Biyernes, Hunyo 28, 2013

Pagtatanim at Pangangalaga ng Gulay

Pagtatanim at Pangangalaga ng Gulay

(June 28, 2013-Biyernes-Ang script na itoay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang regular host ay si Ms. Nancy Lawan)

pagtatanim sa paso
NANCY:Since noong June 26 ay medyo  medyo may konting bago sa ating segment na Agri update,   dahil bago ang segment reporter  natin,   si Kaka Ali ang ating  Patrol 1,  pansamantala po siyang humahalili sa regular na assigned patrol reporter na  si Noralyn, dahil nasa field at ginagampanan ang assignment naman ni Lucy, dahil di pa kaya ni kasamang Lucy ang kanyang kalusugan, di pa kayang  maglakad, buweno  heto na angating segment na…

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

NANCY:Magandang umaga Good morning Kaka, ano ang inyong ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Biyernes?

ALIH: Good morning Nancy, sa mga kapatid na magasaka, magandang umaga, sa mga apatid na nanampalataya sa Islam at mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh. Malapit na ang fasting o puwasa, papasok ang Ramadan sa July 8 or 9.

NANCY: Ay tama pala Kaka Alih, malapit na ang Ramadan at muli naman kayong magpuwasa, advance happy Ramadan.

ALIH:Ang tanong mo kanina ayano ang aking  ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Biyernes? Ok  simple lang naman, hindi muna natin babaguhin ng bigla ang nakaugalian natin, kundi dadagdagan lang natin ang kanilang kaalaman. Ang ibabahagi ko ngayon sa ating madlang nakikinig ay ang Pagtatanim at Pangangalaga ng Gulay.

Oh diba, sanay na kayong magtanim ng gulay? Pero alam na ba ninyong na-research ko? Ikaw Nancy, alam mo na ba?

NANCY:Di pa Kaka Alih.

ALIH: Kitam, oh di makinig, para magets mo..(LAUGHING).

Ano mang gulay,  na maging dahon, bunga o laman ay ginugulay natin at ito ay proven na maganda sa ating kalusugan.

Kaya naman napili koi tong mahalgang usapin.  Ang pag-uusapan natin ay ang pagtatanim at pangangalaga ng gulay.

Sa pangkalahatan, mataba ang lupa dito sa atin sa Upi, kaya asahan mo halos  lahat ng mga itinatanim natin ay nabubuhay, lumalago at naaani ang mga bunga, dahon at ugat.  Subalit Kapatid, hindi ito nangangahulugan na hahayaan na lang tumubo at lumaki   ang mga halaman, dahil tumutubo din naman.

Dapat ay may plano ka  rin naman   at may sistema ang pagtatanim, pangangalaga at pagmi-mintina ng mga halamang-gulay, na ating mga tinanim.

Kong magtatanim ka ng gulay, ano mang klase ito, first of all, kailangang piliin mo din ang mga buto, o binhi, o punla ng mga halamang gagamitin sa pagtatanim.

Ang payo po ng inyong Kaka Alih, of natutunan natin sa mga bihasa o expert sa pagatanim ng mga gulay, dapat ang mga ito  ay galing sa pinakamagandang ani o best crop of the season na pinatuyo at itinabi. 

Kong wala dahil di pa kayo marunong, simple lang sulosyon diyan, kapag walang naitabing binhi, kailangang bumili sa mga tindahan, at sigoprado pa itong hybrid o good quality. Ngayon, kuripot este matipid ka, dahil ugaling Ilocano (LAUGHING) maari ring manghingi lamang ng punla sa kamag-anak o kumpare, komng sakaling may sobra naman silang binhi.

 Pero bago ka manghingi este bumili kailangang may takdang lupang pagtataniman.  

Ok next page na tayo (LAUGHING) DITO NA tayo sa  plotting. Ano ang plotting?

Ang plotting ay ang paghahanda ng lupang pagtatamnan.Ibig sabihin, itatakda, susukatin at lilinisin ang lupang napili.

Maglalagay tayo ng mga pananda, o mga marka, kong saan tataniman natin, atsaka bubungkalin at paluluwagin ang lupa.

Aalisannatin  ng mga basura, na maaring makasagabal, tulad ng mga bubog o mga nabasag na botelya,   damo at ugat . Kong minsan  , ang plot ay siya na rin mismong seedbed.    Depende ito sa halaman na itatanim natin.

May mga halamang hiwalay ang lupang pinagpapatubuan o nursery ng binhi, doon sa mismong pagtataniman at pagpapalaguan ng halaman. Palalakihin muna ang seedlings o saplings , saka ililipat o ita-transfer sa kanilang designated plots.

Next page, Dito naman tayo sa lupang   mismong pagtatanimam.

Kailangan, masa-masa o moist ang lupa pag nagtatanim. Hindi pwede kung masyadong itong tuyo at ganoon din naman kung sobrang basa. Kailangan ay kainaman lamang ang buhaghag o looseness at ang humidity ng lupa para makahinga at makakapit ang punla.

Just in case, ang lupa’y tuyung-tuyo, kailangan munang diligan   ng tubig  bago magtanim. Pag basang-basa naman, kailangan munang pababain ang tubig, dahil kung hindi, alinman sa malulunod o maaanod ang binhi.

Bawat punla o binhi ay may kanya-kanyang lalim ng hukay pag itinatanim.
Mayroong pananim na isa’t kalahating pulgada lang ang kailangan.
Mayroon namang binhing anim na pulgada ang dapat na lalim.

May kanya-kanya silang pangangailangan para mapatubo at mapasuloy.
Pag masyadong mababaw ang pagkatanim, baka ang mga punla ay tukain lang ng mga dumaraang ibon at manok.
Pag masyado namang malalim, baka isang buwan na ay di pa nasisilayan ang mga suloy nila.

Kailangang may sapat na pagitan ang mga tanim.

Kailangan ding may sapat na pagitan o distansya sa isa’t isa ang mga halaman pag nagtatanim. Kung hindi, maggigitgitan o magka-crowd sila at mag-aagawan sa tubig at sa sustansya o nutrients ng lupa.  Pag nagkaganoon, mababansot ang marami sa mga tubo at hindi sila lalaki at bubunga ng maayos. Kaya importante ang spacing at distancing sa pagtatanim. 

Oy reminder, Pag naitanim na nga pala ang binhi, dinidiligan ng bahagya ang  paligid ng lupang pinagtamnan.

May mga halamang minsan lang kung itanim pero maraming taon bubunga at mapapakinabangan. Perennials ang tawag sa kanila. Ang mga halimbawa nito ay ang niyog, papaya, kalamansi at paminta.

Mayroon namang kailangang itanim kada taon pag season ng taniman o planting.Seasonals naman ang tawag dito.Ang karaniwang mga halimbawa nito ay ang ilang varieties ng luya, luyang-dilaw, kamote at kamoteng-kahoy. Ganoon din ang okra at talong.

May mga gulay na kapwa perennial at seasonal gaya ng kamatis at sili. May variety silang pwedeng minsan lang itanim, at, meron din namang itinatanim tuwing panahon ng taniman.

 May mga tanim na gulay na maraming taon kung bumunga.

Dapat ring tandaan ang regular na pagdidilig ng mga halaman. Ang dalas ng pagdidilig at ang dami ng tubig na pandilig ay depende sa tanim. Kaya ditto nararapat na isaalan g alang o isama sa plano kong saaan kayo kukuha ng tubig na pandilig. 

May mga halamang-gulay na kailangang diligan araw-araw. Mayroon din namang makalawahan lang. Mayroong halamang dalawang beses lang sa isang linggo kung diligin at nabubuhay na ng ayos. Mayroon ding isang beses isang linggo lang ang kailangan. Karamihan sa mga ito ay iyong mga tubers o di kaya naman ay bulbous plants. Pag tag-ulan, hindi na gaanong alalahanin pa ang pagdidilig. Ang ulan na ang bahala sa mga pananim. Ang kailangan lang pag ganitong panahon, tiyaking hindi malulunod ang mga halaman sa tubig.

Isa sa iportante na huwag kalimutan, pag tumubo na ang mga tanim, ay ang paggagamas o weeding out ng mga damo sa paligid ng halaman.

Mahalaga ang gawaing ito sapagkat kung hindi hahawanin o gagamasin ang mga damo, matatalo nila ang mga tanim ninyong gulay.

Always remember, na  mas malakas ang survival instinct, o likas na damo na maadaling mabuhay kaysa tanim na pinakikinabangan,    kaysa sa mga halamang tanim lamang.

Pero dito sa bayan ng Upi, ang mga taga Upi ay alam na ito, na damo ang isa sa kalaban ng tanim.

May dagdag akong kaalaman, Ayon sa researched ni kaka Alih, kung ang iyong halamanan ng gulay ay 50 kwadrado metro (5 x 10 metro) lamang, maari na ang isang oras lang sa isang araw na paggagamas. At of course pag malapad ang area ng taniman, dagdag  oras din ang   kailangang ilaan sa paggagamas.

Ang paglalagay ng insecticides, pesticides at pataba sa mga pananim ay di rin dapat kalimutan. Lahat ng halaman, dinadayo at dinudumog ng mga insekto at peste.Ang mga insekto, ang karaniwang inaatake ay ang dahon, tangkay at mismong bunga ng mga halaman.Ang mga peste naman, karaniwang nginangatngat ang mismong binhi o di kaya naman ay ang ugat at base ng puno.

Ang pangkaraniwang alituntunin, pag insekto ang sinusugpo, insecticide ang gagamitin.Ngunit hanggat maari huwafg gumamit ng pesticide, unless malala na ito. Kapag peste na  e h di , pesticide, siyempre. Karamihan sa mga peste ay fungi, galing mismo sa punla o sa lupang pinagtataniman.

Kailangang sugpuin ang mga insekto sa pananim.

Ang bawat halaman, may kanya-kanyang ina-attract na insekto at may kanya-kanya ring peste. Kung kaya, kanya-kanya rin o specific ang pagsugpo sa mga ito. Hindi maaring iisang gamot o spray lang ang gamitin para sa lahat ng tanim. Sa mga lugar na matatagal nang nagtatanim gaya roon sa baryo namin, kabisado na ng farmers ang mga insektisidyo at pestisidyong angkop sa bawat halaman. Kung hindi naman, maari mo itong malaman sa packet of seedlings na nabibili – nakalagay roon sa balutan ng binhi kung paano pamamahalaan ang mga kaaway ng pananim.

Ang paglalagay naman ng pataba sa lupa, sintanda na rin siguro ng agrikultura. Alam ng mga magsasaka iyon. Kailangang pana-panahon, ibalik sa lupa ang nutrients na kinukuha ng mga halaman para iyon ay patuloy pang mapakinabangan. Dalawang klaseng pataba ang mayroon: iyong organic o compost material at iyong nabibiling abono o commercial fertilizer.  Doon sa nabibili, may nakasulat ring instruction kung kailan, ilang beses at paano lang dapat lagyan ng pataba ang lupang pinagtamnan.

Mas mabuti kung organic  ang gagamitin sapagkat ang mga iyon ay patabang galing din sa kalikasan at mas kakaunti ang harmful chemicals na nakasama. Ang mga halimbawa nila ay mga tirang gulay at dahong pinatuyo at inihalo sa lupa, dumi o ipot ng hayop na pinatuyo at gayundin, ang lupang tinahanan ng mga bulate o compost soil.   Ngunit, ang mga magsasakang gagamit ng patabang organic ay dapat ding may sapat na kaalaman o know-how kung paano iyon ihanda at gamitin ng tama. Halimbawa, ang ipot ng manok, kung hindi napatuyo at na-proseso ng tama ay maaring makasira sa lupa at halaman dahil sa init na nanggagaling dito.

Gayundin, dapat tandaang mas effective ang organic farming kapag ang magkakatabing taniman o sakahan ay pare-parehong gumagamit ng ganitong paraan. Dahil kung hindi, talo ang organic farming practitioner na gumagawa nito ng siya lamang o in isolation. Lilipat sa kanyang taniman  ang mga insektong nasugpo nga niya  sa sariling bukirin  ngunit aktibo naman sa kalapit na farm.

Marami-rami ang kailangang gawin at pagdaanan para itanim, alagaan at palakihin ng tama ang mga halamang-gulay. Hindi pwedeng laru-laro lang ang gawaing ito o gagawin lang kung kailan maisipan o maibigan ng isang tao. Pag naumpisahan na, kailangang tuluy-tuloy ang pagtatanim at hindi dapat pabayaan ang mga halaman. Ang kapalit ng pagtitiyaga at pagsisikap na bungkalin ang lupa at palaguin ang mga tanim ay ang katiyakang sa bandang dulo, ang nagtanim ay mayroong malulusog na bunga at ugat na aanihin.

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

NANCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagksasaka..

(PLAY EXTRO)

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento