Okra, in Bangsamoro Iranun some called it as Likway |
(July
13, 2013-Sabado-Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang
Host
ay si Ms. Lucy Duce)
LUCY: Mura at masustansiyang pagkain pa
rin ang ibabahagi ni Kaka Alih.. Okra ang na
“Gulay na Pampatalino”, at gulay
na pampalusog at pampalakas din , kaya kapatid join us at sinisigorado kong
muli sa iyo na di ka malulugi sa oras mo
sa pakikinig, certified seeds yan, si Kaka Ali,
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga Good morning Kaka.
How are you today?
ALIH: Hahahaha..
Good morning Lucy, magandang umaga sa mga
kapatid na magsasaka, mag-uuma, sa manga tali-awid, at sa mga kapatid na nanampalataya
sa Islam, ang mga kapatid na Muslim, asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.
Nasa pang-apat na araw na tayo ng Ramadan..kaya ang aking
pagpugay ng Happy Ramadan sa Lahat.
ALIH: Maraming
salamat Kapatid na Lucy. May tanong si Doc Willie Ong: “Gusto mo bang maging malusog
at masigla?”
Ikaw Lucy gusto mong
maging malusog at masigla?
LUCY: Of course naman Kaka, papaano ba maging
malusog at masigla?
ALIH: Si Doc
Willie ang sasagot sa iyo Lucy: “Simple
lang ang solusyon. Kumain ng 2 tasang prutas at 2 tasang gulay bawat araw.”
At para magkaroon ng
gulay na fresh, at sigorado kang ligtas sa mapanganib na chemicals, syempre
dapat magtanim ka, kaya heto magbibigay tayo ng mga “pointers” o kaalaman sa pagtatanim
ng Okra..(LAUGHING)
Okra, please wag
pagtawanan ang gulay na okra, di moba alam na bukod sa masustansiyang gulay ito ay gamut din?
Ayon kay Doc Willie Ong
mabisang panlaban sa constipation o matigas ang pag-dumi, ang panlaban ditto ay
ang Okra, yes bilang gulay ay kakaiba ang epekto ng okra para
mapalambot ang dumi. Ang okra ay may malapot na likido na nagpapadulas sa
pagdaan ng dumi. Ang balat ng okra ay mataas sa fiber na nagbibigay ng anyo (o
porma) sa dumi. Dahil dito, mas bibilis ang paggalaw ng dumi. Piliin lamang ang
okra na wala pang 4 na pulgada (4 inches) para malambot pa ito kainin.
Ang okra ay isang uri ng
halamang gulay, na itinuturing na isang
brain food o pagkaing pang-utak sapagkat
mayaman ito sa posporo, kapatid hindi ito ang posporong pansindi, o
pangtoothpick (LAUGHING) Maaaring gawing adobo ang okra.
Ang okra ay taunang
pananim na maitatanim sa maraming uring lupa at klima, tulad ng lupa at klima
natin sa Upi.
Ang okra ay pwedeng ilaga o ihawin at lagyan ng suka at bawang, at
inilalahok ito sa ibat-ibang lutuin na may karne at isda.
Ang mga variety ng okra,
ay may tinatawag na Lady Finger, Long
Green, Long Ribbed, White Velvet, at ang mga uring inported o banyaga ay ang
tinatawag nilang Clemson, Spineless,
Emerald, Levadian at Perkin Dwarf. Pero
para sa akin basta okra kahit anong klaseng variety ok nay an, gulay parin yan
na okra (LAUGHING)
Ang katawang okra, ay
common na ginagamit sa Amerika.
Mga health benefits ng
Okra.
Ang Okra ay maganda sa kalusugan dahil sa
taglay nitong fiver, vitamin C at K. Ang Okra ay kilala din bilang
antioxidants, mayaman din ito sa calcium at potassium, na kinakailangan n g
ating katawang lupa.. Sagot sa depression ang okra. Gamot sa pamamaga ng baga, sore throat, at
irritable bowel syndrome. Pampaganda ng kutis at pwedeng maiwasan ang pimples.
Tulad ng nabanggit na natin,
ang okra ay tumutubo sa anumang uri ng lupa, subalit mahusay ang buhaghag at
buhanginin o lagkitin at sa kababaan.
Ok magtanim na tayo,
tulad ng nakaugalian, ihandang mabuti ang bukid na pagtatamnan. Sa malaparan na
pagtatanim, isang ektarya, kailangan mo ng seeds o buto na 5 kilo, araruhin at suyurin ang lupa nang dalawa o
tatlong ulit.
Tuwiran o direct ang
pagtatanim ng okra, katulad sa mais. Sa
pagtatanim na ay ihulog ang mga buto sa maliliit na butas sa mga tudling na 70
sentimetro hanggang isang metrong pagitan.
Itanim ang binhi sa mga
tundos na 50 sentimetro ang agwat sa mga tudling na 80 sentimetrong pagitan.
Huwag kaalimutan ang pagdadamo o paglilinis
ditto, kong kinakailangan dahil tuyo na ang lupa ay diligan din ang tanim na
okra.
Ang pag-gulay sa okra ay
yaong bata pa, huwag mong pagulangin dahil makunat na yan.
Ang mapaminsalang
kulisap sa okra ay ang kuto ng halaman, ngusongkabayo, “flea beetles”, at mga
uod (corn earworm at cutworm).
Ang pangkaraniwang sakit
ng okra ay mosaiko (mosaic) at “root
knot nematode”. Ito’y masusugpo kung
mapangalagaan ang pananim sa pamamagitan
ng pag-alis ng mga may sakit na tanim at pagpuksa sa mag kuto sa halaman na
nagdadala ng sakit na ito.
Para sa karagdagang
kaalaman makipag-unayan sa opisina ng DA,
Sukran si Kaka Alih po to
wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh..
LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito
ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa
makabago at epektibong pagsasaka..
(PLAY EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento