Melid & Salong |
Pagkakaisa at Disiplina ang Kailangan Para Maging Mapayapa ang Bayan
(June 4, 2013-Martes-
Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at
Talalakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
NORALYN: “Papaano nagiging mapayapa ang isang pamilya?... ang
isang bayan? Ang kasagutan sa tanong ay maraming paraan, ‘ika nga, ang kinakailangan mo
lamang ay makita mo ang susi,… ano ang tamang susi? Ay… samanahan si Kaka
Alih, dahil siya ang susi sa usaping ito…siya ang ating segment writer at presentor sa ating
segment na gabay at talakayang
pampamilya.
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih, susian mo mo, para
malaman nila ang sagot sa tanong na: Papaano nagiging mapayapa ang isang pamilya?...
KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Noralyn, para sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam,
o sa mga kapatid na Muslim, ang pagbati
natin ng: assallamu alaikum
warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah ay Sasaatin
Nawa)
Ang sagot sa tanong mo Noralyn na: Papaano nagiging mapayapa ang isang pamilya?... Ganito natin sasagutin ang
tanong…magkukuwento muna ako ng sandali.
NORALYN: Ok makikinig ako Kaka, ,,,
KAKA ALIH: Tandang tanda ko pa ang lahat (LAUGHING) Noong
unang panahon, este noong May 13, 2012 ay isinagawa ang unang 1st grand
family re-union ng aming pamilya Anso – Pendulunan. Mga isang
libo mahigit ang nakadalo, at napakasaya, very memorable , biruin mo kasama mo na pala, pero di mo alam
na kamag-anak mo pala, di mo alam
na malapit pa lang kamag-anak, ang kasa-kasama mo sa araw-araw?.
NORALYN::
Kaka Alih matanong ko, pang-ilang generation
ka sa pamilya Anso?
Anso family re-union |
KAKA ALIH: Ako? sandali
ha, kukuwentahin ko muna (LAUGHING)..
Si Anso, na lolo naming lahat, ay anak niya si Melid, si Melid anak niya ang
Nanay ko na si Ito, ah pangatlong layers
o generation na pala ako Noralyn…
Sa isinagawa naming na family re-union, dito ko napatunayan
Noralyn, na malaki ang factor sa magagawa
ng leader. Ang kailangan lamang ng leader ay disiplina. Dahil sa totoo lang, mayroon talagang di
nag-cocooperate sa membro ng pamilya,
subalit dahil sa maganda ang
pangangasiwa at pag-organized ng committee, nabuo ang
at naisagawa ang nasabing family re-union, na yun, ng maayos at matagumpay.
Subalit kong wala ang
mga membro ng pamilya na nakiisa
at sumuporta di namin magagawa ang
ganoon na ka very successful na family re-union.
Anong nakuha nating aral sa family re-union na yun?
Ito ang nakuhang kong aral sa family re-union nay un,
na ang tagumpay ng isang gawain o bayan ay nakasalalay sa kanilang pinuno at mga kasapi o membro. Ito ang disiplina ng pinuno, tiis sa pasakit
at hirap, at pakikiisa ng karamihan.
Ang family reunion na yun ay pwede kong gamitin na
halimbawa sa pamamahala ng isang goberno.
Doon ko
nasubukan na kapag nagkaisa ang nakakarami ay mapagtatagumpayan ang isang hinahangad
mong pinapangarap na mangyari.
Nalaalaala ko tuloy ang sinabi noon ni Mayor Piang sa isang
programa, na naisahimpapawid sa DXUP:
“Para sa
kaunlaran ng bayan, kailangan ang pagkakaisa, mapayapa atg walang
nag-aaway-away para walang pangangamba
sa kaligtasan ng kanilang buhay at ari-arian…”
Noralyn , anong masasabi mo sa sinabi
ni Mayor?
NORALYN: “Ako?...Agree ako sa ating alkalde, na ang kaunlaran
ng bayan at produktibong mamamayan ang tunay na yaman ng
bayan o bansa. Mahirap umuunlad ang isang bansa kung ang mamamayan ay walang
ginagawa na makakabuti para sa bayan at sa kanyang kapuwa. Kong hindi
nagkakaisa ang mga mamamayan at kanilang leader hindi makakamtan ang kapayapaan
ng pamilya o ng pamayanan”
KAKA ALIH: Tama
ka diyan Kapatid na Noralyn, may
nagtanong pala sa akin, ang tanong ay : “Ano ba ang dapat taglayin ng isang mamamayan upang makatulong ito sa
pagbibigay-lakas at makapag-ambag sa kaunlaran ng kanyang bayan?”
Heto ang sagot ni Maam, isa itong retired teacher: “Upang
maging madali para sa bayan o bansa ang pagtatamo ng kaunlaran at kapayapaan ng
isang lugar, kailangang ang magkatuwang o magkatulong ang mga mamamayan at
pinuno nito. Dapat na may lakas, pagkakaisa, malulusog, may
disiplina sa sarili at kaalaman ang mga mamamayan para makamtan ang taagumpay
na hinahangad.”
Sang-ayon ako sa inyong tinuran maam, I second the
motion.
Pinaliwanag din
ni Maam, na ganito: halimbawa daw nito ay: “Ang autoridad katulad ng ating Kapulisan at ng Sandahang Lakas ng
Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) ay hindi mangingiming ipatupad ang
sinasabi ng batas, dapat pantay-pantay, ang pag-papatupad ng batas na tulad ng
sinasabi nila na may piring ang katarungan, (ang ibig sabihin nito ay,
hindi niya nakikita kong ikaw ay kamag-anak o kaibigan, dahil kong ikaw
ay nagkasala, sori ka nalang, trabaho lang walang personalan)..
Pero may nag-react ng ganito:
“Ngunit Kaka Alih, dapat isa-alang-alang din ng mga otoridad ang
karapatang pangtao o yaong tinatawag na human rights.” sagot ng
isang human advocates group.
Any wa y maam don’t worry, Sang-ayon ako sa iyong
tinuran, dapat sa pagpapatupad ng batas
ay palaging isinaalang-alang ang makatao o walang nilalabag na human rights o
karapang pangtao, sa pagpapatupad ng
batas ditto sa ating bansa, alalahanin mo
palagi na maraming tribu dito sa ating bansa, na magkakaiba ang kanilang mga paniniwala at
iba-iba din ang kultura, kaugalian na kinagisnan at pinaniniwalaan.
“Kaya naman
nararapat lamang na pinag-aaralan o
inaalam ng mga ahente na ito ng goberno ang kultura, kaugalian at paniniwala,
para maipatupad nila ang batas na hindi nalalabag ang kultura at kaugalian ng
ibang Pilipino”. Ayon kay Nancy, isang anchor ng programa sa DXUP FM.
Halimbawa, dapat malaman natin na ang kultura ng mga
Kapatid na Pilipino, na ang kultura ng mga kapatid nating Bangsamoro na Muslim, ay minsan ay
nalalabag ng mga otoridad.. Halimbawa nito ay pagpasok sa loob ng Masjid o bahay ng sambahan na may suo-suot na
sapatos. Ang sapatos ay hindi dapat ipasok
sa loob ng Masjeed (mosque), maging sinu ka man.
Kina
kailangan na alisin ang sapatos kong
papasok ka sa Masjeed (mosque) at kong isa kang
Muslim dapat pa ngang nakapaghugas ka (ablution).
Ang mamamayan ay dapat sa sumunod sa sinasabi ng
batas, dapat sumunod tayo sa patakaran,
halimbawa, kong sinasabi ng batas na
bawal dito na magtinda ng isda, ay dapat
sundin natin, huwag ng maglalagay o magtitinda ng ating paninda.
Another na sample ay Ang patakaran ay dapat kumuha
muna ng business license bago magnegosyo.. dapat kumuha muna ng business permit
bago mag-operate ng negosyo.
Muli tayong magtatanong sa bayan: “Ano ang
maaaring kahihinatnan ng isang bayan o bansa kung ang kanyang mamamayan ay
walang disiplina? Gulo, sa bayan na walang didiplina ang mga mamamayan, dahil
hindi sila mnarunong sumunod sa batas.
NORALYN: “Kaka
Alih, Tiyak magulo, walang asenso, dahil, instead na pagpapaunlad ang inaasikaso ng
otoridad, ang concentrate
nila ay ang pagdidisiplina sa mamamayan.
KAKA ALIH: Correct
ka diyan Noralyn. Kabayan…Naisip mo
na rin ba ang magandang mangyayari kung lahat ay may
disiplina?·
Naisip mo na ba ang mangyayari sa bansa
kong walang nagnanakaw sa kaban ng bayan? Kong walang nangungurakot na official o
empleyado sa pera ng bayan?
Naisip mo rin ba, kong ang ating mga kawani at official ng
bansa, ng bayan, ay tutupad ng kanilang mga tungkulin ng tapat at dalisay, ibig
sabihin ay walang corruption?·
Magrereport siya sa opisina sa tamang oras at uuwi din
sa oras ng uwian?
Naisip mo rin ba Kapatid kung hindi na
magtatapon ng basura kung saan-saan ang ating mamamayan?· Na hindi na tayo
magtatapon ng basura sa ating mga kanal na patuloy na pinapaganda ng ating
local na pamahalaan?
May tanong akong muli sa
iyo Noralyn, kung susunod ang mamamayan sa mga batas at alituntunin ng trapiko, ng
patakaran ng pagtitinda sa palengke, what you will expect?·
NORALYN: “ I am sure kaka Ali, magiging modelo tayo, wala
tayong problema, ang ating mga oficial o otoridad ay makakapagtrabaho ng maayos,
na walang sagabal, kaya asahan natin na kaunlaran ang susunod na mangyayari.
Bata Nagtitinda ng paputok? |
KAKA ALIH: Tama ka Noralyn, kung
iiwas siya sa mga bisyo tulad ng mga ipinagbabawal na gamot?·
At higit sa lahat, kung tutupad ang bawat
isa sa kanyang mga tungkulin? Kong ang bawat isa sa atin ay gagampanan
ang kanyang tungkulin sa kanyang kapuwa at higit sa lahat tungkulin sa kanyang
Poong Lumikha, at tuparin ang ipinag-uutos at ipagbawal ang
ipinagbabawal?.Tiyak kong kalulugdan tayo ng ating Poong Lumikha.
Ito po ang inyong Kapatid - Kaka Ali na
naghihikayat sa ating lahat “…matuto
tayong sumunod sa batas upang hindi tayo magkaproblema, para sa kaunlaran ng bayan,
disiplina at pagkakaisa ang kailangan”...
Sukran and Wassallam.
NORALYN: Maraming
salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan,.... mga kapatid matuto
tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran.
Bukas abangan ang isa
pang segment…dahil lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating
programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya ..
(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento