Linggo, Hunyo 2, 2013

Hindi Makatulog?

Hindi Makatulog?


 (Hulyo 26, 2012-Huwebes – Script na sinulat ng segment writer na si   Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. ..Host Noralyn  Bilual)

NORALYN:  Kaibigan hindi makatulog?   Ayaw ka bang dalawin  ng  antok? o nahihirapan kang matulog ng mahimbing sa gabi?  Kong yes or no  ang sagot mo,   makinig sa ibabahagi ni Kaka Alih, baka masulosyonan ang problema mo kaibigan.

 (PLAY-INTRO  - GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)

NORALYN: Magandang umaga Kaka.

KAKA ALIH: Magandang umaga din Norlyn,    Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,. 

Marami sa kaibigan natin ang naidaing sa atin na hindi makatulog, ayaw dalawin ng antok.. kaya ang ginawa natin ay agad tayong  naghanap sa internet ng mga kasagutan.

Kaya Ngayon umaga ay agad  akong nag-hanap  ng sulosyon sa problemang nasagap natin.

Naisip ko kaagad ang naging friend natin sa Facebook at Blogs, ang mag-asawang Dr. at Dra. Willie Ong, ang nagpadala sa ating mga babasahing aklat sa mga sagot sa ganitong ganitong problema.

Naku laking disgrasya, hiniram pala ng anak ko, ayaw na kasing bitiwan dahil very informative daw a aklat, kaya nasabi kahit sa facebook  man lang   magpasalamat ka kay Dr Willie Ong.

Wala ang libro, kaya ang ginawa ko, nag-explore ako sa internet,  sa search engine na GOOGLES, type ko ang words na: hirap akong makatulog willie ong..  KLIK!

Ayon may sagot na  kaagad. Hahaha  ito ang nagustuhan kong may internet connection ka,   dahil sa new technology, sa isang kisap mata may sagot kana sa mga tanong.

Ayon sa sinulat ni Dr. Willie Ong, ganito ang nakasulat: “Dear Doc. Willie. Hirap akong makatulog. Kapag stressed ako, hindi ko mapigilan mag-isip ng mga problema. Ano po ang mapapayo niyo? Umaasa, James”

Heto  naman ang sagot ni Doc Willie:

“Ang pagtulog ay isang normal na proseso ng katawan. Puwede mong turuan ang iyong sarili na makatulog ng mahimbing.

Kapatid kong may problema ka sa pagtulog o  kong wa la pa  naman, makinig ka  parin  anong malay  baka bukas, maranasan mo ang nararanasan ni Kaka Ali at James. Kapatid heto na   ishare ko sa inyo ang  mga payo ni Doctor:

1)      Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog. Matulog ng parehong oras bawat gabi. Halimbawa, tuwing alas-9 ng gabi ay nakahiga ka na para masanay ang inyong katawan.

Kaka, Papaano ang favorite kong teleserye sa TV? No probs my friend,  Eh  simple lang adjust ka ng time sa pag-tulog, tuwing 11 oclock ka matulog, ang iportante sabi  ni Dok sanayin ang oras sa pagtulog. Suggestion

2)      Kumain ng tama. Huwag magpakabusog o magpakagutom. Mahirap matulog kung kumukuo ang tiyan dahil sa gutom,   . Umiwas din sa maaanghang o spicy foods bago matulog.

3)      Uminom ng Vitamin B Complex. Pampagana ito ng pagkain at makatutulong din sa pagtulog

4)      Magkaroon ng regular na ehersisyo. Masarap ma-tulog kapag napagod ang katawan sa umaga. Ayon sa Bibliya, masarap ang tulog ng manggagawa. Ito’y dahil pagod ang katawan ng isang nagtratrabaho.

Kaibigan pwede kang maglinis sa umaga sa bakuran o sa bukid kaya, huwag masyadong tamad.

5)      Umiwas sa pag-inom ng kape. Pampagising kasi ang caffeine, na nakukuha sa kape.

6)      Umiwas din sa pag-inom ng alak. Marami ang gumagamit ng alak para sila makatulog pero may masamang epekto po ito sa ating puso at atay. Matamlay ka at may hang-over din sa umaga.

7)      Umiwas sa paninigarilyo. May nicotine ito na nagdudulot ng kanser at gumigising sa iyong isipan.

8)      Huwag magtrabaho pagkalampas ng 6 ng gabi. Ihinto mo na ang iyong isipan. Hayaan mo nang mag-relax ang iyong utak.

9)      Mag-relax bago matulog. Puwede kang manood ng katawa-tawang palabas sa telebisyon o magbasa ng magasin o komiks.

Kaibigan, mayroon    nakaka na payo si  Dok Willie, at alam ko magugustuhan  mo  na rin katulad ng kumpare ko,. 

Makakatulong daw  ang makipag-sex sa gabi sa inyong asawa.

Ayon sa study, na isinagawa ang mga expert,  nakatatanggal daw ng stress ang pagtatalik. (Basta asawa mo)  (LAUGHING).

Nagiging mahimbing din ang pag-tulog ng tao pagkaatpos daw n g sex.. (LAUGHING).. Pare Walang malisya! Telling the truth tayo, mula iyan kay Doc Willie. (LAUGHING).

10)   Ilayo ang mga relos O  ALARM  CLOCK. Huwag kumuha ng maiingay na relos na tumutunog kada oras. Baka ka ma-stress dahil maaalala mong hindi ka pa nakatulog.

11)  Huwag mag-schedule ng maagang meeting. Kung alam mong may gagawin ka ng maaga bukas, baka hindi ka makatulog sa gabi. Normal lang po ito dahil excited ka.

12)  Gawing matahimik at kom­portable ang iyong tulugan. Bawasan ang mga ingay at kaluskos sa tabi. PUKSAIN ANG PESTENG DAGA NA  MAINGAY. Itali ang asong tahol ng tahol. Patulugin na si beybi. Gawing madi-lim ang silid.

13)  Bumili ng komporta-bleng kama, unan at kumot. MAYROON NAMAN DIYAN NA INSTALLMENT. Puwede kang magkulambo para hindi ka kagatin ng lamok.

14)  Huwag itapat sa iyo ang electric fan. Masama po ito at puwede kang magka-Bell’s Palsy (ngumiwi at maparalisa ang mukha). Hayaan lang umi­kot-ikot paitaas ang hangin.

15)  Uminom ng mainit na ga­tas o sopas bago matulog. Maganda rin ang saging o cookies sa gabi. Ang saging ay may tryptophan na nakakaantok.

16)  Huwag umidlip sa hapon. Umiwas sa siesta at pagtulog sa araw. Dahil kapag nakatulog ka na sa araw ay hindi ka na aantukin sa gabi. Ipunin mo na lang ang iyong tulog sa gabi.

17)  At siyempre, huwag kalimutan mag-dasal   Ipasa mo ang iyong iniisip sa Diyos. Siya na ang bahala lumutas nito.SA MGA MUSLIM PWEDE MABISA ANG MAGTASBIH KAYO  HALIMBAWA SUBAHANALLAH, ALLAH AKABAR, ALHAMDULLLILAH…

SA MGA KRISTIYANO Magdasal ng ganito: “Diyos ko, naging maganda ang araw natin ngayon. May mga problema ako pero alam kong hindi mo ako pababayaan. Matutulog na ako at ipapakiusap ko na bantayan mo ang aking mga mahal sa buhay. Ipapasa ko na sa iyo ang lahat ng problema ko. At paggising ko bukas, ng malakas at masa­ya, magagawa ko na po ang pina­gagawa mo sa akin. Amen.”


Ito po ang inyong Kapatid  na si  Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat ituloy ang pananaliksik ng karunungan, katulad ng sinabi ng Propeta Muhamad SAW:  “Seek knowldege from the cradle to the grave” (hanapin mo ang karunungan mula sa duyan hanggang sa libingan.)  

Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na gabay at talakaayang pampamilya,..  Sukran and Wassallam

NORALYN: Maraming salamat Kaka Alih sa isa sa magandang presentasyon na yan. Mga kapatid na nakikinig, muling abangan BUKAS , sa ganitong oras at himpilang  ang ating segment na gabay at talakayang pampamilya, at muli ninyong makakasama si Kaka Ali.,

(PLAY-EXTRO- GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)

Note: ang article na ito ay naipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY COM (dated Hulyo 30

, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bagong  blog: DXUP Teleradyo..(.from admin: Alih Anso)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento