(July
12, 2013-Biyernes-Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang
Host
ay si Ms. Lucy Duce)
Talong |
LUCY: Mura
at masustansiyang pagkain pa rin ang ibabahagi ni Kaka Alih.. Ang talong o
egglant Talong: may gulay ka na, may gamot ka pa, at gulay na pampalusog at pampalakas din , kaya
kapatid join us at sinisigorado ko na di ka malulugi sa oras mo sa pakikinig,
buweno heto na ang ating segment na…
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang
umaga Good morning Kaka. How are you today?
ALIH: Hahahaha..
Good morning Lucy, magandang umaga sa mga
kapatid na magsasaka, mag-uuma, su manga tali-awid, at sa mga kapatid na
nanampalataya sa Islam, ang mga kapatid na Muslim, asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.
Nasa pangatlong araw na tayo ng Ramadan.. Happy Ramadan sa
Lahat.
LUCY: Ako
din Kaka Alih ay nakikiisa sa mga Kapatid na Muslim, sa mga Nanamplataya sa Islam, ang aking pagbati ng "happy Ramadan Kaka at sa lahat ng mga
kapatid na Muslim".
ALIH: Maraming
salamat Kapatid na Lucy. Ang tanong ni Doc Willie Ong ay: Gusto mo bang maging
malusog at masigla?
Ikaw Lucy gusto mong maging
malusog at masigla?
LUCY: Of course naman
Kaka, papaano ba maging malusog at masigla?
ALIH: Si Doc Willie ang
sasagot sa iyo Lucy: “Simple lang ang
solusyon. Kumain ng 2 tasang prutas at 2 tasang gulay bawat araw.”
At Para magkaroon ng
gulay na fresh, at sigorado kang ligtas sa mapanganib na chemicals, syempre
dapat magtanim ka, kaya heto magbibigay tayo ng mga “pointers” o kaalaman sa pagtatanim
ng talong..
Kilala mo ba itong
talong na sinasabi ko Lucy? Baka ibang talong ang alam mo…(LAUGHING) Ang tawag dito ng Ilocano ay Tarong, Brinhinas sa Bisaya, Daimasu nasu sa Hapon, sa
Iranun ay Tagudtung.
Ang talong ay
pinakamahalaga sa mga Pinoy, of course kasama na diyan ang Bangsamoro, kaya
naman makikita at mabibili mo ang talong
sa lahat ng palengke sa Pilipinas.
Ang talong ay gulay at
ulam, dahil pwede mong i-prito, torta, ginataan, binuro, inihaw,
nilaga, pansahog sa iba pang lutuin.
Ayon sa DOST ito ay
nakakagamot din, kong baga eh medicinal plant. Ito ay Gamot sa diabetes, hika,
cholera at bronchitis, pampagana, pmpababa ng cholesterol.
Madali lamang buhayin
ang talong, lalo sa katulad ng klima at lupa sa Upi.
At ito ay maitatanim anumang buwan at saan mang lugar sa Pilipinas, but gusto nito o mainam na itanim sa mabuhaghag na lupa na hindi tinitiningan o
nag stack ang tubig, o may pH: 5.6-6.5..pwede mo ring itanim sa tinatamaan ng
direct sunlight o medyo may lilim, halimbawa sa lilim ng punong saging, o iba
pang puno, huwag, masyadong mayayabong na puno.
Maraming varieties ang
talong, may bilog na tulad sa itlog, at ito daw ang original na eggplant, dahil
korteng itlog nga (LAUGHING).. mayroon ding mahahaba at malalakiiiiiiiii…never
mind, kong ano ano ang iniisip ninyo..
Kong gusto mo ng mass
production o pangmaramihan dahil gusto mong ikaw ang supplier sa palengke, magpunla
ka sa kamang may isang metro ang lapad ang bumili ng 200-300 gramong buto para
sa isang hektarya.
Reminder lang para iyong
seedbed o kamang punlaan.
·
Tulad ng nasabi ko na maghanda ng kamang may
isang metro ang lapad
·
Iwasan ang lugar ng binabaha
·
Heto pag organic style iaka ngam, haluan ng
binulok na dumi ng hayop o compost at inuling na ipa
·
Diligan ng punlaan at linyahan ng pahalang na
may pagitang 10-15 cm
·
Ibudbud ng madalang ang buto at tabunan ng
manipis na compost
·
Kiliban ng ipa o dayami at muling diligan
·
Bubungan ng plastic o net kung tag-ulan
·
Diligan ng tea manure kung kulang sa sigla ang
seedlings
·
Maglipat mula sa makapal na sibol sa madalang
ang sibol
Ihanda mo na rin ang Lupang Taniman, dahil kanina gusto mo isang
ektarya, kailangan mong araruhin at suyurin ang lupa ang taniman. Dahil kong
mano-mano lang sa isang ektarya, baka namunga na ang kalahati ay nagbubungkal
ka pa sa kalahati (LAUGHING)..
May bago akong nakita na
magandang gayahin kahit sa maliitan lang na pagtatanim ng talong, dapat may balot na plastic mulch ang tanim upang
makabawas sa damo, dilig at mas gumanda ang halaman.
Papaano ang paglalagay
ng Plastic Mulch?
·
Ihanda ang kamang may lapad na isang metro at
anumang haba.
·
Magkahalo ng manure at compost ilatag ang
plastic mulch na may lapad na 1.2 metro.
·
Ang kulay tingga ang sa ibabaw at itim ang
ilalim
·
Ipitin ng lupa ang isang dulo at irolyo ang
plastk patakip sa kama
·
Mas
mainam na mag plastic mulch kung kainitan upang mahapit ito ng husto
·
Butasan ang plastik ng ½ ang pagitan, 2 linya sa
kama
·
Gumamit ng pinainit na lata sa pagbubutas
Sa paglilipat ng Tanim
mula sa punlaan.
1.
Makapaglilipat tanim 4 na lingo pagkapunla
2.
Ang linya o iras ay may pagitang 1-1.2 metro
3.
Diligan bago at makatapos magtanim
4.
Kiliban ng dayami o damo.
Pagkatapos nito huwag
maging pabaya at tamad, kahit konti lang tanim mo, dahil for personal use only.
ü Patubigan
tuwing ika- 7-10 araw o kung kinakailangan.
ü Damuhan
ang puno ngunit magtiran ng damo sa pagitan ng daanan
ü Diligan
ng tea manure (ay natural soil conditioner) minsan isang lingo kung kulang sa
lusog ang halaman
ü Patabaan
ng manure at abo minsan isang buwan
ü Putulin
ang mga sanga at dahon sa ibaba ng unang bunga
Sapag-aani o pagharvest
naman ay anihin ang bunga hanggang bata. Ihiwalay ang may sira sa wala at Hugasan sa
malinis na tubig at patuyuin sa lilim, pero
iwasang mabilad sa
arawan. Mas mainam na lalagyan ang plastic crate na may saping dahon ng saging
o dyaryo. Mas magtatagal kung nakalagay sa malamig na lugar.
Problema ang peste, o
mga mapanirang nilalang sa iyong talong, may mga paran diyan para maiwasan o
maminimize.
Iwasan ang monocropping
iyong bang talong lang, sympre basta talong gusto niya may kasama (LAUGHING), magsalit
tanim ng ibang gulay sa loob at paligid ng talungan, halimbawa ay magtanim
ibang tanim tulad ng sunflower, tanglad o okra sa paligid. Ang ibang style ay
iwasan ang sobrang linis ng taniman,
para doon tumira ang mga leaf hopper.
Para sa karagdagang
kaalaman makipag-unayan sa opisina ng DA,
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
LUCY: Iyan
si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na
ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..
(PLAY EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento