Chief Justice Renato Corona |
(May 30,
2012-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay
–buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na
“Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Nenita Minted)
NENITA: “Ang ulo ng balita nitong umaga ay:
“Guilty ang naging hatol ng Senate impeachment court kay Supreme Court (SC)
Chief Justice Renato Coronado Corona.
Bomoto ang 20 senator-judges na nagkasala ang
punong mahistrado sa ilalim ng Article 2 ng impeachment complaint o hindi
pagsasapubliko at hindi tamang deklarasyon sa statement of assets, liabilities
and net worth (SALN). At sa umagang ito ay lalo pang lilinawin ni Kaka Alih
ang mga usapin sa likod ng balitang ito…
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NENITA: Magandang umaga Kaka Alih,
KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na
Nenita, assallamu alaikum
warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating
Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim.
Kahapon araw ng ng Martes ay ibinaba na ang
hatol ng 23 senador ng bansang Pilipinas
sa impeachment court sa pamamagitan ng mga senador na nagsilbing hukom
sa kaso ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Ang tanong ng nakakaraming Pilipino ay sino ba
itong si Renato Corona?
Kapatid na nakikinig medyo bubuksan natin ang
aklat tungkol kay Renato Corona.
Si Chief Justice o CJ Corona ang ika-23
Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman (Supreme Court) ng Pilipinas ay nilitis ng Kapulungan ng mga
Kinatawan (House of Congress) noong
Disyembre 12, 2011. Siya ay “midnight
appointees” (katawagan sa pagtatalaga sa isang opisyal sa panahong malapit na
matapos ang panunungkulan ng opisyal na may kapangyarihang magtalaga rito) ni dating pangulong GMA.
May 188 kinatawan ang lumagda sa reklamong
impeachment laban kaya CJ Corona na
mahigit sa kinakailangang 95 boto o isang-katlo (⅓) ng lahat ng kagawad ng
Kapulungan na bumibilang sa 285.
Anong kaso ang inihaian sa sakanya?
Inakusahan si CJ Corona ng pagkakanulo sa pagtitiwala ng bayan,
tandisang paglabag sa konstitusyon, at pagnanakaw at katiwalian na ipinaloob sa
walong kaso.
Nagsimula ang paglilitis ng Punong Mahistrado
sa Senado noong Enero 16, 2012 at nagtapos kahapon Mayo 29, 2012 at nagkabotohan
sa article II ang 23 senador at 20 ang
bomoto na nagkasala si CJ Corona.
Ano ang nakapaloob sa article II na unang
pinagbotohan?
Hindi pagsasapubliko ng kanyang pahayag ng
ari-arian, pananagutan at aktuwal na kabuuang ari-arian, na kinakailangan sa
ilalim ng konstitusyon. At ang
paglabag dito ay ang pagkakanulo sa pagtitiwala ng taong bayan o hayagang paglabag sa batas ng Pilipinas.
Ang pangatlo o article III ay hindi na napagbotohan dahil
sa article II palamang ay guilty na ang
hatol kay CJ Corona.
Ano ang nakasaad naman sa article III?
“Kabiguang matamo at sumunod sa mahigpit na
pamantayan ng konstitusyon na nagsasaad na: "ang isang kagawad ng hukuman
ay kinakailangang nag-aangkin ng subok na kakayahan, kalinisang-budhi,
katapatan, at malayang pag-iisip" sa pagpapahintulot sa Korte Suprema na
gumawa ng hakbang bunsod lamang sa isang liham na isinumite ng isang abogado sa
kaso na nagdulot ng pabago-bagong desisyon sa mga kasong isinapinal at
isasakatuparan; pagpapanatili ng labis na kaugnayan kay Gng. Arroyo nang
maitalaga sa posisyon ang kanyang asawa, at pakikipag-usap sa mga nag-aasunto
hinggil sa mga kasong nakabinbin sa Korte Suprema.”
At ang paglabag dito ay ang pagkakanulo sa
pagtitiwala ng bayan o hayagang paglabag sa konstitusyon.
Ang pagpanig, ni CJ Corona pabor sa dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo at kanyang asawang si Jose Miguel Arroyo sa pagbibigay ng
kautusan ng pansamantalang pagpigil (TRO) upang bigyan ng pagkakataong
matakasan ang pag-uusig at tuluyang mapigilan ang pagpapatupad ng katarungan,
at sa pagbabaluktot sa desisyon ng Korte Suprema sa pagpapatupad ng TRO sa
harap ng kabiguang makasunod sa mga kondisyon ng sarili nitong TRO. At ang paglabag dito ay pagkakanulo sa
pagtitiwala ng bayan.
Ang lima pang inihain na kaso samababang
kapulungan ay hindi na itinuloy sa pagdinig, kaya ang tatlo lamang ang
pinag-usapan ng mga senador Judges,
dahil iniatras na ng persecution.
Ano ang mangyayari kay CJ Corona dahil nahatulan na guilty?
Maaalis lamang siya sa trabaho bilang punong
mahistrado o Chief Justice.
Mabibilanggo ba siya o magmumulta?
Hindi po.
Asahan na natin na kanya-kanyang
payabangan ang ilang grupo na pinaboran
ng hatol pero alam naman nating lahat na may halong pulitika ang naging
desisyon ng impeachment court at hindi maihahambing sa isang kasong kriminal na
nilitas sa isang pangkaraniwang korte.
Magandang tiyempo rin ang impeachment na ito
dahil may pagkakataon mismo ang taumbayan na makapagbigay din ng desisyon at ito
ay sa 2013 midterm elections kung saan ay maraming mga reeleksiyunistang
senador ang muling kakandidato.
Sabi n g ating friend sa facebook: “Dito ay
malalaman natin kung ano ang paghuhusga ng taumbayan sa isang senador kung ano
ang naging boto naman sa impeachment ni Corona, guilty or not guilty.
Samantala, sa pagbaba ng hatol ng mga senator judge ay makabubuting kalimutan
na ang isyu ng impeachment at sana, sa muling pagtuunan ng pansin ng mga
senador at kongresista at iba pang opisyal ng gobyerno ang tunay na problema ng
taumbayan at ito ay ang kahirapan at kagutuman sa bansa. Asahan na natin na bagamat hindi nila ito
aaminin ay mas uunahin ng ilan na mangampanya at matiyak na sila ay mananalo sa
kani-kanilang mga inaasintang posisyon sa gobyerno.”
Sa panig naman ng kampo na CJ Corona, ay
naiulat sa himpilan ng radio sa Maynila ang DZMM: “Tanggap ni Supreme Court (SC) Chief Justice
Renato Corona ang desisyon ng impeachment court na patalsikin siya sa pwesto.
Sa kanyang official statement, sinabi ng punong
mahistrado na bagama't ikinalulungkot niya ang hatol ng 20 senator-judges ay
susundin niya ang kautusan ng Senate impeachment court para sa ikabubuti ng
taumbayan at ikatatahimik ng kanyang pamilya.
Aniya, sa loob ng halos limang buwan ay buong
tapang niyang hinarap ang mga maling akusasyon laban sa kanya at kanyang
pamilya sa pag-asang makamit ang hustisya at ang kasarinlan ng Hudikatura.
Pero hindi aniya niya ito nakamit at sa halip
ay nangibabaw ang pagsasabwatan ng administrasyong Aquino at nanaig ang
masamang pulitika.
"Wala po akong sala. Wala pong
katotohanan ang mga bintang sa akin na nakapaloob sa Articles of Impeachment.
Malinis po ang konsyensiya ko. Ngunit isang malungkot na katotohanang pulitikal
na minsan ang tingin ng nakararami na nangyari, ay hindi naaayon sa tunay na
mga naganap."
Gayunpaman, gusto na aniya niyang matapos ang
isyu ng impeachment na matagal na ring gumagambala sa bansa.
Hinimok pa nito ang lahat ng opisyal ng
gobyerno maging ang publiko na tigilan na ang paninira at sa halip ay magkaisa
para sa ikabubuti ng bansa.
"Ihinto na po natin ang pulitika ng
personal na paninira. Supilin na po natin ang lason na dulot ng labis na
kampi-kampihan, labis na pagkakawatak-watak, at hindi mapigilang poot at galit.
Hindi po ito ang nararapat para sa ating bayan."
Nagpasalamat din ang punong mahistrado sa
lahat ng sumuporta sa kanya at kina Senator-judges Miriam Santiago, Bongbong
Marcos at Joker Arroyo na bumoto para i-acquit siya.
Sa huli, ipinaubaya na ni Corona sa Maykapal
at sa taumbayan na aniya'y mas makapangyarihan sa demokrasya ang kanyang
kahahantungan at ang kinabukasan ng Hudikatura sa bansa.”
Mga kapatid na nakikinig, ang nangyari ay
isang aral sa lahat ng Pilipino na ang batas ay pantay-pantay, maging
sinuman ay batas ay batas na
dapat mapairal, walang racial discrimination, mahirap o mayaman, ay
pantay pantay ang tao sa mata ng batas kaya tinawag itong may piring ang katarungan.
Ito po ang
inyong kapatid Kaka Alih, Sukran Wassallam.
Note: ang
article na ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated May 30, 2012)
at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti naming ipost muli sa bago
nating blog: DXUP Teleradyo..(from
admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento