(May 3,
2012-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay
–buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host
–Nineta Minted)
NINETA: Magandang umaga Kaka Alih,
KAKA ALIH : Magandang umaga din Nits,
Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang kapayapaan sasaatin nawa..)
Kahapon nakatanggap ako ng SMS na ang ibig
sabihin ay short message service, o tawag karaniwang ng mga Pilipino, pati ang Bangsamoro ay text.
Alam mo ang natanggap ko? “Ma, ito ang bago
kong number, nadisgrasya kami, dito ako ngayon sa hospital, kaya loadan mo
ako ng 300 last text ko na ito”
Hahaha tinatawagan ko di
man sumagot.. akala niya ako maloloko ako..(LAUGHING))
Ang mobile phone o celpon, subalit naghanap
ako ng pamalit na tawag sa Pilipino, maaring tawaging selepono,
Ang gadget na ito, na selepono ang
pinaka-latest na personal na property na mabibilang na kinahuhumalingan ng mga
Pinoy, pati ng mga Bangsamoro.
Halos lahat ng pamilya ay mayroon nito, o at
least isa sa membro ng pamilya ay mayroon nito. Lalo na sa ngayon na ang lumang
modelo na celpon ay nagkakahalga lamang ng isang kalahating sako ng bigas at
pwede ka ng magload ng singhalaga na rin ng kalahating kilong bigas.
Usong-uso ngayon ang selepono, wala ka na
yatang hindi makikitang walang hawak na selepono.
May antique o unang version at ito ng mga
upgraded na mobile phones o celpons..
Para kasing hindi na mabubuhay ang tao kung walang celpon. At Halos yata
buwan-buwan naman ay nagbabago omay
lumalabas na mga model ng mga celpon na
ito, pero kapag nagbabago syempre lalong mahal ang presyo, at nagiging mura naman ang
dating model, kaya ako? hinihintay ko
muna na maluma ang unang model at saka
ako bumibili, kong may pambili. (LAUGHING)
Lahat yata ay
gagawin natin, magkaroon lang
kahit anong klaseng selepono/celpon kahit yung
may sungay (PLAY LAUGHING).
NENITA: Kaka Ano yung selepono na may sungay?
KAKA ALIH: eh di yung favorite ni Lola, ang
original na Nokia 5110 (LAUGHING)
Para naman sa akin ang gusto ko ngayon na sana may magregalo sa akin kahit second
hand lang, yung may camera na 12 megapixel, na
touch screen, pwede sa WIFI, may
GPS signal, etc.
NENITA:Ay naku Kaka ang dami mo nang sinabi
na hindi ko na
naintindihan, may WiFI may GPS.. mayroon na bang selepono ngayon na may tire at pwedeng duon na lang sumakay.. (LAUGHING).
KAKA ALIH: Hahahaha.. kahit ako ang dami
ko ding
alam, sa mga bagong feature o
mapag-gamitan ng mga bagong seleponona ito.
Anyway
ang alam ko sa WIFI pwede kang magfacebook, o pwede kang mag-internet,
ang GPS naman ay global positioning
system, pwede mong malaman saan ka sa
lupalop ng mundong ito, may mapa ito siya na nakakakontak sa mga satellite na nasa
itaas ng langit.
Pero hindi alam ng karamihan na may disadvantages ang pag-gamit ng mga bagong
gadget na ito. Especially sa mga kabataang madalas na gumagamit ng
celfone. Minsan kung ano-ano ang pinaggagagawa nila kapag hawak nila ito.
Merong nagdodownload ng kung ano-ano. Tulad haimbawa na lamang ng mga
pornographic videos at kung ano-ano pang malalaswang bagay. Naaadict na yata
ang mga kabataan dito, anong kabataan lang pati na rin ang mga teenigulang.
Kapag nakapagdownload na ng ..balank—blank...eh ipapasa kung
kani-kanino,.syempre nagkakasundo-sundo sila sa mga pinaggagagawa nilang
kabulastugan.
In ka daw,
kung merong Bluetooth ang inyong selepono o kaya naman may infrared.
Kung meron ka nito ay makakapagpasa ka na o kaya’y ikaw ang papasahan ng mga
nakaimbak sa kanilang selepono.
Mobile phone or cell phone/celpon/selepono ay
isang bagay na pwede mong makakausap ang nasa malayo, ayon sa
http://en.wikipedia.org “……..is a
long-range, portable electronic device used for mobile communication. In
addition to the standard voice function of a telephone, current mobile phones
can support many additional services such as SMS for text messaging, email,
packet switching for access to the Internet, and MMS for sending and receiving
photos and video. Most current mobile phones connect to a cellular network of
base stations (cell sites), which is in turn interconnected to the public
switched telephone network (PSTN) (the exception is satellite phones)”.
Ang mobile phone ay kailangan ang Subscriber
Identity Module (SIM) ito ang number mo
o bilang ID mo na pagkilala sa iyo, at ito ay binibili o kasama sa binibili nating celphone.
Ang SIM ay hindi magagamit kong walang load,
o pondo na pera sa kumpaniyang nag-seserbisyo na may cell sites. Ang cell sites ang nagsisilbing, base station
ng mga celpon, at kadalasan hanggang 5 -8 kilometro o mahigit ang naabot ng
signal ng cell sites, depende sa lugar, kong patag o bulubundukin.
Dito sa bayan ng Upi dalawa ang kumpaniya at
may cell sites na nagseserbisyo sa mga
celpon, ang globe at ang smart.
Ang mga simpack ay may anim na klase dito sa atin, ang cell site niya ang
Globe ay ang Touch mobile at Globe simpack, samantala ang Talk & Text, smart at red mobile, ang cell site niya ang Smart at nitong huli
ay ang sun may signal na dahil nabili
na ng smart company..
Kadalasan ay dalawa ang alam natin na
serbisyo ng cellphone, tawag at Short Message Service (SMS)o mas lalong kilala
sa text. Ngunit sa ngayon ay pati mukha mo ay pwede mo ng ipadala sa
pamamgitanng Multimedia Messaging
Service (MMS) at maari mo pang makita ang kausap mo sa kabilang cellphone.
Pwede
na rin sa instant messaging (IM) “…is a form of real-time communication between
two or more people based on typed text. The text is conveyed via computers
connected over a network such as the Internet.”
Pwede na rin ngayon ang mag-usap kayo sa skype, o magchat sa
inyong facebook…ang dami na di ko pa nalaman, at baka kayo ang nakakaalam
na.
Isa sa magastos na pag-aari ng Pinoy ang cell
phone, dahil ang clpon pag walang pondo
na pera o load ay hindi mo ito magagamit na pangtawag o pang text, bagamat
pwede kang tawagan. Ngunit pag umabot sa takdang panahon na ni hindi mo ito
na-activate sa pamamagitan ng pag-load dito ay isasara ng kumpaniya ang
serbisyo nito at hindi mo na magagamit o matawag man lamang, kaya kailangan mo
ng magpalit ng simpak, at bawat simpak ay magkakaiba ang numero at pag di mo
alam ang numero o mali ang numerong tatawagan mo ay hindi mo matatawagan ang
gusto mong tawagan.
Ang celpon ang matatawag na technology na
maraming naitulong sa atin, pwede kang magtext sa halagang piso o mas mababa
pa, sa ano mang oras na naisin mo, o tumawag, sa halanga 6.50-8.00 bawat
minuto,o sa todo call ay 15 piso sa 15 minuto, kong TM to TM.
Tamang paggamit ng cell phone na sinulat
ni Dr. Willie T. Ong an g ating kaibigan
sa panulat.
Ayon kay Dr, kamakailan ay nagsabi ang World Health Organization (WHO)
na posibleng magdulot ng kanser sa utak ang madalas na paggamit ng cell phone.
Ngunit hindi pa ito 100% kumpirmado. Ganunpaman, walang masama kung tayo ay
mag-iingat sa paggamit ng cell phone.
Ayon sa isang pagsusuri (Interphone Study),
ang matagalang paggamit ng cell phone ay posibleng makapagdulot ng brain tumor
(bukol sa utak). Sa mga taong gumamit ng cell phone ng lampas 10 taon, mas
marami ang nagkakaroon ng brain tumor (kanser sa utak) sa lugar na madalas
pinaggagamitan ng cell phone. Mayroong kasing signal o radiofrequency radiation
ang mga cell phones.
Katulad ng mga medical test na MRI o CT Scan,
mataas ito sa radiation at puwedeng makapagdulot ng kanser. Mas mababa naman
ang radiation ng cell phone. Kaya lang, madalas natin itong ginagamit at
malapit pa masyado sa ating utak.
Para makapag-ingat tayo, heto ang mga payo ni
Dr. David Servan-Schreiber, isang dating director ng Center of Integrative
Medicine sa University of Pittsburgh:
1) Huwag pagamitin ng cell phone ang mga
batang 12 edad pababa. Mas sensitibo ang utak ng mga bata kaysa matanda.
2) Ilagay sa speaker-phone mode ang iyong
cell phone o gumamit na lang ng ear phone. Ito’y para mailayo sa katawan natin
ang cell phone.
3) Huwag lumapit sa isang taong gumagamit ng
cell phone.
4) Huwag matulog na kasama ang cell phone. Huwag
ilagay sa ilalim ng unan. Huwag din itong palaging dalhin sa bulsa. Kahit
naka-standby mode, may radiation pa rin iyan.5) Kung kailangan mong dalhin ang
cell phone, iharap ang keypad sa iyong katawan. Mas mataas kasi ang radiation
sa likod ng phone dahil sa antenna device.
6) Limitahan sa 3-5 minuto lang ang
pag-uusap sa cell phone. Gumamit na lang ng landline. Ang cordless o wireless
phone ay may radiation din.
7) Mag-text na lang, para mas malayo ang cell
phone sa utak natin.
8) Ilipat-lipat ang paggamit sa cell phone.
Minsan sa kanang tainga, minsan sa kaliwa.
9) Huwag mag-cell phone kung mahina ang
signal, tulad ng kung kayo ay nasa sasak-yan. Ito’y dahil kusang pinapa-lakas
ng cell phone ang radiation niya para hindi mawala ang signal.
10) Pumili ng cell phone model na mababa ang
SAR (specific absorption rate). I-check ito sa internet. Ito ang sukat ng
magnetic field ng cell phone na ma-a-absorb ng ating katawan.
Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi
Wabarakatu.
NINETA: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon
na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran.
(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Note: Ang artikulong ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM
(dated May 3, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti ng Admin. na ipost muli sa bago nating blog: http://dxupteleradyo.blogspot.com/..(from
admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento