Ramadan,
ang buwan ng Pag-aayuno ng mga Nanampalataya sa Islam
(July
20, 2012-Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay
” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host
–Noralyn L. Bilual)
Host/Noralyn: Ramadan .. ang buwan ng pag—aayuno
ng ating mga Kapatid na nanampalataya sa Islam o ang ating mga kapatid na
Muslim, at ngayon umaga magbibigay kami ng ilang
aralin, at of course ang ating segment writer at reporter na si
Kaka Ali, ang magbibigay nito, susunod na sa ating segment na:
(PLAY INTRO)
Host/Noralyn: Magandang araw Kapayapaan Kaka Ali, at
happy advance Ramadan..
Kaka
Alih: Maraming salamat Nor,
thank you..sa greetings, Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa
mga kapatid na nanampalataya, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig…
Ramahan ang buwan ng pag-aayuno, ang ating tatalakayin.
Ang
Ramadan, ang ika-9 na buwan sa Hijri calendar.
Ang
Ramadan ay banal na buwan dahilan sa ito ay itinadhana ng
Panginoon sa pagpahayag ng mga banal na kasulatan. Naiulat na:
“Ang
mga aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi ng buwan ng Ramadan; ang Torah
ay ipinahayag sa ika-6 ng buwan ng Ramadan; ang Ebanghelyo ay ipinahayag sa
ika-13 ng buwan ng Ramadan... at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng buwan ng
Ramadan.”
Ang
buwan ng Shaban ang buwan na sinusundan ng Ramadan ay may 29 na araw o 30
araw.
Ang
Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Huwag (magsimulang) mag‑ayuno hangga't hindi ninyo nakikita ang bagong buwan,
subali't kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban (ang buwan
na sinusundan ng Ramadan); at huwag titigil (sa pag-aayuno) hangga't hindi
ninyo nakikitang muli (ang bagong buwan)." (Hadith ni Bukhari at Muslim)
Ang
Ramadan ang ika-9 na buwan ng sa Kalendaryong Islam.
Ang
Kalendaryong Islam, ang Hijri calendar, katulad ng kalendaryong Solar sa
Kristiyanismo ito ay binubuo ng labing-dalawang buwan.
Ang
Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong
Gregorian o solar ay hango sa araw.
Ang
mga buwan sa kalendaryong solar ay binubuo ng 30 o 31 araw maliban sa buwan ng
Pebrero. Ang mga buwan ng Kalendaryong Lunar naman ay binubuo ng 29 o 30 na
araw. Kaya’t ang Ramadan ay maaring 29 o 30 na araw.
Samantala
mula ng maitatag ang community radio na DXUP , siyam na taon na ang nakakaraan,
sa pamumuno ng station manager nito na si Mr Mario Debolgado, ay bumuo ng
isang programa, bilang pagbibigay galang at pakikiisa sa kapatid na Muslim
ay isinahimpapawid ang programang Duyog Ramadan, na muling inilunsad
nitong Huwebes. Muling maririnig at mapapanood sa himpapawid mula
4:30 hanggang 6:00 ng hapon.
Ang
layunin ng radio program na ito ay bilang pakikiisa para sa kapayapaan ng
mga hindi nanampalataya sa Islam, sa kanilang mga kapatid na Muslim na
nag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.
Ang
Kalendaryong Lunar ng Islam ay mas maigsi ng labing-isa o labing-dalawang araw
kung ihahambing sa Kalendaryong Gregorian o Solar ay umiikot sa buong taon
nito. Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan
at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magrib.
Ang
Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong
Gregorian o solar ay hango sa araw.
Ang
mga Muslim sa buwan na ito ng Ramadhan, ang araw ng
pag-aayuno ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik
sa kanilang asawa sa araw, mula sa pagbubukang liwayway hanggang sa takip silim.
Ang
mga Muslim na baligh o nasa hustong gulang na ay nararapat lamang
na mag-ayuno at pinapayuhan na dapat:
Ø Magbigay ng kawanggawa sa mga mahirap at maralita.
Ø Igalang ang inyong mga magulang at nakakatanda.
Ø Maging mabuti sa mga musmos at nakakabata.
Ø Kumandili sa mga kamag-anak.
Ø Umiwas magsalita ng anumang hindi nararapat kahit na
ibulong man lamang.
Ø Umiwas tumingin sa anumang hindi nararapat na tingnan.
Ø Umiwas makinig sa anumang hindi kanaisnais na
pakinggan.
Ø Maging maawain, magiliw at mabait sa mga alila nang sa
pagyaon mo, kung kinakailangan, ang iyong mga anak ay makakatanggap ng
kasingtulad na pakikitungo ng iba.
Maliban
sa pag-aayuno at paghahangad ng mabuting asal, iniuukol ng mga Muslim ang
kanilang mga panahon at lakas, sa pananampalata at pagdarasal sa Nag-iisang
Panginoon. Sa loob ng ilang mga gabi sa buwang ito, ang mga Muslim ay
nananatiling gising sa karamihang oras sa pagdarasal at paggawang mga bagay na
kalugod-lugod sa Allah.
Paglipas
ng huling araw ng buwan ng Ramadan, ipinagdiriwang naman ng mga Muslim
ang ‘Eid al-Fitr o Hariraya Puwasa upang gunitain ang katapusan ng pag-aayuno.
Nagsasama-sama sila sa pagdarasal, pagkain, at pagpapalitan ng mga
hadiya o regalo (lalung-lalo na para sa mga bata).
At
dahil hindi kumakain sa araw ang inyong mga kapatid na Nanamapalataya sa Islam
sa buwan ng Ramdan, ikaw na kapatid na hindi nag-aayuno ay nararapat lamang na
huwag kumain o uminom sa harapan o nakikita ng iyong kapatid, dahil tiyak ko
matatakam siya.
Ang
mga Muslim na nag-aayuno ay kumakain sa madaling araw, bago magbukang liwayway
at dahil dito sila ay puyat sa pagtulog, kaya asahan mo na makakatulog o
gustong matulog sa araw.
At
dahil hindi kumakain at uminom tiyak na gutom at uhaw, kaya nararapat na ikaw
na kasamahan niya sa trabaho huwag masyadong bigyan ng mabibigat na trabaho.
Kong
magiging bisita mo siya, sa panahon ng Ramadhan, dapat malaman mo na pwedeng
kumain ang iyong kapatid na Muslim pagsapit ng takip-silip hanggang bago
magbubukang liwayway.
Dapat
malaman mo rin na may exempted o pinapayagan na hindi mag-aayuno sa
buwan ng Ramadhan, halimbawa ang babaeng nireregla, ang matatanda na kong
mag-aayuno ay maapektuhan ang kalusugan, ang mga sanggol na hindi pa umabot sa
pito o sampung taon gulang ang edad, ang maglalakbay sa malalayo at ang
mga taong wala sa katinuan ng isip.
Maraming
salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa pakikinig sa ating radio program na
Buhay-buhay .…bukas ang unang araw ng pag-aayuno at sa araw
ng Lunes muling abangan ang isa pang segment n g ating gabay at talakayang pampamilya,
.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Host/Noralyn: Maraming salamat Kaka Alih, muling abangan
bukas ang ating segment na gabay at talakayang pamapamilya, at muli ninyong
makakasama si Kaka Ali.
(PLAY-EXTRO-
GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
Note: ang article na ito ay na-ipost na sa blog na
DXUP.MULTIPLY.COM (dated Hulyo 20, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay
minabuti naming ipost muli sa bago nating
blog: DXUP Teleradyo..(from admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento