Bakit Hindi Nag-kakaisa ang mga Tao? |
Bakit Hindi
Nag-kakaisa ang mga Tao?
(Hulyo
31, 2012-Martes- Script na sinulat ni
Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na
“Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)
NORALYN: “Kaibigan bakit kong minsan
hindi nagkakaisa o nagkakasundo ang mga
tao? Kong minsan pa nga, nag-away-away sa sakitan at mayroon pang humantong na sa patayan? bakit nga kaya? Samahan mo kami kaibigan.
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih.
KAKA ALIH : Magandang umaga din Nits,
Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang kapayapaan sasaatin nawa..)
Ang tanong mo
kanina Noralyn ay, bakit hindi nagkakaisa o nagkakasundo sundo ang mga tao? nag-away-away sa sakitan at
mayroon pang humantong na sa
patayan? bakit nga ba Kaibigan ?
“Ah na Kaka Ali, maraming dahilan bakit nag-away away o hindi nagkakasundo ang mga tao dito sa mundo.” Paliwanag kaagad
ng isang
sa ating kumpare.
Ang kuwento ng aking kaibigan na Pastor, ang away na ito ay
nag-ugat pa sa mga unang taong nilikha ng Diyos, nagsimula pa ito sa mga anak ni Adan at ni Eba, sinimulan ito na ina Abel at ni Cain.
Para konting replay sa kuwento ni Cain at Abel sa Bibliya. Ito ang kuwento ng dalawang magkapatid na
parehong sumasamba sa Diyos o parehong
relihiyoso.
Ayon Bibliya, mas pinapaboran ang mga handog
na sakripisyong hayop ni Abel kaysa sa mga alay na tanim ni Cain. Dahil dito,
nagselos si Cain kay Abel at pinatay ito. Nalaman ito ng Diyos at pinalayas si
Cain sa Hardin ng Eden. Dalawang magkapatid, nagselos yung isa at selos na
matindi para makuha niyang patayin ang kanyang kapatid.
May hailimbawa ako kaibigan na nangyari sa
kasalukuyang panahon, ang Ramgen Revilla
case.
Maalaalaala ninyo di ba
ayon sa sinumpaang salaysay na sinumite ng abogado ni Janelle Manahan,
ang nakaligtas na kasintahan ni Ramgen Revilla nung siya’y pinatay, matinding
away ng mga magkakapatid ang maaaring dahilan kung bakit pinatay si Ramgen. May
mga okasyon daw na pisikal na nananakit si Ramgen sa kanyang mga nakakabatang
mga kapatid, kahit mga babae pa ito. May tsimis pa na nanutok pa raw ng baril,
at nanakal. Istrikto raw kasi si Ramgen, kaya ganun ang kanyang mga pamamaraan
para disiplinahin ang kanyang mga kapatid. May kinalaman din daw ang pera sa away ng
magkakapatid.
Ang ibang dahilan na siya ngayong ang uso, alam mo ba kapatiod? na dahilan kong bakit hindi nagkakasundo
kahit magkakapatid o magkakamag-anak.
Ang
pulitika!!! (LAUGHING) Yes, politics ito ang madalas na dahilan,
politika o politics.
Ito pa ang isang dahilan, karapatan sa lupang
ninuno o ang ancestral domain. Sa
R’nawon at T’duray ay tinatawag nilang
“pusaka inged” .
Tulad halimbawa sa ngayon, ang Bangsamoro
ancestral domain, ang IP’s Ancestral domain, unti unti ng nawawala sa kanila,
kaya dapat na maibalik na sa kanila ang pamamahala sa kanilang lupang ninuno.
Katunayan nga kahit konting bahagi
lamang ng lupa, kahit na daw yaong
mohon lang o pananda ng lupa at inilipat
ng isang hakbang lamang, ay
pinag-aawayan na yan ng
magkakamag-anak. Kong minsan magkapatid pa nga.
Dahil marahil sa dumami ang tao at kinukulang
ang lugar na dapat nating tirahan, kaya sigoro dapat ng isulong ng mababatas
ang RH o reproductive Health Bill? (LAUGHING)
Karapatang pangtao o human rights, isa ito sa mga matinding mga
dahilan kong bakit mga nag-away-away ang
mga tao sa ngayon:
”Hindi Nagkakasundo ang mga tao tao dahil
sa kulang sa kaalaman sa kanilang karapatan;” ito naman ang paliwanag ni Atty Rolando
“Anwar” Chew. “..maraming dahilan ang nagiging dahilan ng
mga di pinagkakasunduan ng mga tao”
NORALYN: Papaano lulutasin ang mga ganitong problema, na
nag-away away o hindi nagkakasundo ang
mga tao?
KAKA ALIH: Ang solusyon sa mga ganitong problema;
Sa problema sa pulitika
kinakailangan ang pairalin ang tunay na
pulitika, wlang dayaan, matuto tayong sumunod sa itinakda ng batas, huwag ng palitan ang mga nakuhang botante ng kandidato, at kong minsan kong
sino ang maliit ang boto ay siya pa ang
naproklem.
Ayon naman kay Atty Rolando Anwar Chew, isang
abogadong Muslim sa Upi, Ang sulosyon sa
ganitong problema ay, alamin mo ang inyong karapatan ayon
sa nakasaad sa batas.
Ang sabi
naman ni Ustadz Faizal Dacungan sa ating
interview by phone ay ang
paniniwala sa Poong Maykapal o Diyos ang pinaka-solusyon sa ganitong
problema, ang buhay ng tao ay
pinahahalagaan ng Allah o
Diyos tayo pa kayang tao?
Kong
ikaw ay isang Kristiyano, sundin mo inyong Biblia at kong ikaw naman ay
Muslim o nanampalataya sa Islam, sundin ang Sunnah at Qur’an.
Para sa
Gabay at Talakayang Pampamilya, ito ang inyong Kaka Ali, ang inyong segment writer , na
naniniwala na ang may paniniwala sa Poong Lumikha, ay mahirap makumbinsi ni Shaitan o Satanas na
gumawa ng masama, sapagkat ang Shaitan
ang naguudyok sa tao na gumawa ng masama,
kaya itakwil natin ang Shaitan o si
Satanas.
Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi
Wabarakatu.
NORALYN: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon
na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran.
(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Note: ang article na ito ay naipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY COM (dated Hunyo 31, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bagong blog: DXUP Teleradyo..(.from admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento