Linggo, Hunyo 30, 2013

Pagtatanim at Pangangalaga ng Gulay


(June 29, 2013-Sabado-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang regular host ay si Ms. Nancy Lawan)

NANCY: Since noong June 26 ay medyo  medyo may konting pagbabago sa ating segment na Agri update,   dahil bago ang segment reporter,        si Kaka Ali,  ang ating  Patrol 1,  papaano kasi pansamantala   siyang humahalili sa regular na assigned patrol reporter na    si Patrol 9 Noralyn, dahil nasa field at ginagampanan ang assignment naman ni Lucy, dahil di pa kaya ni kasamang Lucy ang kanyang kalusugan, di pa kayang    maglakad, buweno  heto na ang ating segment na…

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

NANCY: Magandang umaga Good morning Kaka, ano ang inyong ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Sabado,  market day, araw ng palengke?

ALIH: Good morning din Nancy, at sa mga kapatid na magasaka, magandang umaga, lalo na yaong mga magsasaka diyan sa Bgy Mirab, sa mga patid na nanampalataya sa Islam at mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh. Malapit na ang fasting o puwasa, papasok ang Ramadan sa July 8 or 9.
NANCY:  Ay tama pala Kaka Alih, malapit na ang Ramadan at muli naman kayong magpuwasa, advance happy Ramadan.
ALIH: Ang tanong mo kanina ayano ang aking  ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Sabado?  Ok  simple lang naman, hindi muna natin babaguhin ng bigla ang nakaugalian natin, kundi dadagdagan lang natin ang kanilang kaalaman. Ang ibabahagi ko ngayon sa ating madlang nakikinig ay ang Pagtatanim at Pangangalaga ng Gulay.

May kasabihan akong naririnig na ganito: “Hindi nagugutom ang masipag.”

NANCY: Tama!

ALIH: Ang ibig sabihin nito Nancy  ay:    “…ang masisipag na tao na bagama’t maliit lamang ang kita o income ay nagawa pa ring umunlad dahil sa angking sipag at tiyaga.”

May  kasabihan din mga ang Iranun: “Sadtak-sadtak embaluy a kaludan” (patak-patak ay magiging karagatan)… (LAUGHING)

Kapatid hindi imposibleng maging maunlad ang inyong kalagayan kong ikaw maniniwala at gagawin ang pinaninwalaan mo.

Kumain ng maraming gulay, prutas at lamang-ugat.

Ayon sa mga pagsusuri, kakaunting prutas at gulay ang’kinakain ng mga Pilipino. Ito’y sa kabila ng pagiging mayaman nito sa bitamina at mineral, gayundin sa fiber na makatutulong sa maayos na pagdumi.

Ugaliin ang pagkain ng madadahong gulay, prutas at lamang-ugat para makaiwas sa sakit tulad ng micro nutrient deficiencies, kanser, diabetes, at sakit sa puso.

• Kumain ng dalawa hanggang tatlong servings ng madahon at madilaw na gulay araw-araw.

• Kumain ng dalawang servings ng prutas arawaraw lalo na ng prutas na mayaman sa vitamin C.

• Kumain ng lamang-ugat ng mahigit tatlong beses sa isang linggo.

Kung kumbisido ka sa mga sinabi ko kapatid,   magsimula tayo, sa maliit na plano o project. 

Kung malapad  ang iyong bakuran ang ibig kong sabihin, may bakuran ka na abot ng ¼ ektarya, (50 meter x 50meter) at kapag andiyan ka sa bukid baka mahigit pa, ay  maaari kang magtanim ng mga gulay, prutas at iba pang halaman na maaaring pagkakitaan katulad ng talong, okra, mani, mais, papaya,  kamoteng kahoy. 

Hindi kailangan ang maraming katulong, sapat na ang ilang miyembro ng pamilya upang mag-alaga sa mga pananim.

Magandang itanim ang papaya lalo na kung malaki ang lote, marami kasi ito kung mamunga at higit sa lahat, hindi maselan at pagkaraan ng walong buwan ay namumunga na.

Madaling ding ibenta ang mga papaya lalo na kung maganda ang uri at malalaki ang mga ito.

ANG PAPAYA

Bakit papaya? Ang Papaya ay puno ng Vitamin A at C. Isang hiwa ng hinog na papaya ay katumbas sa 7 ½ pirasong latundan (40 gramo bawat isa) katulong ng buong pamilya laban sa sipon.

REMINDERS: Habang pinahihinog huwag itago sa loob ng refrigerator. Mag-iiba ang lasa nito. (Source: Nutrition Center of the Philippines)

NANCY:  Kaka Alih  bakit ka magtatanim ng papaya?

ALIH: Dahil, Ayon sa pananaliksik sa laboratoryo (hindi pa sa tao), ang dagta ng dahon ng papaya ay nagpapabagal sa pagdami ng 10 uri ng cancer cells sa cervix, atay, baga, pancreas at dibdib. Ang hinog na bunga naman nito ay nakakapagpalakas ng resistensya. Dagdag pa rito ang enzyme na papain na may mahalagang papel na ginagampanan upang ang coating ng mga cancer cell ay masira at maging mabisa ang pagke-chemotherapy.

Ang papaya (Carica papaya ) ay kinakaing tila milong prutas na itinatanim sa kabuuan ng mga maiinit at di may kainitang lagay ng panahong mga bansa sa kabuuan ng mundo. Ang makatas nitong kalamnan ay maaring ginintuang dilaw o kaya’y pula kapag hinog na bagay na bagay sa paggawa ng mga ensalada, pati na sa mga “pies “at “confectious”. Ang hilaw na papaya ay maaring durugin o kaya’y iluto na tila kalabasa na karaniwang isinasangkap o ginagawang panrekado sa mga karaniwan at batid na ng lahat na mga lutuing Asyano. Ang iba pang nakakatas at nakukuha sa papaya ay ginagamit sa pagpu pruseso ng mga pharmaceutical pati na mga cosmetic industries.    Halimbawa na lamang ay sa Pilipinas, ito ay nakilala bilang mahalagang sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, lotion at iba pang produktong  kosmetiko.

Dagdagan pa natin bakti papaya Bakit mahalaga ang papaya?

• Ang papaya ay saganang pinagmumulan ng bitamina gayundin ng mineral at hibla.

• Ang papaya rin ay ang saganang pinanggagalingan ng papain, na ginagamit sa paggawa ng beer, pagpapalambot ng karne, produksiyon ng mga   produktong parmasyutikal at iba pang kosmetikong produkto.

• Ang papaya ay ang pang anim na pinakamahalagang prutas sa Pilipinas at itinatanim ng karamihan sa mga maliliit na magsasaka.

• Nagluluwas ang Pilipinas ng papaya sa mga  bansang matatagpuan sa Asya, Australia, Gitnang  Silangan at Estados Unidos.

Magtatanim na ako ng papaya wala akong maitanim, Papaano  pipili ng seedling ng papaya na itatanim?

Madaling lang anong papaya ang gusto mo o gusto ng target customer mo. Kong hindi mo alam pumunta sa palengke at magtanong tanong, sa on demand na papaya.

Kapag nakapagdesisyon ka na, bumili ng hinog na papaya na gusto mo. Hatiin sa gitna, ang nasa baba ang kunin na buto, bakit ang nasa taas ay lalaki at babae  ay ang babae..

Paalaala may pamahiin daw tayo: Mahigpit din na ipinagbabawal ng mga matatanda na magtanim ng papaya sa harap ng inyong bintana dahil sa ito ay maghahatid ng kamalasan.

Syempre naman, di naharangan ang inyong bintana, di mo makikita ang mga dumaraan na magagandang chicks na patungo ng UAS (LAUGHING)

Maaari ring magtanim ng iba pang klase ng mga gulay sa gilid ng pinagtaniman ng papaya tulad ng ube at gabi.

Ang pechay ay isa ring magandang uri ng pananim. Ang isang maliit na tali nito ay nagkakahalaga ng P10.00. Maaaring gawing katulong ang dalawang kasama sa bahay sa pagtatanim at pagdidilig.

Maganda ring pananim ang sampaguita. Mahal ang isang tabo ng sampaguita at talagang mabili ito. Kung may sandaang puno ng sampaguita, napakaraming tabo na ng bulaklak ang mapipitas.

Mainam itong itanim sapagkat tulad ng papaya, hindi rin ito maselan at hindi nangangailangan ng malaking oras sa pagtatanim. Didiligan lang ito tuwing umaga at hapon, pagkatapos ng limang buwan, makikita na ang napakaraming bulaklak nito.

Maaari ring magtanim ng cassava (kamoteng kahoy), hindi rin maselan ang halamang ito. Pagkatapos mo itong itanim, hindi na kailangang bantayan, hintayin na lang ang paglaki at pagkatapos ng ilang buwan, maaari na itong bungkalin at ibenta sa palengke.

Puwede itong ibenta nang hilaw at puwede ring lutuin muna—gawing puto at suman bago ilako o dalhin sa palengke.

Isang kapaki-pakinabang na paraan ang pagtatanim sa bakuran para labanan ang kawalan ng trabaho at ang maliit na kita sa pagtatrabaho.
Ang mga super gulay

ANG KANGKONG – super gulay

Ang kangkong ay nangunguna sa taglay na Vitamin
A. Ang isang tasang kangkong na luto ay katumbas
ng apat na pirasong mangga.

Ang kangkong ay tulong sa kalusugan lalo na sa pagpapakinis ng kutis.Nagpapalinaw at nagpapasigla rin ito ng mga mata.

• Madaling magpatubo ng kangkong sa bakuran.
• Itanim ang kangkong sa lupa, sa putikan o sa tubig.
• Maaring gamitin ang buto, tangkay o ugat nito.
• Kapag tangkay ang itatanim, siguruhing 30 cm ang haba ng bawat tangkay at magkakalayo sila ng 50 cm.
• Anihin pagkalipas ng 30 araw.

Heto pa ang isang super gulay,

ANG SALUYOT
Ang saluyot ay nagbibigay ng mahalagang Vitamin A at calcium. Isang tasang saluyot na luto ay katumbas ng lima at kalahating upo na luto.

Ang pagkain ng saluyot ay nagpapalusog ng buto, ngipin at mga kuko ng mag-anak. Ito ay mainam na alalay sa mga lumalaking mga bata.

Saluyot sa hardi

Kapag tag ulan, magtanim ng buto ng saluyot sa inyuong bakuran.Tiyaking magkalayo ito ng 4-5 cm.

Maaring itanim ang saluyot sa kahit anong uri ng lupa pero
mas lumalago ito kung may pataba na animal o green
manure.

ANG AMPALAYA

Ang dahon ng ampalaya ay punong puno ng Vitamin A at iron. Kalahating tasang dahon ng ampalaya (luto) ay katumbas ng 36 at kalahating lutong repolyo.

Ang ampalaya ay may taglay na mahalagang sustansya sa pagpapakinis ng balat at pagpapalinaw ng mata.

Ang ampalaya ay pampalakas din ng resistensya laban sa sakit
at tiyak na panlaban sa anemia.

MAGTANIM NG AMPALAYA
Madaling magpatubo ng ampalaya sa buong taon.

Magtanim ng dalawa hanggang tatlong halaman.

Ito’y magulang na sa loob ng 90 to 120 araw at patuloy na mamumunga sa susunod na dalawang buwan. Samatala, ang mag-anak ay makakaani ng masarap na talbos at bunga ng ampalaya.

ANG MALUNGGAY

Ang malunggay ay nangunguna sa Vitamin A at calcium.

Kalahating tasa ng dahon ng malunggay (luto) ay katumbas sa apat at kalahating tasang lutong cauliflower.

Ang malunggay at pampalusog ng katawan lalo na ng mga ngipin at buto.

ANG PAGTANIM NG MALUNGGAY
• Itanim ang buto ng may 5 metro ang layo sa isa’t isa.

• Pwede ring itanim ang magulang na sanga (isang
metro ang haba).

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

NANCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagksasaka..


(PLAY EXTRO)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento