(Hulyo 30,
2012-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay”
(8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn
Bilual)
Host/Noralyn: Sa Puso, Sa Isip, Sa Salita at
Sa Gawa, ito ang bagong kasabihan ni Kaka Alih, ang ating segment writer at
presenter sa segment na gabay at talakayang pampamilya.
(PLAY
INTRO)
Host/Noralyn:
“Good morning Kaka Alih.”
Kaka Alih:
Good morning Noralyn, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at
Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nanampalataya
sa Islam.
Kaibigan, Madalas mong maririnig at mababasa
(lalo na sa mg facebook at blog) ang tungkol sa maraming kanais-nais na
katangian bilang mamamayang Pilipino. Ito ay ba ay sapat na? NO! Hindi sapat
ito dapat na malaman at maisagawa ang
ang mga katangiang ito. At mahalagang isagawa mo kaibigan ang mga
katangiang ito ay dapat , sa puso, sa isip, salita at gawa.
Narito ang
ilang halimbawa sa mga katangian
na dapat mong laging isagawa kaibigan:
Ang pagmamahal at paggalang sa ating mga
nakatatanda. Bakit pagmamahal at paggalang sa ating mga nakatatanda? Ang sagot!
Dahil maaaring maging gabay natin sa ating pangaraw-araw na buhay ang
kanilang dunong at karanasan. Igalang ang mga nakatatanda sa lahat ng oras.
Alagaang mabuti ang iyong mga magulang at lolo’t lola habang tumatanda sila at
sikaping lagi silang kapiling, dahil ang mga matatanda ay katulad sa mga bata
na kailangan ang umaalalay sa kanila.
Naalala ko
tuloy ang mensahe ni Lola sa apo.
NORALYN: pakireplay nga Kaka Alih kahit ilang linya lang, nagustuhan ko yun, ng
minsang isama ng ating panauhin pangdangal na si Hadji Munir Jannaral.
KAKA ALIH: Ok, heto ang ilang linya sa aking
sinulat namemsahe ni Lola: “Aking apo,
sa aking pagtanda unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Sa aking pagtanda,
tiyak na may kalabuan na ang aking mga mata at maaring akoy nakabasag
ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana ako
kagagalitan.
Alam mo
apo ko, sadyang maramdamin ang isang matanda. Nagsa-self-pity sa tuwing sisigawan mo .
Apo ko, kapag mahina na ang tenga ko at hindi
ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana ako sabihan ng
“binge!”paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang o dili kaya ay
pakisenyas na lamang apo.
Aking apo, pasensya ka na dahil
matanda na talaga ako. At kapag matanda na mahina na ang
tuhod, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay
ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Aking apo,
pagpasensyahan mo sana kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit
na parang sirang plaka. Ang pakiusap ko apo ko, pakinggan mo na lang ako, huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang
pakinggan.
Pangalawang halimbawa sa mga katangian na dapat mong laging
isagawa kaibigan ay: Katapatan sa ating bayan, Yes isa itong katangian na na
dapat nating pagyamanin at paunlarin. Papaano? Maaari mong ipakita ito
sa pamamagitan ng pagsasalita ng ating
tinubuang wika, ang wika ng mga Pilipino,
pagpapahalaga sa ating mga bayani, lahat ng mga bayani kasama na diyan ang mga
Bangsamoro, na nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol sa bansa mula sa mananakop na
Espaniol, Americkano at Hapon.
Sa
pamamagitan ng pagtulong mo sa iyong bayan para maging masagana at maunlad ito.
Alam mo may mga katangian ang mga Pilipino na
magandang mapanatili.
NORALYN: Ano
ang mga kanais-nais na katangiang Pilipino, Kaka Alih na magandang
mapanaitili?
KAKA ALIH:
Mga katangian? Una na magadang
mapanatili ay ang Pananalig sa Diyos. Napakalakas ng paniniwala ni Ting o
ni Juan
sa Diyos. Hindi siya nagrereklamo tulad ng inaasahan dahil alam niyang
bahala na ang Diyos sa lahat. Nag-iingat siya ng mga simbolong panrelihiyon
at mga santo sa kanyang bahay at
sumasamba siya sa mga ito. At ang mga Muslim naman o mgaa Nanampalataya sa
Islam ay sinusunod ang limang haligi ng Islam at pinaniniwalan ang anim na Rukon ng Islam.
