Gusto mo pa Bang Humaba ang inyong Buhay?
Tug of war a good exercise a Filipino sports |
(July 12, 2012 Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa
programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00
A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/ Noralyn: “Gusto mo pa bang
humaba ang inyong buhay kaibigan? If yes
ang sagot mo, samahan ninyo kami with
Kaka Alih sa ating segment ngayon na
Gabay at Talakayang Pampamilya, dahil ang tatalakayin niya ay itong
Gabay sa pagpapahaba ng buhay ng tao…
(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang
Pampamilya)
Host/ Noralyn: Magandang umaga
Kaka Alih,
Kaka Alih: Magandang umaga naman
Nor, Assallamu alaikum WW…
Ang tanong mo kanina ay sino Gusto
pang humaba ang kanilang
buhay? Ang tanong ko mayroon ba?
Host/ Noralyn: syempre naman Kaka
Alih, lahat tayo gusto natin humaba ang buhay…maliban sigoro sa
may mabigat na problema, ay gustong tapusin na ang buhay,
pero mali pa rin yun.. pero ang tanong ko Kaka may paraan ba
para humaba ang buhay ng tao?
Kaka Alih: Of course maraming
paraan, ang una ninyong gawin ngayon ay volume ang radio at of course pay
attention sa pakikinig kay Kaka Alih.
(LAUGHING)
Sino ba naman ang ayaw na humaba ang buhay, halos lahat ng may matinong
pag-iisip ay gustong humaba ang buhay,
BAKIT ikaw kaibigan, ayaw mo ba? gusto mo rin bang humaba ang inyong buhay? Of course alam ko gusto
mo rin kaibigan.maliban na lang
daw yaong may problema, ang mga ganitong tao kong minsan sinasabi nila na gusto
na na nilang matapos ang lahat….ng problema…(LAUGHING)
At dahil alam ko ang lahat ng
nakikinig ay gustong humaba ang buhay aymuli nating tinunghayan ang mga aklat na pinadala ni Dok Willie Ong.
Heto na kaibigan makinig, mula
sa aklat ni Dok Willie hindi Willie Revillame, na “Sakit sa puso, diabetes at tamang
pagkain' na og course ang may akda ay
si Dr. Willie T. Ong at na-published
din ito sa (Pilipino Star Ngayon:
1) Kumain ng almusal
araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang
almusal.
2) Kumain ng pagkaing may
tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito
sa maraming klaseng kanser.
3) Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas,
tulad ng mansanas, saging at pakwan. Fresh o
hindi luto, pwedeng alternatibo..
4) Huwag sosobrahan ang kahit
anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin. Sa Islam
divide ng tatlo ang lalaagyan ng pagkain
o tiyan, isang bahagi ay pagkain, ang pangalwa ay tubig at pangatlo ay bakante,
ang niyat o intention ay para sa mga taong walang makain, ilalaan ang mga
pagikain na yaon..
5) Mag-asawa o magkaroon ng
kasama sa buhay – Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga
nag-iisa.
6) Tumawa ng 15 minutos bawat
araw. Laughter is the best medicine. A..na
na na.. makinig kaya Kaka Alih sa Udto na Di…(LAUGHING)
7) Magkaroon ng mabait na
kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress sa buhay.
8) Makipag-sex (sa iyong asawa
o permanenteng partner) ng mas madalas. Kontrobersyal itong payo pero
napatunayang may katotohanan. Ang pakikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at
nakababawas din sa stress.”Ang problema Kaka Wala akong asawa”, ang sagot ko
ay mag-asawa ka na. (LAUGHING)
9) Umiwas sa bisyo at peligro.
Kaya ihinto mo na kaibigan ang
paninigarilyo, bukod sa kalusugan mo haraam ang sigarilyo sa Islam.
10) Matulog ng 7-8 oras bawat
araw. Ibig sabihin nito matulog ng 9 ng gabi, magising ng alas kuwatro ng
umaga.
11) Mag-ehersisyo.
12) Inumin lang ang tamang gamot.
Itanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot o supplement. Mas
mainam na magtanong sa 2 doktor para makasiguro na tama ang iyong iniinom.
13) Umiwas sa araw, usok, alikabok
at iba pang polusyon sa lansangan. Kaya naman ang mga sasakyan ay pinapayuhan
na ipa check ang kanilang mga makina regularly. At kaya naman
pinapayo ngmga Doctor na umiwas sa
paputok dahil sa usok nito.
14) Mamuhay lamang ayon sa iyong
kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.Syempre pag lagging stress madali
kayong tatanda niyan.
15) Huwag mag-retiro. Sa trabaho,
sa pinagtrabahunan pwwede kayong magretiro lalo na yaong may milyones na makuha. Laging ituloy lang ang iyong trabaho.
Ito ang inyong kapatid na
Bangsamoro, ang inyong kapatid na
gusto ding humaba ang buhay, ito po ang inyong Kaka Ali ang
inyong segment writer sa Gabay at Talakayang Pampamilya.. Wassallamu Alaikum Warahmatullahi
Wabarakatuh.
Noralyn: Maraming salamat Kaka, sa napakagandang kaalaman na
yan, na iyong ibinahagi, kaya mga
giliw naming tagapakinig, sa DXUP Teleradyo, muling abangan
ang segment na Gabay at Talakayang
Pampamilya, dahil tiyak marami pa kayong mapupulot na aral at impormasyon, lalo
na sa ating nakaka na kapatid si Kaka Alih..
(PLAY-EXTRO- GABAY AT TALAKAYANG
PAMPAMILYA)
Note: ang article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM
(dated Hulyo 12, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming
ipost muli sa bago nating blog: DXUP
Teleradyo..(from admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento