Part of the Romagonrong Fall in Barangay Nangi. |
(July 31, 2013-Miyerkules
Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00
A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host – Ms. Lucy Duce)
LUCY: Alam natin, na sadyang mahalaga ang tubig sa
buhay ng tao, ganoon din ang punong
kahoy, kaya naman sa ating segment na
gabay at talakayang pampamilya ay bibigyan buhay ni Kaka Ali ang mga biyaya na
ito ng Diyos sa tao, kaya heto ang tatalakayin niya sa ating segment ay Tubig at Punong Kahoy.
(PLAY
INTRO)
LUCY: Magandang umaga, Kaka Ali.
KAKA
ALIH: Magandang
umaga naman Lucy at Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam.
Alam natin lahat
na mahalaga ang tubig sa buhay ng tao, ang
iba nga lamang diyan ay di nila binibigyan halaga, o talagang wala silang
pakia-alam.
LUCY: Siya namang tunay Kaka Alih, sang-ayon ako sa
inyo, na pag nawala ang tubig, tiyak uhaw ang aabutin natin, at ang mga tanim
ay malalanta at baka tuluyang mawalan ng buhay.
KAKA
ALIH: Tama ka
diyan, Lucy, di lang tao at tanim, pati hayop
at sa iba pang nilalang ng Diyos, tiyak mamatay dahil kailangan ng ating
katawan ang tubig. Hindi tayo
mabubuhay ng walang tubig.
Maitanong mo kaibigan,
gaano karami ang tubig sa mundo?
Ayon sa pag-aaral, ang
mundong ating sinilangan ay may kabuuan
na 97% na karagatan (tubig dagat), 2%
ang naging yelo sa North at South poles 1% ilog tabang, mga lawa, mga natatagong balon at bukal.
LUCY: Sa katawan ng tao, Kaka Alih? Gaano
naman karami ang tubig?
KAKA
ALIH: Sa katawan
naman ng tao, gaano karami ang tubig?, ang
tubig natin sa katawan ay 70%, na bahagi
ng katawan ng tao ay tubig. Sabi
nga nila matitiis mong magutom ng isang
linggo, ngunit kapag nawala ang tubig tiyak
maghihiwalay ang iyong kaluluwa at mortal mong katawan therefore patay ka. (LAUGHING)
Nilikha ng Diyos ang
tubig para sa tao at kanyang mga nilikha. Ngunit ang masaklap nito ay walang nakakaalam
kung saan nang-gagaling ang tubig. Ang
alam natin ito’y paikot-ikot lang sa
mundong ito. Ito’y pumapatak na ulan sa
lupa, pagkatapos ay muling nagbabalik sa kalawakan sa paghigop ng init ng araw
at sa pamamagitan ng mga halaman.
Alam mo Lucy, noong unang panahon, di ko naabutan,
nabasa ko lang ha, tao ang lumalapit sa tubig, dahil sa kakulangan ng teknolohiya, di kasi alam ng tao ang paraan
papaano lumapit ang tubig sa tao.
Subalit dahil ang tao
ay binigyan ng Diyos ng talino, di tulad ng ibang nilalang tulad ng hayop kaya
naman dapat nating pasalamatan araw-araw
sa Poong Lumikhaang tanlinongito na pinagkaloob sa iyo.
Ok balikan natin ang
tubig, di nagtagal ay natuto ang tao na humukay
ng balon para mapalapit sa kanya ang tubig.
At iyan kapatid na nakikinig ang
kauna-unahang “water system” hanggang sa ngayon ay ginagamit pa rin ang mga balon bilang source ng tubig
inumin, kaya lang konting ingat,
kailangan may takip ang mga balon.
At dahil nga sadyang
may angking talino ang tao na binigay ng Allah, hindi nagtagal ay muling
nakatuklas ng ibang teknolohiya ang angkan ni Adam at Eba, sa mga pook na may bukal o ilog, natuklasan
ng tao na maaari palang mapaagos sa mga tahanan ang tubig sa pamamagitan ng
kawayan, at nitong kalaunan ay
nadiskubre na pwede din sa tubo na bakal
at ngayon ay nadiskubre naman ay itong
Polyvinyl chloride o lalong kilala sa
PVC o ang matigas na plastic .
Sa ngayon iba’t-iba ang
pinang-gagalingan ng tubig. May umaagos
mula sa bundok. May siyudad naman na mula
sa ilog at lawa umaasa. Ang iba ay nagbabaon ng tubo sa ilalim ng lupa hanggang sa bukal ng tubig o yaong tinatawag
na deep well.
May nabasa ako na noong
unang panahon, ang tubig ay pinakukulo at sinasala, upang ito’y luminaw at
maging masarap inumin gaya sa India, may 4,000 taon na ang nakakaraan.
Sa Ehipto noong araw,
sa ilog Nilo o Nile river sila sumasalok ng inumin at ito’y tinitinggal
nila sa malalaking tapayan. Pagkatapos
na tumining ang buhangin at putik ang tubig ay saka pwedeng inumin.
Sa Gresya ay ganoon
din…pinakukulo at sinasala ang tubig.
Iyon ang turo sa kanila ni Hipocrates, ang Ama ng mga Manggagamot.
Kaya kapatid
magpasalamat tayo sa Diyos, dahil sa
bayan ng Upi safe ang tubig inumin kahit hindi
na pakuluan o itinggal gaya sa Egypt.
Taong 1850 natuklasan
ng mga dalubhasa, na ang tubig ay
maaaring magdala ng sakit, kaya sinasala nila itong mabuti bago gamitin. Ang mikrobyo at iba pang karumihan ay
naibubukod sa paraang ito. Pero ang mga
mikrobyo gaya ng tipos ay napakaliit para masala at ang iba naman ay sa loob
mismo ng mga tubo dumadami.
At dahil nga sadyang
may angking talino ang tao, na bigay ng Diyos,
natuklasan nito na ang klorina (chlorine)
ay mabisang pamatay-mikrobyo, na kinikilala ngayon sa buong mundo
na pamuksa sa peste na ito. Kaya’t halos lahat ng malaking siyudad ay
nagkoklorina na ng tubig-inumin, kaya kong minsan mapansin natin sa ating
supply ng tubig sa gripo, na pumuputi at medyo nag-iiba ang lasa.
Maraming teknilohiya
ang nadiskubre ng tao, tulad halimbawa na ang tubig sa ilog, ay pinaaagos sa mga daluyang may
sala, nang di pasukin ng isda at iba pang naaanod na bagay. Kong nasa tangke na
ito ay hinahaluan naman ng mga sangkap
na gamot upang tumining ang dumi. Kong
minsan may mga gamot (chemical) ang inihahalo dito para sumarap ang lasa,
maging sariwa ang tubig at mapawi ang kulay at masamang amoy.
Ang iba naman ang “ginamot” (treated) na tubig ay pinaaagos sa
sadyang tinggalan (maaring tangke o semento na doon iniimbak ang tubig) at dito pinatitining ang iba pang mabibigat
at naglutang na dumi pagkatapos nito pinararaan pa uli at sinasala ang tubig sa
mga sapin-saping karbong antrasito o buhangin at graba na may iba-ibang laki
para maibukod ang mas pinong karumihan.
Sa ngayon ang mga
dalubhasa ay maingat na sinusuri ang kalagayan ng tubig upang maging ligtas na
inumin ng tao. Nagbubukod sila ng mga
“sample” na sinusuri naman sa laboratory.
Sa mga siyudad o
poblacion na tulad natin, ay bumubuo sila ng
“waterworks system” (samahan na siyang mamahala sa tubig) na siyang
namamahala sa tubig na dumadaloy mula sa pinang-gagalingan patungo sa mga
bahay. Pananagutan at tungkulin ng
samahan na ito na magkaroon ng
malinis at sapat na tubig na maaasahang lagi ng isang bayan. Wala silang layunin kundi mabigyan ng 24 oras na daloy ng tubig at
pangangalaga sa planta at mga kasangkapan noon.
Sa bayan ng Upi ay
mapalad tayo, dahil mayroon tayong
mapagkunan ng tubig, ang Romagonrong Falls, at sa kasalukuyan ay may proyekto
ang bayan natin na pinadadaloy o pinaagas mula Romagonrong hanggang dito sa
Barangay Nuro, upang sa gayon may mainom tayong mga tao of course kasama na
siyan ang mga hayop. Kaya katungkulan ng bawat mamayan ang pagpapabuti at
pangangalaga ng ating “water system” na itinayo o binuo natin, upang matustusan
ang dumaraming mamamayan at ang kanilang pangangailangan sa tubig na inumin.
LUCY: Kaka Alih, papaano pangalagaan ang tubig?
KAKA
ALIH: Tulad ng nasabi natin Dahil sadyang mahalaga ang tubig sa kalinisan ng
kapaligiran, sa kalusugan ng mga mamamayan at kaligtasan ng bayan.
Ganoon din sa pagpatay
ng sunog. Paano kung walang dumadaloy na
tubig sa gripo o di sapat na tubig? Di lang libo kundi milyon-milyong piso
ari-arian ang magiging abo. Bukod pa ang
buhay ng tao.
Kaya alagaan natin ang
pinanggalingan ng ating tubig. Ang isa sa nagpapanatili sa tubig sa ating
kabundukan ay ang mga punong kayong, lalo na yaong malalaking punong kahoy.
Kaya naman ang ating
LGU Upi, ay may mga programa sa pangangalaga ng ating kapaligiran. Isa sa
components o bahagi nito ay pagtatanim at pangangalaga ng mga punong kahoy sa
ating mga watershed area. Halimbawa ng water shed area sa Upi ang nasa Barangay
Nangi, sa Romagonrong Falls na ang area ay sakop ng Barangay Nangi at Ganasi sa
Upi, kasama na dito ang ilang bahagi ng South Upi tulad ng Barangay Looy at
Lamud.
Ang lahat ng mga
mamamayan ay hinihikayat na pangalagaan ang mga punong kahoy na ito, higit lalo
ang mga nasasakop ng mga water shed area na ito. Hindi tayo dapat magputol ng
mga puno dito, ang nararapat pa nga ay magtanim tayo dito ng puno.
Pangalagaan ang
kapaligiran, dahil ito ay pangangalaga din sa susunod na salin lahi.
Sukran, ito po ang inyong Kapatid na Bangsa Moro ..
Kaka Alih .. Wassallam
LUCY: Maraming Salamat Kaka Alih, sa kumpletong
rekado na yan, na pangangalaga sa ating kaliksan, mga kapatid
bukas muling abangan si Kaka Ali sa ating segment na gabay at talakayang
pampamilya, at tinitiyak ko sa inyo na
maeenjoy kayo, at maraming mapupulot na aral..
(PLAY-EXTRO-
Gabay at Talakayang Pampamilya)