(May 1,
2012-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay
–buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host
–Nineta Minted)
Celebration ng Graduation ng elementary pupils |
Host/NINETA: “Sadyang maraming magagandang
kaugalian nating mga Pilipino na
dapat alamin at panatilihin, dahil ito ang nagsisilbing tatak nating
bilang Pilipino, subalit mayroon din mga negatibo o dapat baguhin, iyan ang
tatalkayin ni Kaka Alih.. Mga Sarisaring
Kaugalian ng mga Pilipino”
(Play-
Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NINETA: Magandang umaga Kaka Alih..
KAKA ALIH: Magandang umaga din Nits,
Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang kapayapaan sasaatin nawa..)
Maraming magagandang kaugalian ang mga Pilipino na magandang panatilihin subalit mayron din
mga kaugalian na kinakailangan na linangin o baguhin dahil hindi na angkop sa
ating kasalukuyang panahon.
Pahayag ng isang reteradong guro: “ Ang mga
pinoy parents, give value sa education,
tingnan nyo kahit sa kariton lang nakatira o di kaya ay nagtitinda lang ng
bituka ng manok sa kalsada, ginagapang pa rin pag-aralin ang mga anak.”
Tama kayo
diyan Maam, ang siste lang nito
ay pag-high school o college na ang bata ay di na ito makapagpapatuloy sa
pag-aaral dahil di na kaya ng magulang,
lalo na ngayon na patuloy na pagtaas ng mga matrikula o tuition fees sa ating
mga paaralan sa bansa. Kulang ang pondo n gating goberno
sa pagbibigay suporta sa pagbibigay ng
sapat na edukasyon sa ating mga mamamayan, na hikahos sa kabuhayan.
Mayroon din
akong nabasa na negative
naman na kaugalian ng mga
Pinoy, na dapat i-reformat o
baguhin, dahil may “virus”.. (LAUGHING)
what I mean hindi nakakabuti sa
pangkalahatan.
Ang
mga Pinoy kasama na dito ang Bangsamoro, ay pumupunta ng ibang bansa,
para doon manilbihan o gamitin ang
pinag-aralan. At ito namang mga taga
ibayong dagat ang tanging kinukuha ay ang magagaling, halimbawa ay
magaling na Doctor, Engineer, planner etc.. ang natira sa
atin ay
mga medium lang ang kaalaman…
NINETA: Pero Kaka Alih, di natin sila gaanong
masisi na pumupunta sa ibayong dagat o
nag-abroad dahil karampot lang
ang suweldo kong dito mo gagamitin ang
iyong natapos.
KAKA ALIH: Sabagay tama ka
diyan, Nits, dapat may ayuda an gating
goberno, kong papaano mapataas ang suweldo ng ating mga
manggagawa.
Heto pa ang isang negative na kaugalian ng
mga Pinoy kaya hindi umaasenso. Hindi
umaasenso ang mga Pinoy dahil daw puro tsismis o kwentuhan na l ng at kayabangan magaling, pero kapag kaharap na ang boss lalu't mga
puti o foreigner ay hindi na makapag-salita.. (LAUGHING)
NINETA: Kaka Alih, mayroon pa akong alam, na
dapat baguhin, yaong crab mentality o
inggit na inggit kapag umaasenso yaong
kasama, o kamag-anak.
KAKA ALIH: Agree ako diyan. Heto ang isang
share ng kaibigan natin: “ …ang Pinoy ay malinis sa bahay, pero he doesn't care, walang pakialam kung marumi ang environment niya...
tapon lang ng tapon ng basura kung saan saan. Nagiging masinop lang sa basura
kong andiyan ang garbage
enforcers..(LAUGHING)
Ok Nits, balik tayo sa magagandang kaugalian
ng mga Pinoy.. Ang isa sa mga kaugalian at kultura na hanggang ngayon ay
umiiral ay ang pagkakabuklod-buklod ng
mag-anak o pamilya.
Ang mga Pinoy ay mapagmahal sa magulang, ito ang tinatawag
nilang close family ties kahit
may-asawa na nasa magulang pa rin.
NINETA: Teka Ka Kaka Alih para yatang mali,
yaong huli mong tinuran, “kahit may-asawa na nasa magulang pa rin.”
KAKA ALIH:
hahahaha .. tama no? libre na sila.. pero para lang yan sa mga anak
na batugan, tamad magtrabaho…
Pero Nits, di naman masama ang pagbuklod
buklod ng mga mag-anak. Ganito kasi
yun Nits, Ang mag-anak o pamilya ang siyang pinakamaliit na yunit ng ating
lipunan. Dito nagsisimula ang kaugalian, kultura, at pagpapahalaga ng isang
tao. Matibay ang pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino. Labis ang
pagpapahalaga natin sa pagsama-sama ng buong pamilya. Kahit may bago ng pamilya
ang isang anak, pilit pa rin ng magulang na patitirahin sa kanilang
tahanan, gaano man kaliit ang bahay nila.
Hanggat maaari ay ayaw ng mga magulang na malayo ang kanilang mga anak sa
kanilang piling.
Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa
kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira
malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay
may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo
ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang
binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.
Ang ilan sa mga dahilan kong bakit nagbuklod-buklod
ang mga mag-anak ay dahil sa ekonomiya, bakit ikonomiya, ang ibang magulang
sila ang bumubuhay sa kanilang mga anak kahit na may pamilya na. Tulad ng
sinabi natin kanina, medyo balikan ko lang kasi
marami ang tinatamaan.
Kong bagong kasal ang kanilang anak ay
madalas ay sa kanila nakatira, at kong sakaling magpatayo man ng bahay ang
bagong pamilya ay malapit sa bahay dahil kong sakalit-sakali man na
magkaproblema ang pamilya ay madali ang pagbibigay ng tulong.
Kong minsan sa ilang membro ng pamilya ay
iisa lang ang naghahanap buhay, kaya ang negatibong epekto at asahan mo ang
hirap ng buhay na kanilang natatamasa.
Ang iba pang di magandang epekto nito ay may
mga anak na namihasa na at nasanay na
nakadepende sa magulang. Ang anak ay din a natutong tumayo sa sarling paa, kaya
naman kahit halos pagluluto ay di natutunan.
Kaya asahan mo na ang nag-aagawan ng pamumuno
sa mga kumunidad ay di man magkapatid ay malapit na magkakamag-anak, at kong
minsan ay magkalaban ay mag-aasawa o dili kaya ay mag-ama o mag-ina ang
naglalababan sa isang position.
Pansamantala
hanggang dito na lang muna ang ibabahagi natin Insha Allah (kong
pahihintulutan ng Allah) sa susunod na
pagsasama natin sa himpapawid, sa
Lunes…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi ni Kaka Alih.. sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya …. Sa ating
programang buhay buhay sa DXUP Teleradyo.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and
Wassallam.
NINETA: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon
na yan, mga kapatid ating alamin at pag-aralan ang ating magagandang
kaugalin para sa ating kaunlaran.
(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
-----------------------------------------------------------------------------------------
Note: Ang artikulong ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM
(dated May 1, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti ng Admin. na ipost muli sa bago nating blog: http://dxupteleradyo.blogspot.com/..(from
admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento