Martes, Hulyo 2, 2013

Kangkong, Ang Gulay ng Magsasaka

(July 1, 2013-LUNES-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang regular host ay si Ms. Lucy Duce)

Ang kangkong, dahon at bulaklak
LUCY: Since noong June 26 ay medyo  medyo may konting pagbabago sa ating segment na Agri update,   dahil bago ang segment reporter   natin,   si Kaka Ali ang ating  Patrol 1,  pansamantala po siyang humahalili sa regular na assigned patrol reporter na    si Noralyn, dahil nasa field, buweno  heto na ang ating segment na…

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga Good morning Kaka, ano ang inyong ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Lunes?

ALIH: Good morning Lucy, sa mga kapatid na magasaka, magandang umaga, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam at mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh. 

Mga Kapatid,.. Kasamang Lucy, ilang araw na lamang  ay fasting o puwasa na, papasok na ang Ramadan more or less ay sa  July 8 or 9.

LUCY: Ay tama pala Kaka Alih, malapit na ang Ramadan at muli naman kayong magpuwasa ng mga Kapatid na nanampalataya sa Islam, advance happy Ramadan.

ALIH: Sukran , salamat Lucy, ang tanong mo kanina ayano ang aking  ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Biyernes?  Ok  simple lang naman, hindi muna natin babaguhin ng bigla ang nakaugalian natin, kundi dadagdagan lang natin ang kanilang kaalaman.

Ang ibabahagi ko ngayon sa ating madlang nakikinig ay ang Pagtatanim at Pangangalaga ng mga gulay.

At dahil Lunes ang paborito ng mga magsaasaka na gulay ang pag-uusapan natin, ang kangkong. (LAUGHING).

Hey hey my friend huwag pagtawanan ang kangkong, di mo ba alam na wala pang magsasaka na hindi nag-gugulay ng kangkong? Ikaw Nancy nag-gugulay din kayo ng kangkong?

LUCY: Of course naman  Kaka Alih, the favorite, at kaganda ng kangkong a madali pang lutuin at available palagi ang supply nito, ..

ALIH: Kitam, oh di makinig my friend , para magets mo.. (LAUGHING).

Ano mang gulay,  na maging dahon, bunga o laman na  ginugulay natin at ito ay proven na maganda sa ating kalusugan.

Kaya naman napili ko tong mahalagang usapin.  Ang kangkong.

Sabagay sa pangkalahatan, mataba ang lupa dito sa atin sa Upi, kaya asahan mo halos  lahat ng mga itinatanim natin ay nabubuhay, lumalago at naaani ang mga bunga, dahon at ugat. marami ang maytubig o may basakan o medyo basakan, kong saan paborito ng kangkong, na tumubo.  Ang kangkong kong minsan kua ng tumutubo, kahit hindi mo itinanim, subalit Kapatid, hindi ito nangangahulugan na hahayaan na lang tumubo at lumaki   ang mga halaman, dahil tumutubo din naman.

Marami-rami ang kailangang gawin at pagdaanan para itanim, alagaan at palakihin ng tama ang mga halamang-gulay. Hindi pwedeng laru-laro lang ang gawaing ito o gagawin lang kung kailan maisipan o maibigan ng isang tao. Pag naumpisahan na, kailangang tuluy-tuloy ang pagtatanim at hindi dapat pabayaan ang mga halaman. Ang kapalit ng pagtitiyaga at pagsisikap na bungkalin ang lupa at palaguin ang mga tanim ay ang katiyakang sa bandang dulo, ang nagtanim ay mayroong malulusog na dahon, bunga at ugat na aanihin.

Ang kangkong ay isang halamang nabubuhay sa lupa at matubig na lugar at ginagamit bilang madahong gulay.

Ang karaniwang-ngalan nito sa wikang Ingles ang water spinach, swamp cabbage, water convolvulus, water morning-glory. Iba pang karaniwang pangalan   kangkung (wikang Malay-at Indonesia), tangkong (wikang Cebuano), kang kung (wikang Sinhales), trawkoon (wikang Khmer), pak boong (wikang Thai:ผักบุ้ง), rau muống (wikang Biyetnames), kongxincai (wikang Intsik: o kōngxīncài na may kahulugang "gulay na walang laman ang puso"),

Nabubuhay ang kangkong sa tubig o basang lupa. Para sa hindi nakakakilala o nakakita  ng kangkong. Ang Kangkong ay may 2-3 mga metro o mahigit na haba ang katawan nitong walang laman, na nagiging dahilan ng paglutang, at nag-uugat ito sa mga singit-ugpungan.   Ang mga dahon nito ay may habang 5-15 sentimetro at luwang na 2-8 sentimetro. May hugis trompeta ang mga bulaklak na may diyametrong 3-5 mga sentimetro, at karaniwang puti ang kulay.

May mga "experiment" (sinubukan baga)  sa Amerika, na inilagay lang sa palanggana na may tubig, nilagyan lang ng organic fertilizer, nilagay  ang mga  bundle ng kangkong at tumubo ay napapakinabangan nakakagulay na siya. 

Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, napakayaman ng kangkong sa Vitamin A. Ang iba pang sangkap ng kangkong ay sodium, phosphorus, calcium, ascorbic acid at meron ding halong protein, fats and carbohydrates. Ang kangkong na dati ay pagkain lamang sa mahihirap ay inihain na rin sa mga restawran at mga 5-star hotels.

Sa maniwala kayo o hindi tatlong beses na akong nakapunta sa Indonesia at Malaysia, kahit na sa Thailand,  sa mga star hotel nila ay may kangkong at kong minsan ito pa ang pinaka-attraction nilang menu.

“Sitenta porsyento (70%) ng bitamina’t mineral ay nawawala kapag nainitan o niluto ang gulay. Trenta porsyento (30%) lamang ang natitira dito at napapakinabangan ng ating katawan. Mas mabuti pa ring kainin ng hilaw ang gulay,” payo ni dating Health Secretary at Integrative Medicine advocate Dr. Jaime Galvez-Tan.

Narito ang 5 pangunahing gulay sa mga Pinoy na talaga namang siksik sa nutrisyon!

Halos araw-araw kapiling natin ang gulay sa ating mga lutuin sa kusina itong lima . Alam nating maganda ang mga ito sa ating kalusugan para makaiwas sa sakit.  

1-Kangkong

·        Mataas ang S-methyl Methionine na ginagamit sa sakit sa sikmura at tiyan
·        Mayaman sa Vitamin A para sa malinaw na paningin at makinis na balat; at sagana rin sa Iron para sa anemia
·        Mainam laban sa altapresyon

2-Talbos ng Kamote

·        Tumutulong mapatay o mapigilan ang pagdami ng fungi at bacteria
·        Pinahuhupa ang namamagang balat o bahagi ng ilong, bibig at alamunan
·        Mayaman sa calories, Vitamin A at iron
·        May calcium at phosphorus
·        Tanging gulay na may iodine
·        Nagpapababa ng blood sugar at cholesterol
·        Nagsasaayos ng normal na pagdumi
·        Aphrodisiac (pampagana sa sex)

3-Dahon ng Sili

·        Mayaman sa calcium at iron
·        May phosphorus, Vitamin A at B
·        Nagpapalakas ng resistensya
·        Panlaban sa sobrang pagod
·        Aphrodisiac (pampagana sa sex)
·        Nagpapaganda ng panunaw
·        Naglilinis ng dugo at daloy nito
·        Panlaban sa rayuma
·        Nagpapababa ng blood pressure, blood sugar at cholesterol
Nagpapaginhawa ng pananakit ng sikmura, arthritis, varicose veins at puson
Nagpapaginhawa ng paghinga (asthma, ubo at sipon)

4-Malunggay

·        Itinuturing na miracle vegetable
·        Nagpapaganda ng panunaw
·        Ginagamit na panlinis sa sugat
·        Tumutulong maibsan ang pananakit ng tainga at sakit ng ulo
·        Mayaman sa Vitamin A at B
·        Mayaman sa minerals (calcium at iron) at protina
·        Nakakatulong sa mga nagpapasusong ina
·        May phytochemical niaziminin na pumipigil sa pagdami ng cancer cells
·        Siksik sa antioxidant

5-Saluyot

·        Mayaman sa
·        Beta-carotene para sa malinaw na paningin
·        Iron para sa malusog na red blood cells
·        Calcium para sa matibay na buto at ngipin
·        Vitamin C para sa makinis na balat at maayos na daloy ng dugo
·        Pampalakas ng resistensya
·        Nagpapabilis sa paggaling ng sugat
·        Kung gusto n’yong makuha nang 100% ang bitamina’t mineral mula sa mga gulay na ito, kainin ito ng hilaw. Maging malikhain sa paghahanda. Maaaring gumawa ng salad. Bisitahin ang link na ito para sa recipe!

Ang kangkong ay pwedeng gulayin ng hilaw o fresh o luto.
Ingredients
* 1 bundle of kangkong
* 1 egg (beaten)
* 1 cup cold water
* 1/2 teaspoon salt (asin)
* 1/4 teaspoon pepper (paminta)
* 1 1/2 cup cornstarch
* 1/2 cup all-purpose flour
* cooking oil

Directions
1. Remove the kangkong leaves. Wash in water and dry.
2. Mix the egg, water, cornstarch, flour, salt and pepper in a bowl.
3. Add the kangkong leaves and mix until all the leaves are coated with the batter.
4. Heat cooking oil in a pan. Fry the leaves until crispy and golden brown.
5. Strain the cooked pieces for excess oil.

ADOBONG KANGKONG
Sangkap:
1 tasang suka
4 ulo ng bawang, dinikdik
1 kutsarang pamintang durog
1 kilong kangkong
1 katamtamang sibuyas, hiniwa
3 kutsara tuyo
1 tasa panahog na baboy, hiniwa
1 tasang tubig
asin

Paraan ng pagluto:

1. Hugasan at patuluin ang kangkong.
2. Igisa ang bawang, sibuyas, paminta at panahog
na baboy hanggang pumula.
3. Dagdagan ng tubig at pakuluan hanggang lumambot
ang panahog.
4. Idagdag ang kangkong at toyo. Ihalo ang suka kapag luto na ang kangkong.

Madaling itanim ang  kangkong ang katawan nito ang itinatanim, para ding kamote na talbos ay pwedeng itanim.  dahil ang ginagamit na ulam dito ay ang dahon at talbos, pag pinutulan o prone mo itong lalo9ng dumarami ang sanga at dahon.. kaya na more na mag-gulay ka arw-araw the more na magdammi ang mahaharvest mo...

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagksasaka..

(PLAY EXTRO)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento