(July 22, 2013-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa
programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at
Talakayang Pampamilya”. Host –Ms Lucy Duce)
Host/Lucy: Tayong
mga taga Upi, maging Teduray, Kasila o R’nawon ay nagsisikap kong papaano patuloy
na uunlad ang bayang Upi. Ang tanong ay maituturing na bang maunlad na ang ating bayan?
(PLAY INTRO-GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
Host/Lucy: Magandang umaga Kaka Alih.
Mayor Ramon Piang Sr, sa programang Paeng Mon (every Wed, 3:00-4:00 pm) nag-uulat sa bayan at sinasagot ang mga tanong ng mamamayan... |
Kaka Alih: “Magandang umaga din Nenita, at Assallamu Alaiuukum Warahmataullahi Wabarkatuh, sa mga
kapatid na Nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim.
Ayon kay kasamang Lucy, tayong mga taga Upi, maging Teduray, Kasila o
R’nawon ay nagsisikap kong papaano patuloy na uunlad ang bayang Upi. Ang tanong
niya ay
maituturing na bang maunlad ang
ating bayan? Lets try to answer that, kay hoy, hoy , kaibigan pause muna ninyo ang tsismis, aba’y maaga pa ah.. sama-sama muna tayo.. (PLAY LAUGHING)
Lucy, ganito ko sasagutin ang tanong mo:
Heto ang madalas marinig na daing ni
Tapulano: “Dapat ang goberno hindi
mangurakot”.
May tanong din ako Lucy. Ang
bansang Pilipinas ba ay
maituturing na bang maunlad? But marami na akong narinig at nabasa na
sagot: “ Hindi pa!”
LGU Upi heavy equipment habang ginagawa ang nasirang culvert, sa may extension ng Quezon Street, sa Nuro =, Upi, Maguindanao |
Kong ganoon ay ang tanong ko ulit ay “Bakit?”
Bakit, bakit, bakit hanggang ngayon ay
hindi pa rin tayo umuunlad? Abay eh
naiwanan na tayo ng kapit-bansa natin, tulad ng Vietnam at Malaysia. Remember tayo pa baya ang naunang nagsarili o independence sa mga bansang ito.
Tanong ko ulit, bakit nauna pa sila sa
larangan ng kaunlaran? bakit kaya?, ikaw kaibigan papaano ba uunlad ang ating bayan o ang ating
bansa?
“Dahil yan sa goberno”, sigaw ni Tapulano. Hoy kaiibigan sino pala ang goberno? Hindi ba tayong mamayan ? Hindi ba ang goberno natin ay tinatawag na demokrasiya?
Alam mo ba ang kahulugan ng salitang democracy?
Ok wag mo ng sagutin ako na. Ang democracy ay
…. “Ang demokrasya ay ang pamamahala ng mga tao o ang ibig sabihin ay mula sa
Griyego na demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o
"pamamahala")..”
Aminin natin na sangkatutak na nga talaga ang
problema ng ating bansang Pilipinas. Kaya naman
ang tanong, “may pag-asa pa ba tayo?”
Ikaw may sagot ka ba s a tanong o talagang
wala kang alam, kaibigan.. kong wala ....makinig…mamayang hapon ay SONA ni makinig ka doon, live
yan mamaysa sa DXUP, baka may sagot sa mga tanong natin, anong malay mo…(PLAY LAUGHING)
Ok my sona, este my paunang sagot, baka
masagot ang tanong.
Ako Lucy ang sagot ko, ang sagot ko ay Yes!!! Yes may pag-asa tayong umunlad. Ikaw
Lucy?
Host/Lucy: I second the motion kaka, yes na yes din…
Kaka Alih: O kitam, second the motion
si Lucy, kaya approved. (PLAY LAUGHING).
Alam mo naman tayo, positive palagi,
dapat kasi huwag tayong mawalan ng
pag-asa.
Dapat na tayong humulagpos o makawala sa
tanikala, sa ating mental kolonisasyon…na ipinama ng mga naging “colonizers” natin o
mga mananakop na dayuhan at kapuwa Pilipino na rin, na ang pinamulat sa atin ay sila
ang magaling at tayo ay mga “Segunda Mano” lamang na mga mamamayan.
Upi Sangguniang ang gumagawa ng mga batas (ordinansa at resolution) na pinatutupad naman ng Executive Dept. |
“Kaka Ali, sana maliban sa mga negatibong obserbasyon, magbigay
din tayo ng mga positibo,” Payo ng isang retiradong guro.
Ang tanong Maam papaano nga ba?, please give
me an example o halimbawa.
Heto ang Halimbawa: “… alam
ninyo.. (hindi ko pa alam, tuloy mo) likas sa atin (sino? Mga Pilipino of
course) ang pagkakaroon ng close family ties”,
tugon pa rin ng isang retiradong guro. “Diba
sa ibang mauunlad na bansa, kadalasan pinapaubaya na lang sa mga caregivers ang
pag-aalaga sa mga matatanda.”
Yes, umaasa palagi sa tatay na bilang “bread
earner” may mga pamilya pa rin na umaasa palagi sa magulang, kahit di pamilya
na sila.. tama na Ting… Adi, noong nag-aaral ka pa, it ok na si tatay at nana
yang bumubuhay sa iyo, pero ngayong damulag ka na, matuto kang manginain na rin
ng damo.. este maghanapbuhay..
Ito ang isa pang positibong sagot: “...unahin and edukasyon ng ating mga mamamayan”
advise ni Ustadz Ali Abdulatip isang
Ustadz o guro sa Arabic school sa Upi.
Tama si Ustadz Ali, marami sa ating mga
mamamayan ang hindi alam ang mga proseso sa gobyerno, marami rin ang hindi alam
ang pinag-kaiba ng Senado sa Congreso, kahit ako hindi ko din alam noon ang tunay na
struktura ng gobyerno natin. Democracy
raw tayo, pero anung klase? Free Capital, pero may kulang, di ba minsan kailangan
din natin ng political science?
“…dapat highschool palang ituro na ang economics, politics at sistemang goberno na dapat pairalin”. tugon ng isang educators
na nainterview natin.,
Yes,
marami sa ating mga kabayan ang hindi na uma aabot na makapasok sa
Unibersidad o college.. dito sa bayan ng Upi, mapalad ka na kong
makatungtong ka sa high school.
Dapat alam natin paano pinalalakad ng mga opisyal ng goberno
ang bansa at kung bakit ginagawa ang mga "bill and policy", at ang
mga ordinansa, sa totoo lang kahit
ako.... natutohan ko lang ang mga term na ito, ng nasa media na ako.
Ayon sa isang nakasama natin sa seminar
workshop: “ang kulang lang satin ay
pagmamahal sa sariling bayan, ang tao natin laging pinagbibintangan ang goberno
ng negatib, pero kelangan din natin kumilos hindi lamang ang gobyerno, sabi nga
… demokrasiya tayo, kaya may kapangyarihan ang boses natin (tulad sa EDSA I and
II), pero kelangan din natin alamin ang limitasyon ng kakayahan na ito, hindi
lahat ay gagawin ng gobyerno,o hindi lahat gagawin ng mamamayan, alalahanin ang
Pilipinas ay isang pamilya.”
“Dapat Kaka Ali, matuto tayong
sumunod sa batas papaano kasi kahit simpleng batas lamang, tulad ng
traffic rules di sinusunod ng mamayan.”ito ang minsan naidaing sa
atin noon ng isa sa dating babaeng
Sanggunian Bayan ng Upi, si Maam Neneng Castro.
Kaibigan, kailangan seryosohin na natin ang
sinasabi nating pag-unlad, dapat lahat tayo ay
kikilos, kung ang gobyerno man ay walang ginagawa, at least tayo
kumilos, kung mapaganda natin ang paligid o ambiance sa Pilipinas pwedeng tumaas ang tourism
natin.
Alam nyo napansin ko kasi dito sa Pinas,
Filipinas, Pilipinas o Philippines … ang ibang Pilipino lakas manglait sa kapuwa Pinoy, napansin
ninyo?
Ang problema
natin ay hindi natin tinitingnan ang mga mabuting gawain ng gobyerno,
ang hinahanap lagi ng mga reporter o
media, of course hindi kasama ang DXUP FM ha? Ang hinahanap nila ay yaong mga palpak na
nagagawa o basurang ginagawa ng ating
mga lider, kung may ipakita naman na maganda, ang sinasabi natin ay
"ngayon lang yan", o di kaya "hindi yan totoo" “ginagawa
lang iyan dahil malapit ng eleksyon”.
Kaibigan, kailangan itaas rin natin ang morale ng ating
mga kababayan, ng mga leader. Kailangan
rin mahalin natin ang ating sariling kultura, mayroon pa rin sa ating mga
mamayan na hindi nila kilala ang kanilang sariling kultura at kaugalian, kong
minsan pa ikinahihiya pa nila na sila ay nabibilang sa kanilang tribu.
“Madali lang Kaka, teach
Pinoys how to plant malungay para
hindi na sila manghingi.. bigyan sila ng talbos ng kamote para makatanim at din
a manghingi sa kapitbahay.. bigyan ng buto ng kamatis, para di nabumili sa
palengke.” Dagdag ng kaibigan guro.
“Regaluhan ng tandang at inahin na manok na walang bird
flu para paramihin at sigoradohing hindi gawing pulutan or pang ulam ang inahin
para dumami pa”. biro ni Maestro, nakaugalian kong tawag sa
kaibigang guro.
“… use condom or magpa vasectomy.. para hindi
masyadong maraming palamunin.” Paliwanag ng health
worker, na ayaw ipabanggit ang pangalan.
Ayon naman sa isang manunulat sa blog: (baka si Kaka Ali na yan) “Disiplina
ang kailangan” Ang tanong papaano mo
ipapatupad ang disiplina?
Para kay Marvin: “Magiging maulnalad ang pamayanan pag ang mga tao ay reklihiyoso”
nagbabayad sila ng kaukulang buwis, may proyekto silang pinatutpad sa kanilang
mga barangay”
Ano pa kaibigan? "…manalangin tayo palagi sa Allah at hilingin
natin na palaging ituro sa ating ang tamang gagawin at tamang pagmamahal at
bigyan ng gabay sa araw-araw an gating mga mahal sa buhay… “
Mga LGU Upi empleyado naglalgay ng organic fertilizer ang mga punong Ufi na itinanim noong revisit of planted trees program, last 58th Upi Founding anniversary. |
Mahalin mo ang iyong bayan, katulad sa pagmamahal mo sa iyong sarili.
Ok medyo napahaba ang presentasyon natin
buweno Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa
himpapawid, bukas…mas lalo nating
paiigtingin ang mga ibabahagi ko.. sa
ating segment na gabay at talakayang
pampamilya…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka
Alih. Sukran and Wassallam.
Host/Lucy: MARAMING
SALAMAT Kaka Alih, sa magandang ibinahagi mo ngayong umaga, Kaibigan, Kapatid
magsama-sama tayo, magtulaongtulong tayong maqipatupad ang mga batas na umiiral
sa ating bayan, para sa ating kaunlaran.
EXTRO: GABAY AT TALAKAYANG
PAMPAMILYA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento