upi, ay may mga programa sa pangangalaga ng ating kapaligiran an gating  kalikasan.

Tree planting in UAS-PTIA
Isa sa components o bahagi nito ay pagtatanim at pangangalaga ng mga punong kahoy sa ating mga watershed area. Halimbawa ng water shed area sa Upi ang nasa Barangay Nangi, sa Romagonrong Falls na ang area ay sakop ng Barangay Nangi at Ganasi sa Upi, kasama na dito ang ilang bahagi ng South Upi tulad ng Barangay Looy at Lamud.

Ang lahat ng mga mamamayan ay hinihikayat na pangalagaan ang mga punong kahoy na ito, higit lalo ang mga nasasakop ng mga water shed area na ito. Hindi tayo dapat magputol ng mga puno dito, ang nararapat pa nga ay magtanim tayo dito ng puno.

Pangalagaan ang kapaligiran, dahil ito ay pangangalaga din sa susunod na salin lahi.

Sukran,  ito po ang inyong Kapatid na Bangsa Moro, na may pagmamalasakit sa kalikasan .. Kaka Alih po .. sukraan…Wassallamu alaikum wrahamatullahi wabarakatuh

NORALYN:  Maraming Salamat Kaka Alih,   na  pangangalaga sa ating kalikasan, mga kapatid bukas muling abangan si Kaka Ali sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya, at tinitiyak ko sa inyo  na mae-enjoy kayo, at maraming mapupulot na aral..


(PLAY-EXTRO- gabay at talakayang pampamilya)

Note: ang article na ito ay naipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY COM (dated Hulyo 30
, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bagong  blog: DXUP Teleradyo..(.from admin: Alih Anso)

1 komento:

  1. gi56
    gi56 wrote on Jul 18, '10
    Sa aking opinyong po lamang. Hindi lamang ang pagtatanim ng mga punongkahoy ang dapat pagtuunan ng pansin kundi ang dumadaming basura sa paligid. Pati na rin ang mga mag-aaral sa mababang paaralan yaong hindi pa magraduate ay kinakailangang maging aware sa kahalagahan ng mga punongkahoy sa mga tao lalolng lalo na sa kalikasan. At yaon pong basura walang pakundangang pagtapon. sana matuturauan ang lahat kong paano ang wastong pagrecycle ng mga basura mapagkikitaan at itutulong din sa mga kabataang anasa lansangan wala namang mga magulang ang sa tingin ko ay nagpapahalaga sa larawang ito ... Disiplina talaga ang kailangan ng ating mga kababayan. Totoo kahit may nakasulat na Huwag iihi dito , ganoon pa rin... buti na lang kong amoy ay mabango yong po bang perfume. nakasasama din sa mga punong kahoy. Siguro kailangan ang mga public toilets at may nagbabantay dito kasi mahalaga talaga ito.. sa aking obserbasyon at nababasa sa ibang bansa po ang mga pilipino doon ay disiplinadong disiplinado bakit hindi natin ito gagawin dito.... sa ating bansa..?

    TumugonBurahin