Ang iba pang magandang kaugalian, na magandang panatilihin ay ang pag-galang sa mga nakatatanda. Si Ting o si Juan ay
nagmamano sa kanyang mga magulang, ninong at ninang at nakatatandang
kamag-anak. Nakikinig siya at
nagpapahalaga sa payo nila at tumutulong sa abot ng kanyang makakaya. Inaalagaan ang kanyang mga magulang kapag matanda na sila.
Ang ibang magandang kaugalian na magandang
panatilihin ay pag-eestima sa bisita, Tayong
mga Pilipino ay magaaling
mag-estima ng mga bisita, kaibigan at kahit estranghero. Napakainit ang
pagtanggap niya at bukas-palad siya sa mga bisita sa bahay, opisina o saan man
siya.
Ang ibang magandang kaugalian na magaandang
panatilihin ay paggalang sa mga
nakatatanda. . Ginagalang ni ting o
Juan ang kanyang ina pati na ang kanyang
mga kapatid, kaibigan at kasamahang babae. Nagbubukas siya ng pinto, nag-aalok
ng kanyang upuan at nagbibitbit ng bag para sa mga babae at umaalalay sa kanila
kapag sumasakay o bumababa sa sasakyan.
Ang ibang magandang kaugalian na magandang
panatilihin ay mapamaraan o
maabilidad/malikhain tayong mga Pilipino kasama na diyan ang Bangsamoro.
Marunong mag-recycle si Ting o si Adi.
Napakahusay umimbento ni Adi ng mga bagong bagay na pwedeng gamitin at
pagkapirahan. Lumilikha siya ng mga dekorasyong gawa sa lumang dyaryo at lata
ng soft drink. Nagtatabi siya ng mga lumang papel at basyong lata para magamit
sa susunod.
Ang ibang magandang kaugalian na magandang
panatilihin ay, matiyaga o positibong
pananaw sa buhay, at ito ang dapat na makamtan at maapanitili.
Tayong mga Pilipino ay lagi siyang umaasa at
tumatanaw sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Hindi siya nawawalan ng pag-asa
kapag may nakakaharap na mga problema. Sa katunayan, gaano man kamiserable ang
buhay niya, sumusulong pa rin siya, dahil alam niyang sa bandang huli’y muling
sisikat ang araw. Tulad naniniwalaa s kasabihan naa: “Don’t lost your hope
beyond the dark clouds, the sun is still shining” ang ibig sabihin ay huwag
mawalan pag-asa sa makulimlim na ulap,
dahil sa likod ng maitim na ulap na yan
ay andoon ang sikat ng araw.. (LAUGHING)..
Yes totoo may friend tulad ko, noon mga ilang
taon lumipas, nagtitiis at nananatili
akong mahinahon kahit nahihirapan
akong sumakay noon ng pampasaherong sasakyan, dahil kulang ang
sasakayan at baku-bakong daan papuntang Bandar a Kutawato.o Cotabato City.
Tree sa UAS-PTIA |
O diba ngayon ang sasakyan ang may problema, dahil ang
daming di pasahero at namimili lang si
Kaka Alih kong saan sasakay. .. (LAUGHING).. at walang serbisyo ng telepono, matandaan ko noon
pupunta ka pa sa Kibleg para magtext.. (LAUGHING)..pero ano ngayon? May mobile
phone service provider na, dalawa pa, di lang celpon, di internet pa, PM PM
na lang sa facebook o kaya naman ay patwit-twit na lang sa twitter.
Marami pang magagandang kaugalian nating mga Pilipino o Bangsamoro, subalit ang
lahat ng ito ay hindi lamang nating
sasabihin, kundi dapat magmula sa ating puso. Pag-iisipan natin ng maigi, bago sabihin at
kong ok na sa palayagay natin, na ito ay makakabuti sa atin at sa kapuwa mo ay gawin ng buong katapatan at walang pag-iimbot.
Maniwala ka
may friend, bukas, makalawa ay
maari ng ibibigay sa iyo ng Poong
Lumikha ang bunga ng inyong pagsisikap, pagpupunyagi.
Ang kailangan
para tayo ay umunlad isa-puso, pag-isipan, bago sabihin at higit sa
lahat isagawa. Ito po ang inyong segment
writer Kaka Alih. Sukran . Waassallam.
NORALYN: Maraming salamat Kaka Alih sa
magandang ibinahagi mo sa amin ngayong
umaga, ako man ay may napulo na aral, di lang pala sa isip salita at sa gawa
kundi sa puso pa.
(PLAY- EXTRO)
Note: ang article na ito ay naipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY COM (dated Hulyo 30
, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bagong blog: DXUP Teleradyo..(.from admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento