Biyernes, Hunyo 28, 2013

Kalamonding (Kalamansi)

(June 27, 2013-Huwebes-Ang script na itoay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang regular host ay si Ms. Nancy Lawan)\

NANCY:Kahapon ay medyo nagulat kayo dahil bago ang segment reporter ng Agricultural Update, na  si Kaka Ali ang ating  Patrol 1,  pansamantala po siyang hahali sa regular na assigned patrol reporter na  si Noralyn, dahil nasa field at ginagampanan ang assignment naman ni Lucy, dahil di pa kaya ng kanyang kalusugan ang maglakad, heto na an gating segment na…

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

NANCY:Magandang umaga Good morning Kaka, ano ang bago ngayon?

ALIH: Good morning Nancy, sa mga kapatid na magasaka, magandang umaga, sa mga apatid na nanampalataya sa Islam at mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh. Malapit na ang fasting o puwasa, papasok ang Ramadan sa July 8 or 9.
bunga at dahon  ng

Kalamansi
NANCY: Ay tama pala Kaka Alih, malapit na ang Ramadan at muli naman kayong magpuwasa, advance happy Ramadan.
ALIH:Sukran Nancy. Kalamansi o kalamonding ang ating tatalakayion ngayong umaga, bakit?

Bakit ka ng bakit diyan bakit hindi gumagamit ng kalamasi? Ikaw Nancy, gumagamit k aba ng kalamansi?

NANCY: Of course lalo na kong may sawsawan, hindi masarap kong mawawala ang kalamansi, (please name in Teduray).

ALIH: Pangstanggal din daw ng indelible ink para makaboto ulit. (LAUGHING).. FORGET MUNA ANG  ELECTION SA October 28 ang Barangay election.

Alam ninyo Kaibigan, Hindi gaanong mahirap alagaan ang kalamansi. Dapat lamang ma-maintain sa dilig at abono. Hindi naman kailangang malaki ang lupa na pagtatamnan ng kalamansi. Maging sa paso ay maaari itong tumubo.

Iminungkahi natin na magtanim ng kalamansi maski na sa mga bakanteng lupa. Bakit? Ang kalamansi ay mabuti sa katawan sapagkat mayaman sa calcium at iba pang mineral.

Kaibigan kongting kaalaman lamang o background sa kalamansi.

Ang kalamansi ay sinasabing nanggaling sa bansang Tsina bilang isang lakas
na hibrido (hybrid)  mula sa isang maasim, angat ang-balat na mandarin. Sa kalaunan, ito ay  kumalat na at nagging malawakang tanim sa Silangan, lalo na sa Indonesia at Pilipinas.

Sa ating bansang  Pilipinas, ito ay tinatawag na  kalamondin o kalamonding,
limonsito, sintonis, aldonisis at dayap. Ito ay pinahahalagahan dahil sa maasim
nitong katas. Ito ay komersyal na pinoproseso bilang de-boteng konsentrasyon at katas.

Sa mas production o maramihan, ang kalamansi ay ginagawa itong marmelada o prineserbang buo sa arnibal.
·        Ginagamit ito sapaggawa ng chutney at bilang dagdag na pampasarap sa mga lutuing pagkaing dagat at karne.
·        Ang katas ay nagagamit na pag-alis ng mantsa, pang-alis ng amoy at  dumi ng katawan ng tao, pampaputi ng balat at siyampu.

·        Ginagamit din itong panggamot sa pangangati ng balat,. Gamut sa ubo, pang-alis ng pamamaga, pampurga at kapag inihalo na sa paminta, aypampalabas ng plema.

·        Ang katas ay ginagawang inuming kapareho ng ginagawa sa iba pang maasim at matamis na prutas.

·        Ang mga ugat ay isang sinaunang gamut sa bagong panganak, at ang dinalisay na langis mula sa dahon ay gamut sa kabag.

·        Kinukuha ng mga bubuyog ang nectar at ginagawang pulot.

·        Ang kalamansi ay maari ding punlang-dugtungan para sa limon at ng talahubang kumquat. Ito ay kilalang halaman palamuti ( ang puno nito’y maaring itanim sa paso) sa maraming bansa sa Europa.

Ang kalamansi ay sadyang  may Sustansyang taglay.

Yes huwag mong mata-matain ang kalamansi  dahil angn   kalamansi ay nagtataglay ng tubig, protina, taba, karbohaydreyt  at abo.

Ang taglay na bitamina C ng buong bunga nito ay 88.4 hanggang  111.3 mg. kada 100g samantalang ang katas ay mayroong 130 hanggang 174  mg hanggang 174 mg kada 100 g. Ang mga dahon ay nagtataglay ng mga 1  porsiyento ng langis na madaling sumingaw.

Ang kalamansi ay nabubuhay sa maiinit na klima at maari din sa malamig na lugar, subali’t hindi sa mga lugar na may pantay-pantay na pagkakabahagi ng  patak ng ulan na umaabot ng 1,500 hanggang 2000 m sa bawat taon ay angkop na angkop sa pagtatanim ng kalamansi. Ang mga lugar na may mahabang tag-araw ay  angkop din, subalit kailangan may patubig. 

Ang kalamansi ay kalimitang itinatanim sa mga kababaan. Tumutubo ito sa maaraming uri ng lupa, mula sa luwad hanggang  sa batong apo, hanggang sa buhangin. Subali’t pinakamaganda ang  tubo nito sa  mabuhanging lupa na hindi tinitigilan ng tubig, Katamtaman ang tibay nito sa tagtuyot,  subalit hindi sa malakas na hangin.

Para sa personal na gamit, o tinatawag na pamapamilya bumili na lang poi kayo ng isang planting material ito nagkakahalaga lamang ng 10-35 pesos ang iang puno, kong minsan may bunga na…ano kaibigan hindi k aba nakumbinsi na magtanim ng kalamansi? E kong ganoon ay bukas muli kaming samahan sa ganitong  ring oras  ni Nancy sa ating talakayan..

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

NANCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagksasaka..


(PLAY EXTRO)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento